DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province

DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province

Share

This is the official page of Mendez Crossing Elementary School (MCES). The goal of the school is to provide quality education for all its students.

MCES is a non-central public school of Tagaytay District. It caters Kinder to Grade 6 students.

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 11/06/2026

Sa pamumuno ng ating kagalang-galang na School Principal, G. Eliseo B. Anacay, taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na nakiisa sa ating ginanap na General Assembly para sa Taong Panuruan 2026-2027. Ang inyong presensya at aktibong pakikibahagi ay patunay ng ating nagkakaisang layunin na itaguyod ang de-kalidad na edukasyon. Katuwang ninyo ang MCES sa paggabay at paghubog sa kakayahan ng ating mga mag-aaral tungo sa isang matagumpay na kinabukasan.

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 10/06/2026

"๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ค."

Lubos na ikinararangal ng Mendez Crossing Elementary School ang pagbisita ng ating Schools Division Superintendent, ๐——๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ ๐——. ๐—ง๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€, kasama sina ๐——๐—ฟ. ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ ๐—ฅ. ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ, EPS in Mathematics; ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป ๐—”. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—พ๐˜‚๐—ฒ, PSDS โ€“ Tagaytay District I; ๐——๐—ฟ. ๐—˜๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป, PSDS โ€“ Tagaytay District II; at Nurse ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—น ๐—”. ๐—•๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ para sa isinagawang School Readiness Monitoring para sa taong panuruan 2026-2027.

Layunin ng pagbisitang ito na tiyakin ang kahandaan ng paaralan sa pagbubukas ng klase at ang pagpapatupad ng mga pamantayan sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Ang kanilang mahahalagang obserbasyon, rekomendasyon, at patnubay ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang mapaigting ang ating paghahanda at maitaguyod ang isang ligtas, maayos, at dekalidad na kapaligiran sa pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, paggabay, at dedikasyon para sa kapakanan ng bawat batang Krosingรฑan.

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 08/06/2026

๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™ก๐™–๐™จ๐™š, ๐™‹๐™ช๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™œ๐™ก๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™–! ๐ŸŽ‰

Malugod na sinalubong ng Mendez Crossing Elementary School ang pagbubukas ng klase ngayong araw sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Ceremony na dinaluhan ng ating mga kapulisan mula sa Tagaytay City Police Station bilang pakikiisa sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Lalo namang napasaya ang ating mga mag-aaral sa espesyal na pagbisita ng Jollibee Tagaytay matapos ang programa, na naghatid ng ngiti, kasiyahan, at inspirasyon sa kanilang unang araw sa paaralan.

Maraming salamat po sa ating mga katuwang na organisasyon at mga stakeholder na patuloy na sumusuporta sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sama-sama nating simulan ang isang ligtas, masaya, at makabuluhang taong panuruan 2026-2027!

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 05/06/2026

"๐“๐“ท๐“ฐ ๐“ซ๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฒ๐“ฑ๐“ช๐“ท ๐“ช๐”‚ ๐“ฑ๐“ฒ๐“ท๐“ญ๐“ฒ ๐“ต๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ฝ๐“พ๐“ฝ๐“พ๐“ต๐“พ๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ท, ๐“ด๐“พ๐“ท๐“ญ๐“ฒ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ถ๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ผ๐“ช๐“ด๐“ฒ๐“ฝ ๐“ช๐“ฝ ๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ด๐“ช๐“ด๐“ช๐“ฒ๐“ผ๐“ช ๐“น๐“ช๐“ป๐“ช ๐“ผ๐“ช ๐“ฒ๐“ด๐“ช๐“ซ๐“พ๐“ซ๐“พ๐“ฝ๐“ฒ ๐“ท๐“ฐ ๐“ซ๐“ช๐”€๐“ช๐“ฝ ๐“ฒ๐“ผ๐“ช."

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang mga gawain ngayong araw sa ating paaralan.

Nagsimula ang araw sa pagbisita ng LTO Tagaytay DO sa pangunguna ni ๐˜พ๐™๐™ž๐™š๐™› ๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฅ๐™๐™š๐™ง ๐™…๐™ค๐™๐™ฃ ๐™€. ๐˜พ๐™ช๐™š๐™ฉ๐™ค at ng kanyang mga kasamahan. Bukod sa pagkakaloob ng mga school supplies sa mga piling mag-aaral, buong puso rin silang nakibahagi bilang mga Brigada Eskwela volunteers. Sila ay tumulong sa pagbubuhat at pag-aayos ng mga upuan, gayundin sa paglilinis ng ilang bahagi ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ang kanilang oras, lakas, at malasakit ay tunay na kahanga-hanga at lubos naming pinahahalagahan.

Lubos din naming pinasasalamatan ang One Meralco Foundation sa kanilang ipinadalang mga donasyon para sa paaralan sa pangunguna ni ๐™ˆ๐™จ. ๐™ˆ๐™–. ๐˜พ๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ก๐™– ๐™…. ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™ค๐™˜, Relationship Manager ng Meralco Tagaytay Business Center. Ang inyong patuloy na suporta at malasakit sa edukasyon ay malaking tulong sa pagpapabuti ng kapaligiran sa pagkatuto at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Ang mga gawaing tulad nito ay nagpapatunay na ang tagumpay ng edukasyon ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad. Sa bawat kamay na tumutulong at pusong nagmamalasakit, mas nagiging handa at mas ligtas ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa LTO Tagaytay DO, One Meralco Foundation Tagaytay, at sa lahat ng ating mga stakeholders at volunteers na patuloy na nakikiisa sa diwa ng Brigada Eskwela. Kayo po ay mahalagang katuwang sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan.

03/06/2026

Happy Birthday to an amazing Master Teacher!
Your dedication, hard work, and passion inspire everyone around you. Thank you for bringing such positivity, kindness, and energy to our school every day. We admire your strength, confidence, and the way you face challenges with determination and grace. May your special day be filled with happiness, laughter, and all the things you love. Wishing you a wonderful year ahead filled with blessings, success, and unforgettable moments.

Happy Birthday, Teacher Lea!

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 02/06/2026

ARAL Summer Remediation Program ๐ŸŽ‰

As we celebrate the successful culmination of our ARAL Summer Program, we extend our heartfelt gratitude to everyone who made this journey meaningful and enriching.

To our dedicated tutors, thank you for your patience, commitment, and passion for teaching. To our supportive parents, thank you for encouraging and guiding your children every step of the way. And to our amazing learners, congratulations on your hard work, growth, and enthusiasm throughout the program!

May the knowledge, skills, and friendships gained this summer continue to inspire you in the coming school year. Thank you all for being part of this memorable experience!

Congratulations and God bless everyone!

Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 02/06/2026

๐ŸฆŸ๐Ÿšซ Brigada Eskwela 2026: Search and Destroy Activity | "Linisin ang Paaralan, Sugpuin ang Dengue"

Ngayong Hunyo 2, 2026, matagumpay na isinagawa sa Mendez Crossing Elementary School ang Search and Destroy Activity for Dengue Prevention bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2026.

Sa pangunguna ng Disease Surveillance Team ng City Health Office (CHO) Tagaytay City, nagsagawa ng inspeksyon at paglilinis sa loob at paligid ng paaralan upang mahanap at maalis ang mga posibleng pamugaran ng lamok na nagdudulot ng dengue.

Kaisa ng temang "Linisin ang Paaralan, Sugpuin ang Dengue," patuloy nating isinusulong ang kalinisan at kaligtasan ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng kampanyang "Taob, Tatak, Tuyo, at Takip" upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok at maprotektahan ang kalusugan ng bawat mag-aaral at kawani ng paaralan.

Taos-pusong pasasalamat po sa City Health Office (CHO) Tagaytay City, mga g**o, kawani, at iba pang katuwang na nakiisa sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, masisig**o natin ang isang ligtas, malinis, at dengue-free na paaralan para sa ating mga mag-aaral.







Photos from DepEd Tayo Mendez Crossing ES-Cavite Province's post 01/06/2026

๐Ÿ“ข๐ŸŽ‰ Matagumpay na naisagawa ng Mendez Crossing Elementary School ang BUSINA (Bridging Unity through Systematic Information Campaign in the Neighborhood and Advocacy to the Community), kasabay ng Brigada Eskwela Kick-Off Program para sa taong panuruan 2026โ€“2027.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, naiparating sa komunidad ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagbubukas ng klase, mga programa ng paaralan, at ang kahalagahan ng sama-samang pakikilahok sa Brigada Eskwela upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming mga stakeholders, mga magulang at katuwang sa komunidad na nagbigay ng kanilang oras, suporta, at pakikiisa. Isang espesyal na pasasalamat sa Brgy. Mendez Crossing East at Brgy. Mendez Crossing West, sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng paaralan at sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang Jollibee Tagaytay sa kanilang pagbabahagi ng food packs na naghatid ng kasiyahan at dagdag na inspirasyon sa ating mga Brigada Eskwela volunteers.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, bayanihan, at aktibong pakikilahok ng buong komunidad, mas magiging matagumpay ang ating paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa! Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at ihanda ang bawat batang Krosingรฑan para sa isang makabuluhan at matagumpay na paglalakbay sa pagkatuto.




31/05/2026

๐Ÿ“ฃ๐‘ฉ๐‘น๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ซ๐‘จ ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฒ๐‘พ๐‘ฌ๐‘ณ๐‘จ 2026
OPLAN Balik Eskwela 2026

"๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ: ๐™‰๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™–๐™ฎ๐™ช๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ"

๐Ÿ“… ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿญโ€“๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ•— ๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—”๐—  โ€“ ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—ฃ๐— 

Inaanyayahan po namin ang lahat ng estudyante, magulang, alumni, stakeholders, at volunteers na makiisa sa taunang Brigada Eskwela! Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan upang masig**o ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ:
๐Ÿ”ง Pagboboluntaryo (pagpipintura, pagkukumpuni, paglilinis, at iba pa)
๐Ÿ“š Donasyon ng learning materials
๐Ÿงผ Cleaning materials

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—”. ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ. ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ๐—›๐—”๐—ก ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข!

Tara na! Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maayos na paaralan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan!


31/05/2026

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ANUNSYO: ENROLLMENT PARA SA TAONG PANURUAN 2026โ€“2027 ๐Ÿ“ข

โ€‹Mga minamahal na magulang, tagapangalaga, at mga mag-aaral ng Mendez Crossing Elementary School,

โ€‹Magsisimula na po ang pagpapatala para sa darating na pasukan!
โ€‹๐Ÿ—“๏ธ Petsa ng Enrollment: June 1โ€“5, 2026
โฐ Oras: 8:00 AM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“ Lugar: Mendez Crossing Elementary School

Dalhin lamang ang mga sumusunod sa araw ng pagpapatala:
Kinder / Grade 1- Photocopy ng PSA Birth Certificate,
Grades 2-6 - School Report Card
Balik-Aral/Transferees- Photocopy of PSA Birth Certificate, School Report Card (Last School Year Attended)

โ€‹Para sa inyong mga katanungan, paglilinaw, at iba pang mga concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming Public Assistance Command Center (PACC).

โ€‹Tara na at sama-samang maghanda para sa isang ligtas, de-kalidad, at matagumpay na pagbabalik-eskwela!

โ€‹

Want your school to be the top-listed School/college in Tagaytay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Mendez Crossing East
Tagaytay City
4120

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm