01/05/2026
๐จ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, ๐๐จ๐๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐
Sa pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Manggagawa ngayong Mayo Uno, muling umiigting ang panawagan ng mga manggagawa sa buong bansa: makatarungang sahod, mas mababang buwis at mas malawak na karapatan sa paggawa. Sa kabila ng mahalagang papel ng uring manggagawa sa pagpapatakbo ng ekonomiya, nananatiling salat ang kanilang tinatanggap na sahod kumpara sa lumulobong presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Layunin ng mga mobilisasyon ngayong Mayo Uno na ipakita ang lumalawak na agwat sa pagitan ng kinikita ng manggagawa at ng aktwal na gastusin sa araw-araw. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng pagkain, pamasahe, at iba pang pangangailangan, nananatiling mabagal at kulang ang pagtaas ng sahodโisang sitwasyong lalong nagpapabigat sa buhay ng karaniwang manggagawa.
Isang malinaw na halimbawa nito ang nangyari sa mga manggagawa ng Kowloon House West, kung saan ilang araw lamang matapos ang tagumpay sa pagpapatupad ng P20 na wage compliance, 80 manggagawa ang nakatanggap ng abiso ng terminasyon dahil umano sa โhealth issues.โ Ayon sa unyon, itinuturing itong ganting hakbang ng pamunuan matapos ang anim na araw na welga at ang paglagda ng kasunduan sa pagitan nila at ng Glowhrain-KMU Kowloon House West Chapter. Ipinapakita nito ang patuloy na pagsikil sa karapatan ng mga manggagawang nagtatangkang ipaglaban ang nararapat sa kanila.
Hindi nalalayo rito ang danas ng mga manggagawang Bulakenyo. Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Gitnang Luzon, kung saan kabilang ang Bulacan, ay nasa humigit-kumulang P515 - P600 kada araw, nakadepende pa sa sektor na kinabibilangan. Isang halagang malayo sa tinatayang family living wage na P1,100 na kinakailangan upang matustusan ang disenteng pamumuhay ng isang pamilya. Sa harap ng mataas na presyo ng bilihin at buwis na patuloy na kumakaltas sa kanilang kita, lalo pang lumalalim ang kahirapan sa hanay ng mga manggagawa.
Sa ganitong konteksto, ang Mayo Uno ay hindi lamang paggunita kundi isang panawagan. Panawagan ito sa pamahalaan na agarang itaas ang sahod, repasuhin ang mga polisiyang nagpapabigat sa manggagawa, at tiyakin ang ganap na proteksyon sa karapatan sa pag-uunyon at kolektibong pakikipagtawaran. Ang isyu ng sahod ay hindi lamang usapin ng ekonomiya, kundi usapin ng buhay, dignidad, at katarungan.
Sa kabila ng mga hamon, nananatiling matatag ang paninindigan ng uring manggagawa. Sa pagkakaisa ng mga manggagawa sa lungsod man o probinsyaโtulad sa Bulacanโmas lalong lumalakas ang panawagan para sa makatarungang sahod at makataong kundisyon sa paggawa.
Gayunpaman, hindi maikakaila na ang mga suliraning ito ay nakaugat sa mas malawak na estruktura ng kasalukuyang sistemang pang-ekonomiya, kung saan inuuna ang tubo kaysa kapakanan ng manggagawa. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, nagiging normal ang mga polisiyang tulad ng ENDO o kontraktwalisasyon na nagpapahina sa seguridad sa trabaho at karapatan ng manggagawa. Sa halip na tunay na proteksyon, nagiging pansamantalang benepisyo lamang ang iniaalokโhabang nananatiling hindi natutugunan ang ugat ng kawalang-katiyakan sa paggawa.
Kung gayon, ang panawagan para sa makatarungang sahod ay hindi lamang usapin ng dagdag-kita, kundi bahagi ng mas malawak na laban para sa disenteng trabaho, seguridad sa hanapbuhay, at makataong pagtrato sa paggawa. Hindi sapat ang bahagyang reporma kung nananatiling buo ang mga estrukturang nagpapahintulot sa pagsasamantala.
๐๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ด๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ผ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐๐๐๐ถ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎโ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ด๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐ฎ.
๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ, ๐๐จ๐ช๐๐ฆ ๐๐๐๐๐!
๐ก๐๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐, ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก!
Isinulat ni Ails Benedict Macababbad
PubMat ni Aaliyah Jemuelle Aduna
24/04/2026
๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐ข๐๐ข๐ฆ๐ข ๐ญ๐ต!
Narito ang nagkakaisang pahayag ng UP LAKAN Diliman, UP LAKAN Baguio, at UP LAKAN Clark hinggil sa masaker sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19, 2026.
Kaisa ng UP LAKAN, samahan ng mga Bulakenyong Iskolar ng Bayan, ang komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas sa pagpapahayag ng mariing pagkondena at pakikidalamhati sa walang habas na pagpaslang kina Alyssa โAlyโ Alano, isang Iskolar ng Bayan at Konsehal ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP Diliman; RJ Ledesma, isang community journalist para sa Paghimutad; Maureen โMauโ Keil Santuyo, mula sa UP Open University; Errol Wendel, isang community researcher at organisador; at labinlima pang boses na marahas na pinatahimik sa Toboso, Negros Occidental.
Muli, ang UP LAKAN ay magiging kaisa ng masa at kaisa sa paniningil ng hustisya. Hindi kayang patikumin ng pasismo ang Bulakenyong Iskolar ng Bayan na walang ibang hangad kunโdi ang katarungan at ganap na paglaya ng sambayanan.
22/04/2026
๐๐๐๐๐ข๐ข๐ข ๐จ๐ฃ๐ฃ๐ฃ!!!! ๐ซจ๐ซจ ๐จ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ!!!! โ๐๐ง๐ข ๐ก๐ โ๐๐ข๐ข๐ข!!!! ๐ญ๐ฃ
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐, ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก! ๐ป
Malugod na binabati ng UP LAKAN Diliman ang lahat ng matagumpay na nakapasa sa UPCAT 2026! Sa bawat isa, saludo kami sa inyong sipag at tiyaga, at lalong-lalo na sa ating kapwa Bulakenyo, tunay naming ipinagmamalaki ang inyong tagumpay!
Kinikilala rin namin ang lahat ng kumuha ng UPCAT. Ang inyong tapang na sumubok ay isang tagumpay na rin sa sarili niyo. Ang laban ay hindi natatapos sa isang pagsusulitโpatuloy itong isinusulong sa ibaโt ibang landas na inyong tatahakin. โ
Hindi naging madali ang paglalakbay, ito ay punong-puno ng kaba, pagod, at sakripisyo. Ngunit pinatunayan ninyo na kayang-kaya ninyo. Ang bawat hakbang ninyo patungo sa tagumpay ay sumasalamin sa lakas at determinasyon ng kabataang Pilipino.
Sa inyong pagpasok sa Unibersidad ng Pilipinas, nawaโy patuloy ninyong dalhin ang galing, puso, at paninindigan sa paglilingkod sa bayan. Bilang mga bagong Iskolar ng Bayan, kayo ang magsisilbing ilaw at pag-asa ng ating lipunan. Gamitin ang inyong talino hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kapakanan ng nakararami. ๐
๐ฃ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป! ๐โจ
๐ Evensie Mirandilla
๐ผ๏ธ Elise Cassandra Salao
10/04/2026
Maligayang kaarawan, Eimee! Mahal ka ng UP LAKAN! ๐
[๐ฃ๐จ๐๐๐ง๐]
Mula kay: Matt
Maligayang pagbati sa iyong kapanganakan tropapips. Nawa'y makinig ang mundo sa iyong mga kahilingan at kagustuhan. Mabuhay ka hanggang sa gusto mo. Amen.
09/04/2026
๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป โ๏ธโจ๏ธ
Tayo ngayon ay nakatayo sa isang mahalagang sangandaan ng ating kasaysayan. Ang ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ay hindi lamang isang tuyot na alaala sa mga aklat o malamig na estatwa sa mga monumentoโ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐.
Bilang mga anak ng Bulacanโang lalawigang nagsilbing duyan ng Republika at humubog sa napakaraming bayani ng ating bansaโhindi natatapos sa paggunita ang ating tungkulin. Kung noon ay ang matalas na pluma ni Plaridel at ang dakilang tapang ng mga Kababaihan ng Malolos ang ginamit upang gisingin ang diwa ng nasyon, ngayon ay hinahamon tayong magsalita at kumilos sa gitna ng talamak na disimpormasyon, sistematikong panunupil, at ang patuloy na pagyurak sa karapatan at dangal ng mamamayan.
Ang pag-alala sa nakaraan ay nawawalan ng saysay kung hindi natin ito iuugnay sa mahahayap na realidad ng kasalukuyan. Sa harap ng mga banta sa ating soberanya, sa krisis sa kabuhayan na pumipilay sa ating mga magsasaka at manggagawa, at sa mga mapangahas na pagtatangkang baluktutin ang ating kasaysayan, malinaw ang panawagan: ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป. ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ถ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฝ๐ถ.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, dala natin ang mabigat na responsibilidad na ipagtanggol ang katotohanan at manindigan para sa kapakanan ng nakararami. Ang kagitingan sa makabagong panahon ay nasusukat sa lakas ng loob na basagin ang pader ng kawalan ng malay, sa paninindigang hindi natitinag ng takot, at sa pagkilos para sa mga nasa laylayan ng lipunanโmula sa malalawak na bukirin ng ating lalawigan hanggang sa mga komunidad na pilit na pinatatahimik.
Sa araw na ito, higit sa simpleng pagpupugay, ang panawagan ng UP LAKAN Diliman ay isang hamon para sa sama-samang pagkilos. Huwag tayong manatiling p**ing saksi sa harap ng inhustisya. Dalhin natin ang diwa ng kagitingan lampas sa Dilimanโ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด.
Sa ganitong paraan nagiging tunay ang kagitingan: hindi sa pag-aalay ng bulaklak, kundi sa pagpiling tumindigโaraw-arawโpara sa kalayaan, katarungan, at dangal ng bawat Pilipino.
๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐ง๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ! ๐ต๐ญ
Isinulat ni John Paul Magabo
PubMat ni Justin Edward Raymundo
07/04/2026
Pagpupugay sa bagong Inhinyero ng Bayan! ๐ทโโ๏ธ
Isang maalab na pagbati mula sa UP LAKAN Diliman!
Taas-noong ipinagmamalaki ng aming samahan ang aming alumnus na si Engr. Joseph F. Arizapa Jr. ng Batch PAMINAWON sa kanyang matagumpay na pagpasa sa March 2026 Civil Engineers Licensure Examinations Passer
Ang iyong tagumpay ay patunay ng husay, tiyaga, at dedikasyon ng mga Bulakenyong Iskolar ng Bayanโisang inhinyerong handang maglingkod, lumikha ng makabuluhang pagbabago, at mag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating lipunan.
Mabuhay at padayon sa iyong mga susunod pang tagumpay! โจโ
30/03/2026
Ating balikan ang isang gabing punรด ng saya, kwentuhan, at pagkakaisa ๐ฅโจ
Noong ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ญ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ginanap sa ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐, ๐จ๐ฃ ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ang ๐๐๐ช๐๐ก๐: ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ก๐ถ๐ด๐ต๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโisang gabi ng pagdiriwang na sumasalamin sa galing, kultura, at pagkakakilanlan ng bawat LAKAN. Sa bawat pagtatanghal at pagbibigay-parangal, mas tumingkad ang lalim ng ating samahan at ang diwang patuloy na nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating month-long anniversary celebration na may temang โ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐: ๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐๐๐ธ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐๐๐๐ก.โ Nagtapos man ito sa isang di malilimutang gabi, nananatiling buhay ang diwa ng UP LAKAN sa bawat ngiti, kwento, at alaalang ating pinagsaluhan. Mula sa mga aplikante, miyembro, hanggang sa ating mga alumni, sama-sama nating pinanday ang isang makulay na salaysay ng ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.๐
Higit pa sa isang pagdiriwang, ito ay isang makabuluhang pagbabalik-tanaw sa ating mga pinagdaanan at isang pagpupugay sa mga karanasang magsisilbing gabay sa mga susunod pang taon.
Para sa mas marami pang tawanan, kwentuhan, at tagumpay na ating pagsasaluhanโ
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐๐๐๐๐ก! ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฌ!! ๐ฅณ
๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ, ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด-๐ธ๐ฎ๐๐ฎ!
Ang UP LAKAN Diliman Anniversary Month 2026 ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng JCI Baliwag Buntal at UP LAKAN Clark.
๐ John Paul Magabo
16/03/2026
Higit sa isang siglo na ang nakalipas nang hamunin ng dalawampung kababaihan ng Malolos ang patriyarkal na pader ng kolonyalismo. Noong 1888, ang kanilang petisyon para sa edukasyon ay hindi lamang hiling para sa karunungan; ito ay isang lantarang pag-aaklas laban sa sistemang nais silang manatiling p**i, sunod-sunuran, at nakakulong sa loob ng bahay. Ang kanilang tapang ang naglatag ng pundasyon: ang boses ng babae ay may kapangyarihang yumanig sa mga pundasyon ng mapang-aping gobyerno.
Sa paggunita ng ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ถ๐ด๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ngayong taong 2026, sa gitna ng tumitinding krisis sa Pilipinas, naninindigan ang UP LAKAN Diliman na ang laban ng mga kababaihan ng Malolos ay nananatiling hindi tapos. Nasasaksihan natin ngayon ang muling pag-igting ng mga mekanismong naglalayong busalan ang kababaihan. Mula sa tumitinding krisis pang-ekonomiya na nagpapahirap sa bawat inang manggagawa at magsasaka, hanggang sa sistematikong paggamit ng disimpormasyon at misoginiya upang hiyain at patahimikin ang mga babaeng tumitindig para sa katotohanan. Makikitang ang kasalukuyang klima ay hindi lamang mapanghamon; ito ay lantarang mapanupil.
Hindi hiwalay ang laban para sa karapatan ng kababaihan sa laban para sa pambansang demokrasya. Sa ilalim ng rehimeng pilit na binabago ang ating kasaysayan at pinalalabo ang ating mga tagumpay, ang paggunita sa Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ay isang gawaing politikal. Hindi sapat ang pagpupugay sa "galing" o "lambing" ng babae; kailangang busisiin ang mga istrukturang nagpapanatili sa diskriminasyon at karahasan mapa-pisikal man, digital, o institusyunal.
Bilang mga Iskolar ng Bayan mula sa UP LAKAN Diliman, ang ating paninindigan ay malinaw: bitbit natin ang dugo ng mga kababaihang hindi natakot sumalungat sa agos. ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด "๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป" ๐ฎ๐ "๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ" ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป; ito ang maging tanod laban sa historical revisionism at maging katuwang sa pagbuwag ng mga sistemang kumikitil sa potensyal ng bawat Pilipina.
Ang tunay na pagdiriwang ng buwang ito ay wala sa mga bulaklak o pagbati, kundi sa ating matatag na pagtanggi na mabaon sa limot ang mga sakripisyo ng mga nauna sa atin. Ang liham na sinimulan sa Malolos ay patuloy nating isusulat sa mga lansangan, sa mga komunidad, at sa bawat espasyong pilit na kumikitid para sa kababaihan.
Hinding-hindi mabubusalan ang boses ng katotohanan. Ipagpatuloy ang laban ng kababaihan ng Malolos.
๐ช๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐๐ผ๐ด๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐ฝ๐ถ๐น!
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป!
Isinulat ni John Paul Magabo
Pubmat ni Evensie Mirandilla
02/03/2026
๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.... ๐ถ๐ค
Sa bawat ikot ng gulong, may kwento ng pakikiisa, pagkakaibigan, at malasakit sa kapwa.
Bilang paggunita sa ika-38 Anibersaryo ng UP LAKAN, nagsagawa ang samahan ng ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐ฅ๐ถ๐ฑ๐ฒ mula Kanto Lugam hanggang Malolos Bayan noong Pebrero 16, 2026! ๐๐ฆ
Nawa'y ang mga ngiti, pawis, at kwentuhan sa kalsada ang patunay na mas masaya kapag sama-sama. Maraming salamat sa pakikiisa at hanggang sa muli mga isko't iska, mga Bulakenyo't Bulakenya! ๐โจ๏ธ
Ang BYAHE: Free Karatig Ride ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng UP LAKAN Clark.
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ฑ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด:
City of Malolos Youth Development Office and Maloleรฑo Youth Network
The Vanguard
Bantayan Press
The Nexus
N**o Veritas
Highpoint News
i Research and Innovate in Science and Engineering (iRISE) MHPNHS
Supreme Secondary Learner Government (SSLG) MHPNHS
Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) MHPNHS
Barkada Kontra Droga
BulSU Cinephilia
BulSU SAMAHAN
Kabataang Boluntir Initiative
๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ:
The Al-Manar
The Republic MHPNHS
BulSU Advertising Guild
BulSU Biological Sciences Society
CS Wizards
๐ Bhlesie Jane Domingo
27/02/2026
๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐...๐บ๐ ๐ธ.๐ช., ๐๐ ๐ผ๐ท....๐ง๐ถ๐ค๐ต
โMuli tayong pinagsama ng mga himig at hangarin sa ๐ง๐๐ก๐๐: ๐ ๐ด๐ฎ ๐ ๐๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐๐ถ๐ (๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐๐ป๐ฐ๐ต), bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng anibersaryo ng UP LAKAN! โจ๏ธ
โ
โMaraming salamat sa mga naglaan ng oras upang subaybayan at damhin ang mga tinig na may hangarin para sa kapwa at sa bayan.๐
โ
โSundan pa ang mga nakatanghal na gawaing ilulunsad kaugnay ng panibagong taon ng samahan. Kita-kita tayong muli! ๐ผ๏ธ๐
Ang TINIG: Mga Musika at Awit ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng UP LAKAN Clark at JCI Baliwag Buntal.
โ
โ
โ
๐ Daph Autor
25/02/2026
๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐! ๐ต๐ญโ๏ธ
Kahapon, ika-24 ng Pebrero 2026, matagumpay na naisagawa ang unang araw ng ACLE. Ngayon, sa ikalawang araw ng alternatibong pag-aaral, hindi lamang tayo mag-aaral sa loob ng silidโtutungo tayo sa mismong lansangan ng EDSA bilang paggunita sa ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฐ๐ฌ ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป.
Noong ๐ฃ๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ฑ, ๐ญ๐ต๐ด๐ฒ, nagbuklod ang sambayanang Pilipinoโmga manggagawa, estudyante, madre, pari, at karaniwang mamamayanโupang wakasan ang madilim na kabanata ng diktadura ni Marcos Sr., isang rehimen na binalot ng karahasan, pandarahas, at korapsyon. Sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at mapayapang pag-aaklas, pinatunayan ng taumbayan na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa nagkakaisang mamamayan.
Ngunit sa harap ng muling pagbabalik ng isang Marcos sa kapangyarihan, nasasaksihan natin ang hayagang pagbubura at pagpapalabnaw sa ating kasaysayanโmula sa mga pagtatangkang baguhin ang komemorasyon ng Martial Law hanggang sa pagdeklara sa EDSA bilang โspecial working holiday.โ Ang mga hakbang na ito ay hindi simpleng administratibong desisyon; bahagi ito ng mas malawak na tunggalian para sa alaala at katotohanan.
Sa gitna ng laganap na historical revisionism at disimpormasyon, nakaatang sa ating mga kabataan ang mabigat ngunit makasaysayang tungkulin: maging tanod ng katotohanan. Hindi sapat ang pag-alala. Kailangang busisiin ang bawat naratibo, igiit ang katotohanan, at patuloy na igalang ang mga sakripisyong nagbukas ng landas tungo sa demokrasya.
Ang ating pagtungo sa lansangan ay hindi simpleng paggunitaโito ay pagpapatuloy ng diwa ng People Power. Isang deklarasyon na hinding-hindi natin hahayaang mabaon sa limot ang kasaysayan. Isang pagpapatunay na ang kapangyarihan ng mamamayan ay buhay, at patuloy na kikilos sa tuwing itoโy kinakailangan.
Kaya bilang mga Iskolar ng Bayan, ang paniningil at pagbabantay sa kinabukasan ay hindi nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan; nagsisimula ito sa ating matatag na pagtanggi na mabaon sa limot ang tunay na diwa ng EDSA.
๐๐๐ ๐๐ข๐๐จ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐; ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐๐ช๐๐ค๐ ๐จ๐ ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐ฎ๐ช๐๐ฉ๐ค, ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐.
๐๐ช๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐ก๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐ง๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ!
Sa panulat ni: Ails Benedict Vera
Pubmat ni: Axel John Samarista