Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay

Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay

Share

Ang opisyal na page ng Departamento ng Filipino ng MSU- Zamboanga Sibugay.

23/06/2026

Maligayang kaarawan po, Chancellor Sheila G. Magolama!

Taos-pusong bumabati at buong paggalang na nagpapasasalamat ang Departamento ng Filipino sa inyong natatanging pamumuno, kahusayan sa pamamahala, at walang patid na dedikasyon sa paglilingkod at patuloy na pag-unlad ng pamantasan. Sa ilalim ng inyong pamumuno, nasaksihan namin ang mga pagbabagong naghatid ng mas malinaw na direksyon at mas mataas na antas ng kahusayan para sa MSU-Zamboanga Sibugay.

Ang inyong bisyon, integridad, at malasakit ay nagsilbing sandigan ng mga programa at inisyatibang naglalayong palawakin ang oportunidad para sa mga mag-aaral, g**o, kawani, at iba pang sektor ng komunidad.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, karunungan, at walang hanggang lakas upang maipagpatuloy pa ninyo ang inyong makabuluhang misyon ng paglilingkod. Nawaโ€™y patuloy kayong maging huwaran ng epektibong pamumuno at inspirasyon sa mas marami pang taon ng serbisyo.

Muli, maligayang kaarawan po, ChanShei! Mula sa Departamento ng Filipino, kami ay lubos na nagpapasalamat at nagpupugay sa inyong huwarang pamumuno at makabuluhang kontribusyon sa MSU-Zamboanga Sibugay.

Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 19/06/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—•๐—”๐—™๐—œ๐—Ÿ4!

Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral ng BA Filipino 4 sa matagumpay na presentasyon ng kanilang mga pag-aaral sa ginanap na ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐˜‚๐—บ 2026 na may temang: Innovate, Empower, Transform: Research for Community Advancement.

Ang inyong dedikasyon, kasipagan at kahusayan sa pananaliksik ay sumasalamin sa inyong kahandaan bilang mga mananaliksik at tagapagtaguyod ng kaalaman. Nawaรฝ magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong paunlarin ang inyong kakayahan sa larangan ng pananaliksik at diskursong pang-akademiko.

Ipinagmamalaki kayo ng departamento!

Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 27/05/2026

Matagumpay na isinagawa ng Departamento ng Filipino ang Clean-Up Drive sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Buug at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) bilang bahagi ng pagsusulong ng kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, at makabuluhang paglilingkod sa pamayanan.

Sa pangunguna ng mga fakulti ng Departamento ng Filipino, naisakatuparan ang gawaing ito sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong FIL102: Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Ipinamalas ng bawat kalahok ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at pananagutang panlipunan sa pagpapanatili ng isang malinis at maayos na kapaligiran.

Higit pa sa isang gawaing pangkomunidad, nagsilbi itong kongkretong hakbang upang maisabuhay ang pagpapahalaga sa kalikasan at mapalalim ang kamalayang pangkapaligiran ng mga mag-aaral. Patunay ang gawaing ito na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang nananatili sa diskurso at mga aralin sa loob ng silid-aralan, kundi higit na naipapakita sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at makabuluhang aksyon.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, at malasakit sa pamayanan para sa mas malinis, ligtas at mas maunlad na kinabukasan.



Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 18/05/2026

Sa nalalapit na halalan para sa bagong pamumuno, taos-pusong ipinaaabot ng departamento ang pasasalamat sa mga Outgoing Officers na naging katuwang sa pagsusulong at pagpapatatag ng mga adhikain ng departamento. Hindi naging madali ang bawat tungkulin at responsibilidad na kanilang pinasan, subalit pinatunayan nila na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa posisyon kundi sa dedikasyon, sakripisyo, at pusong handang maglingkod para sa kapakanan ng nakararami.

Sa bawat gawaing matagumpay na naisakatuparan, sa bawat hamong sama-samang hinarap, at sa bawat serbisyong buong pusong inilaan, nag-iwan sila ng bakas ng inspirasyon, kahusayan, at makabuluhang pamana na mananatiling bahagi ng kasaysayan ng departamento. Ang kanilang mga ambag ay magsisilbing matibay na pundasyon at gabay sa mga susunod pang henerasyon ng mga lider ng departamento.

Maraming salamat, Outgoing Officers, sa tapat at makabuluhang paglilingkod na inyong ipinamalas. Nawaโ€™y patuloy kayong magsilbing ilaw at inspirasyon sa mga susunod na opisyales upang higit pang maitaguyod ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Photos from Lgu-Buug's post 15/05/2026

โฃ๏ธ

Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 14/05/2026

๐–ฏ๐– ๐–ฆ๐–ช๐– ๐–ช๐– ๐–จ๐–ฒ๐–  ๐–ฏ๐– ๐–ฑ๐–  ๐–ฒ๐–  ๐–ช๐– ๐–ซ๐–จ๐–ช๐– ๐–ฒ๐– ๐–ญ ๐Ÿค

Matagumpay na isinagawa nitong umaga ang paglalagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Buug at Mindanao State University-Zamboanga Sibugay, dating MSU-Buug.

Ang kolaborasyong ito ay pinangunahan ng Municipal Mayor, Hon. Dionesia B. Lagas at ng Chancellor ng MSU-ZS na si Dr. Sheila G. Magolama, kasama ang suporta ng Vice Chancellor for Research and Extension, Dr. Rovy Banguis, fakulti ng Departamento ng Filipino at ang MENRO.

Sentro ng ugnayang ito ang pagsasagawa ng mga makabuluhang aktibidad tulad ng Tree Planting at Clean-Up Drive. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nabibigyang-espasyo ang pagtalakay sa mga suliraning pangkalikasan at binubuksan ang kamalayan ng mga mag-aaral na ang pangangalaga sa ekolohiya ay isang kolektibong responsibilidad.

Matapos ang MOU signing, agad na nagdaos ng maikling pagpupulong ang mga fakulti ng departamento, kasama si G. Nasser D. Mabol, MENRO-Designate upang balangkasin ang mga susunod na plano at konkretong aksyon para sa komunidad.

Isang malaking pasasalamat ang ipinaabot ng Departamento sa ating mahal na Chancellor, Dr. Sheila Magolama, sa ating Municipal Mayor, Hon. Dionesia B. Lagas at sa lahat ng mga administratibong katuwang na naging susi upang maisakatuparan ang progresibong hakbang na ito. Ang tagumpay na ito ay patunay na kapag ang akademya at pamahalaan ay nagkaisa, mas malayo ang nararating ng ating adbokasiya para sa inang kalikasan.

Para sa bayan at para sa kalikasan! ๐ŸŒฒ






Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 06/05/2026

Sa bawat hakbang, pawis, at pagsubok na inyong hinarap, narito na kayoโ€”matatag, hinubog, at handa nang harapin ang mas malawak na mundo.

Buong pusong nagpapasalamat ang Departamento ng Filipino sa aming mga partner institutions, ang St. Paul School of Buug at ang St. John College Inc., sa pagbukas ng kanilang mga pintuan at pagtitiwala sa kakayahan ng aming mga mag-aaral. Napakalaking bahagi ang inyong suporta sa paghubog ng kanilang mga pangarap. Hangad po namin ang patuloy na suporta at mas matibay pang kolaborasyon sa mga darating pang panahon.

Sa aming mga minamahal na g**ong mag-aaral, hindi naging madali ang paglalakbay subalit nais naming ipabatid na nakita namin ang inyong determinasyon, tiyaga't pagsisikap. Pinatunayan ninyo na kaya ninyo. Dalhin ninyo sana ang bawat aral, bawat hamon, at bawat tagumpay na inyong naranasan.
Higit sa kaalaman, bitbit ninyo ngayon ang tapang, malasakit, at dedikasyon na siyang tunay na puso ng pagiging g**o.
Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maglingkod.

Ipinagmamalaki namin kayo. ๐Ÿ’›




05/05/2026

Hindi sapat na marunong ka lang magsalita.

Sa programang BA Filipino, hinuhubog ka upang maging tagapangalaga ng wika, tagapagtaguyod ng kultura, at tagapagsulong ng pambansang identidad.

Hindi mo lang hawak ang beat, hawak mo ang kinabukasan ng ating wika, kultura, at pagkakilanlan.

Sa bawat salitang iyong binibigkas at sinusulat, may kapangyarihan kang magmulat, magbigay-boses, at magpanday ng pagbabago.

Piliin ang BA Filipinoโ€”kung saan ang iyong talino, puso, at paninindigan ay magiging sandigan ng bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Maging bahagi ng henerasyong hindi lamang nakikinig, kundi lumilikha, nagtatanong, at kumikilos para sa wika at lipunang Pilipino.


Photos from Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay's post 22/04/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Buug?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Datu Panas Buug Zamboanga Sibugay
Buug
7009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm