Ang Balikatan-Ilustrado

Ang Balikatan-Ilustrado

Share

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Captain Albert Aguilar

24/06/2026
24/06/2026

It takes a village to raise a child—and it takes a community to keep them safe.

From coordinating with barangays and police to empowering PTAs and guidance counselors, DepEd NCR is strengthening every layer of learner protection. Remember: safety today means a stronger tomorrow for our learners.

Let’s stay vigilant, united, and proactive.


21/06/2026

📢 𝘽𝘼𝙇𝙄𝙆 𝙆𝘼𝙉𝘼? 𝘽𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙏𝘼𝙉✍🏻

𝙈𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙄𝙡𝙪𝙨𝙩𝙧𝙖𝙙𝙤!

𝙈𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙜 FORM SA PAGSALI NG PAHAYAGAN 𝙨𝙖 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙇𝙪𝙣𝙚𝙨, 𝙃𝙪𝙣𝙮𝙤 22, 2026, 𝙨𝙖 𝙤𝙧𝙖𝙨 𝙣𝙜 8:00 AM - 4:00 𝙋𝙈

Tara, ano pang hinihintay mo? Sama sama nating ipamalas at ipagpatuloy ang iyong kakayahan sa paglilinang pagkamalikhain, katotohanan at kahusayan sa pamamahayag.

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙥𝙪𝙣𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙜𝙖𝙥𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜‑𝙥𝙖𝙢𝙥𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙨𝙞 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝙋. 𝙇𝙖𝙜𝙜𝙪𝙞 sa Faculty ng Filipino👨‍🏫

Magsulat, Magmulat, at Magsiwalat✍🏻📝

📝Detalye
Petsa : June 22, 2026 (Lunes)
Oras : 8:00 AM - 4:00 PM
Lugar: Filipino Faculty

✍🏻: Louise Faye T. Bernarte
🎨: Renny Suela

21/06/2026

𝐏𝐮𝐧𝐝𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐍𝐠 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Ama at sa mga nagsisilbing Ama ng kanilang pamilya. Lubos namin kayong hinahangaan dahil sa inyong sipag, sakripisyo, at determinasyon sa pagtataguyod ng tahanan at pagbibigay ng magandang kinabukasan para sa inyong mga mahal sa buhay.

Ngayong Araw ng mga Ama, ating kilalanin at pahalagahan ang mga haligi ng tahanan—ang mga taong laging handang umalalay sa oras ng pangangailangan, magsilbing sandigan sa panahon ng pagsubok, at magsakripisyo upang matiyak ang kapakanan ng kanilang pamilya.

Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, paggabay, at sakripisyo. Maligayang Araw ng mga Ama! 💙👨‍👧‍👦

Photos from Ang Balikatan-Ilustrado's post 18/06/2026

Sa mga nais pang sumali sa Pahayagan pumunta lamang sa FILIPINO FACULTY para kumuha ng FORM.✍🏻

Baka ikaw na ang hinahanap ng Ang balikatan-Balikatan-Ilustrado.✍🏻

Kitakits tayo nextweek para sa Pagpupulong at Screening.✍🏻

Antabayanan ang mga susunod pang detalye.✍🏻

12/06/2026

📢 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐫𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧!

Ngayong Araw ng Kalayaan, ating pahalagahan at alalahanin ang mga sakripisyo, katapangan, at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng ating mga bayani upang makamtan ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Hindi lamang ito isang karaniwang araw, kundi isang makasaysayang paggunita sa tagumpay ng ating mga ninuno na buong tapang na ipinaglaban ang kalayaan ng ating bansa para sa susunod na mga henerasyon.

Sama-sama nating ipagdiwang at igalang ang diwa ng kalayaan—para sa ating mga bayani, para sa ating bayan, at para sa bawat Pilipino.

🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! 🇵🇭

🎨: Renny Suela
✍️: Louise Faye T. Bernarte

Photos from Ang Balikatan-Ilustrado's post 09/06/2026

📣📣

Photos from Ang Balikatan-Ilustrado's post 05/06/2026

📢🧹 𝘽𝙍𝙄𝙂𝘼𝘿𝘼 𝙀𝙎𝙆𝙒𝙀𝙇𝘼 2026–2027 🎨🛠️

Matagumpay na sinimulan ng Captain Albert Aguilar National High School ang Brigada Eskwela 2026–2027 noong Hunyo 1, 2026. Bilang bahagi ng opisyal na pagbubukas ng programa, nakiisa ang mga g**o, mag-aaral, at mga boluntaryo sa Opening March Parade na ginanap sa CAA Elementary School Main, kasama ang iba pang mga paaralan sa CAA, Las Piñas City.

Matapos ang parada, sama-samang nagsagawa ang mga kalahok ng paglilinis, pag-aayos, at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang unang araw ng Brigada Eskwela ay naging patunay ng diwa ng bayanihan, pagkakaisa, at pagtutulungan ng komunidad sa paghahanda ng paaralan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.

🏫✨ Sama-sama para sa isang handa, ligtas, at masayang pagbabalik-eskwela!

✍️: Sophia Rose M. Espanilla
📸: Louise Faye T. Bernarte
🖼️: Sophia Rose M. Espanilla




Photos from Ang Balikatan-Ilustrado's post 05/06/2026

📢 𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍! | 𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐋𝐔𝐁 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆

Matagumpay na natapos ang State of the School Addres ni G. Apollo D. De Guzman, kasunod nito, Ginawad ng Captain Albert Aguilar National High School ngayong tanghali bilang pagkilala sa mga organisasyong nagpakita ng aktibong pakikilahok at taos-pusong suporta sa mga gawain ng Brigada Eskwela.

Binigyang-parangal ang mga kalahok na organisasyon bilang pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at malasakit sa paaralan at komunidad. Ang kanilang mahalagang ambag ay naging susi sa matagumpay na paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Patuloy na hinihikayat ng pamunuan ng paaralan ang pagkakaisa, kooperasyon, at diwa ng bayanihan ng mga mag-aaral at organisasyon upang mapanatili ang isang maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat.

✍️: Sophia Rose M. Espanilla
📸: John Mark P. Laggui
🖼️: Ambher B. Sidayen




Photos from Ang Balikatan-Ilustrado's post 05/06/2026

📢𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖 | 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐀𝐃𝐃𝐑𝐄𝐒𝐒 (𝐒𝐎𝐒𝐀)

Isinasagawa ngayon sa Captain Albert Aguilar National High School ang State of the School Address (SOSA) na pinangungunahan ng ating Punong G**o na si G. Apollo D. De Guzman.

Dinaluhan ito ng mga g**o mula sa iba't ibang baitang bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa at suporta sa mahalagang gawaing ito. Layunin ng pagtitipon na maibahagi ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan, mga naging tagumpay, mga hamong kinakaharap, at ang mga plano at direksyong tatahakin para sa patuloy na pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa kasalukuyang taong panuruan.

𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧! 💙📚

✍️: Sophia Rose M. Espanilla
📸: Louise Faye T. Bernarte
🖼️: Sophia Rose M. Espanilla

Want your school to be the top-listed School/college in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


CAA Road Corner Balikatan Street, BF International Village, Las Pinas
Las Piñas
1740-1752