Filipino Club- SAACI

Filipino Club- SAACI

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Filipino Club- SAACI, School, Pob. Norte, Carmen.

21/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025!
Tema: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"

Inaanyayahan ang buong pamayanan ng St. Anthonyโ€™s Academy of Carmen, Inc. na makisaya, makibahagi, at makiisa sa makulay na Kulminasyon ng Buwan ng Wika na gaganapin bukas! ๐ŸŽ‰

Ito ay isang masayang pagdiriwang kung saan ating itatanghal ang yaman ng ating wika, kultura, at tradisyon bilang mga tunay na Pilipino. ๐Ÿฅ๐ŸŽถ Sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang pagtatanghal, paligsahan, at handog ng bawat baitang, sama-sama nating ipagmamalaki ang ating pagka-Filipino.

๐Ÿ‘—๐Ÿ‘” Inaanyayahan din ang lahat na magsuot ng kanilang pinakamagagandang katutubong kasuotan bilang pagpapakita ng ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling kultura.

Halinaโ€™t damhin ang saya, kulay, at diwa ng Buwan ng Wika. Sama-sama nating ipagbunyi ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika at bayan! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

Photos from Filipino Club- SAACI's post 16/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Tema: โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ€

โœจ Matagumpay na naisagawa kahapon, Agosto 15, 2025, ang mga patimpalak para sa Buwan ng Wika! ๐ŸŽ‰
Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino at husay sa Paglikha ng Sanaysay, Masining na Pagkukuwento, at Tagisan ng Talino. ๐Ÿ–Š๏ธ๐ŸŽญ๐Ÿง 

Isang pagpapatunay na buhay na buhay ang ating wika at kultura sa puso ng bawat mag-aaral. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ

Photos from Filipino Club- SAACI's post 14/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025!
Tema: โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ€

Tara na at makisali! ๐ŸŽ‰
Bilang bahagi ng Buwan ng Wika, inaanyayahan namin kayong lahat bukas sa mga kapanapanabik na patimpalak: Paggawa ng Sanaysay, Tagisan ng Talino, at Masining na Pagkukuwento ๐Ÿ–‹๐Ÿ“š๐ŸŽค.
๐Ÿ“… Bukas, ala-una ng hapon โ€“ huwag palampasin ang pagkakataong masaksihan ang galing at talino ng ating mga kalahok!

Photos from Filipino Club- SAACI's post 08/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025

Makukulay na ideya at malikhaing obra! ๐Ÿ“ธโœจ Narito ang ilang kuha mula kaninang patimpalak sa Poster Making, Digital Poster at Sketch โ€” tunay na ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento at galing sa sining. ๐ŸŽจ๐Ÿ–Œ๏ธ๐Ÿ’ป Abangan ngayong Kulminasyon ng Buwan ng Wika ang pag-anunsyo ng mga kampeon sa bawat kategorya!



Pasasalamat sa kumuha ng litrato: Carl Buyan - Hermits

08/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Handa na ba kayo SAACIANS?๐Ÿ˜ƒ Mamayang ala-1 ng hapon, magsisimula na ang Poster Making, Digital Poster Making, at Sketch Contest! Ipakita ang inyong galing at likha ng malikhaing isipan!๐ŸŽจ

03/08/2025

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Buwan ng Wika 2025: โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ€

Ngayong Agosto, ipagbunyi natin ang wikang Filipino at ang mayamang katutubong wika bilang sandigan ng pagkakaisa at pag-unlad.๐ŸŒพ Sama-sama nating palaganapin ang wika bilang instrumento ng pagbabago at malayang pagpapahayag. Ang salita na kumakatawan sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. โœจ

"Wika ang puso ng bayan, sa bawat salita'y may dangal."

Makisama sa mga aktibidad, ipagmalaki ang sariling atin, at patuloy na magmahal sa ating wika!




Want your school to be the top-listed School/college in Carmen?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Pob. Norte
Carmen