19/06/2026
REHLAH | BATCH 08
Lahat ng papuri ay para lamang sa Allah na nagbigay-daan upang ang Rehlah-Batch 08 ay maisakatuparan ng payapa, puno ng barakah, saya, at kapakinabangan.
Isang pagtitipon na hindi lamang pahinga mula sa pag-aaral, kundi isang pagkakataon upang mag saya, sa paraang naaayon sa Islam. Napuno ito ng kaalaman, tawanan, at higit sa lahat, pagpapatibay ng kapatiran sa pananampalataya.
Taos-pusong pasasalamat sa taong nag-initiate upang masimulan ito at sa bawat isa na nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at presensya. Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah ng kabutihan sa dunya at akhirah. 🤲🏻🤲🏻
Nawa’y masundan pa ang mga ganitong gawain mga sandaling puno ng ‘ilm, saya, at pagmamahalan alang-alang sa Allah.
19/06/2026
NEW REVERT MUSLIM
Alhamdulillah, sa edad na 88, ipinagkaloob ng Allah kay Nanay ang pinakamagandang regalo sa kanyang buhay, ang gabay tungo sa Islam.
Matapos ang mahabang paglalakbay sa mundong ito, sa araw ng Jumu‘ah ay binuksan ang kanyang puso upang tanggapin ang katotohanan at bigkasin ang Shahada (Testimony of Faith) ng buong puso at may katapatan.
Isang napakalalim na paalala na ang patnubay ay dumarating hindi sa oras na gusto natin, kundi sa oras na itinakda ng Allah.
Nakakaantig makinig sa kanya na masaya sya at maluwag ang kanyang pakiramdam habang binabanggit ang Shahada.
Nawa'y tanggapin ng Allah ang kanyang pagbabalik loob at patuloy siyang gabayan ng Allah. 💚🤲🏻
11/06/2026
Pagbabahagi ng ilan sa mga output ng ating mag-aaral mula sa Kids Beginner Class.
Kabilang dito ang pagkatuto at pagkilala sa ilan sa mga pangalan ng Allah, tulad ng Al-Mu'min isa sa mga magagandang Pangalan at katangian ng Allah. Bahagi ng kanilang pag-aaral at isa sa ating mga layunin ang unti-unting maisaulo at maunawaan ang 99 Names of Allah.
Kasabay nito ay ibabahagi nila ang kanilang output sa harap ng klase upang unti-unti nilang matutunan ang pag harap at ang pag kakaroon ng confidence sa kanilang mga sarili.
Naway maging matibay ang pundasyon ng kanilang kaalaman at patuloy silang gabayan ng Allah sa landas ng karunungan at kabutihan hanggang sa kanilang paglaki . 🤲🏻🤲🏻
11/06/2026
FOLLOW UP FOR REVERTS
Maaari na nakikita natin itong mga pictures bilang isang normal na pag tuturo lamang ngunit ang bahaging ito ng kanilang buhay ay puno ng aral para sa ating lahat.
Ito ay ang ilang mga kapatid nating bagong yakap sa Islam na nag-aaral at sumasadya mismo sa ating opisina para maturuan sila.
Bakit natin ito binibigyan ng importansya?
Napaka halaga ng follow-up at ang hindi pag-iwan sa mga bagong kapatid natin sa Islam, matapos nilang tanggapin ang katotohanan. Sapagkat ang puso na bagong yakap sa Islam ay tulad ng isang binhing itinanim, kung hindi didiligan at aalagaan, maaaring ito’y manghina. Ngunit kung ito’y bibigyan ng tamang kaalaman, malasakit, at paggabay, ito’y lalago nang matibay at magbubunga ng kabutihan.
Isang napakagandang paalala para sa atin na habang tayo ay nagtuturo, tayo rin ay natututo. Habang inaakay natin sila, tayo rin ay inaakay ng Allah, upang maging mas matatag sa ating sariling pananampalataya. Ang kanilang kasipagan, determinasyon at sinseridad sa pag-aaral at pagsasabuhay ng Islam ay nagsisilbing salamin na nagpapaalala sa atin kung gaano natin dapat pahalagahan ang biyayang ito na matagal na nating tinatamasa.
Aral ito para sa bawat isa sa atin na nawa'y mabigyan natin ng pag papa halaga ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Allah. 🤲🏻🤲🏻
02/06/2026
LATE UPLOAD | FREE IFTAR MEALS PROGRAM | DHUL HIJJAH
Alhamdulillah, bilang bahagi ng patuloy nating pagsisikap, matagumpay na naidaos ang Free Iftar Meals sa ilang piling araw ng Dhul Hijjah.
Ito ay hindi naging posible kundi sa pahintulot at biyaya lamang ng Allah, at sa mga taong Kanyang ginamit bilang instrumento upang maisakatuparan ang programang ito.
Naging pagkakataon ito upang magsama-sama, patatagin ang kapatiran, makinig sa mga paalala at sama samang umani ng biyaya ng Allah.
Nawa’y tanggapin ng Allah ang gawaing ito at gawing puno ng barakah. 💚🤲🏻
31/05/2026
RESUMPTION OF CLASSES ANNOUNCEMENT
Alhamdulillah pagkatapos ng mapagpalang celebration ng Eid Al Adha ay muli na po tayong magbabalik at magsisimula sa ating mga klase.
🗓️June 6,2026
•Adults (Beginner)
•Teens
•Kids (Beginner & Advanced)
🗓️June 7,2026
•Adult Intermediate
🗓️June 10,2026
•Tajweed Theory & Qur’an (Level 4 & 3)
🗓️June 11,2026
•Tajweed Theory & Qur’an (Level 2)
🗓️June 14,2026
•Tajweed Theory & Qur’an (Level 1)
Nawa’y pagpalain ng Allah ang ating pag-aaral at gawin itong kapaki-pakinabang. 🤲🏻💚
29/05/2026
NEW REVERT MUSLIMS
Alhamdulillah, dalawang kapatid natin ang biyayang yumakap sa Islam nitong mga nakaraang araw. Sila ay nag-message sa ating page na may taos-pusong hangaring malaman kung paano maging isang Muslim at sa pamamagitan ng gabay ng Allah ay tinanggap nila ang Islam.
Para sa mga nagnanais na yakapin ang Islam, bukas ang ating page para sa inyong mga katanungan. Huwag mag-atubiling mag-message, ang simpleng da'wah online ay maaaring maging daan upang gabayan ang isang puso tungo sa katotohanan.
Nawa’y patatagin sila ng Allah sa Islam. 💚🤲🏻
29/05/2026
NEW REVERT MUSLIM
Sa pinagpalang araw ng Eid, isang napakagandang paalala ng awa at gabay ng Allah ang aming nasaksihan. Isang nanay mula pa sa Batangas, sa kabila ng kanyang katandaan at limitasyon sa paningin, ay nagsikap upang alamin ang katotohanan. Sa kanyang pag punta sa ating opisina, malinaw niyang tinanggap at binigkas ang Shahada.
Alhamdulillah sa karangalang masaksihan ang kanyang pagbabalik-loob sa katotohanan. 💚