18/06/2026
π’ OPISYAL NA PAHAYAG | PAGPAPALIT NG PANGALAN NG OPISYAL NA FACEBOOK PAGE
Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 o Media Management Guidelines, opisyal nang pinalitan ang pangalan ng page ng ating paaralan upang maging kaayon ng pamantayang ginagamit ng Department of Education sa buong bansa.
π Dating Pangalan ng Page:
DepEd Tayo Miranda ES β Batangas
π Bagong Opisyal na Pangalan ng Page:
DepEd Miranda Elementary School β Batangas Province
Simula ngayon, lahat ng opisyal na anunsyo, memorandum, paalala, mga gawain, programa, at iba pang mahahalagang impormasyon ng paaralan ay ilalathala lamang sa ilalim ng ating bagong opisyal na page.
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, at iba pang mga katuwang ng paaralan na i-follow at ibahagi ang ating opisyal na pahina upang manatiling updated at hindi mapag-iwanan sa mahahalagang anunsyo at mga kaganapan ng paaralan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta, pakikiisa, at pagtitiwala sa ating paaralan.
18/06/2026
π MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG IKALAWANG KWARTER NG NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)
Bilang pakikiisa sa pambansang kampanya para sa kahandaan sa sakuna, matagumpay na isinagawa ng Miranda Elementary School ang Ikalawang Kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na 9:00 ng umaga.
Sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral, g**o, at mga kawani, naisagawa nang maayos ang mga itinakdang pamamaraan sa oras ng lindol, kabilang ang "Duck, Cover, and Hold" at ang ligtas at organisadong paglikas sa mga itinakdang evacuation area. Ang pagsasanay na ito ay nagpatibay sa kahandaan, disiplina, at tamang pagtugon sa anumang sitwasyong pang-emerhensiya.
Patuloy na ipinakikita na ang kahandaan ay bunga ng sama-samang pagkilos, tamang kaalaman, at regular na pagsasanay. Sa bawat drill na isinasagawa, mas napagtitibay ang kultura ng kaligtasan at ang pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa.
"Ang kahandaan ngayon ang susi sa mas ligtas na kinabukasan."
16/06/2026
π’ IKALAWANG KWARTER NG NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL
ποΈ Hunyo 18, 2026 (Huwebes)
π 9:00 ng Umaga
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kahandaan sa panahon ng sakuna, magsasagawa ng Ikalawang Kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga.
Layunin ng gawaing ito na malinang ang wastong kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol at iba pang hindi inaasahang pangyayari. Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, higit nating napapalakas ang kultura ng kaligtasan at kahandaan sa ating komunidad.
π Paalala: Hinihiling namin sa lahat na huwag mabahala, sapagkat ito ay isang simulation o pagsasanay lamang. Ang inyong pag-unawa at pakikiisa ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng isang ligtas at handang pamayanan.
π¦Ί "Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas. Sama-sama tayong maging alerto, handa, at ligtas!"
08/06/2026
πβ¨ Opening of Classes Monitoring
Isinagawa ang monitoring sa pagbubukas ng klase sa pangunguna ng ating Public Schools District Supervisor (PSDS) na si Dr. Ginalyn Ulitin Macaraig , na nagmonitor upang matiyak ang maayos, ligtas, at handang pagsisimula ng klase sa ating paaralan.
Layunin ng gawaing ito na matiyak ang kahandaan ng paaralan, matukoy ang mga pangangailangan, at agad na makapagbigay ng angkop na suporta para sa matagumpay na pagbubukas ng panibagong taong panuruan.
Sa patuloy na paggabay ng ating PSDS, katuwang ang mga punongg**o at mga g**o, lalo pang napagtitibay ang layunin sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.
08/06/2026
ππ BACK TO SCHOOL SY 2026β2027 ππ
Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga mahal naming mag-aaral! Isang panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at paghubog ng mga pangarap ang ating sisimulan. Nawaβy maging inspirasyon sa bawat isa ang pagbubukas ng klase upang mas pagbutihin ang pag-aaral, paunlarin ang mga kakayahan, at patuloy na isabuhay ang mabubuting asal at pagpapahalaga.
Sa pakikiisa ng ating mga magulang, g**o, at iba pang katuwang sa edukasyon, sama-sama nating haharapin ang mga hamon at pagkakataong hatid ng bagong taong panuruan. Nawaβy maging ligtas, masaya, at makabuluhan ang bawat araw sa paaralan habang patuloy nating isinusulong ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat. β¨π«π
08/06/2026
π¨βπ©βπ§βπ¦π Parents' Orientation 2026
Noong Hunyo 5, 2026, matagumpay na isinagawa ang Parents' Orientation bilang paghahanda para sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026β2027.
Sa pangunguna ng aming Punongg**o Jonna May D. Casalme, Principal I, tinalakay ang mahahalagang programa, polisiya, at mga alituntunin ng paaralan upang higit na mapagtibay ang ugnayan at pakikipagtulungan ng mga magulang at ng paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.
Binigyang-diin din sa oryentasyon ang programang Sagip Taal Lake (SATALA) at ang pagpapatupad ng Anti-Bullying Policy upang mapalawak ang kamalayan ng mga magulang sa pangangalaga sa kapaligiran at maisulong ang isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa at naglaan ng kanilang oras. Ang inyong aktibong pakikilahok at patuloy na suporta ay mahalagang katuwang ng paaralan sa paghubog ng mga mag-aaral tungo sa kanilang tagumpay.
β¨ Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon at ligtas na kapaligiran para sa bawat bata!
08/06/2026
πβ¨ BRIGADA ESKWELA 2026 β¨π
Sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto! ππ«
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa komunidad na naglaan ng oras, lakas, at suporta upang maging ligtas, maayos, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad nating lahat. Sama-sama para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
04/06/2026
Ang buong pamilya ng Miranda Elementary School ay lubos na nagpapasalamat sa Talisay Association of Manitoba sa kanilang bukas-palad na paglalaan ng mga kagamitan at cleaning materials para sa Brigada Eskwela 2026.
Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay malaking tulong sa paghahanda ng ating paaralan upang maging mas malinis, ligtas, at kaaya-aya para sa ating mga mag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.
Mula sa aming mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad ng Miranda Elementary School, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa edukasyon.
Nawaβy patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at gantimpalaan ang inyong kabutihan.
02/06/2026
πβ¨ Warmest CONGRATULATIONS to our three teachers on their well-deserved promotion through the approved ERF reclassification! ππ
This well-deserved achievement reflects your dedication, perseverance, and commitment to providing quality education. May this milestone inspire you to continue making a positive impact on the lives of your learners and the entire school community.
Your Miranda Elementary School family is proud of you.
Congratulations and continued success in all your future endeavors!ππ
29/05/2026
πβ¨ Cheers to another year of life, happiness, and beautiful memories. Wishing you endless joy, good health, and success. Happy Birthday MA'AM JOY R. REYES! π₯³π