DepEd Tayo Toclong ES - Imus City

DepEd Tayo Toclong ES - Imus City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City, Elementary School, Toclong 1-C, Imus.

08/06/2026

To further understand the π“π‘π«πžπž-π“πžπ«π¦ π’πœπ‘π¨π¨π₯ π‚πšπ₯𝐞𝐧𝐝𝐚𝐫 𝐟𝐨𝐫 π’π˜ πŸπŸŽπŸπŸ”β€“πŸπŸŽπŸπŸ•, the Schools Division of Imus City through its Media Team has created a clear and informative video explainer.

This resource will help teachers, parents, and learners grasp how the new calendar supports continuity of learning and strengthens school operations.

πŸ‘‰ Watch now and be ready for the opening of classes!

πŸŽ¬π’πƒπŽπˆπ‚ 𝐌𝐞𝐝𝐒𝐚 π“πžπšπ¦
Teacher Broadcasters:
𝐌𝐒𝐜𝐑𝐚𝐞π₯ π€π§π πžπ₯𝐨 𝐌𝐚π₯𝐞𝐫𝐒𝐚𝐝𝐨
π‘π’πœπ‘πšπ«π π’πžπ¦πšπ§πš
π‰π¨πžπ² 𝐎𝐫𝐭𝐒𝐳
𝐙𝐲π₯𝐝𝐣𝐒𝐚𝐧 π“πžπ©π¨π«πš
π‰πžπž 𝐀𝐧𝐧 π‘πšπŸπšπžπ₯
𝐌𝐚𝐝𝐞π₯𝐞𝐒𝐧𝐞 𝐀𝐲𝐨

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 08/06/2026

Masiglang sinalubong ng Toclong Elementary School ang pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Ceremony na hudyat ng panibagong yugto ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

Dinaluhan ang programa ng mga panauhin mula sa Schools Division Office of Imus City na nagbigay ng kanilang suporta at pakikiisa sa matagumpay na pagsisimula ng klase. Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng paaralan at ng dibisyon upang matiyak ang de-kalidad at makabuluhang edukasyon para sa bawat mag-aaral.

Sa pangunguna ng pamunuan ng paaralan, mga g**o, at mga kawani, naging maayos at masaya ang pagtanggap sa mga mag-aaral na sabik na muling makabalik sa kanilang mga silid-aralan at makapagpatuloy sa kanilang paglalakbay sa pagkatuto.

Nawa’y maging puno ng tagumpay, kaalaman, at makabuluhang karanasan ang bagong taong panuruan para sa buong komunidad ng Toclong Elementary School.

Maligayang pagbabalik sa paaralan, mga batang Toclong!

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 08/06/2026

PARENTS' ORIENTATION PARA SA PAGBUBUKAS NG TAONG PANURUAN 2026–2027

Matagumpay na isinagawa ng Toclong Elementary School ang Parents' Orientation noong Hunyo 5, 2026 bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027. Naganap ito sa dalawang bahagi upang mas mabigyang-pansin ang bawat pangkat ng mga magulang: KS1 (8:00–10:00 AM) at KS2 (10:00 AM–12:00 NN).

Sa naturang gawain, tinalakay ang mahahalagang impormasyon, mga programa, at mga alituntunin ng paaralan upang maging handa ang mga magulang at mag-aaral sa pagsisimula ng bagong taong panuruan. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga magulang na magtanong at makibahagi sa mga usaping may kinalaman sa edukasyon at kapakanan ng kanilang mga anak.

Nakibahagi rin ang Imus City Health Office sa katauhan ni Nurse Maria Eloisa S. FanpiΓ±o, na nagbahagi ng mahalagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna bilang isang mabisang paraan upang mapanatiling ligtas at malusog ang mga bata laban sa iba't ibang sakit.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakiisa sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, masisig**o natin ang isang ligtas, masaya, at matagumpay na paglalakbay sa edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 08/06/2026

Ang Toclong Elementary School ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, mga volunteer, partner stakeholders, at mga miyembro ng komunidad na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1–5.

Sa pamamagitan ng ating bayanihan, pagtutulungan, at malasakit, naging mas ligtas, mas malinis, at mas handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Ang bawat kontribusyon ay naging mahalagang bahagi ng ating tagumpay.

Patuloy nawa nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa ating paaralan.

Sama-sama para sa isang handa, ligtas, at maayos na paaralan!

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 06/06/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang Toclong Elementary School sa lahat ng mga indibidwal, magulang, alumni, organisasyon, barangay officials, stakeholders, at mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, lakas, at mga donasyon para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026 nitong Hunyo 1–5.

Ang inyong kabutihang-loob, pakikiisa, at suporta ay malaking bahagi sa paghahanda ng ating paaralan upang maging mas ligtas, malinis, maayos, at handa para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Sa pamamagitan ng inyong mga inisyatiba at kontribusyon, naipakita ninyo ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng donasyong kagamitan, materyales, pagkain, at iba pang suporta, gayundin sa mga boluntaryong tumulong sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan.

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

31/05/2026

Happy birthday Ma'am Kristine πŸ₯³πŸŽ‚πŸŽˆ

29/05/2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo sa ating Parents’ Orientation bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Mahalagang malaman ang mga alituntunin, programa, at mga mahahalagang paalala upang maging maayos at matagumpay ang pagsisimula ng ating mga mag-aaral ngayong pasukan.

πŸ“Œ Mangyaring basahin ang kumpletong detalye sa poster.
πŸ“Œ Ang inyong pagdalo ay lubos na inaasahan at pinahahalagahan.

Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa isang ligtas, masaya, at makabuluhang paglalakbay sa pag-aaral!

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 26/05/2026

Handa na para sa mas ligtas, maayos, at masayang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026-2027!

Narito po ang ating Oplan Balik Eskwela – Public Assistance Command Center (OBE-PACC) upang mas mapadali ang pagbibigay ng tulong, impormasyon, at agarang aksyon sa mga magulang, mag-aaral, at stakeholders.

Kasama ninyo kami sa paghahanda para sa isang matagumpay at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Toclong!

Para sa inyong mga katanungan, concerns, at iba pang pangangailangan, bukas po ang aming Public Assistance Command Center upang maglingkod.

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

Photos from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City's post 21/05/2026

ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”β€“πŸπŸŽπŸπŸ•

Muli po nating ipakita ang diwa ng bayanihan para sa mas ligtas, malinis, at maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral ngayong darating na taong panuruan 2026-2027.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, barangay officials, at volunteers na makiisa sa ating Brigada Eskwela.

Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan upang mas maging handa sa pagbubukas ng klase. Ang inyong oras, tulong, at suporta ay malaking ambag para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Tara na. Makiisa. Maki-brigada na!✨

#π‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘©π’‚π’•π’‚π’π’ˆπ‘΄π’‚π’“π’–π’π’π’π’ˆ #π‘Ίπ’‚π‘»π’π’„π’π’π’π’ˆπ‘Ίπ’–π’”π’–π’π’π’π’ˆ

07/05/2026

πŸ”₯ πƒπŽππ€π“πˆπŽπ πƒπ‘πˆπ•π„ π…πŽπ‘ π…πˆπ‘π„ π•πˆπ‚π“πˆπŒπ’ πŸ”₯

πŸ“ Incident Date: May 6, 2026
πŸ“ Location: Japan Street, Manggahan, Binakayan, Kawit, Cavite

Kahapon, May 6, 2026, isang sunog ang sumiklab sa residential area sa Manggahan, Binakayan, Kawit na nagdulot ng matinding pinsala sa maraming pamilya. Ilan sa mga biktima ay mag-aaral ng Toclong ES.

Sa panahon ng pagsubok, kami po ay kumakatok sa inyong puso. Sa simpleng paraan ng pagtulong, maipaparamdam natin sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa sa kanilang pinagdaraanan.

Kaugnay nito, kami po ay nagsasagawa ng DONATION DRIVE upang makalikom ng tulong para sa mga naapektuhang pamilya.

πŸ“Œ πŒπ†π€ πŒπ€π€π€π‘πˆππ† πˆπƒπŽππ€π“π„:
βœ… Bigas at pagkain
βœ… Damit
βœ… Tubig at hygiene kits
βœ… Kumot, banig, at unan
βœ… Iba pang pangunahing pangangailangan

πŸ“Œ ππ€π€ππŽ πŒπ€π†-πƒπŽππ€π“π„:
βœ… Dalhin sa ating paaralan ang inyong mga donasyon.
βœ… Para sa cash donations, maaaring makipag-ugnayan sa aming Admin Officer, 𝐌𝐬. π‰πžπšπ§π§π² π‘π¨π¬πž 𝐀. π‹πšπ¨-𝐚𝐧𝐠.

Ang bawat maliit na tulong ay malaking pag-asa para sa mga nawalan. Sama-sama nating ipadama ang pagmamahal, malasakit, at pagkakaisa sa oras ng pangangailangan.

β€œSa bawat pagtulong, may pag-asang muling bumangon.”

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Toclong 1-C
Imus
4103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm