ACT Region III Union

ACT Region III Union

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ACT Region III Union, School, Santo Rosario, Angeles City.

Official page of ACT Region III — a platform for teachers to discuss key social and educational issues, share insights, and strengthen unity among educators from public, private, and SUCs toward genuine, people-centered education.

08/06/2026

We are proud to be part of this movement 🤗
SAVE the Rice Granary! Defend our farm lands!

Photos from Alliance of Concerned Teachers-Philippines's post 08/06/2026

Teachers hold sunrise protest as same old problems hound new school year

Before heading to their respective schools on the first day of classes, public school teachers under the Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines trooped to Mendiola at sunrise to expose the scale of the education crisis that continues to batter the public education system and burden teachers, education workers, and learners.

“Bagong taong panuruan, luma at lumalalang kakulangan ang muling sasalubong sa atin ngayong balik-eskwela. Kung may dapat na kumustahin ang gobyerno, walang iba kundi ang mga g**o, kawani, kabataan, at mamamayang Pilipino na humaharap sa dobleng krisis sa ekonomiya at edukasyon. Bago pa man ang inaasahang pananalanta ng mga bagyo at kalamidad ngayong panahon, matagal nang hinahagupit ng matinding kakulangan sa mga g**o, kawani, silid-aralan, kagamitan at pasilidad ang sektor ng edukasyon dahil sa kawalang prayoridad at pag-abandona ng gobyerno," stated Ruby Bernardo, ACT Chairperson.

"Matagal nang lubog ang mga g**o, hindi lang sa baha, kundi sa utang dahil sa kapos na sweldo at kakarampot na benepisyo. Matagal nang lunod sa trabaho ang mga g**o dahil sa bigat ng pasan nating responsibilidad na inaagaw ang ating panahon sa pagtuturo. Matagal nang pinipilit iahon ng mga g**o at magulang ang pabulusok na kalagayan ng edukasyon sa pamamagitan ng pagkukusa, pag-aabono, at pag-aambagan, samantalang lumalangoy sa yaman ang mga kurakot at naglulustay sa pondo ng bayan," Bernardo added.

ACT stressed that the learning crisis will persist as long as the government continues to starve the education sector of the resources it urgently needs.

The group pointed out that despite the so-called historic trillion-peso education budget, it remains grossly insufficient to resolve the massive shortages in basic education needs, with classroom shortage standing at 165,000, teacher shortage at 150,000, and shortage of more than 300,000 education support personnel including guidance counselors, school nurses, and registrars, as well as millions of lacking textbooks and learning materials.


"The unresolved shortages will definitely hinder progress in addressing learning gaps, while ill-prepared, hasty, and undemocratic policy and system reforms will leave teachers grappling for guidance and support. We call for political and decisive action from the Marcos Jr. administration by allocating 6% of GDP to education, raising teachers' and education workers' salaries to decent and livable levels, and overhauling the curriculum and education system to align with the needs of genuine national development," Bernardo explained.

Following the sunrise protest, ACT members also announced visits to multiple public schools in Manila and Quezon City to directly observe conditions on the ground and engage with teachers and school communities. The group will also hold a sunset protest at Welcome Rotonda to call for urgent government action on pressing education issues. #

Photos from ACT Region III Union's post 08/06/2026

BALIK-ESKWELA 2026:
KUMUSTAHIN NATIN ANG ATING MGA G**O!

Sa pagbubukas ng taong pampaaralan 2026-27, sama-sama nating salubungin ang ating mga mag-aaral at kilalanin ang walang sawang paglilingkod ng ating mga g**o. Ngunit habang ipinagdiriwang natin ang pagbubukas ng klase, huwag nating kalimutan ang kalagayan ng mga g**ong patuloy na nagsasakripisyo para sa edukasyon ng kabataan. Sa kabila ng mababang sahod, patuloy nilang ginagampanan ang lumalawak na mga tungkulin at responsibilidad sa loob at labas ng silid-aralan.

Ayon kay Amelia S. Serdeña, PhD, Pangulo ng ACT Region III Union: “Huwag lamang nating kumustahin ang mga mag-aaral; kumustahin din natin ang mga g**o na patuloy na nagsasakripisyo para sa edukasyon ng kabataan. Nararapat lamang na mabigyan sila ng makatarungan at sapat na sahod na naaayon sa bigat ng kanilang trabaho at sa mahalagang papel na ginagampanan nila sa lipunan. Panahon na upang pakinggan ang kanilang hinaing at isulong ang makabuluhang dagdag-sahod.”

Panahon nang kilalanin ang kanilang ambag hindi lamang sa salita kundi sa kongkretong pagkilos.

SWELDO ITAAS, ₱50,000 DAPAT! Para sa mas marangal na pamumuhay ng mga g**o at mas mahusay na sistema ng edukasyon para sa ating mga kabataan.








Photos from ACT Region III Union's post 05/06/2026

Mainit na pagbati sa matagumpay na paglulunsad ng SAVE THE RICE GRANARY Movement!

Nakiisa ang ACT Central Luzon sa makasaysayang paglulunsad ng SAVE THE RICE GRANARY Movement at sa malakas na panawagan ng mga magsasaka, manggagawang bukid, at mamamayan para ipagtanggol ang mga lupang sakahan sa Gitnang Luzon laban sa tuluy-tuloy na land conversion, malalaking proyektong sumasagasa sa agrikultura, at mga polisiyang nagpapahina sa lokal na produksyon ng pagkain.

Bilang mga g**o at kawani sa edukasyon, kinikilala namin na ang laban para sa edukasyon ay hindi hiwalay sa laban para sa lupa, pagkain, at kabuhayan. Ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral ay nakasalalay rin sa kakayahan ng bansa na magprodyus ng sapat at abot-kayang pagkain. Kapag nawalan ng lupa ang mga magsasaka at lumiit ang produksyon ng palay, tumitindi ang kagutuman, kahirapan, at krisis sa kabuhayan na direktang nakaaapekto sa pag-aaral at kalagayan ng mga kabataan.

Mahalagang makiisa ang hanay ng mga edukador sa pakikibaka ng mga magsasaka sapagkat ang mga paaralan ay hindi nakahiwalay sa mas malawak na kalagayan ng lipunan. Marami sa ating mga estudyante ay mula sa mga pamilyang magsasaka at manggagawang bukid na patuloy na nakararanas ng mababang kita, mataas na gastos sa produksyon, at banta ng pagkawala ng kanilang lupang sinasaka. Ang pagtatanggol sa agrikultura ay pagtatanggol din sa karapatan ng mga bata sa edukasyon at sa isang disenteng kinabukasan.

Sa gitna ng tumitinding krisis sa pagkain at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, higit kailanman ay mahalagang pangalagaan ang mga natitirang palayan at lupang agrikultural ng Gitnang Luzon—ang kinikilalang rice granary ng bansa. Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat sa dami ng mga komersyal at industriyal na proyekto, kundi sa kakayahan ng mamamayan na magkaroon ng sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, at matatag na kinabukasan.

Kaisa ang ACT Central Luzon sa panawagang:

🌾 Ipagtanggol ang mga lupang sakahan!
🌾 Itaguyod ang food security at food sovereignty!
🌾 Suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa at makatarungang kabuhayan!
🌾 Isulong ang kinabukasang may sapat na pagkain para sa susunod na henerasyon!

Ang laban para sa edukasyon at ang laban para sa pagkain ay iisang laban para sa karapatan at kinabukasan ng sambayanan.






01/06/2026

LIVE: Launching of Bantay Balik-Eskwela Hotline to monitor state of schools nationwide as Brigada Eskwela begins one week before the opening of School Year 2026-2027.

Photos from ACT Region III Union's post 26/05/2026

Kasama ng Tagapangulo na si Dr. Amy Sinohin Serd ang mga lider g**o mula sa ACT Central Luzon at mga g**o mula sa iba't ibang division ng NCR, CALABARZON, At mga karatig na lalawigan, mga Prof. ng mga SUC's,Tayo ay nakibahagi para sa Grand Lobbying ng ating panawagan na:
50K entry level sa lahat ng g**o sa buong bansa pampubliko at pribadong paaralan.. at ang Pagdagdag sa PERA mula 2000 tungong 5000.
Ilalaban ko ito Para sa Inyo..Sana sa mga susunod kasama ko na kayo✊️✊️✊️
**oparasag**o


26/05/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Angeles City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Santo Rosario
Angeles City