UP Manila CPH Student Council

UP Manila CPH Student Council

Share

Welcome to the official page of the College of Public Health Student Council from UP Manila

Photos from CPH College Electoral Board's post 13/06/2026
12/06/2026

Nakikiisa ang CPHSC sa Paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong ika-12 ng Hunyo.

‎Ilang dekada man ang lumipas simula ng tawaging malaya ang Pilipinas, patuloy pa rin tayong nasa ilalim ng impluwensiya ng Estados Unidos. Malaya man sa papeles, ibang kwento naman ang nilalahad ng sandamakmak na US bases sa Pilipinas at Balikatan Exercises. Kasama na rin dito ang mga polisiyang ekonomiya na huwad na pumapabor sa US dala ng malayang kalakalan.

‎Hindi interes ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng military exercises sa bansa kung saan napipilitan tumigil sa pamumuhay ang ilan nating kababayan. Isang halimbawa na lang nito ay sa komunidad ng Zambales kung saan pinagbawalan ang pangingisda dahil sa Balikatan. Naiipit ang Pilipinas sa laban ng mga imperyalistang bayan, at ang mamamayang Pilipino ang nagdurusa.

‎Maliban sa US, kailangan din nating ipaglaban ang ating mga karagatan mula sa Tsina. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin sila sa pang-aalipusta ng ating mga kababayang mangingisda. Naghihikahos din ang ating kapaligiran dahil sa pagkalason nila sa karagatan at pagtatayo ng mga artipisyal na isla.

‎Ngayong Araw ng Kalayaan, nawa'y maalala natin ang pinaglalaban natin: isang tunay na Kalayaan mula sa mga imperyalistang bayan.

‎US-China, Layas!
Nakikiisa ang CPHSC sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong ika-12 ng Hunyo.

Photos from UP Manila CPH Student Council's post 16/05/2026

Mariing kinokondena ng College of Public Health Students (CPHSC) ang pamumulitika ng Senado sa mga nagdaang araw. Kitang-kita ng mamayang Pilipino ang prayoridad ng mga Senador mula sa kasalukuyang Senate Majority: ang kanilang mga sari-sarili.

Sa halip na pagtuonan ng pansin ang mga problema ng mga mamamayang Pilipino, inuna nila ang pansariling interes. Nang mangyari ang pagpapalit ng Senate President, handang magsalita ang mga magsasaka para mabahagi ang kanilang lived experiences sa mga paghihirap na kanilang pinagdadaanan. Ngunit, naantala ang kanilang pandinig dahil sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Ang mga aksyon na ito ay para lang maprotektahan ang kanilang kasamahan na Si Sen. Bato Dela Rosa, isa sa mga pasimuno ng madugong war on drugs noong panahon ni Duterte. Isa si Sen. Bato sa mga nagpahirap sa mga mamamayang Pilipino, lalo na sa mga maralita na inalipusta niya para lang masabing isang sakses ang war on drugs.

Nanawagan ang CPHSC sa kagyat na pag-aresto ni Sen. Bato dela Rosa upang malitiis sa ICC. Kitang-kita naman na walang hustisya para sa mga biktima kung sa Pilipinas magaganap ang pagdinig. Daan-daang mga biktima ang hindi nabigyan ng tamang due process sa panahon niya, ngunit ang due process na ito ang siyang hinihingi niya para sa Warrant of Arrest ng ICC. Hindi angat sa batas ang mga mambabatas kaya dapat patas na panghahatol ang ipapataw dito.

Bilang mga estudyante ng pampublikong kalusugan, kinakailangan nating mapresyur ang mga nasa gobyerno para maalala na ang kanilang serbisyo ay para sa mamamayang Pilipino, at hindi para sa ilang naghahariang uri lamang. Habang hindi tinutuonan ng pansin ang mga socioeconomic factors na nakakaapekto ng kalusugan, hindi natin makakamtan ang layuning pangkalusugan ng bansa.


Photos from UP Manila CPH Student Council's post 08/05/2026

Dyip Dyip HOOORAYYYY 🥳🥳🥳

The College of Public Health Student Council (CPHSC), in collaboration with the UP Manila CPH Public Service Coordination Committee, conducted a successful donation drive for jeepney drivers on May 2 at Agoncillo St., Pedro Gil.

A total of 41 packages were distributed to drivers for the event. Afterwards, study circles between volunteers and drivers were conducted to hear about the lived experiences of jeepney drivers during the energy crisis.

We would like to thank all of the donors and volunteers who made all of these possible.

Want to read on the full activity report? Access it through the link below
https://l1nk.dev/s186zno
https://l1nk.dev/s186zno
https://l1nk.dev/s186zno


05/05/2026

#1 Polluter whomst❗️❓❗️❓

Did you know that 🧐 military emissions remain one of the highest producers of carbon emissions 😧despite being one of the least reported 🤯?

From Palestine to Iran Ukraine, here are some quick facts on the effects of imperialism on our environment 🌲🎄🌿.


Photos from UP Manila CPH Student Council's post 24/04/2026

Mariing kinukondena ng College of Public Health Student Counci (CPHSC) ang pagpaslang kay Alyssa Alano, ang kasalukuyang Education and Research Councilor ng UP Diliman University Student Council, ng 79th Infantry Battalion sa pagsalakay nila sa Taboso, Negros Occidental. Nagresulta rin ito sa sapilitang paglikas ng mahigit 68 pamilya at 653 na indibidwal mula sa kanilang mga tahanan.

Ang Negros ay isa sa mga lugar na nasa ilalim ng madugong militarisasyon at pang-aalipusta ng militar, na siyang pinaigting ng Memorandum Order 32 na pinapatupad diumano para ma-”suppress and prevent lawless violence”. Ngunit, ang katotohanan ay isa lamang itong pruweba ng pagsuporta ng gobyerno sa pagkamkam ng lupain ng mga panginoong may lupa sa Negros.

Buong lakas naming kinokondena ang mga diskusyong namamahiya at nagbibintang sa biktima, isang malinaw na uri ng harassment at redtagging lalo na ang mga minaling impormasyon o malinformation na pinakakalat ng iba’t ibang grupo tungkol kay Alyssa na siya di umano ay isang armed combatant. Ang mga kasinungalingan na ito, na ginagatungan ng AFP at at NTF-ELCAC, ay kasama sa taktika nilang pananakot sa mga lider-estudyante ang mga aktibista. Marami nang buhay ang kinitil ng gobyernong manunupil, ihalimbawa na natin ang pinaslang na si Dr. Bobby dela Paz, Leonard Co, at Chad Booc.

Bilang mga iskolar ng bayan, dumadaloy sa ating dugo ang pagnanais na matuto at magbigay serbisyo sa loob o labas man ito ng paaralan. Pinili ni Alyssa na lumubog sa komunidad at alamin ang ‘lived realities’ ng mga mamamayan ng Negros. Pinagsilbihan niya ang mga sapilitang binabaon sa lupa ng mga pasistang pwersa. Pinatay siya habang ibinabahagi niya ang dangal, husay, at serbisyo sa mga mamamayang halos kalimutan nang kalingain ng pamahalaan.

Sama-sama nating tutulan ang pasismo at imperyalismo. Tulad ng tapang at talino na ipinamalas ni Alyssa, manatili tayong militante sa pagdedemanda ng hustisya para sa mga naapektuhan ng mga berdguong AFP, at ng rehimeng Marcos-Duterte. Kailanman ay hindi masisiil ang diwa ng serbisyo ng mga iskolar ng bayan!

Hustisya para kay Alyssa!
Hands Off Negros!

23/04/2026

SuPHer init na 🥵! Cool off ba kamo🥶? Tara sumama sa busking🫶!

Beat the heat by listening to your favorite cool tunes 🎤🎤sung by your fellow CPH Scholars 🥰. This busking also comes with a cause ✊! All donations will go to our chosen committee .

Kaya ano na, Tara na!


Photos from UP Manila University Student Council's post 23/04/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Ermita?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

625 Pedro Gil Street Ermita
Ermita
1000