Social Studies Society - LSPU Los Baños

Social Studies Society - LSPU Los Baños

Share

Official page of Laguna State Polytechnic University (Los Baños) - Social Studies Society

15/05/2026

📚✨ 𝐒𝐨𝐤𝐬𝐭𝐚𝐝 𝐓𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬 𝐓𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫𝐬 ✨📚

Muling sinubok ang ating kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

📍𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚:
Ano ang unang pangalan na ibinigay sa Pilipinas ng mga mananakop na espanyol bago ito tuluyang tinawag na "Las Islas Filipinas"?

‎A. San Lazaro de Islas
‎B. Islas de San Lazaro
‎C. Pearl of the Orient Seas
‎D. Maharlika

𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗚𝗢𝗧:
👉 B. Islas de San Lazaro

📖 Islas de San Lazaro ang ipinangalan ni Ferdinand Magellan sa bansa dahil nakarating siya sa Pilipinas noong kapistahan ni Saint Lazarus noong 1521. Noong 1543 naman, pinalitan ito ni Ruy López de Villalobos at tinawag na Las Islas Filipinas bilang parangal kay Prinsipe Felipe ng Espanya.

👏 Binabati namin ang mga sumusunod na miyembrong matagumpay na nakapagbigay ng tamang sagot!

🏆 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦:
• Nicole Panopio
• Sofia Acedilla

📩 Para makuha ang kanilang premyo, kinakailangang i-message ang Treasurer ng Social Studies Society.

Sa Sokstad, ang pagkatuto ay hindi lamang pagsusulit—ito ay patuloy na pag-unawa sa ating kasaysayan at identidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!

🔎 Manatiling mapanuri. Manatiling Sokstad.




Photos from Social Studies Society - LSPU Los Baños's post 13/05/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡! ✨

Lubos na ipinahahatid ng 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐢𝐞𝐬 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 ang taos-pusong pagbati para sa mga bagong g**o ng ating bayan na pumasa sa 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐋𝐢𝐜𝐞𝐧𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬 (𝐋𝐄𝐏𝐓) mula sa Medyor ng Araling Panlipunan. Ang kanilang walang kapantay na pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon ang nagbunga upang makamit ang napakalaking tagumpay na ito.

Ang inyong tagumpay ay tunay ngang nagpapatunay na 𝘽𝙖𝙨𝙩𝙖 𝙎𝙤𝙠𝙨𝙩𝙖𝙙, 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 — sa kahusayan, matibay na paninindigan, at wagas na pagmamahal sa pagtuturo. Nawa'y patuloy kayong makapagbigay inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon ng mga g**o na mangarap nang mataas at patuloy na magsikap.

𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧 𝗣𝗔𝗦𝗦𝗘𝗥𝗦 ✨

Batch 2023:
ROSALES, JENNIFER B.

Batch 2025:
ALVIAR, JOHN RICKSON R.
MENDOZA, MARIA ANTONETTE C.
MAGNO, JOSE FERNANDO B.
PARAGAS, DANIELLA MAE P.
PERA, CATHERINE GRACE A.

Muli, pagbati, at mabuhay ang mga bagong g**o ng bayan! ❤️🧡

𝗣𝗿𝗼 𝗗𝗲𝗼 𝗘𝘁 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗶𝗮!




12/05/2026

𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒌𝒂 𝒏𝒂 𝒃𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒎𝒐𝒏? 🇵🇭📚

Subukan ang iyong kaalaman at tuklasin ang mga kwento sa likod ng ating kasaysayan sa panibagong tanong mula sa 𝐒𝐨𝐤𝐒𝐭𝐚𝐝 𝐓𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬-𝐓𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠! ✨

📍 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚:
Ano ang unang pangalan na ibinigay sa Pilipinas ng mga mananakop na Espanyol bago ito tuluyang tinawag na “Las Islas Filipinas”?

𝐀. 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐳𝐚𝐫𝐨 𝐝𝐞 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐬
𝐁. 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐬 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐳𝐚𝐫𝐨
𝐂. 𝐏𝐞𝐚𝐫𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐚𝐬
𝐃. 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐫𝐥𝐢𝐤𝐚

Tara na at palawakin pa natin ang ating kaalaman tungkol sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas! ✊🏻🧠

🏆 𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘 🏆
➤ 𝐏𝐡𝐩 𝟑𝟎 𝐰𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐨𝐟 𝐥𝐨𝐚𝐝 (𝟐 𝐖𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫𝐬) 📱✨

📢 𝗔𝗻𝗻𝗼𝘂𝗻𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘄𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿𝘀: Thursday, 7:30 PM

📍𝗡𝗢𝗧𝗘: Ito ay bukas lamang para sa mga miyembro ng 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐢𝐞𝐬 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲.




10/05/2026

𝐓𝐎𝐃𝐀𝐘 𝐈𝐍 𝐇𝐈𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘

𝑴𝒂𝒚𝒐 10, 1897 — 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂, 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒂𝒔𝒂𝒌𝒓𝒊𝒑𝒊𝒔𝒚𝒐, 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒃𝒂𝒌𝒂. 🇵🇭

Noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, unti-unting nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino laban sa mahigit tatlong siglong pananakop ng Espanya. Sa gitna ng pang-aabuso, kawalan ng kalayaan, at hindi pagkakapantay-pantay, isinilang ang Katipunan—isang lihim na samahang naglalayong ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon.

Sa pangunguna ni Andrés Bonifacio, naging simbolo ng tapang at paglaban ang kilusan para sa mga ordinaryong Pilipinong matagal na pinagkaitan ng boses at karapatan. Gayunpaman, sa gitna ng rebolusyon ay nagkaroon ng hidwaan sa loob ng kilusan na nauwi sa pag-aresto at kalaunan ay pagpaslang kay Bonifacio at sa kaniyang kapatid na si Procopio Bonifacio sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.

Mahigit isang siglo na ang lumipas, ngunit nananatiling buhay ang mga tanong at aral na iniwan ng kasaysayang ito. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring hinaharap ng bansa ang iba’t ibang anyo ng pagkakahati-hati, maling impormasyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at mga hamong sumusubok sa pagkakaisa at demokrasya ng sambayanan.

Ang kasaysayan ni Bonifacio ay hindi lamang tungkol sa nakaraan—ito ay paalala na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nangangailangan ng tapang, pakikilahok, at paninindigan. Sa panahon ngayon kung saan mabilis kumalat ang impormasyon at madaling mabaon sa katahimikan ang katotohanan, mahalagang manatiling mulat, mapanuri, at may malasakit sa kapakanan ng nakararami. 🌿

Ang diwa ng himagsikang ipinaglaban ni Bonifacio ay nananatiling buhay sa bawat Pilipinong patuloy na naninindigan para sa katarungan, katotohanan, at karapatan ng mamamayan. Dahil ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng sakripisyo ng mga taong piniling lumaban para sa bayan.

“𝑨𝒍𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒈𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒅𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂, 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏?” 🤍





10/05/2026

𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒉𝒂𝒔 𝒂 𝒃𝒆𝒂𝒖𝒕𝒊𝒇𝒖𝒍 𝑴𝑶𝑴𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒎𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓. 🤍

Bago natin natutunang harapin ang mundo, may isang taong unang humawak sa atin nang may buong pag-aaruga. Isang pusong tahimik na nagsakripisyo upang maramdaman nating may ligtas tayong babalikan sa tuwing tayo’y napapagod, nasasaktan, o nawawala.

Madalas, hindi natin napapansin kung gaano kabigat ang mga responsibilidad na pasan ng isang ina. Sa likod ng kanilang mga ngiti ay mga gabing kulang sa tulog, mga pangarap na isinantabi, at mga pagod na hindi na nila binibigyang pansin maibigay lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Habang tayo’y abala sa pag-abot ng sarili nating mga pangarap, sila naman ay tahimik na nananalangin na sana’y hindi tayo masaktan ng mundong kanilang matagal nang kinakaharap para sa atin.

Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi lamang nasusukat sa malalaking bagay. Minsan, ito’y nasa simpleng paghihintay hanggang makauwi tayo nang ligtas. Nasa mga paalalang paulit-ulit nating naririnig ngunit kalauna’y hahanap-hanapin din natin. Nasa mga sakripisyong hindi ipinagsisigawan, ngunit habang tumatanda tayo, lalo nating nauunawaan kung gaano kalalim ang pagmamahal na iyon. 🌷

Ngayong Mother’s Day, hindi sapat ang simpleng “thank you” upang tumbasan ang lahat ng kanilang sakripisyo. Ngunit ngayong araw, nais nating ipaalala sa lahat ng ina, lola, single moms, guardians, at mother figures na ang kanilang pagmamahal ay nananatiling isa sa pinakadakilang anyo ng pagmamahal sa mundong ito.

𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒊𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒉𝒊𝒎𝒊𝒌 𝒏𝒂 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒂𝒓𝒂𝒘-𝒂𝒓𝒂𝒘, 𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕. 🤍

𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚 𝑴𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓’𝒔 𝑫𝒂𝒚. 💐


08/05/2026

“𝑨𝒔𝒌 𝒏𝒐𝒕 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕𝒓𝒚 𝒄𝒂𝒏 𝒅𝒐 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖—𝒂𝒔𝒌 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒂𝒏 𝒅𝒐 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕𝒓𝒚.” — 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐅. 𝐊𝐞𝐧𝐧𝐞𝐝𝐲

Sa panahon ng masalimuot na hamon sa lipunan, ang tunay na diwa ng pagiging makabayan ay hindi nasusukat sa kung ano ang natatanggap, kundi sa kung ano ang naibibigay. Ang bayan ay hindi lamang isang sistemang nagbibigay ng serbisyo, kundi isang komunidad na nangangailangan ng aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan.

Ang pag-asa sa bansa ay may kaakibat na responsibilidad. Hindi sapat na tayo ay umaasa lamang sa mga institusyon, lider, o sistema; sa halip, mahalagang tanungin din natin ang ating sarili kung paano tayo nagiging bahagi ng solusyon sa mga suliranin ng bayan. Sa bawat maliit na kilos ng disiplina, katapatan, at malasakit, unti-unting nabubuo ang mas matatag na lipunan.

Bilang isang kabataan at mamamayan ng Pilipinas, mahalagang tandaan na ang pagiging makabayan ay hindi lamang nakikita sa salita, kundi sa gawa—sa paraan ng pag-aaral nang may layunin, sa pakikilahok sa mga usaping panlipunan, at sa pagpili ng tama kahit hindi ito madali. Ang bawat indibidwal ay may ambag sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.

Sa huli, ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi naghihintay ng kapalit. Ito ay isang panawagan ng pananagutan—isang paalala na ang pag-unlad ng bansa ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos ng mga mamamayang handang magbigay, hindi lamang tumanggap. 🤍⚖️




07/05/2026

𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐍𝐈 𝐕𝐄𝐄𝐏𝐄𝐄, 𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐀? 🔥🎉

Today, the 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒊𝒆𝒔 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 celebrates the birthday of our amazing Vice President, 𝐑𝐨𝐛 𝐁𝐨𝐧𝐝𝐚𝐝! ❤️‍🔥

Behind the calm presence is someone who leads with purpose, works with consistency, and brings the kind of energy that keeps the organization moving forward. Whether in planning, leading, or simply showing up for the team, your dedication never goes unnoticed. 📚✨

You’re a proof that leadership isn’t always about being the loudest in the room—it’s about being dependable, driven, and present when it matters most. And through your efforts, you continue to inspire the people around you to do better and aim higher. 🌟

As you enter another chapter, may life continue to reward your hard work with growth, success, meaningful connections, and moments that genuinely make you happy. Keep doing your thing, VP—quietly iconic.

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐞𝐬𝐭 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐕𝐞𝐞𝐏𝐞𝐞 𝐑𝐨𝐛!
- From your 𝐒𝐨𝐜𝐢𝒂𝒍 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒊𝒆𝒔 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 family 💛



Photos from LSPU LB Campus-College of Teacher Education's post 01/05/2026
01/05/2026

𝙈𝙖𝙮 1 | 𝙇𝙖𝙗𝙤𝙧 𝘿𝙖𝙮 ✊✨

Sa bawat patak ng pawis at bawat hakbang na may bigat ng responsibilidad, naroon ang kwento ng isang manggagawang hindi sumusuko. 💼🔥 Sa likod ng maagang paggising, mahabang oras ng trabaho, at pagod na hindi naipapahinga agad—may pusong patuloy na lumalaban para sa pamilya, para sa pangarap, at para sa kinabukasan.

Hindi man laging naririnig, hindi man palaging napapansin, ang ambag ng bawat manggagawa ang nagsisilbing haligi ng ating lipunan. Sila ang tahimik na lakas na nagpapatakbo sa ekonomiya, ang kamay na bumubuo sa kaunlaran, at ang pusong nagbibigay-buhay sa bawat sektor ng bansa. 🌱

Ang paggawa ay higit pa sa obligasyon—ito ay 𝙙𝙞𝙜𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙, 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣, at kwento ng 𝙨𝙖𝙠𝙧𝙞𝙥𝙞𝙨𝙮𝙤. Sa bawat oras na inyong iniaalay, may pamilyang umaasa, may batang nangangarap, at may hinaharap na unti-unting nahuhubog. Ngunit sa kabila nito, hindi maikakaila ang mga hamon—𝙠𝙖𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙝𝙤𝙙, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙤𝙥𝙤𝙧𝙩𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙, at minsang kakulangan sa pagkilala.

Kaya ngayong Araw ng Manggagawa, hindi lamang pagdiriwang ang ating layunin—ito rin ay paalala ng patuloy na laban para sa 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙧𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙝𝙤𝙙, 𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙠𝙤𝙣𝙙𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤, at 𝙧𝙚𝙨𝙥𝙚𝙩𝙤 sa bawat manggagawang Pilipino. ✊

Sa panahon ngayon, kung saan patuloy ang pagbabago sa mundo ng trabaho, lalo pang nagiging mahalaga ang kakayahang umangkop, matuto, at manatiling matatag. Ngunit anuman ang anyo ng trabaho—pisikal man o digital—ang diwa ng paggawa ay nananatiling pareho: ang magsikap, maglingkod, at magbigay ng ambag para sa kapwa at bayan.

𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤—
𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙝𝙞𝙢𝙞𝙠 𝙣𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞, 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙪𝙗𝙪𝙤 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖, 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙨𝙤 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣. 🇵🇭✨

𝙋𝙖𝙜𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤—
𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣. ✊





Photos from Social Studies Society - LSPU Los Baños's post 30/04/2026

🎂🌸 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐧𝐭𝐬! 🌸🎂

The 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒊𝒆𝒔 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 proudly celebrates our amazing April celebrants! 💚

There’s something about April-born individuals—effortlessly warm, quietly strong, and undeniably memorable. You bring a kind of presence that doesn’t need to be loud to be felt. In your own way, you uplift, inspire, and leave a mark that lasts. 📚✨

Your energy adds depth and balance to our organization—soft yet powerful, calm yet impactful. And in a space where every contribution matters, yours never goes unnoticed. 🌿

As you welcome another year, may you continue to grow into your own rhythm, embrace the journey ahead, and create moments that are true to who you are. No rush, no pressure—just steady growth and meaningful progress. 🌼

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐁𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬!
- From your 𝐒𝐨𝐜𝐢𝒂𝒍 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒊𝒆𝒔 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 family 🩷



30/04/2026

📚✨ 𝐒𝐨𝐤𝐬𝐭𝐚𝐝 𝐓𝐮𝐤𝐥𝐚𝐬 𝐓𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫𝐬 ✨📚

Muling sinubok ang ating kaalaman tungkol sa kababaihan sa Katipunan at ang kanilang mahalagang ambag sa rebolusyon.

📍𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚:
Sino sa mga Katipunero ang kilala sa paglalakbay mula Cavite papuntang Maynila upang bumili ng mga materyales sa paggawa ng bala at armas?

A. Trinidad Tecson
B. Teresa Magbanua
C. Teodora Alonso
D. Agueda Esteban

𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗚𝗢𝗧:
👉 D. Agueda Esteban

📖 Si Agueda Esteban ay isa sa mga babaeng kasapi ng Katipunan na tumulong sa kilusan sa pamamagitan ng mga lihim na gawain. Kilala siya sa paglalakbay mula Cavite patungong Maynila upang bumili at magdala ng mga materyales na ginagamit sa paggawa ng bala at armas. Sa kabila ng panganib, ginampanan niya ang mahalagang papel sa pagsuporta sa armadong pakikibaka laban sa mga Espanyol. Ipinapakita ng kanyang ambag na hindi lamang sa larangan ng labanan nakikita ang kabayanihan, kundi pati sa likod ng mga operasyong nagpapatibay sa rebolusyon.

👏 Binabati namin ang mga sumusunod na miyembrong matagumpay na nakapagbigay ng tamang sagot!

🏆 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦:
• Julius Prodigo
• Christine Joy Calica

📩 Para makuha ang kanilang premyo, kinakailangang i-message ang Treasurer ng Social Studies Society.

Sa Sokstad, ang pagkatuto ay hindi lamang pagsusulit—ito ay patuloy na pag-unawa sa ating kasaysayan at identidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!

🔎 Manatiling mapanuri. Manatiling Sokstad.




Want your school to be the top-listed School/college in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Los Baños
4030