23/06/2026
📣PAALALA PARA SA LAHAT NG MGA MAG-AARAL AT MGA MAGULANG:
Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at positibong kapaligiran sa ating paaralan, ipinatutupad ng Felix Elementary School Unit 1 ang Bag Inspection alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026.
Ano ang Layunin Nito?
Panatilihing ligtas, maayos, at conducive sa pagkatuto ang ating paaralan para sa lahat ng learners, kawani, at bisita.
Paano Ito Isinasagawa?
✔️ Isinasagawa lamang ng awtorisadong school security staff
✔️Gumagamit ng non-contact methods (metal
detector/ search stick)
✔️ Sinisiguro ang respeto at dignidad ng bawat isa
MGA IPINAGBABAWAL DALHIN SA PAARALAN:
•Matutulis o mapanganib na bagay (kutsilyo, gunting, blade, atbp.)
•Baril o anumang uri ng armas (kasama ang replicas)
•Paputok at pirotekniks
•Ilegal na droga at ipinagbabawal na gamot
•Alak at nakalalasing na inumin
•Mapanganib na kemikal at solvents
•Mga bagay na maaaring makasakit o makapagdulot ng panganib
•Malalaking halaga ng pera o mamahaling gadgets
•Iba pang bagay na hindi kaugnay sa pag-aaral
Ang sinumang mahuhuli na may dalang ipinagbabawal na bagay ay sasailalim sa tamang proseso ng paaralan.
❗ PAALALA SA LAHAT:
✔️Dalhin lamang ang mga gamit na kailangan sa pag-aaral
✔️Makipagtulungan at sumunod sa mga alituntunin
Sama-sama nating pangalagaan ang isang ligtas at maayos na paaralan para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
20/06/2026
20/06/2026
18/06/2026
17/06/2026