Kawit RHU

Kawit RHU

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kawit RHU, Kawit Rural Health Unit, Kawit.

Vision:
“To be the active and leading voice for health and well-being of Kawitenos through provision of optimal public health care education and service.”

Mission:
“To maintain, sustain and improve the health and well-being of all Kawitenos.”

Photos from Kawit RHU's post 24/06/2026

Sa panahon ng tag-ulan, tumataas ang panganib ng Influenza-like Illnesses (ILI) o mga sakit na may sintomas na katulad ng trangkaso. Maging mapagmatyag at alagaan ang inyong kalusugan at ng inyong pamilya.

Mga karaniwang sintomas:

• Lagnat
• Ubo
• Sipon
• Pananakit ng lalamunan
• Pananakit ng ulo at katawan
• Panghihina
• Panginginig
• Pagsusuka o pagtatae

Paano makakaiwas?

• Magpabakuna.
• Madalas na maghugas ng kamay.
• Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing.
• Magsuot ng face mask kung may sintomas.
• Iwasan ang matataong lugar.
• Siguraduhing maayos ang bentilasyon ng inyong paligid.

Kung nakakaramdam ng sintomas, manatili muna sa bahay, magpahinga, uminom ng sapat na tubig, at kumonsulta agad sa pinakamalapit na health facility kung lumalala ang kondisyon.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat Kawiteño. Ang maagang pag-iingat ay susi sa pag-iwas sa pagkalat ng sakit.



Municipality of Kawit, Cavite
Kawit Public Information Office

23/06/2026

Nais po namin batiin ang aming masipag na DOH Medical Technologist, Ms. Arlene Marasigan ng isang Maligayang Kaarawan. Nawa ay patuloy ka pong pagpalain, bigyan kalakasan at ingatan sa lahat ng iyong biyahe ng ating Poong Maykapal para sa ating patuloy na pagbibigay ng Serbisyong may Puso at Malasakit sa ating mga kapwa Kawiteño.

Happy birthday po, Ms. Arlene!


Photos from Kawit RHU's post 22/06/2026

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐩𝐨 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐰𝐢𝐭𝐞ñ𝐨!

Sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer 𝗗𝗿. 𝗖𝗵𝗲r𝗿𝗶𝗲 𝗟𝘆𝗻 𝗦. 𝗧𝘂𝗺𝗶𝗹𝗯𝗮-𝗕𝗼𝗾𝘂𝗲 at ng mga kawani ng 𝗞𝗮𝘄𝗶𝘁 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗶𝗰𝗲, tuloy-tuloy po ang paghahatid natin ng 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗸𝗮𝗹 sa ating mga kababayang Kawitenyo.

Para sa inyong health needs, bisitahin lang po kami sa Brgy. Tabon II o tumawag sa:
📞 431-9941 | 0976-106-4096

Maraming salamat po at Magandang Kawit sa inyong lahat!

21/06/2026

HAPPY FATHER'S DAY! 👨‍👦

Ngayong Father's Day, isang taus-pusong pagbati mula sa Kawit Municipal Health Office para sa lahat ng mga ama, haligi ng tahanan, at sa ating aktibo at masipag na Vice Mayor Angelo Aguinaldo!

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, gabay, at dedikasyon sa inyong mga pamilya at komunidad. Kayo ang inspirasyon ng katatagan, responsibilidad, at malasakit na nagbibigay-lakas sa susunod na henerasyon.

Nawa'y mapuno ng saya, pagmamahal, at pagpapahalaga ang inyong espesyal na araw. Patuloy po kayong maging huwaran ng kabutihan at pagmamalasakit sa inyong mga mahal sa buhay.

Maligayang Araw ng mga Ama, VM Angelo Aguinaldo at sa lahat ng mga Tatay sa Kawit!


Photos from Kawit RHU's post 19/06/2026

Patuloy ang pagbibigay ng Visual Inspection using Acetic Acid (VIA) para sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer. Alagaan ang inyong kalusugan, mga kababaihan ng Kawit!

KAWIT AREA
📍 EVERY MONDAY – Tabon RHU

BINAKAYAN AREA
📍 EVERY FRIDAY – Kawit Lying-In Clinic

✅ Magpatingin.
✅ Magpa-screen.
✅ Alagaan ang sarili para sa mas malusog na kinabukasan.

18/06/2026

Ngayon darating na June 28, samahan po ninyo kami ng Genggeng Motoclub - One Cavite sa ating isasagawang Voluntary Mass Blood Donation Drive. Sa pangunguna po ng kanilang lider, ang mapagmalasakit at very witty, "Boss Toyo", sama-sama po muli natin ipagpapatuloy ang ating mabuting adhikain at hangarin na makapagbigay ng malinis, ligtas at libreng dugo sa ating mga kababayan na nangangailangan.

Kaya halina po kayo, at malugod po namin kayong inaanyayahan na samahan po kami at maging modernong bayani sa June 28 (Sunday), 7:00 ng umaga sa Tangulan Arena. Tara na po, DONATE BLOOD & SAVE LIVES! Kitakits po tayo mga Kawiteño at mga kageng-geng!



Municipality of Kawit, Cavite
Kawit Public Information Office

18/06/2026

Magandang Kawit po!

Mga Kawitenyo, magandang balita po! Ang inyong Kawit Rural Health Unit ay opisyal na PhilHealth YAKAP-accredited facility.

Kaya para po makatanggap ng mga libre, naaayon at akmang gamutan sa ilalim ng YAKAP program, sundin lamang ang basic steps na ito. Kaya po inaanyayahan po namin ang lahat ng Kawitenyo na magparehistro na sa ilalim ng EGov application at PhilHealth at piliin ang Kawit Rural Health Unit bilang iyong YAKAP Provider upang masimulan na natin ang pagtahak ng inyong pamilya sa isang malusog, masaya at masiglang tahanan. Dahil sa PhilHealth YAKAP, "malayo ka sa sakit!"

Para po sa iba pa ninyong mga katanungan o gabay sa paggamit ng inyong PhilHealth benefits, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating Kawit RHU sa Brgy. Tabon II o di kaya ay tumawag po sa aming numerong 431-9941. Maraming salamat at Magandang Kawit po muli sa ating lahat!



Municipality of Kawit, Cavite
Kawit Public Information Office

Photos from Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon's post 17/06/2026
15/06/2026

Ngayong araw, Hunyo 15, 2026, bilang ASEAN Dengue Day at sa buong buwan ng Hunyo bilang Dengue Awareness Month, sama-sama nating paigtingin ang paglaban kontra dengue!

Tuwing Alas-Kwatro, gawin ang 4Ts Kontra Dengue:

✅ TAOB – Hanapin at itaob ang mga posibleng pamugaran ng lamok.
✅ TAKTAK – Alisin ang naipong tubig sa mga lalagyan.
✅ TUYO – Panatilihing malinis at tuyo ang paligid.
✅ TAKIP – Takpan ang mga imbakan ng tubig.

Bilang responsableng Kawiteño, hinihikayat ang lahat na makiisa sa 4 O’Clock Habit, 4Ts Approach, at iba pang hakbang kontra dengue upang mapuksa ang pinamumugaran ng lamok at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ating komunidad.

Para sa karagdagang katanungan o serbisyong pangkalusugan, magtungo sa pinakamalapit na Barangay Health Center o sa Kawit Super Health Center, Brgy. Tabon II, Kawit, Cavite.

Sama-sama tayo, Kontra Dengue!
Magandang Kawit po!

Photos from Kawit RHU's post 15/06/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐩𝐨 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐰𝐢𝐭𝐞ñ𝐨𝐬!

Ngayon araw ng Lunes sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, 𝗗𝗿. 𝗖𝗵𝗲𝗿𝗿𝗶𝗲 𝗟𝘆𝗻 𝗕𝗼𝗾𝘂𝗲, kasama ang ating Municipal Dentist, 𝗗𝗿. 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗿𝗮 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗮, at mga kawani ng 𝗞𝗮𝘄𝗶𝘁 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, patuloy ang pagbibigay natin ng libreng serbisyong medikal at pangkalusugan sa ating mga kababayang Kawitenyo.

Para po sa inyong mga pangangailangan, bisitahin lamang po ninyo kami sa ating pasilidad sa Brgy. Tabon II o hindi kaya makipag-ugnayan sa amin sa mga numerong 431-9941 o 09761064096.
Maraming salamat at Magandang Kawit po sa ating lahat!



Municipality of Kawit, Cavite
Kawit Public Information Office

Want your school to be the top-listed School/college in Kawit?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Kawit Rural Health Unit
Kawit
4104

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am