UP Sandiwa Samahang Bulakenyo

UP Sandiwa Samahang Bulakenyo

Share

Established in 1994, UPSSB is a duly recognized Varsitarian Organization for Bulakenyos at UPLB.

12/06/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐’!

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.

Sa araw na ito noong 1898, ipinroklama ni General Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite at iniladlad ang watawat ng Pilipinas na kilala natin ngayon. Bagaman matapos nito ay nasakop pa rin tayo ng mga Amerikano, hindi natin maipagkakaila ang tapang na inilahad ng ating mga bayani para labanan at wakasan ang mahigit tatlong daang taong pananakop ng Espanya.

Hindi lang ito pag-alala sa deklarasyon ni Aguinaldo. Ito ay pagpupugay sa ating mga ninunong nagsakripisyo at lumaban sa mapang-aping sistema. Sila ang dahilan kung bakit pinamumunuan natin ang ating sariling bansa at hindi tayo diktado ng dayuhan. Dahil ang Pilipino lamang ang nakaaalam ng mga danas at pangangailangan ng kapwa niya Pilipino.

Ngunit hindi pa tapos ang laban. Sa panahon natin ngayon, kapwa Pilipino pa natin ang gumagawa ng problema at nagpapairal ng korapsyon sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan sa politika at pera ng taumbayan para sa sariling interes.

Nakalaya man tayo sa dayuhan, nararapat pa ring tandaan natin ang aral na iniwan sa atin ng ating mga bayani: na ang tapang at paglaban lamang ang tanging paraan para ang katiwalian ay mawakasan.


07/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Œ๐ข๐œ๐ก! ๐Ÿ–ผ๏ธ

Ang UPSSB ay buong pusong bumabati sa iyo ng isang maligayang kaarawan! Kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong espesyal na araw. Nawaโ€™y patuloy kang magtagumpay sa lahat ng iyong mga adhikain sa buhay. Tulad ng isang obra maestra, nawaโ€™y magsilbing mga kulay ang bawat karanasan at tagumpay na iyong makakamit sa isang makabuluhan at kahanga-hangang paglalakbay.
Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at naniniwala saโ€™yo. Mula sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Mich!

Isang munting mensahe mula sa iyong Ninong:

HAPPY BIRTHDAYYYY, NAK !! ๐Ÿฅณ๐Ÿซถ๐Ÿป

i admire how despite everything that is happening, you still choose to continue fighting and radiate kindness to the people around u :>> please know that u deserve every nice thing the universe has to offer.

enjoy ur day, nak!! goodluck so much sa mga side quests and ganaps mooo!! ๐Ÿ˜

โ€” ๐—ฉ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ


17/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐ƒ๐š๐ฏ๐ž! ๐Ÿฆ‹

Ang UPSSB ay buong pusong bumabati sa isa sa mga maaasahang miyembro ng samahan! Kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong espesyal na araw. Sa pagtatapos ng semestreng ito at sa pagbubukas ng panibagong yugto ng iyong buhay, nawaโ€™y magsilbi itong isang banyuhay, na patuloy na yumayakap sa mga bagong oportunidad at sa pagkamit ng mas marami pang tagumpay. Nawaโ€™y magbunga ang lahat ng iyong pagsisikap at magpatuloy kang magtagumpay sa buhay at sa bawat adhikaing iyong tatahakin.

Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at naniniwala saโ€™yo. Mula sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Dave!

Isang munting mensahe mula sa iyong Ninang:

Happy Birthday to my one and only nanak! ๐ŸŒป

I hope you take some time today to just unplug, relax, and celebrate your day.

May this year bring you less stress, more adventures, and all the happiness you deserve.

Nandito lang lagi si ninang!! Enjoy your special day to the fullestโ€”youโ€™ve earned it! Cheers! ๐Ÿฅ‚

โ€” ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ฒ


13/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐‰๐ž๐ฌ๐ฌ! ๐Ÿฆ‹

Ang UPSSB ay buong pusong bumabati sa iyo ng isang maligayang kaarawan! Sa panahong ikaw ay dumating sa organisasyon ay patuloy mong pinakita ang sipag at dedikasyong hinahangaan ng marami sa samahan. Nawaโ€™y maging mabunga ang lahat ng iyong pagsisikap at matagpuan mo ang tagumpay sa bawat adhikaing iyong tinatahak. Tulad ng isang banyuhay, nawaโ€™y magsilbing panibagong simula ang taong ito para sa iyo.

Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at naniniwala saโ€™yo. Mula sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Jess!

Isang mensahe mula sa iyong Ninang:

Hi Nakshh, Happy Happy Birthday!

I hope na you are genuinely happy ngayon sa birthday mo (kahit madami kang exam) together with the people who cherish you and matters to you.

Really grateful na sa 19 years ng buhay mo ay hinubog ka nito para maging sino ka ngayon, someone brave but also kind and etc ๐Ÿ˜‚. I hope na you are proud of yourself, not just for excelling in life but also from trying kahit na mag fail ka pa. You were the best of yourself these 20 years! More to come HAHAHAHA.

And soaper gets na nakaka pressure ang acads and everything, but if you ever need a breather kahit nature trip pa yan at umakyat ng bundok, o di kaya ay kumain sa labas, o kahit ano pa yan, always know na you can hit me up anytime. Dito lang ako sa tabi silently and genuinely supporting you sa mga desisyon mo sa acads at sa buhay.

Cheers to 20 years of your life naksh!

โ€” Your Ninang


10/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐‹๐ข๐š๐ง! ๐Ÿฆ‹

Ang UPSSB ay buong pusong bumabati sa isa sa mga masipag at dedikadong miyembro ng samahan! Kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong espesyal na araw. Tunay na kahanga-hanga ang iyong sipag at tiyaga at nawaโ€™y patuloy ka pang magtagumpay sa lahat ng iyong mga adhikain. Sa pagsisimula mo ng panibagong yugto ng iyong buhay, nawaโ€™y patuloy ka pang lumago at umusbong tungo sa mas makulay na hinaharap.

Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at nagmamahal saโ€™yo. Mula sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Lian!

Isang munting mensahe mula sa iyong Ninong:

To my hardworking and hardworking Sandiwa Bunso,

HAPPY HAPPY BIRTHDAY, NAK LIAN!! ๐Ÿฅณ๐Ÿซถ๐Ÿป despite only having been in the org for less than a year, nakita ko na agad na marami ka nang natutuhan and improvements na nakuha, and i am very proud of u for achieving all of them :))

i know that uโ€™ll be able to do a lot of greaaaattt things pa in the university, and i am excited to support u with all of it hehe. iโ€™m always here for u, nak! kung kailangan mo ng tulong and advice org-wise, econ-related (probsets or course experience!! AHSHHAHAHS), or personal dilemmas, โ€˜wag ka mag-hesitate na mag-chat sa akin. aq bahala sa iyo.

enjoy ur day, nak! sandiwa is lucky to have u! ๐Ÿ˜๐Ÿซถ๐Ÿป

โ€” ๐—ฉ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ


Photos from UP Sandiwa Samahang Bulakenyo's post 04/05/2026

๐˜ผ๐™ก๐™ฅ๐™–๐™จ ๐™จ๐™– ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฉ,
๐™†๐™ž๐™จ๐™ก๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฎ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ;
๐™Ž๐™– ๐™ง๐™ช๐™ง๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ,
๐™‰๐™–๐™ง๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ฅ๐™–๐™–๐™ฅ.

Patuloy na lumilipad sa walang hanggang posibilidadโ€”maligayang paguwi, ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐€๐ฅ๐š๐ฉ๐š๐š๐ฉ! โ˜๏ธ

Ang samahan ay taos-pusong bumabati sa labing-apat na Bulakenyo na, sa kanilang pagdating, ay sumisimbolo ng pag-angat mula sa mga bigat, at pagyakap sa isang espasyong nagbibigay-linaw at ginhawa.

Nawaโ€™y manatili kayong tulad ng mga alapaapโ€”patuloy na umaangat, kahit hindi laging malinaw ang landas, at sabay-sabay na humahakbang tungo sa mga posibilidad na unti-unting nahuhubog.

Sa bawat hakbang na tatahakin ninyo, ang pangarap ay hindi lamang tungkol sa destinasyon, kundi sa mga taong kasama ninyong umaangat. Sa samahang ito, hindi kayo nag-iisa, may mga taong mananatiling kasama at sasabay sa inyo sa bawat hakbang patungo sa inyong mga pangarap.

Tungo sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, mga Alapaap!





โœ๏ธCaption by: Karl Ashton Alberto
๐Ÿ“ธShot by: Justin Kristoffer Joaquin and Karl Ashton Alberto

02/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐•๐ข๐ง๐œ๐ž! ๐ŸŒŸ

Isang maalab na pagbati ng maligayang kaarawan, Vince! Mula sa buong UPSSB, kami ay taus-pusong bumabati at nakikiisa sa iyong espesyal na araw! Nawaโ€™y patuloy kang magtagumpay sa lahat ng iyong mga adhikain, at patuloy na magbunga ang iyong sipag at dedikasyon sa paglilingkod. Nawaโ€™y mas marami ka pang maabot na tagumpay at oportunidad na magbibigay saysay sa iyong mga pagsisikap.

Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at naniniwala sa iyo. Tungo sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Vince!

Narito ang mga mensahe mula sa iyong mga inaanak:

Dearest Ninong Vince,

Happy birthday! Thank you for being that โ€˜ninongโ€™ who reminds us that we always have someone we can run to, whenever things get overwhelming, whether in org work or academics. All of your words, and advice have really helped build my confidence and strength. I hope you know that all your efforts are truly seen and deeply appreciated, and Iโ€™m really grateful to have you as my ninong.

I know things have been busy on your end lately, so I genuinely hope you get the well-deserved rest you need. Wishing you more wins ahead, โ€˜nong. And just like how you are always there for us, please know that we are here for you as well, rooting for you, always.

โ€” Wrapped in good luck dust, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฎ๐—ป

Grabe, ang dami mong side quests at chika sa life na parang hindi nauubusan ng ganap, pero hanga kami kung paano mo pa rin napaprioritize ang mga tao sa paligid mo. Isa ka talaga sa pinaka-caring na ninong. Yung tipong hindi papayag na hindi makabonding ang mga inaanak kahit at least once every sem, kahit gaano pa ka-busy ang lahat. Super appreciated โ€˜yun ninong!

Praying for you as you finish your thesisโ€”konting push na lang, andito na! God bless you sa path na tatahakin mo after graduation. Excited kami sa kung ano pang mararating mo.

Enjoy your day, Nong. You deserve it! ๐ŸŽ‰
โ€” ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ต

Happy birthday ninong vince! Thank you sa guidance and support mo. Andito lang kami lagi for you. Goodluck sa thesis defense mo. From your favorite nanak emeeee.

โ€” ๐—๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป


01/05/2026

๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐˜ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐Ž๐๐† ๐’๐€๐Œ๐๐€๐˜๐€๐๐€๐! โœŠ๐ŸŒพ

Ngayong Mayo Uno, muling nagtitipon ang mga tinig ng uring anakpawis upang ipaalaala sa lahat na ang kasaysayan ng araw na ito ay hindi isinulat sa papel, kundi isinulat sa dugo, pawis, at buhay ng milyun-milyong manggagawang hindi nagpatinag sa harap ng kapangyarihang matagal nang nag-aangkin ng bunga ng kanilang pagsisikap. Ang Mayo Uno ay patotoo ng isang pakikibakang hindi pa tapos, isang sigaw na tumatanggi pang malamon ng katahimikan.

Ang kontraktwalisasyon ay nagpapatuloy. Ang sahod ay nananatiling pabaya sa totoong halaga ng pamumuhay. Ang mga unyon ay minamanmanan ng mga kapangyarihang natatakot sa lakas ng organisadong manggagawa. Ang bawat patakaran na nagpoprotekta sa kapital kaysa sa manggagawa ay nagpapalalim ng sugat ng isang sambayanang matagal nang nagtitiis. Hindi ito mga abstraktong bilang sa pahayagan. Ito ang pang-araw-araw na katotohanan ng bawat pamilyang nagtatanong kung saan manggagaling ang susunod na kain.

Sa gitna ng lahat ng ito, may mga pumipiling lumapit sa katotohanang ito nang buong katawan at kaluluwa. May mga iskolar at mananaliksik na pumupunta sa mga bukid at liblib na komunidad, inilalapat ang kanilang kaalaman sa tunay na danas ng mga magsasaka at manggagawa, hindi bilang mga tagamasid lamang, kundi bilang mga kasama sa paghahanap ng katarungan. Isa sa mga nagpatunay ng ganitong paglilingkod si Alyssa Alano, isang batang iskolar na pinili ang landas ng tunay na serbisyong bayan sa halip na ang kaginhawaan ng distansya. Ngunit ang mapagmahal na paglilingkod na ito ay hindi inalis sa kanya ang bigat ng pagiging nasa gilid ng mga itinuturing na banta ng mga may kapangyarihan. Sa isang lipunang madalas na kinatatakutan ang mga lumalapit sa mahihirap, ang pagpili niyang tumayo sa tabi ng mamamayan ay binigyan ng kulay na kailanmaโ€™y hindi nararapat. Gayon pa man, ang kanyang kwento ay hindi isa sa pagkatalo kundi isa sa tapang, isang patunay na ang pagmamahal sa bayan ay hindi mapapalabo ng anumang pag-uusig o maling paglalarawan. Siya ay isa sa marami, at ang bawat isa sa kanila ay nagpapaalala sa atin na ang paglilingkod sa bayan ay may presyo, ngunit hindi ito dahilan upang tumigil kundi dahilan upang magpatuloy.

Bilang mga iskolar ng bayan, ang araw na ito ay matinding paalala na ang kaalaman ay may katumbas na responsibilidad. Ang pagiging mulat ay walang saysay kung ito ay nananatiling nakakulong sa ating mga sarili. Ang tunay na edukasyon ay nabubuhay sa pagkilala sa katotohanang panlipunan at sa aktibong pagtugon dito, sa loob man o labas ng campus, sa komportableng silid man o sa gitna ng pakikibaka ng mga sektor na matagal nang pinapalibutan ng kawalan. Ang pribilehiyo ng pag-aaral ay hindi pamana na iingatan kundi pananagutang ibabalik sa bayang pinagkakautangan natin nito.

Ngayong Mayo Uno, ipinapaabot ng UP Sandiwa, Samahang Bulakenyo ang buong pusong pagpupugay sa bawat manggagawa, magsasaka, at mamamayang patuloy na lumalaban. Sa mga nagtatrabaho sa bukid, sa pabrika, sa kalye, at sa bawat sulok ng lipunang hindi inaabot ng mga nakaupo sa kapangyarihan. Sa mga naglilingkod sa komunidad nang walang katiyakan para sa kanilang kinabukasan. Sa mga nagtitiis ngunit hindi sumusuko sa pananalig na ang tunay na pagbabago ay hindi lamang pangarap, kundi isang bagay na maaaring makamit ng isang sambayanang nagkakaisa at hindi tumitigil.

Ang laban na ito ay matagal na at malayo pa ang tatakbuhin; ngunit bawat boses na sumasali, bawat kamay na nakataas, at bawat pusong pumipili ng katotohanan at katarungan ay nagpapalakas sa kilusang hindi mapipigilan ng anumang anyo ng panunupil. Ang Mayo Uno ay hindi lamang isang araw ng alaala. Ito ay isang araw ng pangako, na ang bawat henerasyong dumating pagkatapos ay magdadala ng laban nang mas malakas at mas malinaw kaysa dati.

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!
๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐›๐š๐ง! โœŠ





โœ๏ธUlat ni: Joshua Arfer Monilla
๐Ÿ–ผ๏ธPublikasyon ni: Karl Ashton Alberto

15/04/2026

๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก!

Kinokondena ng UP Sandiwa Samahang Bulakenyo ang isinagawang demolisyon sa Purok 6B, Brgy. Bambang, Los Baรฑos, Laguna.

Kahapon, Abril 14, 2026, ay may nagsimulang gibain ang mga kabahayan ng mga lokal na mamamayan sa Purok 6B para sa gagawing housing site sa pangunguna ng Bambang Land Corporation na naiproklama ni Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Pebrero 17, 2004 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 550.

Sa kabila ng patuloy na kilos protesta ng mamamayan ng Purok 6B hinggil sa pagpapatigil ng demolisyong ito ay agaran pa rin nilang itinuloy ang pagsasagawa ng demolisyon sa mga kabahayan nang walang maayos na talakayan sa mamamayan. Bukod dito, naniniwala ang mga lokal na hindi naging makatarungan ang naging proseso patungkol sa usapin ng kanilang kabahayan, lalo na sa mga legal na dokumento na inihain laban sa kanila. Bukod pa sa demolisyon, nagpadala pa ang lokal na gobyerno ng mga pulisya para bumarikada sa mga mamamayang namomrotesta para ipatigil ang demolisyon, at ang tulong lamang na kanilang naibigay ay ang pag-alis ng kanilang mga gamit.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap ang mga lokal na mamamayan sa alkalde ng Los Baรฑos para patuloy na ipanawagan ang pagpapatigil ng demolisyong ito. Ang pinakakamakailang balita patungkol sa kanilang usapin ay na ang pagpipilian lamang nila ay pansamantalang manirahan sa Bambang Elementary School o bigyan sila ng cash assistance.* Iginigiit ng mga mamamayan na hindi ito makatarungan at labag pa nga sa Urban Development and Housing Act of 1992, na malinaw na sinasabing dapat mayroong maayos at konkretong plano sa relokasyon, maagang palugit, at nararapat na konsultasyon sa lokal na mamamayan.

Sa kabila ng kaliwaโ€™t kanang krisis na ikinahaharap ng bansa ay mas itinutuon ng mapang-aping sistema ang pagtanggal ng karapatan ng masang sambayanan. Isa itong patunay na masahol at hindi makatao ang aksyong ito. Kung kayaโ€™t patuloy ang panawagan ng UP Sandiwa Samahang Bulakenyo na itigil ang demolisyon at palayasin ang militar sa kanayunan!




โœ๏ธUlat ni: Neo Vittorio L. Dalacat
๐Ÿ–ผ๏ธPublikasyon nina: Karl Ashton Alberto at Neo Vittorio Dalacat

Sources:
*Mark Joseph Flores Durana; https://www.facebook.com/share/p/1DgyBKizj7/
Mga litrato: Cedrick Espiritu; https://www.facebook.com/share/v/1B9BUqsjuG/?mibextid=adiEgM

10/04/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ž๐จ! โœจ

Para sa kasalukuyang Pinuno ng Lupon sa Edukasyon at Pananaliksik, ang UPSSB ay bumabati sa iyo ng isang maligayang kaarawan! Patuloy mong naipapakita ang sipag at dedikasyon sa paglilingkod sa samahan. Ang iyong pagiging maaasahan at pagiging approachable ay nagbibigay ginhawa at kumpiyansa sa mga taong nasa paligid mo. Nawaโ€™y magpatuloy ang iyong mga tagumpay sa buhay at makamit mo ang lahat ng iyong mga adhikain.

Lagi mong maaasahan ang Sandiwa na sumusuporta at nagmamahal saโ€™yo. Mula sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod, Neo!

Mga munting mensahe mula sa iyong mga inaanak:

Happy birthday nong' I know super busy lately but know that your whole UPSSB fam celebrates your day with utmost admiration and fondness (admiration and fondness?!?!?). You have been a person I look up to as my ninong, siguro one of the things you impart is yung pagiging outspoken mo without fear. I really admire that and I aspire to become more like you. I hope to spend more time with you, goodluck sa acads, manifesting uno liners for you, mabigyan ka sana ng pangkabuhayan showcase and more blessings to come your way. Enjoy your day nong' yipeee!!!

โ€” Lei

Happiest birthday Neo!

I'm so glad that you're my ninong, I am enjoying the company with you so far, very very accommodating kahit tapos na ang process. So blessed dahil sobrang dali mo lang malapitan with some stuffs, and vv responsive!

I wish you a happy birthday, may you get all the dreams you have! I can see that you're a very good man with a kind heart, you deserve all the great things in life!

โ€” Goddess Jana


Want your school to be the top-listed School/college in Los Baรฑos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


University Of The Philippines Los Baรฑos
Los Baรฑos
4031