Dulong Bayan Elementary School 3rd Grand Alumni Homecoming

Dulong Bayan Elementary School 3rd Grand Alumni Homecoming

Share

3rd Grand Alumni Homecoming

27/05/2026

Maraming salamat po muli sa lahat ng dumalo sa ating Assembly Meeting para sa nalalapit na Alumni Homecoming 2027. 🙏

Patuloy po nating pinaplano ang isang masaya, maayos, at makabuluhang pagdiriwang para sa ating minamahal na paaralan.
Sama-sama nating buhayin ang samahan at alaala ng ating pagiging alumni. 💙💛


25/05/2026

TEASER ALERT! 📢

​Mga ka-DBES, handa na ba kayong manalo? 🏆
Ang ating mga raffle prizes para sa 3rd Grand Alumni Homecoming sa April 4, 2027 ay kumpirmado na!

​Isang malaking pasasalamat sa ating Alumni President, Hon. Redentor M. Crisologo, sa kanyang mapagbigay na suporta para sa ating mga premyo.

​Kasalukuyan na naming ino-organize ang ating ticket distribution sa pakikipagtulungan ng inyong mga Batch Representatives upang masiguradong makakasali ang lahat sa ating grand event.

​Abangan ang inyong mga representative para sa susunod na mga updates! Siguraduhing naka-follow at naka-notify ang inyong mga account sa ating page.

21/05/2026

📢 PAALALA: Grand Alumni Assembly Meeting

​Mga kapwa DBES Alumni, nais po naming ipaalala ang ating gaganaping Alumni Grand Assembly Meeting ngayong darating na:

​🗓 Petsa: Mayo 24, 2026
🕑 Oras: 2:00 PM
📍 Lugar: Dulong Bayan Basketball Court

​Nanawagan po kami sa lahat ng Batch 1968 hanggang 2018. Inaasahan po namin ang pagpapadala ng kahit isang (1) representative mula sa inyong batch upang makilahok sa ating pagpupulong.

​Ang inyong presensya at suhestyon ay mahalaga para sa matagumpay na paghahanda sa ating 3rd Grand Alumni Homecoming. Maraming salamat po at magkita-kita tayo!

09/05/2026

Balik-Tanaw at Balik-Saya, DBES Alumni! 📣✨
​Isang malaking pagtitipon ang naghihintay sa atin! Para sa ating paghahanda sa 3rd Grand Alumni Homecoming, inaanyayahan namin ang bawat batch na magpadala ng kahit isang representative para sa ating mahalagang meeting.

​📅 Kailan: May 24, 2026
​🕑 Oras: 2:00 PM
​📍 Saan: Dulong Bayan Basketball Court
​Ano ang ating pag-uusapan?

✅ Presentation ng ating exciting homecoming program.
✅ Paano tayo magtutulungan para maging memorable ang event na ito!

​Sama-sama tayong bumuo ng masayang plano para sa ating paaralan. Kita-kits, Batchmates! 🤝❤️

Want your school to be the top-listed School/college in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Dulong Bayan
Bacoor