19/06/2026
π’ PARENTS ADVISORY π’
Upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at higit sa lahat ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa loob ng paaralan, hinihiling po namin ang inyong buong pakikiisa sa sumusunod na alituntunin:
β
Ihatid at sunduin ang mga anak sa gate lamang
β
Pagkatapos ihatid, umuwi muna at bumalik na lamang sa oras ng uwian
β
Maghintay sa labas ng gate kung susundo
β
Ibigay ang anumang ipapadala sa guard sa gate
β
Siguraduhing maayos at angkop ang kasuotan kapag pumupunta sa paaralan
π Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta!
18/06/2026
π« SCHOOL READINESS MONITORING 2026
π Isang malaking pagbati sa buong pamilya ng Balanti Elementary School Unit 1 sa matagumpay na School Readiness Monitoring!
π€ Ang tagumpay na ito ay bunga ng tulong-tulong at dedikasyon ng ating mga g**o, staff, magulang, at mga partners sa edukasyon. Dahil sa inyo, masisig**o nating handa at ligtas ang ating paaralan para sa pagbabalik-eskwela ng mga batang BESU1! β¨
β€οΈ Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta para sa dekalidad at ligtas na edukasyon ng ating masisipag na mag-aaral.
π Monitoring Team:
π¨βπΌ Dr. Van Russel Robles β Public Schools District Supervisor
π Percival Halili β Education Program Supervisor in Mathematics
π Analiza Soriano β SEPS, Planning and Research
π¦· Dr. Analiza Rinoza β Division Dentist
π©Ί Nurse Aimee Veliyusa
π Sama-sama tayo para sa mas mahusay na paglilingkod sa ating mga mag-aaral!
π― School Ready!
π΅π Para sa Bata, Para sa Bayan! π§π»π¦π»
18/06/2026
π’ KAHANDAAN SA ORAS NG KALAMIDAD! π¨π·π§―βοΈ
Nakiisa ang buong komunidad ng DepEd Balanti Elementary School Unit 1 sa isinagawang 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Layunin ng gawaing ito na sanayin, ihanda, at itatak sa isipan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ang tamang hakbang at mabilis na pagtugon sa oras ng lindol.
Laging tandaan ang panuntunang "Duck, Cover, and Hold" dahil ang may alam ay ligtas! π‘οΈπ«
15/06/2026
Maraming salamat sa SOGO Cainta Branch! β€οΈπβοΈ
Taos-pusong pasasalamat po sa inyong mabuting puso at mapagkalingang donasyon para sa aming mga mag-aaral ng Kinder at Grade 1. Ang inyong ibinigay na school supplies at safety hats ay malaking tulong upang maging mas handa, ligtas, at masaya ang kanilang pag-aaral.
Ang inyong kabutihan ay nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa aming munting paaralan at mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa SOGO Cainta Branch sa inyong suporta at pagmamalasakit! π
β DepEd Balanti Elementary School Unit 1
07/06/2026
ππ WELCOME BACK TO OUR SCHOOL ππ
Handa na ba kayo bukas ? BESU1 Learners?
Masigla nating tinatanggap ang lahat ng mag-aaral para sa Pagbubukas ng Klase sa Taong Panuruan 2026β2027 sa Hunyo 8, 2026 (Lunes).
π΅π Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral na dumating bago mag-6:00 ng umaga upang makilahok sa ating Seremonya ng Pagpapataas ng Watawat (Flag Raising Ceremony) at sa ating pambungad na programa.
β¨ Simulan natin ang taong panuruan na may sigla, disiplina, at dedikasyon sa pagkatuto at kahusayan.
π
Petsa: Hunyo 8, 2026
β° Oras ng Pagdating: Bago mag-6:00 AM
π Lugar: Covered court ng paaralan
Kita-kita tayong lahat sa pagsisimula ng panibagong taon ng paglago, kaalaman, at tagumpay! ππ
03/06/2026
Magandang araw po! π£β¨
πInaanyayahan po namin kayo sa ating taunang Parents' Orientation bukas, Hunyo 5, 2026, sa ganap na 8:00 ng umaga sa Balanti Elementary School - Unit I.
Pag-uusapan po natin dito ang mga patakaran ng paaralan at mga programa para sa pag-aaral ng inyong mga anak. Hinihikayat po namin na may makadalong kahit isang magulang o guardian bawat pamilya.
Maraming salamat po sa inyong suporta! β¨ππ«Ά
03/06/2026
π’ WELCOME SA ATING BAGONG OPISYAL NA FACEBOOK PAGE!
Isang pagbati sa buong komunidad ng Balanti ES Unit 1!
Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026, opisyal na po nating inililipat ang ating komunikasyon sa bago at mas madaling makilalang page:
β Dating Page: DepEd Tayo Blue Rizal Balanti Elementary School
β
Bagong Opisyal na Page: DepEd Balanti Elementary School Unit I - Cainta
I-Like at i-Share ang page na ito para sa mga opisyal na anunsyo, aktibidad, at ulat mula sa ating paaralan. Maraming salamat po sa inyong suporta! π
https://www.facebook.com/share/17QZk2UBeS/?mibextid=wwXIfr
03/06/2026
β¨ MARAMING SALAMAT PO SA DONASYON! | BALANTI ELEMENTARY SCHOOL UNIT 1β¨
Lubos ang ating pasasalamat sa mga natanggap nating school supplies, cleaning materials, at learning resources! Malaking tulong po ito upang mapanatiling malinis, ligtas, at handa ang ating paaralan para sa mga mag-aaral at g**o. ππ§Ήπ
Walang-hanggang pasasalamat sa Cainta LGU, lalo na kay Mayor Kit Nieto, sa inyong walang-sawang suporta at pagmamahal sa ating komunidad! π«Ά
Ang inyong kabutihan ang nagbibigay-lakas sa Balanti ES Unit 1 na magpatuloy para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Mabuhay po kayo! β¨π«Άπ