DepEd San Ramon Senior High School

DepEd San Ramon Senior High School

Share

This is the Official page of San Ramon Senior High School - DepEd Calamba City.

18/06/2026

๐Ÿ“ฐ ๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฑ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด: ๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ

Ngayong ika-19 ng Hunyo, ginugunita natin ang ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t. Jose P. Rizal, ang bayaning hindi lamang nagsulat ng kasaysayan kundi nagsindi ng apoy ng kamalayan, pag-asa, at pagmamahal sa bayan na patuloy na nagbibigay-liwanag sa bawat henerasyon ng mga Pilipino.

Sa panahong ang bayan ay nalulugmok sa pang-aapi at kawalan ng tinig, ginamit ni Rizal ang kanyang talino, panulat, at prinsipyo upang imulat ang sambayanan. Hindi siya humawak ng sandata, ngunit ang kanyang mga salita ay naging mitsa ng pagbabago at naging daan tungo sa pagkakamit ng ating kalayaan.

Mahigit isang siglo na ang lumipas, subalit nananatiling buhay ang kanyang mga adhikain. Sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon, maling impormasyon, kawalang pakialam, pagkakahati-hati, kurapsyon at mga suliraning panlipunan; muli tayong tinatawag ng diwa ni Rizal na maging mapanuri, makatao, at makabayan.

Ang kanyang kabayanihan ay hindi lamang alaala ng nakaraan; ito ay hamon sa kasalukuyan.

Sa bagong henerasyon,

Kung nagawang ialay ng isang kabataan ang kanyang talino at buhay para sa bayan, paano natin gagamitin ang ating kaalaman, boses, at kakayahan upang ipaglaban ang katotohanan, katarungan, at kinabukasan ng Pilipinas?

Nawaโ€™y hindi lamang tayo maging tagapagmana ng kanyang pangalan, kundi tagapagpatuloy ng kanyang adhikain.

Ang apoy na minsang sinindihan ni Rizal ay hindi kailanman namatay. Ito ay nasa ating mga kamay upang patuloy na pagliyabin.

Maligayang ika-165 Anibersaryo ng Kapanganakan, G*t. Jose P. Rizal!

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ โ€œAng kabataan ang pag-asa ng bayan.โ€ Ang isang paalalang higit kailanman ay dapat nating isabuhay.

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 18/06/2026

๐Ÿ“ฐ ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐—•. ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—•๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ธ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆ

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kalidad ng edukasyon, nagsagawa ng pagbisita at Instructional Block Monitoring si Dr. Rowena B. Cambel, Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Cluster 10, sa San Ramon Senior High School.

Layunin ng nasabing monitoring na masuri at mapalakas ang implementasyon ng mga programang pang-akademiko, gayundin ang mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto upang matiyak ang epektibong paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng kanyang pagbisita, nagbigay si Dr. Cambel ng mga obserbasyon, mungkahi, at suporta na magsisilbing gabay sa patuloy na pagpapabuti ng mga gawaing pampagtuturo at pagpapaunlad ng learning environment ng paaralan.

Ang gawaing ito ay patunay ng sama-samang adhikain ng Department of Education at ng San Ramon SHS na maisulong ang kahusayan sa edukasyon at matiyak ang pinakamahusay na karanasan sa pagkatuto ng bawat MonSenian.

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 15/06/2026

๐Ÿ“ฐ ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฆ๐—Ÿ๐—š ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐—ฃ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป

Isang makasaysayang yugto ang nasaksihan ngayong Hunyo 15, 2026 sa pormal na Oath Taking Ceremony ng mga halal na opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng San Ramon Senior High School.

Matapos pagkatiwalaan ng kanilang kapwa mag-aaral sa isinagawang halalan, opisyal nang nanumpa ang mga bagong lider na magsisilbing kinatawan at boses ng mga MonSenian para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Pinangunahan at pinagtibay ni Maโ€™am Mirasol Atienza ang panunumpa ng mga halal na opisyal bilang tanda ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad na mamuno nang may integridad, pananagutan, at malasakit sa kapwa mag-aaral.

Ang mga bagong opisyal ng SSLG ay:

๐Ÿ… President: Stephanie B. Bantiles
๐Ÿ… Vice President: Loraine L. Llosa
๐Ÿ… Secretary: Bea M. Barcelon
๐Ÿ… Treasurer: Franchesca G. Amoc
๐Ÿ… Auditor: Jessa Platon
๐Ÿ… P.I.O.: Jamie Jharlene Cedalla
๐Ÿ… P.I.O.: Kenneth V. Villariรฑa
๐Ÿ… P.O.: Samantha Louise S. Elmido
๐Ÿ… P.O.: Yuna Xyriel C. Raymundo
๐Ÿ… Grade 11 Representative:
Winter Orphin Lei B. Cotoner
๐Ÿ… Grade 11 Representative: Rhyne Joy D. Rocos
๐Ÿ… Grade 12 Representative: Ace L. Tacderan
๐Ÿ… Grade 12 Representative: Yochelle Glad C. Limpuasan

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamumuno upang higit pang mapalakas ang partisipasyon ng mga mag-aaral at maisulong ang mga programang magbibigay ng positibong pagbabago sa komunidad ng San Ramon SHS.

Mabuhay ang bagong henerasyon ng mga lider-MonSenian!

13/06/2026

๐Ÿ† ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐—ฝ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—น๐—ฒ๐˜€, ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฌ๐—Ÿ๐—˜๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Malugod na binabati ng San Ramon Senior High School at ng Arts, Social Sciences, and Humanities Society (ASSH) si ๐™Ž๐™ฉ๐™š๐™ฅ๐™๐™–๐™ฃ๐™ž๐™š ๐˜ฝ. ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ง๐™–๐™™๐™š 11-๐™ƒ๐™๐™ˆ๐™Ž๐™Ž ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ sa kanyang natatanging pagkilala bilang isa sa mga ๐™…๐˜พ๐™„ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐™‡๐™š๐™–๐™™๐™š๐™ง๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ ๐™€๐™ญ๐™˜๐™š๐™ก๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐˜ผ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™๐™š๐™š๐™จ 2026 na iginawad ng Junior Chamber International (JCI) Calamba Jose Rizal.

Isinagawa ang pagkilala sa ilalim ng temang โ€œPROJECT HERO: Honoring Excellence, Reaching Out, and Offering Life-Saving Skills,โ€ na naglalayong parangalan ang mga kabataang lider na nagsasabuhay ng kahusayan, malasakit, at pananagutang sibiko sa kanilang komunidad.

Ang YLEA 2026 ay pagkilala sa mga kabataang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, paglilingkod, at positibong impluwensya sa kapwa. Ang programa ay naisakatuparan sa pangunguna ni Ma. Charlene M. Bagotsay kasama ang masigasig na mga miyembro ng 2026 Board of Directors.

Ang karangalang ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at kakayahan ni Stephanie bilang isang huwarang mag-aaral at kabataang lider.

Muli, taos-pusong pagbati, Stephanie B. Bantiles! Patuloy kang maging inspirasyon sa kapwa kabataan at ipagpatuloy ang pagpapakita ng lideratong may integridad, malasakit, at kahusayan.

๐ŸŒŸ Your MonSenian Family is proud of you!

11/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan, isang makasaysayang paalala ng tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

Ang kasaysayan ay hindi lamang tala ng nakaraan. Ito ang pundasyong humubog sa ating pagkakakilanlan, mga pagpapahalaga, at mga institusyong patuloy na gumagabay sa ating bansa. Sa pag-alala sa mga aral ng kasaysayan, mas nauunawaan natin ang mga hamon at pagkakataong kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Sa gitna ng mga usaping panlipunan, pang-ekonomiya, pangkapaligiran, at pampolitika, mahalaga ang papel ng kabataan bilang mga mapanuring mamamayan at susunod na tagapagtaguyod ng demokrasya at kaunlaran. Ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang nakikita sa mga tagumpay ng nakaraan kundi sa kakayahan nating gamitin ang ating boses, kaalaman, at pagkilos upang makibahagi sa paghubog ng mas mabuting kinabukasan.

Nawaโ€™y maging inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating mahalin, paglingkuran, at pagyamanin ang ating bayan.

Ang kalayaan ay hindi lamang minanaโ€”ito ay patuloy na pinangangalagaan ng bawat henerasyon.

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 11/06/2026

๐Ÿ“ฐ โ€œ๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ-๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฆ๐—Ÿ๐—š ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆโ€

Matagumpay na naisagawa ang halalan para sa mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng San Ramon Senior High School bilang bahagi ng pagsusulong ng demokratikong partisipasyon at pamumuno ng mga mag-aaral.

Pinangunahan ng SSLG Adviser na si Maโ€™am Magtibay ang buong proseso ng eleksyon upang matiyak ang maayos, patas, at organisadong pagsasagawa ng botohan. Naging gabay rin sa nasabing aktibidad si Maโ€™am Mirasol, na nagsilbing tagasubaybay upang masig**o ang integridad at kredibilidad ng halalan.

Sa pamamagitan ng eleksyong ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider na magsisilbing boses at kinatawan ng buong komunidad ng mga MonSenian.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng SSLG Election ay isang mahalagang hakbang sa paghubog ng mga responsableng mamamayan at lider na maglilingkod nang may integridad, malasakit, at pananagutan.

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 10/06/2026

๐Ÿ“ฐ ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ก๐—ž ๐—ง๐—ฒ๐˜€๐˜๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ - ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐˜‚๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜† ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ (๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—Ÿ๐—ก๐—”)

Bilang pakikiisa sa pagpapatupad ng DepEd Memorandum No. DM-OULS-2026-221 na may pamagat na โ€œPilot Administration of the Literacy and Numeracy Knowledge (LiNK) Testsโ€ sa ilalim ng Office of the Undersecretary for Learning Systems, matagumpay na isinagawa sa San Ramon Senior High School ang Senior High School Literacy and Numeracy Assessments (SHS LNA).

Layunin ng pagsusulit na masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa literacy at numeracy bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at paglinang ng mga mahahalagang kasanayang kinakailangan para sa akademikong tagumpay.

Ang pakikilahok ng San Ramon SHS sa pilot administration na ito ay patunay ng suporta ng paaralan sa mga inisyatiba ng Department of Education tungo sa mas mahusay na pagmomonitor at pagpapaunlad ng learning outcomes ng mga mag-aaral.

Patuloy na nakikiisa ang San Ramon SHS sa mga programang naglalayong isulong ang dekalidad na edukasyon para sa bawat MonSenian.

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 08/06/2026

๐Ÿ“ฐ ๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ-๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€โ€™ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆ

Nakiisa ang mga magulang at tagapag-alaga sa kauna-unahang Parentsโ€™ Summit and Orientation ng San Ramon Senior High School ngayong araw. Tinalakay sa nasabing programa ang mga polisiya at alituntunin ng paaralan, mga pagbabago sa DepEd Calendar of Activities, mga reporma sa Senior High School Curriculum, at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa School Year 2026โ€“2027.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan ng paaralan at tahanan upang matiyak ang isang maayos, ligtas, at matagumpay na karanasan sa pagkatuto para sa bawat MonSenian.

Sama-sama para sa dekalidad na edukasyonโ€”Education Beyond Horizons.

Photos from DepEd San Ramon Senior High School's post 07/06/2026

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—ฎ-๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€ ๐——๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—›๐—ฆโ€

Sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony, pormal na binuksan ng San Ramon Senior High School ang panibagong taong panuruan ngayong araw, June 8, 2026.

Isang maiinit na umaga, hindi napigilan ang sigla, saya, at pananabik ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa muling pagbabalik sa paaralan. Naging maayos at masigla ang pagbubukas ng klase bilang hudyat ng panibagong simula ng pagkatuto, pag-unlad, at pag-abot ng mga pangarap.

Muling nabuhay ang mga silid-aralan sa mga ngiti, kwentuhan, at determinasyon ng bawat MonSenian na harapin ang mga hamon at oportunidad ng bagong taon.

Maligayang pagbabalik sa paaralan, MonSenians! Sama-sama nating isabuhay ang ating adhikain na โ€œEducation Beyond Horizons.โ€

07/06/2026

๐Ÿ“ข ๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆโ€™ ๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—œ๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Magandang araw, mga magulang at tagapag-alaga!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa First Parentsโ€™ Summit and Orientation na gaganapin sa:

๐Ÿ“… June 8, 2026 (Monday)
๐Ÿ• 1:00 PM
๐Ÿ“ San Ramon Senior High School

Layunin ng pagtitipong ito na mabigyan ng mahalagang impormasyon ang mga magulang hinggil sa mga programa, polisiya, at mga pagbabago sa pagpapatupad ng edukasyon para sa School Year 2026โ€“2027.

Kabilang sa mga tatalakayin ang:
โœ… Mga polisiya at alituntunin ng paaralan
โœ… DepEd Calendar of Activities at mga mahahalagang petsa
โœ… Mga pagbabago sa Senior High School Curriculum
โœ… Mga bagong patakaran at inisyatiba ng DepEd
โœ… Mga programa at serbisyong pangmag-aaral
โœ… Mahahalagang usapin para sa matagumpay na panuruan

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang higit na mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Makilahok, makiisa, at maging kabalikat sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat at inaasahan po namin ang inyong pagdalo!

Want your school to be the top-listed School/college in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Mabato National High School/Annex, Asia 1, Kapayapaan Ville, Canlubang
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm