DepEd Lalakay ES

DepEd Lalakay ES

Share

This page is for better facilitation of information amidst the time of pandemic. Only useful and dec

Photos from DepEd Tayo Lalakay ES-Laguna's post 15/05/2026

📢 OPLAN BALIK ESKWELA 2026 🏫

📚Sa pagbubukas ng panibagong Taong Panuruan 2026–2027, inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, at katuwang sa edukasyon na makiisa sa ating Oplan Balik Eskwela upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsisimula ng klase.

🗓️ Narito ang mga mahahalagang schedule na dapat tandaan:
📌June 1 – 5, 2026 - Enrollment Period
📌June 1 – 5, 2026 - Brigada Eskwela
📌June 8, 2026 - Opening of Classes

✉️☎️Para sa mga katanungan, maaari pong makipag-ugnayan sa ating Oplan Balik-Eskwela Public Assistance Command Center at sa mga itinalagang focal persons ng ating paaralan.

Sama-sama nating ihanda ang mga bata para sa matagumpay na pagbabalik-eskwela! Maraming salamat po!

Photos from DepEd Tayo Lalakay ES-Laguna's post 06/05/2026

Isang makabuluhang pagsisimula!

Isang matagumpay na oryentasyon ang nagbukas sa unang araw ng ARAL Summer Program na dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang. Sa pangunguna ng ating Punongguro; Dr. Brenda B. Ramirez at ARAL Coordinator; Gng. Ilma M. Fucio, katuwang ang mga dedikado nating mga volunteer teachers, ay opisyal nang sinimulan ang programa para sa mga mag-aaral.

Patuloy po tayong magkaisa sa layuning itaguyod ang karunungan at potensyal ng bawat batang mag-aaral.

05/05/2026

📢 PAANYAYA: ARAL SUMMER 2026 ORIENTATION

Malugod po naming inaanyayahan ang mga ARAL Learners at kanilang mga magulang na dumalo sa gaganaping Orientation bukas para sa programang Aral Summer 2026.

Narito ang mga detalye:
•KAILAN: Mayo 6, 2026
•SAAN: Lalakay Elementary School
•ORAS: Ganap na 9:00 ng umaga

Ang inyong presensya at pakikiisa ay lubos po naming pinahahalagahan para sa maayos na pagpapatupad ng ating ARAL summer class.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdating!

15/03/2026

TAGUMPAY NG BATANG ATLETA!🏅

Buong pagmamalaking binabati ng ating paaralan si Elijah Beatriz Danico sa kanyang natatanging pagganap sa 2026 Regional Athletic Association Meet na idinaos sa Lungsod ng Batangas.

Dahil sa kanyang dedikasyon at disiplina, matagumpay niyang nasungkit ang Ika-5 Pwesto, isang karangalang hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong komunidad ng ating paaralan.

Pagkilala rin ang abot namin sa iyong tagapagsanay, Sir Nelson Deangkinay, gayundin sa suporta ng ating butihing Punongguro, Ma'am Brenda Ramirez at Tagamasid Pampurok, Ma'am Soledad Villanueva.

Ipinagmamalaki ka namin, Elijah! Saludo kami sa iyong galing!

13/03/2026

Warmest congratulations to Sheena Brielle T. Linga for passing the UP Rural High School Entrance Examination! 🎉

Your hard work and determination have truly paid off. Your Lalakay Elementary School family is incredibly proud of your achievement and wishes you continued success.

May this accomplishment be the start of many more victories. Keep striving and shining bright! 🌟

10/03/2026

TAGUMPAY ANG BATANG LALAKAY!

Muling ipinamalas ang galing sa sining ng mag-aaral na si Katrece N. Cayetano na nagkamit ng Ikalawang Puwesto sa ginanap na YMCA - Academic Olympic Poster Making Contest noong Pebrero 21, 2026. Ipinagmamalaki ng buong paaralan ang iyong husay at dedikasyon.

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaabot ng paaralan para sa gabay at patnubay bilang coach ni Ma’am Ellen Latiza, gayundin sa walang sawang suporta ng ating punongguro, Ma’am Brenda Ramirez.

23/01/2026

Pagbati sa Tagumpay ng mga Batang Lalakay!

Buong pagmamalaking binabati ng ating paaralan ang mga piling mag-aaral mula sa Unang Baitang na matagumpay na naging qualifiers sa 2026 SDO Laguna Mathanong Challenge. Ang inyong ipinamalas na pambihirang husay at talino sa Matematika ay isang malaking karangalan na nagpapatunay sa kagalingan ng ating mga mag-aaral.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagsisikap ng ating mga mag-aaral at ng mahusay na paggabay ng kanilang tagapagsanay na si Ma'am Ellen A. Latiza. Gayundin, ang ating pasasalamat sa inspirasyon at suportang hatid ng ating Punongguro, Ma'am Brenda Ramirez at Tagamasid Pampurok Ma'am Soledad Villanueva.

Muli, congratulations sa inyong lahat! Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at kahusayan sa darating na Division Mathanong Challenge. Ang buong paaralan ay sumusuporta sa inyo!

21/01/2026

ANNOUNCEMENT | CALL FOR TEACHER 1 APPLICANTS

All interested applicants are advised to carefully review the DepEd hiring guidelines through the link provided below and submit their complete requirements in accordance with the prescribed standards and procedures.

Only applications with complete documents and submitted within the given timeline will be processed.

For your guidance and compliance. Thank you!

🔗 Link: tinyurl.com/depedlaguna-co-t1-2627

18/01/2026

MATAAS NA PAGPUPUGAY!

Isang malugod na pagbati ang ipinaaabot ng ating paaralan kay Elijah Beatriz Danico sa kanyang matagumpay na pagkamit ng Gintong Medalya sa katatapos lamang na 2026 Division Athletic Meet na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna. Dahil sa iyong kahanga-hangang disiplina at husay, ikaw ay nagsisilbing inspirasyon at tunay na dangal ng ating paaralan.

Kaakibat ng tagumpay na ito ang pagkilala sa ating gurong tagapagsanay, Sir Nelson Deangkinay para sa kanyang matiyagang patnubay at gabay sa ating atleta. Gayundin ang taos-pusong pasasalamat sa matibay na suporta at inspirasyon mula sa ating Punongguro, Ma'am Brenda Ramirez at Tagamasid Pampurok, Ma'am Soledad Villanueva.

Muli, malugod na pagbati, Elijah! Ipinagmamalaki ka ng ating paaralan.

15/01/2026

EARLY REGISTRATION 2026-2027 for incoming Kindergarten and Grade 1 at Lalakay Elementary School!

January 31- February 21, 2026

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng
SY 2026-2027, ang LALAKAY ELEMENTARY SCHOOL ay magsasagawa ng "Early Registration".

Inaanyayahan ang mga magulang/guardian ng mga sumusunod na mag-aaral na magpalista o magpatala:

📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa/bago mag-Agosto 31, 2026 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)

📌Grade 1: Mga batang magtatapos ng Kindergarten sa S.Y. 2025-2026 (mga batang Kindergarten ngayon). Mga batang 5 na taon sa o bago mag-Oktubre 31, 2026

Mga dokumento na kailangang isumite:

📌Kindergarten
✅️Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
✅️Accomplished Basic Education Enrolment Form

📌Grade One
✅️Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate
✅️Photocopy of Progress Report Card/ECCD
✅️Accomplished Basic Education Enrolment Form

Pat Leyba



!

05/12/2025

Pagbati sa ating !

Ipinamalas ng isa nating mag-aaral ang kaniyang pambihirang husay at galing sa pagguhit sa ginanap na Poster Making Contest na isinagawa ng Munisipalidad ng Los Baños bilang pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Kaligtasan ng Bata mula sa Online at Offline na Pang-aabuso.”

Pagbati sa ating mahusay na coah, Ma'am Ellen Latiza sa kanyang paggabay sa ating mag-aaral. Gayundin ang suporta ng ating butihing Punongguro, Ma'am Brenda Ramirez.

Ipinagmamalaki ng buong Lalakay Elementary School ang inyong tagumpay!

Want your school to be the top-listed School/college in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Los Baños
4030