22/06/2026
Hunyo 22, 2026
Isang makabuluhan at matagumpay na Flag Raising Ceremony ang isinagawa kahapon sa Subic Elementary School na dinaluhan ng ating minamahal na Municipal Mayor Atty. Cinderella Valenton Reyes, Vice Mayor Atty. Remjell Humarang, mga kapulisan, mga punong-g**o mula sa iba’t ibang paaralan, mga kagalang-galang na konsehal, at mga Kapitan ng Barangay.
Naging mas espesyal ang nasabing gawain sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Donate a Uniform, Help a Scout” Project, isang sama-samang programa ng Local Government Unit of Agoncillo, Boy Scouts of the Philippines, at Girl Scouts of the Philippines.
Ang proyektong ito ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan, malasakit, at bayanihan upang matulungan ang ating mga batang scout na magkaroon ng uniporme at makilahok sa mga gawaing humuhubog sa kanilang disiplina, pamumuno, at pagiging mabuting mamamayan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating panauhin, katuwang, at tagasuporta sa patuloy na pagbibigay inspirasyon at suporta para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating hinuhubog ang kabataan tungo sa pagiging responsableng lider ng kinabukasan. 🌿🇵🇭
18/06/2026
Demonstrating its commitment to disaster preparedness and school safety, Subic Elementary School actively participated in the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 on June 18, 2026. The activity brought together learners, teaching and non-teaching personnel, parents, and Barangay LGU in a coordinated effort to practice appropriate earthquake response measures.
Upon the sounding of the alarm at 9:00am, participants immediately carried out the “Duck, Cover, and Hold” procedure before proceeding to their designated evacuation areas in an orderly manner. Attendance verification and safety assessments were then conducted to ensure that all participants had safely completed the drill.
In light of the recent strong earthquakes experienced in various parts of the country, the exercise served as an important reminder that preparedness can save lives. Through the drill, the school strengthened the readiness of its community, enhanced emergency response skills, and reinforced the importance of vigilance, safety, and resilience in the face of potential disasters.
16/06/2026
Ang Subic Elementary School ay makikilahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa ika 9 ng umaga, June 18. Tayo ng maging handa!
BUKAS NA ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Second Quarter NSED sa June 18, 2026, 9:00 A.M. Magsisimula ang programa ng ceremonial pressing of the button nang 8:00 A.M Mapapanood ang livestream nito sa Civil Defense PH page.
15/06/2026
Isinagawa ang misting activity sa buong paaralan ng Subic Elementary School sa pangunguna ng Municipal Health Office. Layunin nito na mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng kapaligiran ng paaralan, gayundin ang pag-iwas sa pagdami ng mga lamok at pagkalat ng mga sakit.
Maraming salamat po sa ating mga health workers sa kanilang patuloy na suporta, serbisyo, at malasakit para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani. Malaking tulong po ang inyong pakikiisa upang mapanatili ang ligtas at malinis na paaralan. Maraming salamat po!
10/06/2026
✅Parents' Orientation and General Assembly
Matagumpay na naisagawa ang Parents' Orientation and General Assembly sa Subic Elementary School sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at suporta ng ating mga magulang. Maraming magulang ang dumalo upang makiisa at makibahagi sa mahahalagang talakayan kaugnay ng pagbubukas ng School Year 2026–2027.
Sa isinagawang pagtitipon, tinalakay ang mga programa, polisiya, at mga inaasahan ng paaralan upang matiyak ang maayos, ligtas, at produktibong pag-aaral ng mga mag-aaral. Naipaliwanag din ang mahalagang papel ng mga magulang bilang katuwang ng paaralan sa paghubog ng mga mag-aaral tungo sa kanilang tagumpay.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras upang dumalo at makiisa. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang susi sa pagkakaroon ng isang matagumpay at makabuluhang taon ng pag-aaral para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama para sa de-kalidad na edukasyon at matagumpay na kinabukasan ng bawat bata!
09/06/2026
✅Monitoring of Opening of Classes, School Year 2026–2027
Subic Elementary School warmly welcomed Mr. Jimmy J. Morillo, Education Program Supervisor I – MAPEH, during the monitoring of the opening of classes for School Year 2026–2027.
The visit aimed to ensure the school's readiness and the smooth implementation of classes, including the availability of learning resources, classroom preparedness, school facilities, and the overall welfare of learners and teachers.
We are grateful for the guidance and support extended to Subic ES in ensuring a smooth, safe, and successful opening of classes for SY 2026–2027.
08/06/2026
First day of School Year 2026-2027
A warm welcome to all learners of Subic Elementary School! As we begin another exciting school year, may we embrace new opportunities to learn, grow, and succeed together. Let us make this year meaningful, productive, and full of wonderful experiences.
We are happy to have you back and excited to learn with you. Wishing everyone a joyful, safe, and successful school year!
Welcome back, Subic Elementary School learners!
05/06/2026
Day 5 | Brigada Eskwela 2026
04/06/2026
Day 4| Brigada Eskwela 2026
03/06/2026
Day 3| BRIGADA ESKWELA 2026