25/04/2026
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐!
The League of Student Organizations is now officially opening the Filing of Candidacy for the upcoming ๐๐ฆ๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ ๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ผ ๐ ๐ฎ๐ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
All interested applicants are encouraged to submit their requirements within the given period. Step forward, take the lead, and be part of meaningful change in our organization.
In accordance with ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฒ: ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฆ๐ข ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐๐ต๐ฒ ๐ฐ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐๐ต๐ฎ๐น๐น ๐๐๐ฏ๐บ๐ถ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ณ๐ผ๐น๐น๐ผ๐๐ถ๐ป๐ด:
a. Interested ACSO Presidents shall submit a Certificate of Candidacy (COC) to the Electoral Board a day prior to the scheduled day of Election, using the template provided by the Electoral Board.
b. All candidates that submitted their own Certificate of Candidacy will be regarded as self-nominated.
c. Requirements of the candidates must include the following:
i. Comprehensive Resume
ii. Latest Certificate of Registration
iii. Rating Slip Last Semester
iv. Good Moral issued by the Office of Student Affairs
please take note, hard copy will be submitted to the USG Office. Kindly look for Mr. CJ Ken Lara, Deputy Head, League of Student Organizations
๐ฆ๐ผ๐ณ๐ ๐ฐ๐ผ๐ฝ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฟ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ ๐๐ต๐ฒ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ง๐จ๐ฃ ๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฆ๐ข ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐น๐๐ผ๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ@๐๐๐ฝ.๐ฒ๐ฑ๐.๐ฝ๐ต.
๐ฆ๐๐ฏ๐บ๐ถ๐ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ฟ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ป๐ผ๐!
For further inquiries, you may message our official page or directly contact Mr. CJ Ken Lara.
17/04/2026
๐๐ฆ๐ข ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Kung may mga tinig na pilit pinapahina,
lalo natin itong palalakasin.
Kung may mga espasyong pilit kinikitid,
lalo natin itong palalawakin.
๐๐ฎ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ. ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ. ๐๐๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง. โ๐ฅ
____________________________________________
Pubmat by: Jack Lloyd De Guzman
18/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Mainit na pagpupugay sa bawat estudyante, g**o, at kawani ng ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ na buong tapang na lumabas sa mga silid-aralan upang lumahok sa pambansang walkout laban sa korapsyon! sa bawat hakbang ninyo sa lansangan, umalingawngaw ang tinig ng sambayanang sawang-sawa na sa bulok na sistemang patuloy na nagpapahirap sa taumbayan
Ang presensya sa lansangan ay hindi lamang simpleng paglahok, ito ay patunay ng buhay at nag-aalab na diwa ng kabataang TUPian na handang manindigan, makibaka, at maglingkod sa bayan.
Sa panahong ang katotohanan ay binabaluktot at ang yaman ng bayan ay nilalapastangan ng iilan, naninindigan ang mga kabataan ng TUP na hindi kailanman mananahimik ang pinagsasamantalahan at sinisiil.
Ang panawagan ay hindi lang para sa isang araw ng pagkilos, kundi para sa tuloy-tuloy na pag-oorganisa, pag-aaral, at pagpakilos ng masa. TUPIANS, ang ating pagkilos ay hindi nagtatapos sa pagmartsa, ito ay simula ng mas matibay na pagkakaisa, mas matalim na kamulatan, at mas militanteng pagkilos ng kabataan. Huwag nating hayaang manatiling simbolo lamang ang ating mga plakard; gawin natin itong sandata ng patuloy na paglaban para sa sistemang tunay na makatao, makabayan, at demokratiko.
Ang sigaw sa lansangan ay dapat maging ugong ng pagbabago sa loob ng ating mga paaralan, sa mga komunidad, at sa bawat puso ng kabataan.
Ngayon, higit kailanman, kailangan ng bansa ang kabataang hindi takot magtanong, hindi takot magsalita, at higit sa lahat, hindi takot lumaban. Hindi kami papayag na maging produkto lamang ng isang sistemang korap at mapaniil.
Mabuhay ang kabataang Pilipinong magmamana ng bayan!
17/10/2025
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ , ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ, '๐๐ข ๐ฉ๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ข๐ฅ ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ค๐๐ง๐ข๐ง๐จ
๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐ป๐ผ๐ท!
Ang TUP Against Corruption (TUPAC) ay isang pang-unibersidad na grupong adbokasiya na isinusulong ang transparency (kalinawan), accountability (pananagutan), at integrity (katapatan) sa bansa. Ito ay binuo ng mga estudyante, g**o, at non-academic staff ng paaralan. Ang TUPAC ay isang alyansang naninindigan laban sa malawakang katiwalian sa bansa, partikular na ang korapsyon sa mga proyektong may kinalaman sa flood control projects.
Matatandaang sa National Capital Region (NCR) ang Maynila ang may pinakamalaking bilang ng Flood Control. Suma total ay mayroon itong 215 FCPs na nagkakahalagang P14.5 billion. Katumbas ito ng lampas sampu (10) kabuuang budget ng TUP system upang mapagana ang buong taon mula sa budget nitong P1.4 billion ngayong taon. Ang budget lamang ng Maynila ay kaya nang makapag-pagana ng lampas sampung (10) TUP system sa isang buong taon.
Ito ay kasabay ng report ng Independent Commission for Infrastructure kung saan lampas 400+ ng Flood Control Projects ay "ghost projects".
Nababahala ang komunidad ng TUP sa ganitong eskema ng pamamahala ng pondo ng taumbayan. Habang bilyong pondo ang ninanakaw sa bulsa ng mamamayan, bilyong pondo rin ang nawawala na sana ay nakalaan para sa pampublikong serbisyong makikinabang ang komunidad ng TUP.
Tuwing bumaha dulot ng korapsyon, ang mga g**o, estudyante, administrador, at non-academic staff ang pangunahing sumasalo sa klaseng ipipillit o ikakansela. Libong estudyante ang hindi nakakapasok, daang g**o ang hindi nakakapag-turo. Ang pondong nawawala, sa kabilang banda, ay malaking bilang na ng gusali, pasilidad, na maaaring pakinabangan ng komunidad ng TUP.
Nasa buong populasyon ng TUP ang lahat ng dahilan at kondisyon upang makisangkot sa laban ng mamamayan. Sa pakikisangkot sa laban hinggil sa korapsyon, ang tanging mawawala sa mga Haligi ng Bayan ay tanging kinabukasan nitong nakasalalay sa pondong ipinunla para sa kinabukasan--kinabukasang ninanakaw ng iilan.
Ipinapanawagan ng TUPAC sa lahat ng kapwa g**o, estudyante, administrador, non-teaching staff, organisasyon, konseho't publikasyon, na makiisa sa gaganaping National Day of Walkout sa biyernes, ika-17 ng Oktubre. Kaisa ang komunidad ng TUP sa mga pamantasan sa Taft, University Belt, Intramuros, at magkaiba pang panig ng NCR sa paglabas ng pamantasan upang tindigan ang laban ng mamamayan; para sa tao't bayang laban sa katiwalian.
Haligi ng Bayan, magkaisa! Lumabas ng apat na sulok ng pamantasan, gunitain ang laban ng mamamayan!
โโ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ช๐๐๐๐ข๐จ๐งโโ
October 17, 2025 | 11:30 AM
Sumali sa aming coordinating GC: https://m.me/j/AbZvSE2Xz3xHlN_D/
28/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mariing kinokondena ng League of Student Organizations (LSO) โ TUP Manila ang isinagawang โNational Security Seminarโ sa loob ng unibersidad na pinangunahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pakikipagtulungan ng NSTP Department. Sa naturang programa, nagtalumpati ang mga kinatawan ng militar at mga diumanoโy โdating rebeldeโ na nag-uugnay ng mga progresibong organisasyon ng estudyante sa terorismo.
Bilang mga organisasyong nagsisilbing tunay na plataporma ng partisipasyon at pamumuno ng mga mag-aaral, naniniwala kami na ang ganitong aktibidad ay tahasang pumipinsala sa papel ng mga student organization sa pagtataguyod ng demokratikong espasyo sa unibersidad. Sa halip na tugunan ang matagal nang problema ng mga estudyanteโtulad ng kakulangan ng silid-aralan at pasilidad, mataas na bayarin, at mga mapanupil na patakaranโinuubos ang oras at pondo sa pagpapakalat ng takot at pagpapatahimik sa aktibong partisipasyon ng kabataan.
Hindi rin ito hiwalay na pangyayari. Sa ibaโt ibang pamantasan, isinagawa na rin ang mga katulad na forum na naglalarawan sa aktibismo bilang banta, imbes na kilalanin ito bilang makatuwirang paggamit ng karapatan ng mga estudyante. Lumikha ito ng kultura ng pangamba na naglalayong hadlangan ang sama-samang pagkilos ng kabataan.
Mahalaga ang mga student organization bilang katuwang ng pamantasan sa pagbibigay-serbisyo, pagpapalakas ng boses ng mag-aaral, at pagtataguyod ng makabuluhang partisipasyon. Ang pagsupil sa kanila sa pamamagitan ng red-tagging at pananakot ay hindi nakatutulong sa edukasyonโbagkus, pinahihina nito ang demokratikong kalagayan sa loob ng unibersidad.
Nanawagan ang League of Student Organizations sa administrasyon ng TUP na ituon ang atensyon sa mga kongkretong isyu ng mag-aaral sa halip na magbigay-daan sa mga programang nakabatay sa takot. Hinihikayat din namin ang lahat ng estudyante at mga organisasyon na manatiling mapagbantay at patuloy na makiisa sa mga organisasyong nagsisilbing tinig ng kanilang sektor.
28/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Wakasan ang Pasismo! Singilin ang Mapanupil na Estado!
Mariing kinokondena ng League of Student Organizations ang iligal at arbitraryong pag-aresto ng dalawang estudyante na wala namang ginawang kasalanan kundi ang masaksihan ang nagaganap na protesta. Sa halip na protektahan ang mamamayan, muling ipinakita ng kapulisan ang kanilang tunay na kulay, tagapagtanggol ng interes ng mga nasa kapangyarihan, at tagasupil sa karapatan ng taumbayan.
Hindi na bago ang ganitong mga insidente. Sa bawat protesta, kilos-daluyong, at pagtitipon ng bayan, laging naroroon ang kapulisan upang supilin ang malayang pagpapahayag, at hindi upang ipagtanggol ang karapatan ng taumbayan. Pinapatunayan nito na ang kapulisan ay hindi neutral na institusyon, kundi tagapagtanggol ng bulok na sistemang pinapakinabangan lamang ng iilan habang patuloy na pinahihirapan ang nakararami.
Habang ang kabataan at mamamayan ay humihingi ng edukasyon, trabaho, lupa, at makatarungang lipunan, ang sagot ng estado ay batuta, barikada, at kulungan. Habang ang taumbayan ay sumisigaw ng hustisya laban sa kahirapan, kawalan ng lupa, mababang pasahod, at kasakiman ng mga nasa kapangyarihan, ang sagot ng pulis at militar ay pananakot at karahasan.
Ang bawat iligal na pag-aresto, ang bawat panunupil, at ang bawat pagyurak sa karapatan ng mamamayan ay lalo lamang nag-uudyok ng mas malawak at mas matatag na paglaban.
Sa harap ng matinding panunupil, nananawagan ang League of Student Organizations sa lahat ng kabataan, g**o, manggagawa, at mamamayan, tumindig, kumilos, mag-organisa at magkaisa. Ang laban ng isa ay laban ng lahat, at ang pag-atake sa karapatan ng mamamayan ay pag-atake sa ating lahat.
Panagutin ang pasistang pulis at estado!
23/09/2025
ALERT | Two students from the Technological University of the Philippines (TUP)-Manila remain in police custody following the riot that broke out in the Recto-Mendiola area last September 21, 2025
As of September 23, 2025, 10:08AM. One of the students has been confirmed to be detained at the Manila Police District (MPD) Headquarters. The other was initially seen at the Baseco Police Station 13 and was supposed to be transferred to MPD Headquarters by 8:00 AM today. As of this report, however, the student has yet to be turned over to the custody of the Manila Police District (MPD) Headquarters. The studentโs aunt has been waiting at the MPD since early this morning, but police officials have yet to give any official confirmation or details regarding her nephewโs status and exact whereabouts.
Reports indicate that the two were together during the incident and were livestreaming as the riot unfolded. When the arrests began, they were separated. Footage from the livestream indicates that the students were merely watching the riots and not participatingโyet they were still apprehended by the police.
This makes their arrest not only arbitrary but illegal, highlighting once more the entrenched culture of impunity in the police force. The two students were clearly innocent bystanders who, by all accounts, should never have been subjected to the abusive and heavy-handed use of police power.
This is a developing story.
23/09/2025
๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng mga laban para sa kalayaan at katarungan, laban na nagsimula sa mga kabataan, manggagawa, at mga mamamayang nagtataglay ng tapang at malasakit sa kanilang bayan. Ngayon, higit sa lahat ng panahon, nararapat lamang na magpatuloy tayo sa landas ng paglaban, hindi lamang sa mga naunang sigwa, kundi sa patuloy na hamon ng ating panahon.
Sa harap ng mga patuloy na isyu ng katiwalian, hindi makatarungang pamamahagi ng yaman, at mga paglabag sa ating mga karapatan, ang ating pagiging bahagi ng mga organisasyon at kilusan ay isang makapangyarihang hakbang tungo sa pagbabago. ๐๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ช๐ ๐ค๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฏ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ๐ "๐ฝ๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐ผ" ๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ข๐๐ง๐ 21, 2025 ๐จ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ๐, ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ช๐ฃ๐๐๐ช๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ ๐-53 ๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐๐ก ๐๐๐ฌ, ๐๐ฉ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐ฉ๐๐๐ช๐ฎ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐๐ฃ.
Ang mga martsa at protesta sa taunang paggunita ng Martial Law ay nagsilbing paalala na ang laban para sa kalayaan at karapatan ay hindi natatapos noong 1972. Bagamat napabagsak ang diktadurya ni Ferdinand Marcos, Sr., patuloy ang mga hamon sa ating lipunanโmga isyung tulad ng katiwalian, paglabag sa mga karapatang pantao, at hindi makatarungang pamamahagi ng yaman na ngayo'y patuloy na nagpapahirap sa ating bayan. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, tila'y wala pang pagtatapos sa mga maling pamamahala at mga kasaysayan ng pagsupil sa ating mga karapatan.
๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ช๐ ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ง๐๐ก ๐ข๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐๐ก ๐๐๐ฌ, ๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ฎ๐, ๐ข๐๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐๐๐ข๐ค๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐๐ฃ. ๐๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐จ๐๐ก๐ช๐ ๐ช๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐จ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐จ๐ค๐ ๐ฅ๐, ๐ข๐๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐. ๐ผ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐ค๐จ.
๐ผ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค, ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ. ๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฎ ๐ก๐ช๐ข๐๐ก๐๐๐๐ฃ.
20/09/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Sa darating na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, muli nating inaalala ang malalim na sugar na iniwan nito sa ating lipunan dahil sa malawakang pang-aabuso sa karapatang pantao, limpak-limpak na nadambong ng pamilya Marcos at kanilang mga kasabwat at pagpapakatuta sa interes ng Estados Unidos. Natapos man ito noong 1983, nanatili pa rin ang sistemang pinapatakbo ng korapsyon at kawalang pananagutan hanggang ngayon.
Nakakabahala ang unti-unting pagbura ng alaala ng Martial Law at paglilinis ng pangalan ng mga Marcos kahit sa mismong isyu ng korapsyon ngayon. Ngunit alam natin na kahit anong pagsubok ng mga Marcos na linisin ang kanilang pangalan, nariyan ang sambayanang nakakaalala nito at patuloy na maniningil hanggang sila ay managot.
Bilang kabataang magmamana ng sistemang ito, tungkilin nating ipagpatuloy ang nasimulan nanh laban para sa hustisya at kalayaan. Huwag nating hayaang magpatuloy ang pang-aabuso at panunupil sa ating lipunan. Hindi tayo mananahimik habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagnanakaw ng yaman at inaapak-apakan ang karapatan ng mamamayan.
Kaya sa Setyembre 21, 9:00am, inaanyayahan NG League of Student Organizations ang lahat ng TUPians, at kapwa naming mamamayan na makiisa sa pagkilos. Sama-sama nating bahain ng protesta ang Luneta at iparinig ang ating panawagan para managot ang mga korakot. Huwag tayong manatiling simpleng tagapanood, tayo mismo ay sumali sa paggawa ng kasaysayan.
11/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Inaanyayahan ang lahat ng organisasyong pang-estudyante at ang buong komunidad ng TUP-Manila, kasama ang ating mga kapwa kabataan mula sa ibaโt ibang pamantasan, na makiisa sa gaganaping kilos-protesta, ๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐๐, sa
๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ 12, 2025, ganap na ๐ถ๐ธ๐ฎ-4:00 ng ๐ต๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ป sa labas ng ๐ง๐จ๐ฃ ๐๐ฎ๐๐ฒ 1. Ito ay pagtugon sa patuloy na panunupil sa karapatan ng mga estudyante at sa kaliwaโt kanang katiwalian na nagpapabigat sa bayan.
Nararapat din nating singilin ang gobyernong patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga huwad na proyekto at maanomalyang transaksyon. Kasabay nito, hindi din tayo dapat manahimik sa gitna ng komersyalisasyon ng edukasyon, mapaniil na mga patakaran gaya ng hair at dress code, red-tagging at pananakot sa mga lider-estudyante, at maging sa militarisasyon sa ating pamantasan.
Sa ating pagkakaisa, maipapahayag natin ang panawagan para sa isang maka-tao at maka-kabataang pamamahala na tunay na nagsisilbi sa interes ng nakararami.
๐ง๐จ๐ฃ๐๐๐ก๐ฆ, ๐ท๐ผ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐บ๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐! Sama-sama nating ipaglaban ang ating demokratikong karapatan, igiit ang kalayaan sa akademya, at ipanawagan ang pananagutan ng mga tiwali at mapang-abusong pulitiko.