17/06/2026
๐ป ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ป๐ฎ๐บ๐ฒ๐น ๐ฃ๐ถ๐ป
Bilang paggunita sa mga taon ng paglilingkod, paninindigan, at pakikibaka para sa kapakanan ng sangkaestudyantehan at sambayanan, inilulunsad ng UPLB College of Human Ecology Student Council ang CHE SC Commemorative Enamel Pin para sa mga naging bahagi ng konseho sa iba't ibang panahon.
Higit pa sa isang memorabilia, isa itong munting paalala ng mga karanasang humubog sa atin bilang mga lider-estudyante.
๐๐๐๐ฆ๐ ๐ ๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ต
โ๐ผ CHE SC Commemorative Enamel Pin โ โฑ160
๐ CHESC Merch Order Form: bit.ly/CHESCMerch
Hanggang ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ lamang ang pre-order period. Matapos magsumite ng order form, makatatanggap ng email ang mga nag-order para sa karagdagang detalye hinggil sa payment process, pick-up date, at pick-up location.
Maraming salamat sa naging ambag ninyo sa kasaysayan ng Konseho ng mga Mag-aaral. Nawa'y magsilbi itong alaala ng ating kolektibong paglilingkod at patuloy na paninindigan para sa mga estudyante at sa malawak na hanay ng mamamayan.
Paglingkuran ang sambayanan! โ๐ผ๐ป
17/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Nakikiisa ang UPLB College of Human Ecology Student Council sa laban ng mga manggagawa ng EMI-Yazaki para sa muling pagkilala at pagbabalik ng Samahang Manggagawa sa EMI-Yazaki Independent bilang kanilang tunay na kinatawan sa pagtataguyod ng kanilang mga karapatan at kapakanan.
Sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawa, napatunayan nang walang makakamit na makabuluhang pag-unlad kung walang pagkakaisa at organisadong pagkilos. Ang mga tagumpay sa sahod, benepisyo, at karapatan sa paggawa ay hindi kusang ipinagkakaloob ng mga kapitalista at ng estadoโito ay bunga ng matagal at matatag na pakikibaka ng mga manggagawang sama-samang lumalaban para sa kanilang interes.
Sa kabila ng panunupil, panggigipit, at iba't ibang tangkang patahimikin ang kanilang hanay, nananatiling matatag ang diwa ng paglaban ng mga manggagawa ng EMI-Yazaki. Ang muling pagbabalik ng SM EMI-Yazaki Independent ay hindi lamang usapin ng representasyon sa lugar-paggawa; ito rin ay usapin ng pagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa, makipagnegosasyon, at sama-samang igiit ang kanilang panawagan para sa nakabubuhay na sahod, makataong kondisyon sa paggawa, at ganap na paggalang sa kanilang mga demokratikong karapatan.
Kinikilala natin na ang pakikibaka ng uring manggagawa ay hindi hiwalay sa laban ng mga estudyante at ng buong sambayanan. Habang patuloy na lumalala ang krisis pang-ekonomiya, tumataas ang presyo ng mga bilihin, at nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa, lalong nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng isang tunay, palaban, at makabayang unyon na magsisilbi sa interes ng nakararami at hindi ng iilang naghaharing-uri.
Kaya't nananawagan tayo sa lahat ng manggagawa ng EMI-Yazaki na patuloy na magkaisa at ipaglaban ang kanilang demokratikong karapatan sa isang unyong tunay na naglilingkod sa kanilang hanay. Suportahan ang pagbabalik ng SM EMI-Yazaki Independent at higit pang patatagin ang sama-samang pagkilos para sa makatarungang sahod, makataong paggawa, at isang lipunang may dignidad para sa lahat ng manggagawa.
Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!
๐ฌ๐๐ฆ ๐ง๐ข ๐ฆ๐ -๐๐ ๐ ๐ฌ๐๐ญ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐ง!
16/06/2026
๐๐ ๐ ๐ก๐ฎ๐ฆ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐จ ๐ข๐ง-๐๐๐จ๐ฉ๐ญ:
โจ"๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐๐จ๐๐๐ค๐ฉ ๐จ๐ ๐พ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฎ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐-๐๐ง๐๐๐ง ๐๐ค๐ง๐ข๐จ."โจ
Anyway, sablay season na naman! ๐ป๐
Bilang pag-alala at paggunita sa mga taon ng pag-aaral, pakikibaka, at paglilingkod sa loob at labas ng unibersidad, maaari nang mag-pre-order ng ating Sablay Merch!
Bukas ang pre-order forms para sa lahat! Mapa-graduating man o hindi, maaari mong iuwi ang mga merch na ito bilang pagdiriwang ng iyong paglalakbay sa CHE o bilang munting pagma-manifest ng sarili mong pagsasablay sa mga susunod na taon.
๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฎ๐ ๐ ๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ต
๐ป Sunflower Enamel Pin โ โฑ110
๐ฑ CHE Logo Enamel Pin โ โฑ160
๐ Postcards โ โฑ50 each
๐ [Bundle] CHE Logo Enamel Pin + Sunflower Enamel Pin - โฑ250
๐ [Bundle of 3] Postcards - โฑ125
๐ Sablay Merch Order Form: bit.ly/CHESablay2026Merch
Hanggang ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ lamang ang pre-order period. Matapos magsumite ng order form, makatatanggap ng email ang mga nag-order para sa karagdagang detalye hinggil sa payment process, pick-up date, at pick-up location.
Padayon, mga Iskolar ng Bayan! Huwag kalimutang paglingkuran ang sambayanan! โ๐ผ๐ป
15/06/2026
๐๐๐๐๐๐ | Kasalukuyang nagaganap ang isang educational forum na pinamagatang Ang Lawa ay Buhay, upang patampukin ang pakikibaka ng mamamayang Lagunense kontra sa mga mapaminsalang proyekto sa Laguna Lake.
Nakikibahagi sa nasabing talakayan ang CHE Student Council kasama ang All-Student Council Assembly UPLB bilang pakikiisa sa malawak na hanay ng sambayanang Lagunense.
Sa lalong lumalalang kondisyon ng lawa ng Laguna, patuloy pa rin ang panawagan ng mga tanggol-kalikasan na makiisa sa pagtatanggol at pangangalaga ng lawa.
Dahil ang lawa ay buhay, ang sigaw ng taumbayan: ๐ฆ๐๐ฉ๐ ๐๐๐๐จ๐ก๐ ๐๐๐๐!
12/06/2026
๐ฏ๐ผ๐ต๐๐ถ ๐จ ๐ซ๐ถ๐บ๐ฌ, ๐ฏ๐ผ๐พ๐จ๐ซ ๐ต๐จ ๐ฒ๐จ๐ณ๐จ๐๐จ๐จ๐ต! โ๐ผ๐ต๐ญ
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, muling ipinapagunita sa atin ng kasalukuyang kalagayan ng bansa na ang kalayaan ay nananatiling hungkag para sa nakararaming Pilipino. Habang ipinagdiriwang ng estado ang kalayaan ng bayan, patuloy namang dinaranas ng mamamayan ang kahirapan, kawalan ng akses sa batayang serbisyo, at lumalalang paglabag sa kanilang mga karapatan.
Sa sektor ng edukasyon, malinaw na nakikita ang huwad na kalayaang ito. Marami pa ring kabataan ang nahaharap sa kakulangan ng suporta, limitadong akses sa de-kalidad na edukasyon, at mga patakarang lalong nagpapahirap sa kanilang pag-aaral. Habang itinuturing na karapatan ang edukasyon, nananatili itong hindi ganap na naaabot ng lahat dahil sa mga suliraning bunga ng matagal nang pagpapabaya sa sektor.
Kasabay nito, patuloy ding hinaharap ng mamamayan ang iba't ibang anyo ng panggigipit sa tuwing sila ay nagkakaisa at nananawagan ng pagbabago. Ang mga pagkilos para sa karapatan, hustisya, at mas maayos na serbisyong panlipunan ay madalas salubungin ng paninindak, pagbabanta, at iba pang pagtatangkang patahimikin ang mga tinig na kritikal sa umiiral na kalagayan. Maging sa mga mapayapang pagtitipon at pagpapahayag ng saloobin, nananatiling naroroon ang mga hakbang na naglilimita sa demokratikong espasyo ng mamamayan.
Hindi tunay na malaya ang isang bayan kung ang edukasyon ay nananatiling hindi ganap na naaabot ng lahat. Hindi tunay na malaya ang isang bayan kung ang mga mamamayang lumalaban para sa kanilang mga karapatan ay patuloy na hinaharap ng panunupil at panggigipit. At hindi tunay na malaya ang isang bayan kung ang boses ng kabataan at sambayanan ay sinusubukang patahimikin sa halip na pakinggan.
Sa gitna ng mga hamong ito, naninindigan ang UPLB College of Human Ecology Student Council kasama ng malawak na hanay ng kabataan at mamamayan sa pagsusulong ng makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon, gayundin sa pagtatanggol sa karapatang magpahayag, mag-organisa, at makibaka para sa tunay na pagbabago.
Hangga't nananatiling ipinagkakait ang mga batayang karapatan at kalayaan ng mamamayan, mananatiling huwad ang kalayaang ipinagdiriwang. Ang tunay na kalayaan ay makakamit lamang sa isang lipunang may katarungan, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa karapatan ng bawat isa.
12/06/2026
๐จ ALERT | Delegasyon ng Timog Katagalugan, Hinarang at Inintimida Matapos ang Programa para sa Huwad na Kalayaan
Mariing kinokondena ng UPLB College of Human Ecology Student Council ang serye ng walang batayang panghaharang, paninindak, at pagpapaantala na isinagawa ng mga elemento ng Cavite PNP at Kawit PNP laban sa delegasyon ng Timog Katagalugan matapos ang kanilang programa para sa Huwad na Araw ng Kalayaan nitong Hunyo 12.
Ang paulit-ulit na inspeksyon sa mga sasakyan, checkpoint na walang malinaw na batayan, at iba pang anyo ng panggigipit ay malinaw na paglabag sa karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag, mapayapang pagtitipon, at organisadong pagkilos. Hindi kailanman dapat gamitin ng estado ang kapangyarihan nito upang hadlangan at takutin ang mga mamamayang nagsusulong ng kanilang mga demokratikong karapatan.
Sa panahong dapat ginugunita ang kalayaan ng sambayanan, lalo lamang inilalantad ng ganitong mga insidente ang patuloy na pagsikil sa mga boses na naglalantad ng katotohanan at humihingi ng pananagutan. Hangga't umiiral ang panunupil at paglabag sa mga batayang karapatan, nananatiling huwad ang kalayaang ipinagdiriwang.
10/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐จโ๐พ๐พ
Tatlumpu't walong taon na ang lumipas mula nang ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ngunit hanggang ngayon ay nananatiling mailap para sa milyun-milyong magsasaka ang tunay na reporma sa lupa. Sa kabila ng mga pangakong ipinamudmod ng iba't ibang administrasyon, patuloy na nakasentro sa kamay ng iilan ang pagmamay-ari ng lupa habang ang mga tunay na nagbubungkal nito ay nananatiling walang sariling sakahan.
Bilang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Ekolohiyang Pantao, kinikilala natin na ang usapin ng lupa ay hindi lamang usapin ng produksyon kundi usapin ng karapatan, kabuhayan, at katarungang panlipunan. Hindi magiging ganap ang pagpapaunlad ng mga pamayanan hangga't nananatiling kontrolado ng mga panginoong maylupa, korporasyon, at dayuhang interes ang malalawak na lupain ng bansa.
Sa ika-38 anibersaryo ng CARP, muli nating pinagtitibay ang ating pakikiisa sa pakikibaka ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. Pananagutin natin ang mga patakarang pumapabor sa iilan at patuloy na ipapanawagan ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal nito.
๐๐๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐๐๐ต๐ฎ๐ป! โ๐ผ
06/06/2026
ICYMI: Oath Taking Ceremony of the CHE Student Council 2026-2027
A new chapter begins for student leadership in the College of Human Ecology.
Last June 1, 2026, the newly elected CHE Student Council officers formally took their oath of office before the CHE Executive Committee. The ceremony was officiated by Dean Amparo, together with members of the College Executive Committee and the outgoing CHE Student Council.
The following officers officially took their oath:
Chairperson:
ATANACIO, Sean Michael
Vice Chairperson:
BRAZA, Gabriel Nashir
College Representative to the USC:
MONTANO, Rein Justine
Councilors:
DACANAY, Hannah Grace
SY, Angelica Mae
URIARTE, Andrie
As they assume the responsibility of serving the CHE community, we extend our warmest congratulations and best wishes for a meaningful and impactful term ahead.
The outgoing CHE Student Council proudly welcomes the incoming council and looks forward to seeing them continue the pursuit of genuine student representation, service, and leadership.
Padayon, CHE SC!