14/06/2026
📢 Pasasalamat sa DOLE-TUPAD Heroes 📢 (Opisyal na Pahayag)
Ang pamunuan ng Magsaysay ES ay taos-pusong nagpapahayag ng pasasalamat sa mga manggagawa ng DOLE-TUPAD na naglaan ng kanilang panahon at lakas sa loob ng 10 araw na serbisyo.
Sa kanilang masigasig na pagtutulungan, matagumpay na naisakatuparan ang:
- Pagsasaayos ng garden
- Pagpintura sa bubong ng Grade 3 classroom
- Paglilinis ng CR
- Paggawa ng plant boxes at pagtatanim ng mga halaman
- Pag-repaint sa iba pang bahagi ng paaralan
Ang kanilang dedikasyon ay nagbigay ng bagong sigla at kaayusan sa ating kapaligiran, na tiyak na makikinabang ang mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.
👷♀️👷♂️ Kinikilala at pinasasalamatan natin ang ating mga DOLE-TUPAD Heroes:
Marissa Layon
Michelle Monicit
Alvin Echavez
Norma Perez
Maria Emelyn Catamco
Nestor Tulda
Antonio Mendoza
Dennis Olaver
Mario Malana
Carlito Paghubasan
Rio Ravina
💐 Ang inyong ambag ay hindi lamang nakapagpaganda ng ating paaralan, kundi nagsilbing huwaran ng malasakit at bayanihan.
Mabuhay kayo, mga DOLE-TUPAD Heroes!
10/06/2026
Isinagawa ang mandatory health assessment para sa mga mag-aaral kaninang umaga sa Magsaysay Elementary School.
Kabilang sa mga serbisyong handog ay ang health assessment, vision screening, oral exam at vaccination and family history review.
Pinangunahan ang nasabing gawain nina Blesilda Y. Renzales, school nurse ng Esperanza District at Dr. Alberto C. Canares Jr, dentist ng SDO Masbate. Sinamahan sila ng mga trained assistants at mga Barangay Health Workers na siyang nagsagawa naman ng height at weight assessment.
Layunin ng programang ito na magbigay ng unang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas handang komunidad.
Buong-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan para sa handog ni Dr Canares na toothbrush at toothpaste para sa mag-aaral na nasa Grade 3 hanggang Grade 6.
Maraming Salamat Po!
ES,Lahi Ra!
09/06/2026
Bilang bahagi ng mga gawain para sa opening block, isinagawa ang Orientation of Learners on Child Protection Policy and other Relevant school Policies nitong Hunyo 9,2026 sa Magsaysay ES.
Ang naturang gawain na dinaluhan ng mga mag-aaral sa baitang 3 hanggang 6 ay naglalayong mailatag sa mga mag-aaral ang mga impormasyon laban sa Bullying.
Nagbigay daan din ang programa sa pagbabahagi ng impormasyon laban sa pagsugpo ng Dengue.
, Handa!
, Lahi Ra!
08/06/2026
First Day High!
Masiglang sinalubong ng pamunuan ng Magsaysay Elementary School ang mahigit isandaang mag-aaral para sa unang araw ng opening block ng taong panuruan 2026-2027.
,Lahi Ra!
08/06/2026
🏫✨ HANDANG-HANDA NA PARA SA BALIK-ESKWELA! 🎒📚
Isang karangalan para sa buong pamunuan at kawani ng Magsaysay Elementary School ang tanggapin at makasama sina EPS Gloria Esparrago Fontelar at PSDS Eilane Dabi-Silverio para sa isinagawang Oplan Balik Eskwela (OBE) Monitoring and Validation.
Personal na nilibot at sinuri ang ating mga pasilidad, silid-aralan, at pangkalahatang kahandaan ng paaralan upang matiyak na ligtas, maayos, at de-kalidad ang edukasyong sasalubong sa ating mga minamahal na mag-aaral.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga iginagalang na pinuno sa kanilang mahalagang gabay, payo, at walang sawang suporta upang mas mapaganda pa ang serbisyo ng ating paaralan.
Sama-sama at tulong-tulong para sa isang matagumpay na panimula ng klase! READY NA KAMI! 🤝❤️
,Lahi Ra!
08/06/2026
📢 ALAM MO BA? Ano nga ba ang layunin ng Learners' Rights and Protection Desk sa ating paaralan? 🏫✨
Ito ang ating opisyal na safe space at ligtas na takbuhan upang masig**ong protektado ang bawat mag-aaral mula sa anumang uri ng pang-aabuso o karahasan.
Narito ang mga pangunahing tungkulin nito:
🚫 Sumbungan ng Bullying at Pang-aabuso – Bukas para sa mga reklamo ukol sa bullying, diskriminasyon, child abuse, o online harassment.
🔒 Ligtas at Kompidensyal – Sinisig**ong protektado at pribado ang identidad ng sinumang magsusumbong o hihingi ng tulong.
⚖️ Child Protection Policy – Nagpapatupad ng DepEd Order No. 40, s. 2012 para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
🌱 Counseling at Gabay – Nagbibigay ng suportang emosyonal at tamang patnubay sa mga mag-aaral.
Dito sa ating paaralan, bawat mag-aaral ay may karapatan, pinakikinggan, at pinoprotektahan! ❤️🤝
ES, Lahi Ra!
08/06/2026
Pabatid:
Para sa mga katanungan at iba pang concerns na may kinalaman sa pagbubukas ng klase,
maaaring sumangguni sa Magsaysay ES-Oplan Balik Eskwela 2026.
07/06/2026
Isinagawa noong Biyernes, Hunyo 5, 2026 ang Unang General Assembly para sa taong panuruan 2026-2027. Layunin ng gawaing ito na bigyang linaw ang mga bagong polisiya at mga gawain ng paaralan.
Kalakip ng pagdiriwang ang panapos na gawain ng Brigada Eskwela na kung saan kinilala ang naging kontribusyon ng mga stakeholders sa limang araw na bayanihan.
Kabilang sa naging talakayan ang mga sumusunod:
✓3-Term School Calendar
✓Grading System
✓Awarding System
✓Mandatory Assessment
✓School-Based Feeding Program
✓20-days Cycle Menu
✓Gabay sa Deworming
✓Gabay sa School-Based Immunization
✓Learner's MPHSS
✓CSE and Reproductive Health
✓Gabay sa Magulang Tungkol sa Tabacco at Va**ng
✓Child Protection Policy
✓Malusog na kapaligiran
✓Class Program
✓Other School Policies
✓MOOE Updates
✓Brigada Eskwela Awarding
Malinaw na direksyon para sa produktibong taon ang inaasahan ng pamunuan ng Mababang Paaralan ng Magsaysay sa pamamagitan ng patuloy na suporta nga mga internal at external na stakeholders nito.
Mahigit na 60-indibidwal na nakibahagi sa BE 2026 na kinabibilangan ng iba't ibang sektor gaya ng BLGU-Magsaysay sa Pamununo ni Kagalang-galang Jona Jona Cepida na bukod sa tulong na labor ay nagbahagi rin ng karagdagang 2 concrete panel para sa paaralan na kasalukuyang ginagawa sa ngaayon, ang sektor ng mga benepisyaryo ng 4Ps, Religious Groups, kapabataan at higit sa lahat sa mga magulang at guardian at mga g**o.
Isang malaking tagumpay na maituturing ang Brigada Eskwela 2026.
sa Magsaysay ES
ES, Lahi Ra!
02/06/2026
Pagwawakas ng Summer Academic Remediation Program
Hunyo 2,2026. Pinagdiwang ang pangwakas na gawain ng Summer Academic Remediation Program kani-kanina lamang. Ang 20 araw na gawain ay nilahukan ng 14 na mag-aaral (pito sa Reading, pito sa Math) kasama ng 2 volunteer-teachers.
Pasasalamat sa mga g**o at sa mga magulang ang naging sentro ng mensahe ng punongg**o na naging susi ng tagumpay sa pagpapatupad ng programa.
Bilang munting handog, ibinigay sa mga mag-aaral ang kanilang Aral Kit na dinagdagan ng 8 kwadernong kanilang magagamit sa darating na pasukan.
Dalangin ng pamunuan ng paaralan ang patuloy na tagumpay para sa mga mag-aaral at nagsusumikap itong mas mapaghusay ang serbisyong ibinibigay sa mga mag-aaral.
ES, Lahi Ra!
01/06/2026
📢 BRIGADA ESKWELA 2026
Maayong adlaw!
Gina-awhag namo ang tanang ginikanan, alumni, stakeholders, volunteers, ug mga miyembro sa komunidad nga moapil sa Brigada Eskwela 2026 nga pagahimoon gikan Hunyo 1–5, 2026.
Magtinabangay kita aron maandam ang atong eskwelahan alang sa umaabot nga klase pinaagi sa:
🧹 Paglimpyo sa palibot sa eskwelahan
🛠️ Minor repairs ug maintenance
🎨 Pagpintal ug pagpaayo sa mga classroom
🌱 Pagtanom ug pag-atiman sa mga tanom
🤝 Paghatag ug donasyon sama sa school supplies, pintura, cleaning materials, ug uban pa
Bisan gamay nga tabang, dako kaayong kausaban ang mahimo niini alang sa atong mga kabataan.
💙 “Bayang Kasali, Paaralang Maipagmamalaki!”
💚 “Maliit na Ambag, Malaking Pagbabago!”
📅 Hunyo 1–5, 2026
📍 [Pangalan sa Eskwelahan]
Magkausa kita alang sa limpyo, luwas, ug maayong eskwelahan!
ES LAHI RA