22/06/2026
FLAG RAISING CEREMONY β¨π΅π
Sinimulan natin ang linggong ito nang may sigla, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan sa ating Flag Raising Ceremony kaninang umaga!
Taos-pusong pasasalamat kay Ms. Judy Ann G. Papina, Adviser ng Grade 10 Adorable, at sa mga piling mag-aaral na matagumpay na nanguna sa programa. Ang inyong dedikasyon at kahusayan ay tunay na kahanga-hanga at nagsilbing inspirasyon sa buong komunidad ng YASCI.
Patuloy nating harapin ang mga hamon ng linggong ito nang may positibong pananaw, disiplina, at determinasyong magtagumpay. Sama-sama nating gawing makabuluhan at produktibo ang bawat araw!
Mabuhay ang mga Yascians! π
21/06/2026
Happy Fatherβs Day to all the amazing fathers and father figures of our school community.
Thank you for your love, guidance, and unwavering support. You inspire our students every day. π
19/06/2026
Pagpupugay sa buhay, talino, at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal! π΅πβ¨
Ngayong araw ng paggunita sa kaniyang kapanganakan, ating inaalala ang buhay at mga ambag ni Dr. Jose Rizalβisang manunulat, iskolar, at bayani na nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang mga salita at kaisipan.
Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampito sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso, ipinamalas niya ang pambihirang talino at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng panitikan, pag-aaral, at pagsusulong ng pagbabago.
Bilang isa sa mga pangunahing personalidad ng Kilusang Propaganda, naging aktibo siya sa pagsulat para sa La Solidaridad. Sa kaniyang mga nobelang Noli me tangere (1887) at El filibusterismo (1891), inilantad niya ang mga suliranin at pang-aabuso sa ilalim ng pamamahalang EspaΓ±ol, na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa kalagayan ng lipunan noong kaniyang panahon.
Si Dr. Jose Rizal ay nananatiling isa sa mga mahalagang Sagisag Kultura ng Pilipinas -- isang inspirasyon sa patuloy na pagpapalawig ng kaalaman, pagpapapatibay sa ating pagkakakilanlan, at pagpapalalim ng ating pagmamahal sa bayan.
Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa mga Sagisag Kultura ng Pilipinas!
π Mula sa: Rizal, Jose. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol. 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/rizal-jose/
15/06/2026
πβ¨ Welcome back, Junior High School Yascians!
As we begin another exciting school year, let us start with pride, discipline, and unity through our Flag Ceremony headed by the Supreme Secondary Learner Government (SSLG).
May this school year be filled with learning, growth, and unforgettable memories. See you in school, Yascians! π΅ππ
14/06/2026
π’ HAPPENING NOW | Welcoming our Junior High School learners back to school as we officially open the new school year with a Flag Ceremony. β¨
14/06/2026
πππ
See You, Yascians! β¨π
The wait is over, classes officially resume tomorrow! ππ Weβre excited to welcome everyone back for another school year filled with learning, growth, friendship, and new opportunities.
12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan! π΅π
Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.
Nawaβy magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.