NCST Psychology Society

NCST Psychology Society

Share

Beyond Books. Into Minds. From theories to real-world impact—shaping future changemakers in psychology.

This page was created to become one of the access in informing students under the said course .

07/06/2026

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐲𝐚𝐠𝐢!

Aming buong galak na ipinababatid na ang mga mag-aaral sa Sikolohiya ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 na nakapasa sa 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟕1 ng HREAP CHRA Assessment Examination noong Mayo 2026 ay kabilang sa 𝐭𝐨𝐩 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬!

Isang patunay na ang sikap at husay ay nagbubunga ng tagumpay.

Mainit na pagbati!

𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐏𝐒𝐘𝐂𝐇𝐄𝐦𝐚𝐭𝐞𝐬!





Source: https://www.facebook.com/share/1Lrfkp3K6X/

Photos from NCST Psychology Society's post 05/06/2026

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐇𝐑𝐀!

Muling nagpamalas ng galing at talino ang ilan sa ating Psychmates sa nagdaang ika-71 Batch ng HREAP Assessment Examination. Tunay ngang maganda ang bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng anumang mithiin.

Ipinagmamalaki ng NCST Psychology Society ang mga nagsipagtagumpay sa pagsusulit na ito. Malugod at buong galak naming binabati ang mga pumasa at ngayo’y ganap nang Certified Human Resource Associates!



04/06/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐉𝐚𝐣𝐚! 🎂💙

Ang NCST Psychology Society ay taos-pusong bumabati sa iyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon bilang isang Psychology Instructor na hindi lamang mahusay na g**o kundi isa ring mahusay na tagapakinig, gabay, at inspirasyon sa maraming estudyante. Sa pamamagitan ng iyong malasakit, pag-unawa, at pagbibigay ng ligtas na espasyo para sa pagkatuto at paglago, nakapag-iwan ka ng malaking positibong epekto sa buhay ng iyong mga mag-aaral.

Ang iyong mga aral ay hindi lamang nananatili sa loob ng silid-aralan, kundi nagsisilbing gabay sa paghubog ng mas matatag, maalam, at makataong mga indibidwal. Tunay kang inspirasyon sa komunidad ng Sikolohiya.

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, kaligayahan, at higit pang pagkakataong makapagbigay-inspirasyon sa iba.

Muli, maligayang kaarawan, Ma’am Jaja! 🎉🥳



02/06/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐅𝐉! 🎂

Ang NCST Psychology Society ay taos-pusong bumabati sa iyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon bilang Auditor ng ating organisasyon. Lubos naming pinahahalagahan ang iyong kasipagan, pagiging maaasahan, at ang iyong patuloy na pagpapakita ng suporta sa bawat gawain at aktibidad. Ang iyong pagiging handang tumulong ay malaking ambag sa tagumpay ng ating samahan.

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kasiyahan sa lahat ng iyong mga adhikain sa buhay.

Muli, maligayang kaarawan, FJ! 🎉🥳



02/06/2026

Kamusta, Psychmates?🔱

Enrollment is still ongoing for BS Psychology students from 1st Year to 4th Year. Take the opportunity to pursue a deeper understanding of human behavior, mental processes, and personal development while preparing for a rewarding career in the field of psychology.

Be part of a learning community that inspires growth, excellence, and service.

For more information and to check other academic programs offered, kindly visit the NCST Education System page.
🔗https://www.facebook.com/NCST.OfficialPage

You may also secure your slots now and register through our official portal!
🔗 https://admissions.ncst.edu.ph/collegeregistration

Your psychology journey starts here. See you at NCST, Psychmates!

21/05/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐆𝐚𝐛! 🎂

Ang NCST Psychology Society ay taos-pusong bumabati sa iyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at sa pagiging laging punong-abala sa pagkuha ng mga larawan sa bawat event ng organisasyon at pamantasan. Tunay na mahalaga ang iyong serbisyo at sipag.

Nawa’y patuloy kang pagpalain, bigyan ng lakas, at gabayan sa lahat ng iyong tatahaking landas.

Muli, maligayang kaarawan, Gab!🫡 🎉



06/05/2026

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐲𝐚𝐠𝐢!

Aming buong galak na ipinababatid na ang mga mag-aaral sa Sikolohiya ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 na nakapasa sa 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟕𝟎 ng HREAP CHRA Assessment Examination noong Abril 2026 ay kabilang sa 𝐭𝐨𝐩 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬!

Isang patunay na ang sikap at husay ay nagbubunga ng tagumpay.

Mainit na pagbati!

𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐏𝐒𝐘𝐂𝐇𝐄𝐦𝐚𝐭𝐞𝐬!





Source: https://www.facebook.com/share/p/18aC9v1cD5/

01/05/2026

𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!
𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮.

𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝒑𝒖𝒏𝒅𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏

Sa ilalim man ng tirik na araw o sa loob ng mga gusali, ang kanilang mga kamay ang siyang nagpapagana sa makina ng ating lipunan. Sa bawat kumpas ng kanilang mga bisig, nabubuo ang mga pangarap na ating tinatamasa. Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa malalaking proyekto, ang kanilang sipag ang dahilan kung bakit patuloy tayong may progreso.

Sa pinakaunang saligan ng ating bayan naka-ugat ang mga kamay na lumilikha, mga kamay na humuhubog sa anyo ng araw-araw na pamumuhay. Sa bawat pagsikat ng umaga, sila ang tahimik na nagpapaikot sa galaw ng mundo. Ang mga manggagawa ang dumadaloy na pwersa sa likod ng mga gusali at serbisyong nagbibigay-hugis sa lipunan kahit madalas ay hindi agad napapansin.

Sa gitna ng patuloy na paglikha, naroroon ang bigat ng mga sistemang panlipunan na hindi palaging pantay ang pagtingin at pagpapahalaga. Ang paggawa ay nananatiling nakatali sa mga hamon ng kontrata, pasahod, at kalagayang panlipunan na humihingi ng higit pa sa lakas ng isip at katawan. Sa kabila nito, ang manggagawa ay patuloy na tumitindig, dala ang pag-asang maipagpapatuloy ang buhay nang may dignidad at pagkilala sa kanilang pinagmulan ng lakas.

𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑔𝑢𝑠𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑡𝑖𝑟ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑢𝑛𝑑𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛, 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑖𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 ℎ𝑢𝑚𝑎ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑏𝑖𝑔𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑝𝑢𝑛𝑎𝑛?

Sa tanong na ito umuusbong ang diwa ng 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼, isang pagtingin sa mga kamay na matagal nang bumubuo ng bansa ngunit madalas na nananatiling tahimik sa gilid ng pag-unlad. Sa mga sandaling ito, ang 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 na ang paggawa ay hindi lamang proseso ng pagpapatakbo ng lipunan, ito ay buhay na humihingi ng pagtanaw at paggalang.

𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!

𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮.

Isinulat nina:
Raina Ellaine Perez ng LCUP
Arianne Gabriella Cailao ng PUP-STC

Likha ni:
Marie Leona France Logmao ng PNU
Olliver Bernardio ng PNC




01/05/2026

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐇𝐑𝐀!

Muling nagpamalas ng galing at talino ang ilan sa ating Psychmates sa nagdaang ika-70 Batch ng HREAP Assessment Examination. Tunay ngang maganda ang bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng anumang mithiin.

Ipinagmamalaki ng NCST Psychology Society ang mga nagsipagtagumpay sa pagsusulit na ito. Malugod at buong galak naming binabati ang mga pumasa at ngayo’y ganap nang Certified Human Resource Associates!



30/04/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐊𝐞𝐢𝐭𝐡! 🎂

Ang NCST Psychology Society ay pinaabot ang isang maligayang pagbati sa iyong natatanging kaarawan. Nawa'y puno ng kagalakan at pagpapala ang iyong araw.

Ang iyong dedikasyon at serbisyo bilang Pangalawang Pangulo para sa Panloob na Ugnayan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa iyong kapwa na pahalagahan ang pamumuno at pakikilahok sa komunidad.

Sa iyong natatanging kaarawan, hangad namin ang hindi nagmamaliw na kasiyahan at tagumpay.

𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚. 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔. 𝑺𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚.

Muli, isang maligayang kaarawan, Keith! 🎉



Want your school to be the top-listed School/college in Dasmariñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm