03/05/2025
Liwanag Sa Anino: Boses Laban sa Abuso
Isang grupong sumusuporta kung saan ang bawat boses ay naririnig, pinapakinggan, at pinapahalagahan — malaya sa takot, pananahimik, at karahasan.
03/05/2025
19/04/2025
🔍 Ano ang Republic Act No. 7610?
Ito ay kilala bilang:
"Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act"
Ang batas na ito ay ipinasa upang bigyan ng mas mahigpit na proteksyon ang mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso, pananamantala, at diskriminasyon — lalo na kung ang biktima ay nasa loob ng kanyang sariling tahanan o komunidad.
Sino ang itinuturing na bata sa ilalim ng batas?
Sinumang tao na may edad 18 pababa, o kahit higit pa rito pero may mental disability, ay sakop ng batas na ito.
⚖️ Ano ang itinuturing na paglabag sa batas?
1. Pisikal na pananakit
Anumang pananakit ng katawan tulad ng pambubugbog, pananampal, pagsusunog ng balat, o kahit anong uri ng pananakit—lalo na kung paulit-ulit o may intensyong manakit.
2. Emosyonal o sikolohikal na pang-aabuso
Pananakot, panlalait, pagmumura, o anumang paraan ng pagpapababa sa dignidad ng bata.
3. Sekswal na pang-aabuso o eksploytasyon
Panghihipo, panggagahasa, pamimilit sa bata na makita o gumawa ng sexual acts, kabilang ang mga kaso ng intrafamilial sexual abuse (pang-aabuso mula sa ama, tiyuhin, lolo, o ibang kamag-anak).
4. Pagpapabaya
Kakulangan sa pagbibigay ng tamang pagkain, edukasyon, at kaligtasan ng bata ng mga taong may pananagutan sa kanila.
🚨 Mas mabigat ang parusa kung ang salarin ay isang magulang, tagapag-alaga, g**o, o sino mang nasa posisyong may tiwala ang bata.
🔗 Source:
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1992/ra_7610_1992.html
18/04/2025
"Hindi ka nag-iisa."
Kung ikaw ay biktima ng karahasang sekswal sa loob ng pamilya—pakinggan mo ito: Hindi mo kasalanan. At hindi ka nag-iisa.
May mga taong handang makinig at kumilos kasama mo. 💚
15/04/2025
Ano nga ba ang Intrafamilial Sexual Abuse?
Ito ay isang uri ng karahasang sekswal na nangyayari sa loob mismo ng pamilya—kung saan ang salarin ay kadalasan ay isang miyembro ng pamilya gaya ng ama, tiyuhin, o lolo. Madalas itong tinatago at tahimik na kinikimkim ng mga biktima dahil sa takot, kahihiyan, o kakulangan ng suporta.
Layunin ng aming grupong itaguyod ang kamalayan, lakas ng loob, at katarungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses sa mga biktima ng intrafamilial sexual abuse, maging liwanag sa dilim, at tulay tungo sa paghilom.
Halina't sama-sama nating wakasan ang pananahimik!🚫🤐
Click here to claim your Sponsored Listing.