13/06/2026
𝐒𝐃𝐎 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟖 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 🇵🇭
Nakiisa ang SDO Caloocan, sa pangunguna ni SDS Dr. Cecille G. Carandang, kasama si ASDS Dr. Warren G. Ramos, supervisors, punong-g**o, at iba pang kawani, sa pagdiriwang ng Ika-128 Taong Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, Hunyo 12, 2026 sa Pambansang Bantayog ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng Caloocan.
Sa temang "𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧. 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧. 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧.", nagtipon-tipon ang iba't ibang opisyal ng pamahalaan, kawani, at mga samahang sibiko upang magbigay-pugay sa kabayanihan ng ating mga bayani.
Pinangunahan ang pag-aalay ng bulaklak ng panauhing pandangal na si DSWD Secretary Rex G*tchalian, kasama sina Mayor Dale Gonzalo Malapitan, Congressman Oscar Malapitan, Congressman Dean Asistio, NHCP Commissioner Dr. Maria Eloisa De Castro, at iba pang mga opisyal ng lungsod.
Naging tagapagdaloy ng palatuntunan ang mga g**o na sina Marvin Balingit at Pamela Amor Villanueva.
Ang pagdiriwang ay nagsilbing paalala sa kahalagahan ng kalayaan at sa sama-samang tungkulin ng bawat Pilipino sa pagpapanatili ng diwa ng pagmamahal sa bayan. 🇵🇭
12/06/2026
𝐓𝐔𝐋𝐀 𝐧𝐢 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇
Repleksyon sa Pagdiriwang ng Ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas
12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.
08/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧, sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan, sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng school bags at school supplies para sa ating mga mag-aaral.
🙌🙌😇😇🥰🥰
07/06/2026
𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒔𝒂 𝑰𝒚𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒊𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒖𝒓𝒖𝒂𝒏 𝟐𝟎𝟐𝟔–𝟐𝟎𝟐𝟕.
𝑮𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝑴𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒌𝒃𝒂𝒏𝒈, 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒂𝒘𝒂𝒊𝒏, 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑰𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒘𝒂𝒍𝒉𝒂𝒕𝒊𝒂𝒏.🙏
07/06/2026
🎒✨ 𝑯𝑬𝑳𝑳𝑶, 𝑺𝒀 𝟐𝟎𝟐𝟔–𝟐𝟎𝟐𝟕!
𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑩𝒂𝒄𝒌, 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒆𝒓𝒔! ✨🎒
𝐄𝐱𝐜𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭? 👀📚
Malugod na tinatanggap ng buong 𝐒𝐃𝐎 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 ang ating mga mag-aaral sa pagbubukas ng panibagong taon ng pagkatuto!
Handa na ang ating mga g**o, school leaders, at kawani na samahan kayo sa bawat aralin, hamon, at tagumpay na inyong makakamit.
✨ Mag-aral nang may sigla.
✨ Mangarap nang mas mataas.
✨ Sumubok nang may tapang.
✨ At magtagumpay nang sama-sama.
Nawa’y maging ligtas, masaya, makabuluhan, at puno ng magandang alaala ang inyong school year.
𝐋𝐞𝐭'𝐬 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧, 𝐥𝐞𝐚𝐝, 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐮𝐩 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔–𝟐𝟎𝟐𝟕!🎉🙏