15/06/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Ang tagumpay ng Lapis at Papel Project ay hindi lamang bunga ng pagsisikap ng Bay Municipal Sigma Council at Triskelion El Bae Magdalo, kundi bunga rin ng kabutihang-loob at suporta ng mga taong nagtiwala at tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito para sa ating mga kabataan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang suporta at nag-pledge para maging matagumpay ang ating programa:
πΉ Mayor Michael Punzalan
πΉ Vice Mayor Kiko Padrid
πΉ Kap. Fher Camalate
πΉ Konsi Rommel Ilagan
πΉ Konsi Ryan Villegas
πΉ Chairman Ryan Sulit
πΉ Brod Jem Pacia
πΉ Konsi Iyong Banaag
πΉ Konsi Boy Martinez
πΉ Sir Gerard Martinez
πΉ Brod Winston Ferancullo
πΉ Brod Marllon Cepeda
πΉ Brod Teng Macaliag
πΉ Brod Mark Dela Cruz
πΉ Brod Nicko Garcia
πΉ Brod Ramil Regidor
πΉ Brod Jhom Reyes
πΉ GT Renz Beato
πΉ Brod Jamer Bautista
πΉ Brod Tano Managat
Ang inyong malasakit at bukas-palad na pagtulong ay naging daan upang makapaghatid tayo ng mga school supplies at pag-asa sa mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong patuloy na paniniwala na ang edukasyon ay isang mahalagang susi sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan. Nawa'y patuloy tayong magkaisa sa mga proyektong may layuning magbigay-serbisyo at makatulong sa ating komunidad.
15/06/2026
πβοΈ LAPIS AT PAPEL PROJECT PART 3 βοΈπ
Muling naghatid ng ngiti at inspirasyon ang Bay Municipal Sigma Council sa pagpapatuloy ng Lapis at Papel Project para sa mga mag-aaral ng Paciano Rizal Elementary School.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga school supplies, layunin nating suportahan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral at hikayatin silang patuloy na mangarap at magsikap para sa kanilang kinabukasan. Naniniwala tayo na ang bawat batang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral nang maayos ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na komunidad.
Ang simpleng pagkakaloob ng lapis at papel ay sumisimbolo sa ating malasakit at paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa tagumpay. Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at kapatiran sa bawat proyektong naglalayong makatulong sa ating kapwa.
15/06/2026
πβοΈ LAPIS AT PAPEL PROJECT PART 2 βοΈπ
Patuloy ang misyon ng Bay Municipal Sigma Council sa pagbibigay ng suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng Lapis at Papel Project, na isinagawa para sa mga mag-aaral ng Sta. Cruz Elementary School.
Matagumpay nating naipamahagi ang mga school supplies na magsisilbing dagdag na inspirasyon at kagamitan ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Naniniwala tayo na sa simpleng paraan ng pagtulong, nakapagbibigay tayo ng malaking ambag sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa pamamahagi ng lapis at papel, kundi pagpapakita rin ng tunay na diwa ng pagkakaisa, malasakit, at paglilingkod sa komunidad. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at suportahan ang mga kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap para sa kanilang kinabukasan.
15/06/2026
πβοΈ LAPIS AT PAPEL PROJECT PART 1βοΈπ
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng Lapis at Papel Project, matagumpay na nakapagbigay ng school supplies ang Bay Municipal Sigma Council sa mga Kindergarten learners ng Tranca Elementary School.
Nawa'y magsilbing inspirasyon at suporta ang munting handog na ito sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkatuto at pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ang bawat lapis at papel na naipamahagi ay simbolo ng ating paniniwala na ang bawat bata ay may karapatang magkaroon ng mas magandang oportunidad sa edukasyon.
Taos-pusong pasasalamat kina Konsi Tristan "Boy" Martinez, Konsi Angelo "Iyong" Banaag, at Gerard "Ungot" Martinez sa inyong pagsuporta at malasakit sa proyektong naglalayong makatulong sa ating komunidad. Ang inyong kabutihang-loob ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng serbisyo, pagkakaisa, at pagmamalasakit para sa mas maliwanag na kinabukasan ng susunod na henerasyon.
15/06/2026
π BRIGADA ESKWELA DAY 2 π
Muling ipinakita ng Bay Municipal Sigma Council, kasama ang mga kapatid ng Tau Gamma Phi/Sigma, ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad sa isinagawang Brigada Eskwela Day 2 sa Paciano Rizal Elementary School.
Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, pag-aayos, at paghahanda ng paaralan, nagkaroon tayo ng pagkakataong makapag-ambag sa mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong pakikiisa ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan at tunay na serbisyo para sa komunidad.
15/06/2026
β¨ BRIGADA ESKWELA DAY 1 SUCCESSFULLY ACCOMPLISHED! β¨
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela Day 1 (June 1, 2027) sa Bay Central Elementary School.
Sa pangunguna ng Bay Municipal Sigma Council, kasama ang buong suporta ng Tau Gamma Phi at Tau Gamma Sigma, sama-sama nating ipinakita ang tunay na diwa ng bayanihan sa paglilinis at paghahanda ng paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Ang bawat pawis, oras, at pagtutulungan ay patunay na sa pagkakaisa, mas marami tayong magagawang mabuti para sa ating komunidad at sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
14/06/2026
ππβοΈ Bukas na ang Lapis at Papel! βοΈππ
Handa na ba kayo? Dahil bukas ay opisyal nang ilulunsad ng Bay Municipal Sigma Council, katuwang ang Triskelion El Bae Magdalo, ang proyektong Lapis at Papel para sa mga kindergarten at piling mag-aaral ng elementarya sa Bayan ng Bay!
Sa bawat lapis, kuwaderno, at school supplies na aming ipamamahagi, dala namin ang suporta, inspirasyon, at pagmamalasakit para sa ating mga kabataan. Maliit man ang aming maibabahagi, umaasa kaming makakatulong ito sa kanilang paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Tara at sama-sama nating ipakita na ang pagtulong at pagbibigay ay tunay na nagiging mas makahulugan kapag ginagawa para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Isang lapis. Isang papel. Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
22/05/2026
πππππ ππ!
πππππππ, πππππππππ, πππππππππ ππ πππππ!
Muli pong inaanyayahan ang lahat na makiisa sa aming ππ₯π¨π¨ππ₯ππππ’π§π ππ«π¨π£πππ ππππ ngayong Mayo 24, 2026 sa Tanghalang Bayeno, Bay, Laguna mula 8:00 AM hanggang 1:00 PM.
Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at bagong buhay para sa mga nangangailangan. Sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng serbisyo, malasakit, at pagkakaisa.
π©Έ Open para sa lahat ng willing at qualified donors
π€ Tara na at maging bayani sa simpleng paraan!
βππ¨π§πππ ππ₯π¨π¨π. πππ―π ππ’π―ππ¬.β
18/05/2026
Isang matagumpay na courtesy call kay Vice Mayor Julian Rod Padrid upang personal na ipaabot ang aming pagbati sa kanyang bagong tungkulin bilang Vice Mayor ng Bayan ng Bay.
Kasabay nito ay naipresenta rin ng Bay Municipal Sigma Council ang mga nakaplanong aktibidad at proyekto para sa mga nalalabing buwan ng 2026 na nakatuon sa patuloy na paglilingkod at pakikiisa sa komunidad.
Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at suporta. Nawaβy magpatuloy ang maayos na ugnayan para sa kapakanan ng mamamayan ng Bay.
18/05/2026
Isang pagpupugay at pagbati kay Mayor Michael Punzalan sa kanyang bagong tungkulin bilang Punong Bayan ng Bay.
Isinagawa ng Bay Municipal Sigma Council ang isang courtesy call upang personal na ipaabot ang aming suporta at maipresenta ang mga nakaplanong aktibidad at proyekto para sa mga nalalabing buwan ng 2026.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa konseho mula pa noon bago kayo pumasok sa politika. Ang inyong malasakit at pakikiisa ay malaking inspirasyon sa patuloy naming paglilingkod sa komunidad.
Maraming salamat po at mabuhay ang Bayan ng Bay!