UP Alliance of Students Unified for Sociology

UP Alliance of Students Unified for Sociology

Share

The UP Alliance of Students Unified for Sociology (UP ASUS) The U.P.

Alliance of Students Unified for Sociology (UP ASUS) - a non-partisan academic-civic student organization - primarily seeks to promote Sociology and its creed to the general public. UP ASUS, as an academic-civic organization, gives equal importance to the academic excellence of each of its members, as well as its recognition towards the social responsibilities - which members, collectively as an organization, hold as practitioners of Sociology within a rapidly changing society.

Photos from UP Alliance of Students Unified for Sociology's post 15/06/2026

In the relentless pursuit of knowledge, the UP ASUS undoubtedly defeated every hurdles and sleepless nights that came our way. Through grit, commitment, perseverance, and excellence, we have proven that hard work truly bears fruit.

๐™๐™‹ ๐˜ผ๐™Ž๐™๐™Ž ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ช๐™™๐™ก๐™ฎ ๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™จ ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜ผ๐™˜๐™–๐™™๐™š๐™ข๐™ž๐™˜ ๐˜ผ๐™˜๐™๐™ž๐™š๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š ๐™Ž๐™š๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™™ ๐™Ž๐™š๐™ข๐™š๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ค๐™› ๐˜ผ๐™” 2025โ€“2026! ๐Ÿ’š๐Ÿค

Today, we celebrate not only your academic success but also the determination and resilience that brought you here. Your achievements inspire the entire organization to continue striving for excellence.

Continue pursuing excellence and reaching greater heights while serving the people. ๐™’๐™š ๐™–๐™ง๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ช๐™™ ๐™ค๐™› ๐™ฎ๐™ค๐™ช! ๐Ÿ™Œ๐Ÿป



12/06/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก

Sa pagtingin sa kasalukuyang reyalidad ng ating bayan, maaari ba nating sabihin na tayo'y tunay na malaya?

Bukod sa mga tanikala ng mga dayuhang mananakop, nagkaroon na rin ng mga bagong anyo ang pang-aapi sa masang Pilipino. Mula sa estruktura ng lipunan hanggang sa mga institusyon na dapat naglilingkod sa ating mga karapatan, bakas ang pagkakagapos ng nakararami at paghahari ng iilan.

Mapanghamon ang katotohanan ng kalayaan, at ang panawagan nito ay isang matapang na pagharap sa kasalukuyan. Mula sa mga taniman at kabundukan hanggang sa mga kalsada ng lungsod, mataas pa rin ang mga harang. Upang makamit ang tunay na kalayaan, kinakailangan nating buong tapang na buwagin ang mga ito.

๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ฌ๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— ๐—”
Hindi natatapos ang kolonyalismo sa paglisan ng mga banyaga, nagpapatuloy ito sa sistemang sumasakal sa mga sektor na siyang buhay ng bansa. Ang ating mga manggagawa ay nananatiling alipin ng sahod na hindi angkop sa halaga ng buhay, at pang-aabuso mula sa malalaking korporasyon. Sa kanayunan, dugoโ€™t buhay ng mga katutubo ang nagiging kapalit ng pagtatanggol sa kanilang lupa laban sa pang-aagaw at militarisasyon. Samantala, sa West Philippine Sea, ang mga mangingisdang Pilipino ay pinagkakaitan ng karapatang pakinabangan ang sariling likas-yaman. Isang malaking insulto ang patuloy na pagyurak ng dayuhang kapangyarihan sa ating soberanya. Paano natin sasabihing malaya ang bayan kung ang mga nagpapakain at bumubuhay rito ang siyang pinagkakaitan ng karapatan?

๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—”๐— ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก
Ang kawalan ng katarungang pang-ekonomiko ay direktang sumasalamin sa loob ng mga silid-aralan. Ang sankaestudyantehan ay humaharap sa iba't ibang hamon gaya ng nagtataasang matrikula, matinding kakulangan sa pasilidad, at isang sistemang neoliberal na nagdidisenyo sa kanila upang maging lakas-paggawa lamang para sa ibang bansa. Tila nawala ang laya sa paghubog ng kritikal na pag-iisip at pagmamahal sa sariling bayan. Ginawang pribilehiyo ang pagkamit ng karunungan, habang milyun-milyon ang napipilitang huminto sa pag-aaral upang kumayod. Dahil sa mga hamong ito, ang edukasyong mapagpalaya ay naging isa pang pader na nagpapanatili sa marami sa ilalim ng kahirapan.

๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก
Kasabay ng pagkakait sa karapatang matuto ay ang pagkakait sa karapatang maging totoo at magmahal nang malaya. Sa kabila ng mga pagbabago, marami pa ring miyembro ng LGBTQIA+ community ang nabubuhay sa takot at diskriminasyon. Itinakwil sa sariling tahanan, pinagkaitan ng disenteng trabaho, at naging biktima ng mararahas na krimen dahil lamang sa kanilang pagkakakilanlan. Sa gitna ng paniniil, matayog ang pangarap hindi lamang para sa simpleng pagtanggap, kundi para sa kalayaang mamuhay nang buo, magmahal nang walang kondisyon, at makilahok sa lipunan nang may pantay na proteksyon at walang bahid ng kahihiyan.

๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข
Marahil, ang pinakamabigat na tanikala ay ang mismong kamay ng pamahalaan na dapat sana ay nagtatanggol sa mamamayang Pilipino. Mula sa nakaw na yaman at Martial Law sa ilalim ni Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Bongbong Marcos, nananatili ang pasakit na korapsyon. Ang tunggalian sa kapangyarihan ay lalo pang nabunyag sa kontrobersyal na confidential funds ni Sara Duterte, habang ang kanyang amang si Rodrigo Duterte ay nag-iwan ng madugong war on drugs na kumitil sa mahigit 20,000 Pilipino, isang pasismong patuloy na ipinagtatanggol ni Bato dela Rosa sa Senado.

โ€‹Idagdag pa ang mga manipulasyon at pagiging ganid sa kapangyarihan ni Alan Peter Cayetano, at ang pananatili sa pwesto ng mga may bahid ng korapsyon tulad ni Jinggoy Estrada, na siyang mga patunay na ang gobyerno ay ginagawang kasangkapan para sa kapritso ng iilan. Mula sa pinakamababang yunit ng barangay hanggang sa pinakamataas na luklukan, ang abuso sa kapangyarihan ay patuloy na tumatapak sa ating mga demokratikong karapatan.

Bagamat nakasulat na sa kalendaryo ang araw ng ating kasarinlan, ang kalayaan ay hindi natatapos sa pagmamarka ng isang petsa sa kasaysayan dahil ito ay isang nagpapatuloy at buhay na pakikipaglaban.

Hanggaโ€™t may manggagawang ninanakawan ng dangal sa barya-baryang sahod, hanggaโ€™t may katutubong pinapalayas sa kanilang lupang ninuno, at hangga't may mga Pilipinong pinatatahimik ng pasismo at diskriminasyon, walang dahilan upang hindi mag-alab ang mga lansangan. Tuloy ay panawagan na singilin ang mga naghaharing-uri, at lansagin ang mga pader na nagkukulong sa masa.

๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก!
๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข!




11/06/2026

๐—•๐—”๐—ฅ๐—ข๐—š, ๐—š๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก!

Standing Together to Help General Santos City Recover.

The UP Mindanawans is calling for your support for the victims of the magnitude 7.8 earthquake that struck Mindanao on June 8, 2026. Every peso counts and will go a long way in helping affected individuals and families in General Santos City. ๐—”๐—น๐—น ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐˜€ (๐—š๐—ฆ๐—–๐—๐—ข) ๐˜๐—ผ ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€.

For monetary donations, you may scan the QR code provided.

For inquiries and coordination, you may contact our resident member, Zyan Bisnar, through Messenger at Zyan Lisbo Bisnar.

Together, let us extend our support and solidarity to our fellow Mindanawans in this time of need๐Ÿ’™.

๐˜š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ-๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐Ÿค!

You may access the tracking of donations through this link:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/1T8oPBO6r6APZgyWAGo6I1p3D2HWA381JKtMG8rx_GrQ/edit?usp=sharing

10/06/2026

๐—ž๐—จ๐—ฆ๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—›๐—”๐—ก: ๐—ง๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข-๐——๐—”๐——

The recent earthquake caused widespread devastation, deeply affecting the lives of students, families, and communities beyond the physical damage it left behind.

In partnership with other organizations and drives, the Sociology Students' Society extends its help through this fund-raising initiative to garner donations and support for those affected during these troubling times.

You may donate thru:
โ€ข GCash: 09166297803
โ€ข Paymaya: 09261713050
โ€ข Maribank: 16969002597
โ€ข In-kind Donations: Alyssa Glyn Gea Antenor
โ€ข Contact Person: Alyssa Glyn Gea Antenor

With every penny spent and every relief good delivered, rest assured that these efforts are meant to reach the people and communities who desperately need help right now.

During times like these, we stand for each other โ€” reaching our hands through any means possible to those who need to be seen, heard, and supported.

Sabay-sabay tayong magsumikap upang makaahon sa mga pagsubok na ating hinaharap. Nawaโ€™y magpatuloy tayong magbigay liwanag sa ating kapwa na may bukas na isip at puso.

As always, stay safe! ๐Ÿ’›๐Ÿ™

08/05/2026

๐˜ผ๐™ฉ ๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™ก๐™ช๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™  โ›”

Bago tuluyang magsara ang kabanata ng TAHAK 2026, nais ng UP Alliance of Students Unified for Sociology โ˜˜ na ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sponsors at organisasyong naging katuwang at bahagi ng gawaing ito.

Labis ang pasasalamat sa ๐™๐™‹ ๐™‹๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ฅ๐™๐™š๐™ง๐™จโ€™ ๐™Ž๐™ค๐™˜๐™ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ, ๐™๐™‹๐™‡๐˜ฝ ๐˜ฟ๐™š๐™ฅ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™Ž๐™˜๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š๐™จ, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™ฌ๐™š๐™š๐™ฉ ๐™†๐™š๐™ž๐™จ๐™ ๐˜พ๐™–๐™›๐™š. Salamat sa inyong pakikiisa at pagtitiwala na naging daan upang maisakatuparan at mairaos ang isang matagumpay na UPLB Sociology Week.

Maaaring nagwakas na ang pagdiriwang, ngunit ang mga yapak na sama-sama nating iniwan ay habambuhay na mananatili. ๐Ÿ‘ฃ





01/05/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—”๐—ช๐—”!
๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

Ang Mayo Uno ay hindi lamang paggunita sa mga manggagawang nagbibigay-buhay sa malalaking makinarya at matatayog na gusali. Ito ay pagpupugay rin sa bawat pawis na dumidilig sa lansangan. Ang ilan sa mga mukha ng paggawa ay hindi naka-uniporme. Kadalasan, sila ay nakasuot ng kupas na kamiseta, bitbit ang mabibigat na basket, at lakas-loob na hinaharap ang tirik na araw.

Bukod sa mga sasakyan, sila ay nakikipagpatintero rin sa ibaโ€™t ibang hamon ng buhay.

Naroon si Nanay, 55 taong gulang at isang stroke patient. Ang kanyang pagtitinda ay hindi lamang simpleng hanapbuhay kundi isang araw-araw na pakikipag-agawan ng hininga sa karamdaman. Dito, ang bawat piraso ng kakanin ay katumbas ng gamot na nagsisilbing kanyang dugtong-buhay.

Hindi rin matatawaran ang sakripisyo ni Kuya na dalawampung taon nang binabaybay ang Calamba hanggang sa malalayong bayan ng Laguna, bitbit ang mga butil ng mais na pampaaral sa kanyang dalawang anak. Ngunit sa bawat pagtaas ng presyo ng langis, tila lumalayo ang distansya ng kanyang mga pangarap at unti-unting lumiliit ang kanyang ruta.

Kasabay nila si Tatay, na ang tinitindang melon juice ay timpla ng diskarte at dangal. Subalit sa pagpait ng presyo ng asukal, napipilitan siyang magbawas ng sangkap. Isa itong paalala na ang krisis sa ekonomiya ay hindi lamang numero sa balita kundi isang direktang dagok sa sikmura ng mga manggagawang pilit na bumabangon sa araw-araw.

Ang kanilang mga kuwento ay sumasalamin sa ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ sa Pilipinas. Madaling maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng bilihin, walang kasiguraduhan sa kita, at umaasa sa araw-araw na benta para magkalaman ang sikmura. Buhay na buhay ang ating mga lansangan dahil sa kanilang pagsusumikap habang sila mismo ay nananatiling nasa laylayan at pinagkakaitan ng mga batas na dapat ay nagsisilbi nilang proteksyon. Dulot ito ng sistematikong pagkalimot ng estado na bigyang-halaga ang impormal na sektor.

Kayaโ€™t ngayong Mayo Uno, ang hamon sa atin ay hindi lamang ang lumingon kundi ang kumilos. Kilalanin natin ang mga tinig na matagal nang nalulunod sa ingay ng lipunan. Ipaglaban ang kanilang karapatan at itaguyod ang mga patakarang tunay na tutugon sa kanilang pangangailangan.

๐—š๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ. Sapagkat ang tunay na lakas ng bayan ay hindi nagmumula sa kaitaasan ng mga gusali. Ito ay nagmumula sa mismong pawis at pag-asang iniaalay ng mga taong bumubuhay sa ating lipunan.






Photos from UP Alliance of Students Unified for Sociology's post 01/05/2026

๐‘ต๐’‚๐’Š๐’”๐’–๐’๐’‚๐’• ๐’๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’“๐’‚๐’!โœ๐Ÿป

Ipinagmamalaki ng UP Alliance of Students Unified for Sociology ang mga natatanging manunula at manunulat ng kasalukuyan para sa PAGITAN: The Sociological Imagination Through Poetry. ๐Ÿ“

Nasasalamin sa mga tulang ito ang patuloy na umiiral na krisis at ang mga epekto nito hindi lamang sa iilan, kundi sa nakararami.

Ating bigyang-pagkilala ang mga nagwagi sa pagsulat ng tula:
๐Ÿฅ‡1st Place - Devoted Wheels ni James Paul Aquino
๐Ÿฅˆ2nd Place - Masusunog ang Habi ni John Kerbee de Leon
๐Ÿฅ‰3rd Place - Init ng Kasalukuyang Panahon ni Zimea Azores

Pagbati mula sa UP ASUS!โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Endorsed by:
UPLB Department of Social Sciences

Co-presented by:
Sweet Keish

In cooperation with:
UP Photographers' Society





Photos from UP Alliance of Students Unified for Sociology's post 01/05/2026

๐—ฌ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ž ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—”๐—Ÿ?!๐Ÿ‘€๐Ÿคณ๐Ÿป

Ang UP Alliance of Students Unified for Sociology ay malugod na ibinabahagi ang mga nagtagumpay sa pagyapak at pagpitik ng mga kasalukuyang danas para sa YAPAK: Capturing Marginalized Filipino Narratives in Crisis.๐Ÿ‘ฃ๐Ÿ“ฑ

Ang mga larawan at istorya na ito ay hindi basta-basta lamang, ito ay tunay na nararanasan ng bawat mamamayang Pilipino. Ang mga ganitong klaseng naratibo ay mahalaga upang mas maging mulat tayo sa mga katotohanan sa ating lipunan. At isa itong paalala na ang krisis ngayon ay malaking isyu para sa sangkatauhan, ano man ang iyong katayuan sa buhay.

Kaya't ating kilalanin ang mga nasa likod ng mga nagtagumpay na larawan...๐Ÿฅ๐Ÿฅ๐Ÿฅ
๐Ÿฅ‡1st Place - Nasa Hukay na ang Buhay ni Maverick Guerrero
๐Ÿฅˆ2nd Place - Padyak ni Lance Lanceras
๐Ÿฅ‰3rd Place - Inda ng Huling Piyesa ni Donald Corona

Isang mainit na pagbati mula sa UP ASUS.๐Ÿซก๐ŸŽŠ

Endorsed by:
UPLB Department of Social Sciences

Co-presented by:
Sweet Keish

In cooperation with:
UP Photographers' Society





Photos from UP Alliance of Students Unified for Sociology's post 01/05/2026

๐Ÿšฆ๐™๐™š๐™™ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ! ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—• 2026

Matapos ang dikdikan ng mga kaalaman, ang UP ASUS ay nagagalak na ipakilala ang mga nagwagi sa SIRIB: The Battle of Soksay Wits 2026.๐Ÿง ๐Ÿช„

Ating kilalanin ang mga nagwagi:
๐Ÿฅ‡1st Place - Pangatlong Gulong
๐Ÿฅˆ2nd Place - Weltanschauung
๐Ÿฅ‰3rd Place - Raymundo Holdapers Club

Sa dulo ng pautakan na ito, ipinakita ng mga magagaling na Iskolar ng Bayan ang kanilang angking galing, at talas sa mga katanungang akademiko at kaganapang panlipunan.๐Ÿซก

Pagbati mula sa UP ASUS!๐ŸŽ–๏ธ๐Ÿ™Œ๐Ÿป

Endorsed by:
UPLB Department of Social Sciences

Co-presented by:
Sweet Keish

In cooperation with:
UP Photographers' Society





28/04/2026

๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ? ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป? ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป?

Sa Pilipinas, matagal nang pilit na binabawian ng esensya ang agham panlipunan. Sa ilalim ng mapanlinlang na dikta ng pagiging praktikal, madalas itong itinuturing na pasanin o kursong walang patutunguhan. Sa tuwing may estudyanteng nais mag-aral ng social sciences, palaging ang tanong tungkol sa seguridad sa trabaho at kita ang isinasampal sa kanilang mukha. ๐™‰๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ก๐™ช๐™ ๐™ช๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™–๐™™๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™– ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ช๐™œ๐™ข๐™ค๐™  ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ-๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ข๐™–, ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™ž๐™จ๐™ข๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฅ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฅ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™–. Hindi natin masisisi ang kabataan โ€” ang mga iskolar ng bayan โ€” kung bakit pinipili nilang tahakin ang landas na ito; hindi sapat ang intindihin lamang ang lipunan, kailangan itong baguhin.

Sa kabilang banda, ang maging Iskolar ng Bayan ay isa sa pinakamabigat na karangalang bitbit ng isang mag-aaral. Taon-taon, libo-libong mag-aaral ang dumadaan sa UPCAT upang kumapit sa katiting na pag-asang makatawid sa pintuan ng pamantasan, ngunit iilan lang ang pinapalad. Dahil dito, madalas na ikinukulong ang pagiging Iskolar ng Bayan sa sukat ng akademiko at indibidwal na katalinuhan. Ngunit โ€˜di dapat dito nagtatapos ang galing ng isang iskolar, sapagkat sa likod ng katalinuhan, may malalim na tungkulin. ๐™„๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™จ๐™ช๐™ข๐™ž๐™ ๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ๐™–, ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™ช๐™ก๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ž๐™ก๐™ž๐™™-๐™–๐™ง๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ.

Ngunit paano nga ba lumalabas ang isang iskolar sa silid-aralan? Paano nagkakaroon ng laman ang mga tuyot na konsepto?

Ano ang gagawin ng mga magsasaka sa commodity fetishism ni Karl Marx? Masarap itong basahin โ€” punong-puno ng mapangil na pananaw. Ngunit ito ay pasibong pagtahak sa kasalukuyan. Dinig lamang ang alingawngaw ng teorya sa mga lecture hall. Danas ang praktika ng masang anakpawis. Habang nagluluksa sa gilid ang teorya, tumitindig sa lansangan ang praktika.

Sa kanilang maikling engkwentro sa Jena, nasilayan ni Hegel ang weltgeist, ang diwa ng mundo, kay Napoleon โ€” napagtanto ng isa sa mga mukha ng ideyalismo na ang gawa ng tao ang nagpapaandar ng kasaysayan, na hindi lamang ang mga ideya ang tunay na ugat ng pagbabago sa lipunan. Kung si Napoleon ang diwa ng mundo para kay Hegel, sina Alyssa at ang 18 pang nasawi sa Toboso ang diwa ng agham panlipunan โ€” ang nagpapagalaw at nagbibigay balat sa kalansay ng teorya. Pinapatibok nila ang puso ng sosyolohiya.

Marahil binigyang buhay rin ni Alyssa sa dulo ang anatomiya ng isang iskolar ng bayan: ๐™ช๐™ฉ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐™–๐™ก, ๐™—๐™–๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™ž๐™ง๐™ž๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™—๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™—๐™ค๐™  ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ๐™–.

Kaya naman, hindi tayo mananahimik.

Ang panawagan ng UP Alliance of Students Unified for Sociology ay hustisya para kay Alyssa at sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan na pinatahimik ng pasistang estado. Hindi kailanman magiging makatarungan ang pagkitil sa buhay ng mga nagnanais lamang ng mas makataong lipunan.

Ang mga komunidad na pinaglilingkuran ng mga iskolar at aktibista ay hindi lona ng digmaan kundi tahanan ng masang nagugutom at mga maralitang ninakawan ng karapatan. Kung karapatan ang kalayaang mag-aral at tuklasin ang mga teorya, bakit kamatayan ang nagiging kabayaran sa pagsasabuhay nito?

Nagkakamali ang estado kung akala nilaโ€™y matitiris nila ang ating diwa sa pagitan ng kanilang mga daliri. Maaaring mapatigil ng dahas ang tibok ng isang puso, subalit walang anumang porma ng panunupil ang makapaghihiwalay sa mga iskolar sa kanilang tunay na anatomiya. ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™–๐™ก๐™– ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™™๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™ช๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ, ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™™๐™ช๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ช๐™ฌ๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™™๐™ช๐™™๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™–๐™จ ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™—๐™–๐™ ๐™–. Ang realidad ng gutom, ng pang-aapi, at ng pagsasamantala ay hindi nalilibing kasabay ng isang bangkay; ito ay lalong nabubuhay sa bawat iskolar ng bayan na inaalay ang kanilang sarili para sa tunay na kalayaan.




Want your school to be the top-listed School/college in Los Baรฑos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


College, Laguna
Los Baรฑos
4030