19/06/2026
To a person who brings so much light to our lives—Happy Birthday, AO Karl!
May your day be as incredible as you are. We are so lucky to have you.
Love, MESFam 🩵
Información de contacto, mapa y direcciones, formulario de contacto, horario de apertura, servicios, puntuaciones, fotos, videos y anuncios de Malbog Elementary School, Escuela, Madrid.
19/06/2026
To a person who brings so much light to our lives—Happy Birthday, AO Karl!
May your day be as incredible as you are. We are so lucky to have you.
Love, MESFam 🩵
14/06/2026
MATAGUMPAY NA NAILUNSAD ANG 𝙊𝙋𝙀𝙉𝙄𝙉𝙂 𝘽𝙇𝙊𝘾𝙆 SA UNANG LINGGO NG KLASE!
Nagtapos ang unang linggo ng klase sa Malbog Elementary School sa ilalim ng Three-Term School Calendar 𝙊𝙥𝙚𝙣𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙡𝙤𝙘𝙠 (Hunyo 8–11, 2026) na puno ng pagkatuto, kasiyahan, at makabuluhang karanasan para sa ating mga mag-aaral.
Sa loob ng apat na araw, isinagawa ang iba't ibang 𝙖𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙞𝙚𝙨 at 𝙖𝙨𝙨𝙚𝙨𝙨𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙩𝙚𝙨𝙩 sa bawat baitang upang masuri ang kanilang kahandaan at kasalukuyang antas ng kaalaman. Higit pa rito, ang mga gawaing ito ay naghatid ng saya, sigla, at pananabik sa pag-aaral sa ating mga mag-aaral habang muli nilang nakasama ang kanilang mga kaklase at g**o.
Kasabay nito, matagumpay ring naisagawa ang unang 𝙃𝙤𝙢𝙚𝙧𝙤𝙤𝙢 𝙋𝙖𝙧𝙚𝙣𝙩-𝙏𝙚𝙖𝙘𝙝𝙚𝙧 𝘼𝙨𝙨𝙤𝙘𝙞𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 (HRPTA) 𝙈𝙚𝙚𝙩𝙞𝙣𝙜 para sa taong panuruan 2026–2027. Naging mahalagang pagkakataon ito upang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at mga magulang, maipabatid ang mahahalagang impormasyon, at mapag-usapan ang mga programang makatutulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral.
Maraming salamat sa mga g**o, at iba pang katuwang sa edukasyon, na naging bahagi ng matagumpay na pagsisimula ng ating klase.
Sama-sama tayong magtulungan para sa isang masaya, ligtas, at makabuluhang taon ng pagkatuto!
School Head: Mr. Francisco P. Quindoza
𝘿𝙞𝙨𝙘𝙡𝙖𝙞𝙢𝙚𝙧:
𝙈𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙝𝙞𝙣𝙩𝙪𝙡𝙤𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙪𝙥𝙡𝙤𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙖𝙠.
Ang laya mo'y babantayan, Pilipinas kong mahal!
12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan, Mahal naming Pilipinas!
10/06/2026
HAPPY BIRTHDAY, MA’AM RONALYN REANZARES! 🎉
Warmest greetings to our dedicated and inspiring Teacher III of Malbog Elementary School. Your passion for teaching, patience, and unwavering commitment to your learners continue to light the way for many young minds.
On your special day, may you be filled with happiness, good health, and endless blessings. Thank you for your hard work and for being a true example of dedication and kindness in education.
Wishing you a day full of joy, love, and beautiful moments!
Enjoy your special day, Ma’am Rona!
Love, MESFam 🩷
09/06/2026
Happy faces, happy hearts 🎈🎊🎉
Hello, SY 2026-2027!
Disclaimer:
May pahintulot ng mga magulang ang pag-upload ng larawan ng kanilang mga anak.
09/06/2026
𝙋𝘼𝙂𝘽𝙐𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎 𝙉𝙂 𝙆𝙇𝘼𝙎𝙀 𝙎𝙔 2026–2027 📚
Hunyo 8, 2026 — opisyal na muling nagbukas ang panibagong taong panuruan sa Malbog Elementary School sa isang makabuluhan at masiglang programa.
Nagsimula ang pagtitipon sa pamamagitan ng isang welcome program sa pangunguna ni 𝙂𝙣𝙜. 𝙅𝙚𝙣𝙣𝙮 𝙈𝙖𝙮 𝘾. 𝙑𝙞𝙩𝙩𝙤, mula sa taimtim na panalangin, sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno.
Ipinakilala rin ang mga g**o na handang gumabay sa mga mag-aaral sa buong panuruang taon. Nagbigay naman ng mensahe ang Punongg**o, G. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙋. 𝙌𝙪𝙞𝙣𝙙𝙤𝙯𝙖, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa, disiplina, at pag-asa para sa mas matagumpay na taon ng pag-aaral.
Mas lalong naging masaya ang programa sa mga 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙧𝙤 at 𝙥𝙖𝙥𝙧𝙚𝙢𝙮𝙤 na nagbigay ng sigla at ngiti sa mga mag-aaral.
Sa ating Value Focus: 𝙆𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 (Freedom) — Ipinaalala ni 𝙂𝙣𝙜. 𝙍𝙤𝙣𝙖𝙡𝙮𝙣 𝙎. 𝙍𝙚𝙖𝙣𝙯𝙖𝙧𝙚𝙨 na ang edukasyon ang susi upang magamit natin nang tama ang kalayaang ipinagkaloob sa atin, para sa pag-unlad ng sarili at ng bayan.
Isang makabuluhang simula para sa SY 2026–2027!
07/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa bumubuo ng 𝘽𝙪𝙚𝙣𝙖𝙫𝙞𝙨𝙩a 𝙁𝙞𝙧𝙚 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, sa pangunguna ni Acting Municipal Fire Marshal, SFO2 𝙀𝙙𝙥𝙝𝙞𝙡 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙊 𝙋𝙚𝙧𝙡𝙖𝙨 sa kanilang pakikiisa at suporta sa Brigada Eskwela 2026.
Ang inyong dedikasyon, malasakit, at boluntaryong paglilingkod ay malaking tulong sa paghahanda ng ating paaralan para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na serbisyo at suporta!
07/06/2026
𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 𝙂𝘼𝙒𝘼𝘿 𝙋𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙇 2026
Isang makabuluhang pagtitipon ang isinagawa para sa Brigada Eskwela Gawad Parangal 2026 na naglalayong magbigay-pagkilala at pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na 𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖 𝙀𝙨𝙠𝙬𝙚𝙡𝙖 2025.
Sa taong ito, kinilala ang walang sawang suporta, dedikasyon, at malasakit ng mga stakeholders, volunteers, at iba’t ibang katuwang ng paaralan na naging malaking bahagi sa paghahanda at pagpapaganda ng ating paaralan.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling napatunayan na ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay hindi magiging posible kung wala ang sama-samang pagkilos at tunay na diwa ng bayanihan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng 𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖 𝙀𝙨𝙠𝙬𝙚𝙡𝙖 2025—ang inyong kontribusyon ay patuloy na magsisilbing inspirasyon para sa mas maayos, ligtas, at handang paaralan para sa mga mag-aaral.
Sama-sama, para sa mas matatag na kinabukasan ng kabataan!
School Head: Mr. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙋. 𝙌𝙪𝙞𝙣𝙙𝙤𝙯𝙖
School BE Coordinator: Mrs. 𝙅𝙚𝙣𝙣𝙮 𝙈𝙖𝙮 𝘾. 𝙑𝙞𝙩𝙩𝙤
06/06/2026
𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 2026 𝙆𝙄𝘾𝙆-𝙊𝙁𝙁 𝘾𝙀𝙍𝙀𝙈𝙊𝙉𝙔
Noong Hunyo 1, 2026, matagumpay na isinagawa ang 𝙆𝙞𝙘𝙠-𝙊𝙛𝙛 𝘾𝙚𝙧𝙚𝙢𝙤𝙣𝙮 ng 𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖 𝙀𝙨𝙠𝙬𝙚𝙡𝙖 na nagsimula sa isang makulay at masiglang 𝙢𝙤𝙩𝙤𝙧𝙘𝙖𝙙𝙚 na sinundan ng pormal na programa sa paaralan.
Sa temang “𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣: 𝙉𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙖𝙮𝙪𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙆𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣,” muling ipinakita ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa para sa paghahanda ng mas maayos at ligtas na paaralan para sa mga mag-aaral.
Ipinakilala ng ating Brigada Eskwela Coordinator, Gng. 𝙅𝙚𝙣𝙣𝙮 𝙈𝙖𝙮 𝘾. 𝙑𝙞𝙩𝙩𝙤, ang mga stakeholders at volunteers, at tinalakay rin ang matrix of activities na magsisilbing gabay sa mga gawain ng Brigada Eskwela.
Nagbigay ng kanyang mensahe ng inspirasyon ang ating Punongg**o, G. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝙋. 𝙌𝙪𝙞𝙣𝙙𝙤𝙯𝙖 , na nagpaalala sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa ikabubuti ng paaralan.
Sinundan ito ng Pledge of Commitment na pinangunahan ni 𝙁𝙊2 𝙍𝙚𝙪𝙗𝙚𝙣 𝙅𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣 𝙈. 𝙑𝙞𝙩𝙩𝙤, at Message of Support mula kay 𝙋𝙎𝙈𝙎 𝙅𝙤𝙨𝙚𝙥𝙝𝙞𝙣𝙚 𝙎. 𝙁𝙚𝙙𝙚𝙧𝙞𝙘𝙤, na kapwa nagbigay-lakas at suporta sa adhikain ng programa.
Matapos ang programa, isinagawa ang Signing of the Wall of Commitment bilang simbolo ng buong pusong pakikiisa ng mga stakeholder, volunteers, at kawani ng paaralan.
Isang matagumpay na pagsisimula ng Brigada Eskwela na patunay na sa bayanihan, walang imposible para sa ating paaralan at kabataan.
#𝘼𝙧𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙙𝙖𝙈𝙀𝙎 #𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖𝙀𝙨𝙠𝙬𝙚𝙡𝙖2026