PMA Aspirants

PMA Aspirants

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PMA Aspirants, Baguio City.

30/05/2025
22/05/2025

“Pang-Apat na Beses Ko Na 'To”

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong ng mga kaibigan ko:
“Hindi ka pa ba sumusuko?”
Apat na beses na akong bumagsak sa PMA Entrance Exam.

Una, nasaktan ako.
Pangalawa, nagalit ako sa sarili ko.
Pangatlo, muntik na akong sumuko.
Pero sa pang-apat, sinabi ko: “Bahala na. Habang pasok pa ako sa age requirements. Basta ibibigay ko lahat.”

Hindi ako matalino. Hindi rin ako athletic. Pero meron akong isang bagay: hindi ako marunong sumuko.
Habang ang iba nakapasa agad, ako, kailangan kong ulit-ulitin. Habang sila nakapasok na, ako nag-aaral pa rin para sa exam.
Masakit. Nakaka-inggit. Nakakapagod.

Pero nung pang-apat na try ko, ibang kaba na ‘to. I was no longer scared of failing, I was just focused.
At nung dumating ang email...
“PASSED.”

Napatigil ako. Tumulo lang bigla luha ko. Lahat ng taon ng paghihintay, ng pagsubok, ng pangungutya, lahat, sulit.

Ngayon, kadete na ako.
At kung meron mang natutunan ako, ito yun:
Minsan, kailangan mong mabigo ng paulit-ulit para makamit ang tagumpay na hindi basta-basta nawawala.

Kaya sa lahat ng mga bumagsak na, nasaktan, nadismaya:
Try again. You are never too late, and never too weak. -Anonymous

20/05/2025

Ang Gwardya at ang Pangarap

Wala sa plano ang PMA. Actually, security guard ako sa isang planta sa Cagayan de Oro. Night shift ako, tapos umuuwi ako ng umaga para magpahinga. Pero sa mga oras ng break, lagi kong tinitingnan yung mga videos sa YouTube tungkol sa PMA, mga cadet, training, buhay nila sa loob. Ewan ko, pero parang may spark.

Isang araw, tinanong ako ng isa kong ka-duty, “Bakit hindi ka mag-apply? Bata ka pa naman.”
Sabi ko, “Wala naman akong kakilala sa loob. At saka hindi ako honor student.”
Pero hindi rin ako mapakali. Parang gusto kong subukan.

Wala akong masyadong gamit, isang lumang phone, at hindi rin stable ang internet sa boarding house. Pero isang gabi, nag-fill out ako ng application form online. Kinabahan ako kasi baka mag-error, baka di ma-submit. Pero nung natanggap ko yung confirmation, grabe... parang may pag-asa.

Walang review center. Wala ring tutor. Ang ginawa ko, nag-print ako ng reviewers na nakita ko online, at tuwing walang tao sa guardhouse, nagbabasa ako. Pinagsasabay ko ang trabaho at review. Kapag may oras, tumatakbo ako sa umaga bago matulog.

Dumating ang araw ng exam. Wala akong kasamang kakilala. Sa totoo lang, naiilang ako kasi karamihan sa mga nandoon mukhang galing pa sa magandang school. Pero hindi ako nagpatalo sa kaba.

Paglabas ko ng exam room, hindi ko alam kung pasado ako. Pero ipinagdasal ko na lang.
Hanggang dumating yung resulta… PASADO.

Umiyak ako nung nabasa ko. Kasi ang iniisip ko lang noon, “Baka ito na yung bagong simula ko. Baka ito na yung daan para mabago buhay ko at ng pamilya ko.”

Ngayon nasa look na ako ng academy, pagbubutihin ko, alam ko na kahit saan man ito humantong, isa lang ang sigurado: hindi mo kailangang galing ka sa magarbong buhay para mangarap. Kahit gwardya ka, kahit wala kang koneksyon, basta may determinasyon ka—may pag-asa ka.

08/05/2025

Hindi daw ako matalino para magPMA...........

Hindi ka para diyan.’
Yan ang laging sinasabi sa’kin.
Wala raw akong pag-asa magPMA
mahina ako sa math, payat, at hindi athletic.
Pero hindi nila alam,
hindi lang lakas at talino ang puhunan dito...
kundi puso at determinasyon

Tahimik lang akong estudyante noon.
Walang honors, walang medal.
Pero may pangarap ako,
maging bahagi ng iilang tumindig para sa bayan.
Isang araw, nabasa ko yung PMA online application sa Facebook
Kinabahan ako.
Parang may boses sa loob ko na nagsabing, 'Subukan mo kaya'

Sinubukan ko kahit takot ako.
Araw-araw akong nag-review
kahit hindi ko maintindihan agad.
Paulit-ulit.
Kahit pagod na.
Kasi gusto ko patunayan,
kahit hindi ako ang pinakamatalino,
may laban pa rin ako.

Noong araw ng exam, halos manginig ako.
Pero pinikit ko ang mata ko at inalala lahat ng sakripisyo ko.
Lumaban ako.
At nung dumating ang resulta... PASADO.
Hindi ako makapaniwala.
Hindi ko napigilan umiyak.

Ngayon, andito na ako sa PMA.
Hindi ako pinaka-matalino,
pero ako yung hindi sumuko.

Kaya kung ikaw ay may pangarap,
pero ang daming nagsasabing hindi mo kaya...
tahimik mong patunayan sa kanila.
Hindi mo kailangang malakas o matalino agad.
Basta may puso ka, may pag-asa ka.
-Anonymous

07/05/2025

Hindi ko pinangarap magPMA nung bata ako....

Wala akong idea kung anong itinuturo sa PMA.
Wala akong family background sa military.
Pero isang araw, habang nag-aaral ako sa kwarto, may isang thought na pumasok sa isip ko:
‘Gusto ko maging officer sa Army, gusto ko magsilbi sa bayan.’
Parang may tinig na nagsabi sa akin na ‘ito ang tamang landas’.
Pero to be honest, natatakot ako.
Paano kung hindi ko kaya?
Paano kung hindi ako pumasa?’

Sinubukan ko pa rin.
Nag-apply ako.
Hindi ko iniisip na magiging madali, pero hindi ko rin inisip na magiging ganito kahirap.
Hindi ko makalimutan yung araw ng PMA Entrance Exam.
Ang dami kong tanong sa sarili ko:
‘Sana makapasa ako.
Sana makaya ko ito.’
Pero ang mas malakas na nararamdaman ko noon ay ang kaba at excitement
na parang may tinatahak akong landas na hindi ko pa alam kung anong mangyayari.

Nung nakuha ko ang exam permit, parang ang bigat sa dibdib.
Pero naniwala ako sa kakayahan ko,
Nanalangin at nag review ako.
Hanggang sa nakapasa ako sa entrance exam.
Dumating ang medical exam,
Mahirap kasi madaraming kailangan ipaayos lalo są ngipin.
Nalagpasan ko.
At nung kabilang na ako sa final list, parang hindi ko maipaliwanag ang saya.
Tumutulo nalang ang mga luha ko.
Alam kong hindi pa ito ang pinakamahirap na parte,
pero it felt like the first victory.

Pagpasok ko sa PMA, hindi ko inakala kung gaano kalupit ang training.
Minsan gusto ko nang sumuko,
minsan gusto ko nang mag-give up,
pero tuwing titignan ko yung mga kasama ko,
naiisip ko na hindi ako nag-iisa.
Lahat kami dumaan sa hirap para matupad ang pangarap na ito.
Ang bawat paghihirap at sakripisyo ay may dahilan.

Ngayon, nandito ako, isang PMA cadet.
Hindi pa tapos ang laban, pero ang bawat pagod,
ang bawat luha, ay worth it.
At sa lahat ng mga aspirants dyan, gusto ko lang sabihin:
Huwag kayong matakot sa mga pagsubok.
May mga araw na mahirap,
pero ‘yung mga araw na yun ang magtutulak sa inyo
para maging mas matatag.
Kung kaya ko, kaya niyo din.
-Anonymous

06/05/2025

"Bumagsak Ako, Pero Hindi Ako Sumuko"

First try ko mag-apply sa PMA, bagsak agad sa entrance exam.
Ang sakit.
Para akong pinagsarhan ng langit.
Sa totoo lang, gusto ko na sanang sumuko noon.
Lahat ng effort ko, parang nasayang.
Habang pinapanood ko yung mga nakapasa, naiinggit ako, pero mas nangingibabaw yung tanong sa isip ko: ‘Hanggang dito na lang ba ako?’

Pero alam mo, may isang gabi na umiiyak ako sa kwarto, kinausap ko si Lord.
Sabi ko, ‘Kung para sa akin talaga ito, bigyan Mo ko ng lakas na subukan ulit.’
At ayun, hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang, pero nag-review ulit ako, nagdasal, at pinilit kong bumangon mula sa pagkatalo.

Second try! kaba, takot, pero mas handa na ako.
At nung narelease yung resulta... PASADO NA AKO.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako, tatawa, o sisigaw.
Basta ang alam ko, sa puso ko, ito ang simula ng bagong laban.

Pagpasok ko sa PMA, doon ko lang naintindihan kung bakit kailangan kong bumagsak sa una.
Kasi doon ko natutunan ang tunay na kahulugan ng tapang, hindi lang sa pakikipaglaban, kundi sa muling pagbangon.

Kaya kung ikaw, aspiring cadet, ay natatakot mabigo, tandaan mo ito: minsan kailangan nating matalo para matutong lumaban nang mas buo ang loob. Hindi sukatan ang talino o lakas, kundi ang tibay ng puso. Tuloy lang. Malay mo, next year, ikaw na ang kukuwento ng tagumpay mo. -Anonymous 😊

Want your school to be the top-listed School/college in Baguio City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Culinary Team

Attire

Website

Address

Baguio City