Unang Bayani

Unang Bayani

Share

Isang lupon ng patnugutan, panulat ang sandata, katotohanan ang adhika | Ang opisyal na pahayagan ng STEC Junior High School

07/02/2026

𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔!
Isang lupon ng patnugutan, panulat ang sandata, katotohanan ang adhika.

UNANG BAYANI - Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Science and Technology Education Center-JHS, Lapu-Lapu City Division

TOMO 23 | BLG. 1: I-scan ang QR Code o pindutin ang link para sa e-copy:
https://heyzine.com/flip-book/aa120b2206.html

LUPON NG PATNUGUTAN

Punong Patnugot:
Angelica L. Garrido

Katuwang na Patnugot:
Marsse Julia R. Perocho

Tagapangasiwang Patnugot:
Frederich Niña D. Malabago

Patnugot sa Balita:
Althia R. Palahang

Patnugot sa Lathalain:
Nathan Zachary M. Nacua

Patnugot sa Agham at Teknolihiya:
Leila Jenina A. Cawagas

Patnugot sa Isports:
Rhianne Louise Artigas

Punong Debuhista:
Zyra O. Villasencio

Katuwang na Debuhista:
Lance Philip Aunzo, Daniel Alexander Mitchell, Nicole Angela Waminal

Punong Tagalarawan:
Josh Steven B. Barrios

Katuwang na Tagalarawan:
Zoe Cabrera

Tagapag-anyo at Taga-Desinyo:
Angelica L. Garrido, Zyra O. Villasencio, Marsse Julia R. Perocho, Gelcy Antonette Bawasanta,Sham ey Lacanaria

Tagapag-wasto ng Balita:
Erl Josch A. Marikit, Kayne Dumatagan

Kolumnista:
Anika Mae Gempisao, Marc Ian Rubante, Ma Victoria Ligan, Kristine Seno, Hazel Bunda, Rylie Jayde Tan

Mga Manunulat:
Shaun Allen Tante, Zian Mark Tampus, Sham Ley Lacanaria, Lanxi Luyao, Shainia Ocbeña,Danielle Pulido, Nayomi Fello, Justel Casul, Khloe Ferrero, Vincent Antegro, Prince Addelson Pieras, Zoey James Walter, Niño Anthony Mahusay, Shairah Rule Taran, Rheanna Xyrielle Sullano, Althea Leigh Caballes, Athena Maia Castro, Mary Antoinette Patoc, Xasnegale Baclohan, Zailey Wayne Cañete, Tom Zeus Fernandez, Jared Ivan Ejares, Tom Alfred Locambo, Alexus Nathan Lismoras

Tagapayo:
Ashley W. Valiente

Punong G**o:
Ricardo T. Cayacap

Katuwang na Patnugot:
Luisa S. Tango-an

𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔!
Isang lupon ng patnugutan, panulat ang sandata, katotohanan ang adhika.

UNANG BAYANI - Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Science and Technology Education Center-JHS, Lapu-Lapu City Division

TOMO 23 | BLG. 1: I-scan ang QR Code o pindutin ang link para sa e-copy:
https://heyzine.com/flip-book/aa120b2206.html

11/01/2026

Enero 10, 2026, sa araw na ito, ipinagdiwang ng Unang Bayani (UB) ang isang g**o at tagapayo na hindi lamang nagtuturo ng wika, kundi humuhubog ng puso at isipan. Sa bawat salitang inyong ibinabahagi, natututo kaming magmahal sa wikang Filipino, magsulat nang may saysay, at magsalita nang may paninindigan. Kayo ang aming gabay sa likod ng bawat pahina ng UB, ang ilaw sa tuwing kami’y nagdududa, at ang lakas ng loob sa bawat pangarap naming isinusulat.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay, malasakit, at paniniwala sa aming kakayahan. Nawa’y pagpalain pa kayo ng masaganang kalusugan, ligaya, at inspirasyong patuloy ninyong ibinibigay sa amin. Mabuhay kayo, Binibining Ashley! Kayo po ang aming patunay na ang g**o ay tunay na bayani. 🌻✍️

Isinulat ni: Angelica G., Punong Patnugot 💙
Ini-layout ni: Marsse P., Katuwang na Patnugot 💓

Photos from Unang Bayani's post 30/08/2025

Puno ng sigla, kulay, at dangal sa sariling kultura ang Science and Technology Education Center (STEC) Gymnasium sa naganap na Buwan ng Wika sa temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa", isinagawa ang pagdiriwang noong ika-29 ng Agosto taong 2025.

Ang bawat pagtatanghal ay hindi lamang simpleng palabas, kundi nagsilbing patunay ng husay, pagkamalikhain, at malasakit ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng mga pantimpalak ng mga Diyos at Diyosa, dula na nagpakita ng husay at pagkamalikhain ng bawat isa, at sayaw na nagdulot ng kasiyahan sa lahat, muling nabuhay ang ating pagka-Pilipino at tayo ay nagbigay ng inspirasyon sa kasalukuyan. Ang ating dedikasyon at pagsisikap ay tunay na nakapagbigay saya at kaalaman sa lahat, sabay sa pagpapakita ng di-matatawarang pagmamahal sa bayan.

Ang selebrasyong ito ay hindi lamang paggunita sa ating makulay na kultura kundi isang paalala na ang bawat kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapatuloy at pagpapalaganap ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa pagkakaisa at sama-samang pagdiriwang, patuloy nating pinagyayaman at pinapanday ang ating kinabukasan bilang isang bansang nagmamahal sa sariling kultura.

🖊Captioned by: Frederich Niña Malabago and Gelcy Antonette Bawasanta
💻 Layout Artist: Angelica Garrido

27/08/2025

Handa na ba kayo⁉️

Bukas na ang araw ng ating masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025! 🇵🇭

Ihanda na ang inyong sarili sa mga patimpalak at pagtatanghal na siguradong magpapaalala sa atin kung gaano kaganda ang ating wika at kultura. 💃🎶📜

Ngayon pa lang, silipin na ang daloy ng ating programa para alam mo na ang mga dapat abangan! Kita-kits bukas mga STECIAN. ⭐

🖊️Captioned by: Anika Mae Gempisao
💻Layout artist: Angelica Garrido

Photos from Unang Bayani's post 15/08/2025

Pambirtual na poster, ipinabatid ng mga STECIAN ✨

Isa ang E-dibuho sa Pasimulang aktibidad ng Unang Bayani para sa Buwan ng Wika, isinagawa at ipinasa noong Agosto 12, 2025. Mga estudyanteng may angking galing sa pagbabalangkas at paglalapat ng kulay gamit ang teknolohiya.

Bawat seksyon ay pumili ng isang magrerepresenta sa larangang ito. Dito makikita ang bawat pagsisikap at pagtuon ng puso at isip sa pamamagitan ng mga likhang mala-bulaklak ang anyo.

Sa bawat lapat ng linya at pagbibigay-buhay ng guhit, ipinakita nila ang kanilang galing sa pagkukulay at pagmamarka. Itong mga obra maestra ay nagbibigay kahulugan sa ating lupang sinilangan—pagmasdan at silayan ang entrada ng bawat seksyon sa larangang E-dibuho!

🖊️Captioned by: Nathan Zachary Nacua
💻Layout Artist: Angelica Garrido

Photos from Unang Bayani's post 13/08/2025

Paglinang sa ating Wika at Kasaysayan, ito ang layunin ngayong Buwan. 🇵🇭

Matapos ganapin ang dalawang aktibidad: Bidyokasiya at E-Dibuho, noong Agosto 12, 2025. Hindi lamang doon magtatapos ang mga gawain para sa buwang ito, dahil mayroon pang mga darating na ihahandog namin ng Unang Bayani. 💪

Dito maipapamalas ang angking galing sa larangan ng pagkanta, pagsubok sa kaalaman at talino, paggawa ng isang artifact, pagrepresenta sa mga mitolohiyang Pilipino at pagganap sa entablado.

Ngayong Buwan ng Wika, sama-sama nating abutin ang Layunin tungo sa pagiging isang STECians na tapat at mapagmalaking Pilipino! ❤️

🖊️Captioned by : Marsse Julia Perocho
💻Layout Artist: Angelica Garrido

Photos from Unang Bayani's post 11/08/2025

"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" ✨

Sa tema natin ngayong selebrasyon sa Buwan ng Wikang Pambansa 2025. Nais naming ipahatid Unang Bayani, ang magaganap na dalawang aktibidad ngayong Agosto 12, 2025 mula sa mga lingguhang gawain. Sa pamamagitan nito malilinang ang ating kaalaman tungkol sa mayamang katutubong wika at kasaysayan mayroon ang ating bansa! 🎉

Mula sa pagguhit sa gadyet hanggang sa paggawa ng adbokasiyang bidyo, dito makikita ang ating angking galing at talino bilang mga mamamayang Pilipino. 🫶🏽🤩

Sa karagdagan pang mga impormasyon at gabay sa mekaniks at alituntunin, bisitahin lamang ang Google Docs o basahin ang ibinigay naming hard copy bawat seksyon.❤

🖊️Captioned by: Marsse Julia Perocho
💻Layout Artist: Angelica Garrido

Want your school to be the top-listed School/college in Basak?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


STEC Basak, Lapu-Lapu City
Basak
6015