10/06/2021
Samahan niyo kami bukas...
9:00 ng umaga via FB Live.
Sa isang Sampaksaan na pinamagatang "Flag and Heraldic Code of the Philippines".
Bilang pampinid na programa ng AP Department ng GMATHS sa Pagdiriwang ng National Flag Days at Ika 123 Taon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Lilinawin natin ang mga sumusunod.
1. Ano ang Deped Order No. 50 s. 2015 na nagsasabing dapat mauna ang Lupang Hinirang sa Interfaith Prayer kapag may palatuntunan sa paaralan.
2. Labag ba sa batas ang pagbirit o pag-iiba ng tono sa Lupang Hinirang kapag inaawit ito? Ano ang mga kaparusahan?
3. Bakit kailangang sunugin ang watawat kapag may punit na?
4. May kaparusahan ba ang mga establisiyemento na nagsasabit ng sirang watawat?
At marami pang iba. .
Pwede ka ding magtanong. .Tara na bukas
Aasahan namin kayo.
28/05/2021
Magandang umaga!
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa pagsubaybay sa ating gawain ngayong umaga tungkol sa "Ang Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas".
Narito po ang ating evaluation link:
EVALUATION FORM
Please submit your feedback regarding the activity you have just completed, including feedback on activity structure, content, and speaker.
24/05/2021
Magandang buhay!
Ang paaralan ng GMATHS sa pangunguna ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao ay malugod na inaanyayahan ang bawat isa na makilahok sa ika-123 taong paggunita sa Proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Alinsunod nito, ang aming paaralan ay buong pusong ipinagmamalaki ang serye ng aming aktibidad sa nalalapit na Pambansang Pagdiriwang ng "Flag Day".
Muli po ay magdaraos kami ng Sampaksaan sa Mayo 28, 2021 na may paksang: "Ebolusyon at Kasaysayan ng Watawat ng Pilipinas" at "Flag and Heraldic Code of the Philippines" sa darating na Hunyo 11, 2021, 9:00 ng umaga via Facebook Live.
Mula naman Mayo 31 hanggang Hunyo 11, 2021 ay may mapapanood kayong video-recorded narration ng mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na pinamagatang "Road to Independence, Mga Kwentong May Saysay Serye" ng pili at mahuhusay naming mga g**o sa Araling Panlipunan.
Isa itong pagsuporta ng aming Kagawaran upang mapaigting ang pagmamahal sa nasyonalismo at kasaysayan ng aming mga mag-aaral.
Naniniwala kami na palaging kaugnay pa rin ang hibla ng ating kasaysayan kahit ano pang level ang ating tinuturuan.
Halina at samahan niyo kami sa aming inihandang pagdiriwang at paggunita!
30/04/2021
Magandang tanghali po..
Ito po ang ating Evaluation form patungkol po sa ating symposium ngayong araw. Maraming salamat.
EVALUATION FORM
Please submit your feedback regarding the activity you have just completed, including feedback on activity structure, content, and speaker.