The official page of the UPHSD Calamba Psychology Society — We don’t read minds, we study behavior. 𝚿
Ang sagisag ng organisasyon ay sumisimbolo sa katangian na dapat mayroon ang isang Perpetualite Sikolohista; ang marun (maroon) ay sumisimbolo at kumakatawan sa pagiging matapang, determinado, at tiwala sa sarili; ang puti ay sumisimbolo sa pag-asa at bukas ang pag-iisip; ang ginto ay sumisimbolo sa pagiging habag at pagiging inspirasyon; ang sagisag ng unibersidad na ang sawikain ay “Character Bu
ilding is Nation Building” na nagpapahayag at sumasaklaw sa layunin ng unibersidad na umunlad ang bawat mag-aaral; at ang simbolo ng sikolohiya. Ang UPHSD Calamba Psychology Society ay isang akademikong organisasyon at ang opisyal na organisasyon pang sikolohiya ng University of Perpetual Help System DALTA Calamba Campus. Ang organisasyon ay pinapanatili at naglalayon na maging konektado, maging boses ng nakararami, at maipahayag na hindi ka nag-iisa sa bawat laban. Ang UPHSD CALAMBA Psychology Society ay naghahangad na matigil, mawakasan, at mapuksa ang estigma at dikriminasyon na may kaugnay sa kalusugang pangkaisipan na hanggang ngayon ay sakit pa rin ng lipunan. Naglalayon ang organisasyon na manatili at maipabatid sa nakararami na ang sikolohiya ay maaaring pagmulan ng kapayapaan, kasiyahan, at laging bukas sa positibo at negatibong diskusyon tungkol sa usapin ng kalusugang pangkaisipan–at naniniwala na kasing halaga ng kalusugang pangkaisipan ang pisikal at emosyonal na kalusugan.