๐๐ช๐น๐น๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฝ๐ฑ๐ญ๐ช๐, ๐๐ช'๐ช๐ถ ๐ก๐ฎ๐ช๐ต๐๐ท ๐. ๐๐พ๐ฎ๐ฟ๐ช๐ผ!
๐๐ฆ ๐ฉ๐ฐ๐ฑ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ฉ๐ข๐ท๐ฆ ๐ข ๐จ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ! ๐๐ฐ๐ฅ ๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ด๐ด ๐บ๐ฐ๐ถ!
DepEd Belvedere Elementary School
Public Elementary School
๐๐ช๐น๐น๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฝ๐ฑ๐ญ๐ช๐, ๐๐ช'๐ช๐ถ ๐ฆ๐ฎ๐ท๐ท๐ฒ๐ฎ๐ซ๐ฎ๐ต ๐๐ซ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ท๐ฌ๐ฒ๐ช!
๐๐ฆ ๐ฉ๐ฐ๐ฑ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ฉ๐ข๐ท๐ฆ ๐ข ๐จ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ! ๐๐ฐ๐ฅ ๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ด๐ด ๐บ๐ฐ๐ถ!
23/06/2026
๐๐๐ฆ ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ โจ
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga nagsipagtapos sa Belvedere Elementary SchoolโAlternative Learning System (ALS)!
Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang tagumpay ng ating 40 ALS learners na matagumpay na nakatapos ng kanilang pag-aaralโ10 Elementary ALS Graduates at 30 Junior High School ALS Graduates. Ang kanilang pagtatapos ay bunga ng pagsisikap, tiyaga, determinasyon, at hindi pagsuko sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Lubos nating pinasasalamatan ang ating panauhing pandangal, ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐ถ๐ โ๐๐ผ๐ป-๐๐ผ๐ปโ ๐. ๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฉ, sa kanyang pagbibigay-inspirasyon at suporta sa mga mag-aaral ng ALS. Gayundin, ang taos-pusong pasasalamat sa ating mahusay na ALS Teacher, ๐. ๐ ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ถ๐น๐น๐ผ ๐ . ๐๐ฎ๐ฟ๐ฝ๐ถ๐ผ at sa ating Punongg**o III, ๐. ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐. ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ, sa kanilang walang sawang paggabay at pagsuporta upang maabot ng ating mga mag-aaral ang mahalagang tagumpay na ito.
Nawaโy magsilbi itong panibagong simula tungo sa mas mataas pang mga pangarap at oportunidad. Patuloy na mangarap, magsikap, at magtagumpay.
Mabuhay ang Batch 2026 ALS Graduates! ๐
23/06/2026
PAALALA | ๐ฆ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ฆ
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa pagkatuto, ang Belvedere Elementary School ay magsasagawa ng Safety and Security Checks sa mga mag-aaral at iba pang pumapasok sa paaralan.
Layunin ng gawaing ito na higit pang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Batang Belvederean, maiwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal o mapanganib na bagay, at mapanatili ang kaayusan, disiplina, at seguridad sa loob ng paaralan.
Ang mga pagsusuring ito ay isasagawa nang may paggalang sa dignidad, karapatan, at kapakanan ng bawat mag-aaral, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 (Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment).
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral, sama-sama nating maisusulong ang isang kapaligirang ligtas, malinis, maayos, at positibo para sa lahat.
23/06/2026
PRESS RELEASE
22/06/2026
๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ ๐ฅ๐๐๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก
June 22, 2026โIsang karangalan para sa Belvedere Elementary School ang paglahok ni ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ฏ ๐๐ต๐๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐น ๐. ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ, Division Federated SELG President ng SDO General Trias City, sa isinagawang 2026โ2027 Regional Federated SELG Election ng CALABARZON na ginanap sa Rizal Province ngayong araw. Siya ay ginabayan ng Division Youth Formation Coordinator na si ๐ ๐ฎ'๐ฎ๐บ ๐ฅ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฒ ๐ข. ๐ ๐ฎ๐ท๐ถ๐น๐น๐ผ.
Sa kanyang matatag na paninindigan, husay sa pamumuno, at taos-pusong paglilingkod sa kapwa mag-aaral, matagumpay niyang naipakita ang kakayahan ng Bataang Belvederean sa antas rehiyon. Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at potensyal bilang lider, siya ay napabilang bilang ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฆ๐๐๐ para sa S.Y. 2026โ2027.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanyang malasakit, determinasyon, at hangaring maging boses ng mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng pamumuno. Nawaโy magsilbi siyang inspirasyon sa kapwa kabataan na patuloy na mangarap, mamuno, at maglingkod nang may integridad at kahusayan.
Buong pagmamalaking binabati ng Belvedere Elementary School Family si Jacob sa panibagong yugto ng kanyang paglalakbay bilang isang natatanging lider.
SELG Adviser: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐น๐ผ๐ป ๐. ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฒ๐
School Head: ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐. ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ
PSDS: ๐๐ฟ. ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐ต ๐๐ฒ๐ฎ๐ป ๐ฆ. ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฒ๐
22/06/2026
๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฆ ๐๐ข๐ก๐๐จ๐๐ง๐ฆ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
June 22, 2026โNagkaisa ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Belvedere Elementary School sa isinagawang Flag Raising Ceremony bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng pagkatuto at paglilingkod.
Ang gawaing ito ay nagsilbing pagkakataon upang muling pagtibayin ang pagmamahal sa bayan, disiplina, at pagpapahalagang gumagabay sa bawat Batang Belvederean sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok, naipakita ng buong komunidad ng paaralan ang kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto.
Maraming salamat sa ating masisipag na mga Officers ng SELG, YES-O, at BSP sa pangunguna sa gawaing ito sa paggabay ni G. Marlon A. Gonzales (Sir M).
๐ท ๐๐ฒ๐ต๐ฐ๐ถ๐บ ๐ ๐ถ๐ผ๐น๐ถ๐ป๐ผ๐ฟ ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ผ
SELG Protocol Officer / Photojournalist
22/06/2026
BASAHIN | ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐ ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐ช๐๐๐
๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ฎ๐ฎ-๐ฎ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฉ.๐.๐ฅ.๐ฆ.๐ | ๐ฉalue the word of God by ๐mbracing, ๐ฅeflecting, and ๐ฆharing His teachings to ๐nrich our Love of others.
๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ฎ:๐ญ๐ฐ
โDo everything without complaining.โ
๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก๐๐ | Itinuturo sa atin ng talatang ito na gawin ang ating mga gawain nang may mabuting kalooban at walang reklamo. Bilang mga mag-aaral, maaari natin itong isabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan, paggawa ng ating mga takdang-aralin, at pagtulong sa iba nang masaya at kusang-loob. Kapag iniiwasan natin ang pagrereklamo at pinipili nating maging positibo, naipapakita natin ang pagiging mabuti, masunurin, at mapagpasalamat. Sa ganitong paraan, nagiging mabuting halimbawa tayo sa ating kapwa at nagbibigay-lugod sa Diyos.
โ๏ธ๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐น๐ถ๐ฒ ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐. ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐ผ, ๐ฆ๐๐๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐
SELG Adviser: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐น๐ผ๐ป ๐. ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ (Sir M)
School Head: ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐. ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ
PSDS: ๐๐ฟ. ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐ต ๐๐ฒ๐ฎ๐ป ๐ฆ. ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฒ๐
21/06/2026
๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฌ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ ๐จ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐ฃ๐ข๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐ข๐ฉ๐๐ง๐๐ข๐ก
Isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas, maayos, at komportableng kapaligiran para sa ating mga Batang Belvedereans at buong komunidad ng Belvedere Elementary School ang matagumpay na pagsasaayos ng ating Multipurpose Hall.
Taos-puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng ating Punongg**o III, ๐. ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐. ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ, sa ating masisipag na ๐ฆ๐ฃ๐ง๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฆ.๐ฌ. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ sa pamumuno ng ating SPTA President, Kagawad ng Barangay, at Chairperson ng Komite sa Edukasyon, ๐๐ด๐ด. ๐๐ฟ๐น๐ถ๐๐ฎ โ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐๐ฎโ ๐. ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ป, gayundin sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na naging bahagi ng proyektong ito.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa Barangay Council ng Pasong Kawayan II sa pamumuno ni ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ ๐. ๐๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฒ sa kanilang walang sawang suporta at pagbibigay ng pondo upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Ang inyong malasakit, pagkakaisa, at pakikiisa ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas marami pa tayong magagawang makabuluhang pagbabago para sa ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at patuloy na pagsuporta sa pagpapaunlad ng edukasyon at kapakanan ng bawat Batang Belvederean!
21/06/2026
PAANYAYA | ๐๐๐๐๐ก๐ง ๐ฆ๐๐ง๐๐ฆ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ง (๐๐ฆ๐ )
Mahalaga po sa amin ang inyong opinyon at karanasan sa mga serbisyong ibinibigay ng Belvedere Elementary School. Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, at iba pang kliyente ng paaralan na maglaan ng ilang minuto upang sagutan ang aming Client Satisfaction Measurement (CSM) lalo na sa tuwing kayo ay may transaksyon sa paaralan.
Sa pamamagitan ng inyong tapat na puna at mungkahi, mas mapapabuti pa natin ang kalidad ng serbisyo at programang hatid ng paaralan para sa ating mga Belvederean.
๐ฑ I-scan lamang ang QR Code upang makilahok o i-click ang link na ito https://tinyurl.com/BelvedereESCSM
Ang inyong boses ay mahalaga. Makinig tayo, makiisa, at sama-samang umunlad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Pasong Kawayan II
General Trias
4107
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |