16/06/2026
I always adjust with my mentees.
Kung alam kong magaling na sa SNR and Market Structure, di na kami magtatagal dun. Mas ilalaan ko nalang yung natitirang oras sa ibang bagay na kailangan ko pa maituro. Ang lagi kong commitment sa mentee, susulitin ko yung investment niya sa mentoring.
Willingness to learn is important, but willingness to act on what you learn is critical.
-Kevin Kelly
15/06/2026
[MONDAY MORNING MENTEE'S CHARTING]
Forward Testing + Looking for potential coins to trade.
New Trading Week. New Opportunities 🔥🔥🔥
12/06/2026
"Bakit kapa mag aaral mag chart and trade kung puwede naman mag flip ng coin?"
But seriously, maybe let’s not gamble our hard earned money!
Enjoy the weekend!
12/06/2026
Remember your first day?
Yung puro linya lang nakikita mo.
Nalilito sa candles.
Hindi alam ang difference ng trend at noise.
Hindi alam saan papasok. Hindi alam kailan lalabas.
At kung tutuusin… minsan feeling mo wala kang progress.
Pero sandali.
Ngayon, marunong ka nang magbasa ng structure.
Napapansin mo na yung dati hindi mo nakikita.
Mas kalmado ka na sa volatility.
Mas disciplined kaysa dati.
Mas marami ka nang alam kaysa noong nagsisimula ka.
Minsan kasi sobrang focus natin sa destination kaya nakakalimutan nating sukatin yung distance na nalakbay na natin.
Hindi porket wala ka pa sa desired destination mo, wala ka nang growth.
Progress is not always measured by wins and cashouts.
Minsan sinusukat din ito sa patience, discipline at kung ilang beses kang bumangon pagkatapos matalo.
Pause for a moment.
Hindi ka na yung trader na nagsimula dati.
Keep going. 📈
11/06/2026
Agatchu agatchu.
Mentors tend to see more of our flaws that we sometimes don’t want to face.
That’s often where growth begins.
LFG!
10/06/2026
Maraming gustong pumasok sa trading para kumita.
Pero iilan lang ang pumapasok na handang matuto.
Kapag nag-enroll ka sa school, normal lang na gumastos muna bago magkaroon ng diploma.
Kapag nag-aaral ng musical instrument, normal lang na pumalpak bago tumugtog nang maayos.
Kapag nag-aral ka mag bike, normal lang na sumemplang ka. Part yon ng proseso.
Pero sa trading, bakit gusto natin profit agad?
Wala pang 6 months, gusto income agad?
Tiniis mo nga mag aral ng 6 years sa elementary, 4 years sa college bago ka magkaroon ng opportunity sa trabaho at kumita.
Make sense?
Hindi lahat ng buwan profitable.
May mga buwan na ang kinikita mo ay patience or discipline.
May mga araw na ang ROI mo ay awareness.
May mga linggo na ang reward mo ay hindi pera kundi mas kaunting mali.
Less FOMO trades. Less Revenge trades. Less Overtrading.
Tanungin mo sarili mo:
Handa ka bang mag-aral kahit walang validation?
Handa ka bang mabuild ng process bago maghabol ng payout?
Handa ka bang maging beginner nang mas matagal kaysa gusto ng ego mo?
Dahil sa trading, hindi laging nauuna ang EARNINGS.
Minsan… LEARNING muna bago EARNINGS.
At ang mga hindi sumusuko sa proseso, sila madalas ang tumatagal.
09/06/2026
Sabi ko nga, "tropa tropa lang tayo but the respect is there."
See you next session! LFG brad!
08/06/2026
ANO BIAS NIYO SA TODAY?
THIS WEEK?
THIS MONTH?
BABABA? OR BABA-BOUNCE?
HAVE A PRODUCTIVE WEEK AHEAD 🔥🔥🔥