18/06/2026
๐ข MAHALAGANG ANUNSYO
Sa ating mga minamahal na mag-aaral, magulang, g**o, alumni, mga stakeholder, at iba pang katuwang ng Lecheria Elementary School:
Alinsunod sa DepEd Order No. 7, s. 2026 o ang Media Management Guidelines, ipinaaalam ng pamunuan ng paaralan ang opisyal na pagpapalit ng pangalan ng ating page.
Mula sa: DepEd Tayo Lecheria ESโCalamba City
Patungo sa: DepEd Lecheria Elementary School
Ang pagbabagong ito ay epektibo kaagad at isinagawa upang umayon sa itinakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamahala ng mga opisyal na social media account ng mga paaralan.
Tanging ang pangalan lamang ng page ang nabago. Mananatili itong opisyal na page ng Lecheria Elementary School at patuloy na magsisilbing daluyan ng mga opisyal na anunsyo, programa, at iba pang mahahalagang impormasyon ng paaralan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.
07/06/2026
Wishing a very Happy Birthday to our Master Teacher II, ๐๐ช๐ถ ๐๐ธ๐ท๐ช๐ต๐๐ท ๐. ๐๐ช๐ต๐ช๐ช๐ท๐ธโจ Thank you for your dedication and passion. May you have a blessed and joyful celebration today! ๐ฐ
05/06/2026
Taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinapaabot sa Sangguniang Barangay ng Lecheria sa pangunguna ni Kapitan Romel Casintahan para sa matagumpay na pagsasagawa ng limang (5) araw na Feeding Program para sa aming mga volunteers, magulang, mag-aaral, at mga g**o habang isinasagawa ang Brigada Eskwela 2026.
Ang inyong malasakit, suporta, at pakikiisa ay naging malaking tulong upang mapanatili ang sigla at lakas ng lahat ng mga katuwang sa paghahanda ng ating paaralan para sa nalalapit na pasukan. Tunay na ipinakita ninyo ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
02/06/2026
๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐'๐ ๐ถ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ธ๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐โจ
Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng mga Learner's Kit at uniporme para sa mga mag-aaral ng Lecheria Elementary School, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Mayor Roseller "Ross" H. Rizal.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng kinatawan ni Mayor Ross Rizal na si G. Renver Adisaz, Executive Assistant I, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral.
Nakiisa rin sa programa ang mga kinatawan ng Sangguniang Barangay ng Lecheria sa pamumuno ni Kapitan Rommel Casintahan, kasama sina Kgg. Gener Suelto, Kgg. Regina Amorante, Kgg. Lazaro Ocampo, at G. John Michael Bautista, Barangay Administrator.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Calamba at sa Sangguniang Barangay ng Lecheria sa kanilang walang sawang suporta sa ating mga mag-aaral. Ang inyong malasakit at pagtutulungan ay malaking tulong upang masig**o ang mas maayos at mas masiglang pagbabalik-eskwela ng bawat mag-aaral ng Lecheria ES.
27/05/2026
๐ฃ ๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ฃ
Magsisimula na ang Distribution of Learnerโs Kit and Uniforms mula June 2 hanggang June 5, 2026. Narito po ang schedule ng bawat grade level:
๐
June 2, 2026
๐ Ceremonial Turnover
โ
Incoming Grade 4 10:00 am - 12:00pm
๐
June 3, 2026
Morning โ Incoming Grade 1
Afternoon โ Incoming Grade 5
๐
June 4, 2026
Morning โ Incoming Grade 3
Afternoon โ Incoming Grade 6
๐
June 5, 2026
Morning โ Incoming Kinder
Afternoon โ Incoming Grade 2
๐ Paalala po sa lahat na sumunod sa nakatakdang schedule ayon sa grade level upang maging maayos at mabilis ang distribution.
Maraming salamat po!
22/05/2026
๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Handa na ba kayo? ๐ Sa darating na School Year 2026โ2027, ipamamahagi ang Learnersโ Kit mula June 1โ5, 2026 para sa ating mga mag-aaral!
Isang hakbang ito upang mas lalo pang maging masigla, mas handa, at mas exciting ang inyong pag-aaral dahil may mga gamit na maghihintay sa inyo. ๐โจ
Abangan ang susunod na anunsyo para sa eksaktong schedule at oras ng distribution kada grade level upang maging maayos at maayos ang ating pamamahagi.
22/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ | ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐ & ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ
Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ opisyal nang inilunsad ng Lecheria Elementary School ang Oplan Balik Eskwela โ Public Assistance & Command Center para sa Taong Panuruan 2026โ2027.
Layunin ng Public Assistance & Command Center na magbigay ng maagap at maayos na serbisyo sa mga mag-aaral, magulang, at iba pang stakeholders sa pamamagitan ng:
โ๏ธPagtugon sa mga katanungan hinggil sa enrolment
โ๏ธPaglalaan ng mga kinakailangang impormasyon tungkol sa paaralan
โ๏ธPagbibigay ng gabay at kaukulang referral assistance
โ๏ธPagbabahagi ng mahahalagang abiso at mga bagong update
โ๏ธPagsasagawa ng assistance at coordination services
Sa pangunguna ng pamunuan ng paaralan, katuwang ang mga masisipag at dedikadong g**o at kawani, nananatiling handa at bukas ang Lecheria Elementary School upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagbubukas ng klase ngayong S.Y. 2026โ2027.
18/05/2026
A warm welcome to Sir Robert C. Salazar, the new PSDS of Cluster 2. ๐
We are glad to have you with us as we move forward in strengthening our schools and sustaining our commitment to quality education.
23/02/2026
With great joy and excitement, we warmly welcome Sir Allan Jay D. Napiza as the new Principal of Lecheria Elementary School.
Your arrival marks a new chapter in our journey toward excellence. We are truly honored to have you lead our school community with your vision, dedication, and commitment to quality education. We look forward to working together under your guidance to inspire our learners and strengthen our shared mission.
May your leadership bring continued growth, unity, and success to our school.
Welcome to LES family, Sir Allan Jay D. Napiza! ๐ฅณ