08/06/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐จ๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฌ๐๐ช ๐๐จ๐ ๐จ๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐๐๐๐
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐, ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐ง ๐ง๐๐ก๐๐๐๐ช ๐ก๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐จ๐ก๐๐๐ฅ๐๐ก ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐
Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, inilalantad ng Commission on Higher Education (CHED) ang tunay nitong direksyonโang hubugin ang kabataan bilang murang lakas-paggawa sa halip na maging mapanuri at kritikal na mga mamamayanโsa pamamagitan ng planong kaltasan ang General Education (GE) units sa kolehiyo.
Sa ilalim ng reframed GE curriculum, babawasan mula 36 units tungo sa 18 units ang GE na kailangang kuhanin ng mga mag-aaral. Ilalagom na lamang umano sa iilang โskills-basedโ na kurso ang mga asignaturang humuhubog sa kasaysayan, literatura, sining, pilosopiya, at etika. Ipinapakilala ito bilang modernisasyon ng edukasyon, ngunit malinaw na isa itong hakbang upang pakitirin ang pagkatuto ng kabataan at hulmahin tayo bilang lakas-paggawa sa merkado.
Ang ganitong uri ng mga panukala ay bahagi ng neoliberal at komersyalisadong sistema ng edukasyon na inuuna ang pangangailangan ng merkado kaysa sa karapatan ng mamamayan sa may saysay at mapagpalayang uri ng pag-aaral. Sa halip na tugunan ang kakulangan sa mga pasilidad, mababang sahod ng mga g**o, at mataas na matrikula sa mga pamantasanโ mas pinipili ng estado na bawasan ang nilalaman ng pag-aaral at kitilin ang espasyo para sa kritikal at mapanuring pag-iisip.
Mariing kinokondena ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran ang ganitong pag-atake sa edukasyon. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐๐ฑ-๐๐๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ. Ang pagbabawas ng mga kurso sa ilalim ng General Education ay pag-aalis din ng kakayahan ng mga kabataan na pag-aralan ang lipunan, magsuri sa mga umiiral na sistema, at makiisa sa laban ng mamamayan.
Higit na mapanganib ito hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa mga g**o, kawani, at ๐ง๐ข๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐บ. Libu-libong kaguruan ang nanganganib na mawalan ng teaching loads, mapilitan na lumipat ng larang, o tuluyang mawalan ng trabaho dahil sa pagbura sa mga kursong nakaugat sa humanidades at agham panlipunan. Hindi rin makatwiran na ipinapakilala ito ng CHED bilang isang resulta ng masusing konsultasyon dahil malinaw na hindi ito dumaan sa isang konsultatibo at demokratikong proseso.
๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ, ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐. Paano makapaglilingkod sa masa ang mga Iskolar ng Bayan kung hindi natin nauunawaan ang lipunang dapat nating ipaglaban? Paano huhubugin ang ating husay at paninindigan kung pinapakitid ang ating pagtanaw sa lipunan, at sa halip ay ikinukulong tayo sa kahon ng pagiging murang lakas-paggawa para sa interes ng mga dambuhalang korporasyon?
Hindi lamang kasaysayan, politika, at kultura ang nanganganib na maipagwalang-bahala sa ilalim ng reframed GE curriculum. Nanganganib ding mabawasan ang mga espasyong humuhubog sa pagkamalikhain, pagninilay, at mas malalim na pag-unawa ng mga estudyante sa kanilang sarili at sa lipunang kanilang ginagalawan. Para sa mga nasa larangan ng Komunikasyong Pangkaunlaran, hindi sapat ang paglinang ng mga teknikal na kasanayan sa pagsusulat, pananaliksik, o produksyon ng midya. Mahalaga ring maunawaan ang sining, kultura, kasaysayan, at iba pang karanasang humuhubog sa mga pamayanang ating pinaglilingkuran. Sa pamamagitan ng mga kursong nasa humanidades at sining, mas napapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral na makinig, makiisa, at makipag-ugnayan sa mamamayan nang may lalim at malasakit.
Hindi sapat ang pagpapaliban ng implementasyon hanggang 2028. Hanggaโt nananatili ang mga polisiyang sumasakal sa tunay na edukasyon at nagpapatahimik sa kritikal na kamalayan ng kabataan, mananatili ang ating paglaban.
๐๐ฎ๐๐ฎ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น, ๐ด๐๐ฟ๐ผ, ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ, ๐๐๐๐ช๐ก๐ฉ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐๐: ๐ถ๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ถ๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฎ'๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐๐๐ผ๐ป ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น.
Tutulan ang reframed GE curriculum! Ipaglaban ang karapatan sa makabuluhan at mapagpalayang pagkatuto! Labanan ang komersyalisado at kolonyal na uri ng edukasyon! Ubos-lakas na isulong ang pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon!
Malinaw na wala tayong aasahan sa isang estadong pilit na pinupudpod ang ating malayang kamalayan! Kung kaya't lumubog sa masang estudyante, at hubugin ang lakas ng kabataan upang magsilbi sa sambayanan!
Edukasyon, Karapatan ng Mamamayan! Iskolar ng Bayan, tuloy-tuloy ang laban!