🎓 MAY PAG-ASA SA ALS!
📚 Narito na ang Inyong Class Schedule sa ALS Los Baños!
Inaanyayahan ang lahat ng out-of-school youth at adult learners na aktibo o nais magsimula ng panibagong paglalakbay sa edukasyon sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS). Huwag nang magpatumpik-tumpik pa—dumalo na sa inyong klase ayon sa nakatakdang iskedyul ng inyong Community Learning Center:
📍 Brgy. Bayog CLC
🕘 Tuwing Martes at Huwebes, 8:30 - 11:00 AM
📍 Brgy. San Antonio CLC
🕐 Tuwing Martes at Huwebes, 1:00 - 3:30 PM
📍 Brgy. Lalakay CLC
🕣 Tuwing Miyerkules at Biyernes, 8:30 - 11:00 AM
📍 Tuntungin-Putho CLC
🕘 Tuwing Martes at Huwebes, 9:00 - 11:00 AM
📍 Mayondon CLC
🕐 Tuwing Martes at Huwebes, 1:00 - 3:00 PM
📍 Tadlac CLC
🕘 Tuwing Miyerkules at Biyernes, 9:00 - 11:00 AM
📍 Maahas CLC
🕗 Tuwing Huwebes at Biyernes, 8:00 - 11:00 AM
📢 Bakit mahalagang pumasok sa klase?
✔️ Libre at dekalidad na edukasyon – walang bayad, walang problema!
✔️ Flexible ang oras – para sa mga may trabaho, anak, negosyo, o simpleng mahilig matulog nang mahaba.
✔️ May gabay ka mula sa mga dedikado at tunay na mapagmahal na ALS teachers 💖
✔️ Ito ay isang hakbang patungo sa mas maliwanag, mas maasenso, at mas empowered na kinabukasan!
🌟 Walang edad na hadlang sa pangarap!
Kaya't itabi na ang takot, at yakapin ang pag-asa.
Dumalo na sa klase—dahil sa ALS, may lugar ka, may pag-asa ka! 🙌
📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong barangay o sa inyong ALS teachers:
👨🏫 Sir Lauriell Atanacio
Assigned sa mga sumusunod na CLCs:
*Tuntungin-Putho
*Mayondon
*Tadlac
*Maahas
👨🏫 Sir Fildionoe Sierra
Assigned sa mga sumusunod na CLCs:
*Bayog
*San Antonio
*Lalakay
For Barangays Timugan, Baybayin/Malinta, Bambang and Anos kindly ask the teacher-in-charge for their schedule.
ALS Los Baños
Alternative Learning System Los Baños District
08/06/2025
🎓 MAY PAG-ASA SA ALS!
Magpatala na sa ALS Los Baños! 🌟
Inaanyayahan ang lahat ng out-of-school youth at adult learners na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS)! 📚
📌 Narito ang mga iskedyul ng enrollment sa ating mga Community Learning Centers (CLCs):
📍 Tuntungin-Putho CLC
🗓️ Martes, Hunyo 10, 2025
🕘 9:00 AM - 11:00 AM
📍 Mayondon CLC
🗓️ Martes, Hunyo 10, 2025
🕐 1:00 PM - 3:00 PM
📍 Tadlac CLC
🗓️ Miyerkules, Hunyo 11, 2025
🕘 9:00 AM - 11:00 AM
🎒 Mga Kailangang Dalhin:
✅ Xerox copy ng Birth Certificate
📢 Bakit mag-ALS?
✔️ Walang edad na hadlang sa pangarap!
✔️ Flexible ang pag-aaral!
✔️ Hakbang ito patungo sa mas magandang kinabukasan!
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Halina’t magpatala na sa ALS – sa Los Baños, may lugar ka! 🙌
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay o sa ALS teacher na si Sir Lauriell Atanacio, assigned sa Tuntungin-Putho, Mayondon, Tadlac at Maahas Community Learning Center.
PATALASTAS
ALS ENROLLMENT 2025
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong magpatala sa Alternative Learning System (ALS) na gaganapin sa mga sumusunod na petsa:
📅 Enero 25, Pebrero 1, Pebrero 8, at Pebrero 15, 2025
📍 Lugar: Los Baños Central Elementary School
Mga kailangang dalhin:
✅ Birth Certificate
✅ Diploma (kung nakatapos ng elementarya)
Ang ALS ay isang programa ng DepEd na nagbibigay ng oportunidad para sa mga hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon. Huwag nang mag-atubili, magpatala na at simulan ang iyong landas patungo sa mas maliwanag na kinabukasan!
04/06/2024
Taga-Maahas ka ba? Napatigil sa pag-aaral ng JHS o ng Elementarya? 🤔
Nais makapagaral muli? 👨🎓
Sa pamumuno ni Kap Ferdinand Punzalan Vargas kasama ang Sangguniang Barangay ng Maahas...
👍 Pwede na uli mag-enroll sa ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM BRGY MAAHAS COMMUNITY LEARNING CENTER para sa SY 2024-2025 👏👏👏
Kung ikaw ay:
-13years old pataas para sa ELEMENTARY
-16years old pataas para sa JUNIOR HIGH SCHOOL
Magdala lamang ng:
-PSA/NSO Birth certificate
👉 para sa mga JHS: dokumentong patunay na nakapagenroll na sa JHS o nakapagtapos ng Elementary
❗❗❗LIBRE ang pagpasok sa ALS.❗❗❗
Kung nais magpatala o kung may iba pang katanungan, magsadya lang sa Maahas Brgy Hall tuwing Huwebes mula 8-11am upang makausap ang ALS teacher o kaya ay kontakin si Kag. Rommel Miranda Inoceno.
"Ang buhay ay isang paglalakbay. Piliin ang landas na tatahakin patungo sa iyong tagumpay."
On going na muli ang enrollment sa ALS Los Baños.
Para sa mga JHS na magpapatala, mangyaring magpresenta o maghanda ng katunayan na kayo ay nakapagtapos ng elementarya.
Alin man sa mga sumusunod:
> Diploma
> Form 138 / SF10
Kung wala kayo ng mga nauna maaring kumuha ng Certification galing sa huling paaralan na pinasukan.
Google Forms: Sign-in Access Google Forms with a personal Google account or Google Workspace account (for business use).
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Los Baños
4030
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |