Palanan Elementary School Community

Palanan Elementary School Community

Share

This is the official page of Palanan Elementary School.

09/06/2026
07/06/2026

Maligayang pagbabalik-eskwela sa lahat ng mag-aaral ng Palanan Elementary School! Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at matagumpay ang inyong panibagong taon ng pag-aaral.

Simulan natin ang taon nang may sigla at pag-asa!

OPLAN BALIK ESKWELA 2026 Theme Song 06/06/2026

πŸ“’ Nalalapit na ang pagbubukas ng eskwela, handa ka na ba? πŸ“šπŸŽ’

Malugod na ipinapaalala ng Palanan Elementary School na ang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027 ay sa Lunes, Hunyo 8, 2026.

Upang maging handa sa unang araw ng pasukan, narito ang ilang paalala:

βœ… Ihanda ang mga gamit sa paaralan tulad ng bag, kuwaderno, lapis, at iba pang kinakailangang kagamitan.
βœ… Alamin ang inyong seksyon at silid-aralan.
βœ… Matulog nang maaga upang maging masigla at handa sa pag-aaral.
βœ… Magbaon ng tubig at meryenda.
βœ… Dumating nang maaga at sundin ang mga alituntunin ng paaralan.

Sama-sama nating simulan ang panibagong taon ng pagkatuto na puno ng kaalaman, disiplina, at tagumpay!

Kita-kits sa Lunes, Hunyo 8, 2026! πŸ’™πŸ“–βœ¨

Video credits: Sir Bon's music channel

OPLAN BALIK ESKWELA 2026 Theme Song Oplan Balik Eskwela Theme Song

30/05/2026

πŸ“’ OPLAN BALIK ESKWELA 2026 πŸ“’

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, inaanyayahan ng Palanan Elementary School ang mga magulang, alumni, mga katuwang sa komunidad, at iba pang stakeholders na makiisa sa mga gawain at programang naglalayong matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.

Sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa, sama-sama nating ihanda ang ating paaralan upang maging mas ligtas, mas maayos, at mas kaaya-ayang lugar para sa pagkatuto.

πŸ’™ Ang tagumpay ng bawat mag-aaral ay bunga ng pagtutulungan ng buong komunidad.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa para sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.

30/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT

Dahil sa idineklarang Non-Working Holiday sa Lunes bilang pagdiriwang ng ika-356 na Founding Anniversary ng Lungsod ng Makati, ang enrolment para sa School Year 2026–2027 ay magsisimula sa Martes.

πŸ“… Enrolment Schedule:
Martes–Biyernes, Hunyo 2-5, 2026.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

Send a message to learn more

Photos from Palanan Elementary School Community's post 29/05/2026

Mula Hunyo 2–5 ay magsisimula na ang enrolment sa Palanan Elementary School. Mariing hinihikayat ang lahat na basahing mabuti ang proseso ng enrolment at dalhin ang mga kinakailangang dokumento bago pumunta sa paaralan. Maaari ng kumuha ng enrollment form at permits sa guard simula 1 pm ngayong araw, May 29, 2026. Pinapaalalahanan din po ang lahat na magdala ng sariling ballpen.

Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa para sa maayos at mabilis na pagpapatala.

Maligayang pagbabalik-eskwela para sa Taong Panuruan 2026–2027!

15/05/2026

πŸ“’ ENROLMENT ANNOUNCEMENT | SY 2026–2027

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at mag-aaral para sa opisyal na enrolment ng ating paaralan para sa School Year 2026–2027.

πŸ—“ ENROLMENT SCHEDULE

βœ… SNED, Kindergarten, at Grades 1–6
πŸ“… June 1–5, 2026
⏰ 8:00 AM – 11:00 AM

βœ… ALS, SSES, at Transferrees
πŸ“… June 3 and 4, 2026 lamang
⏰ 8:00 AM – 11:00 AM

πŸ“Œ MGA DAPAT DALHIN

πŸ“– Para sa Regular Enrollees:
β€’ Ballpen
β€’ SF9 / Report Card ng mag-aaral

πŸ§’ Para sa Kindergarten:
β€’ Photocopy ng PSA Birth Certificate
β€’ Proof of Residence ng magulang

🧩 Para sa SNED:
β€’ Latest DevPed Assessment
β€’ Photocopy ng PSA Birth Certificate
β€’ Proof of Residence ng magulang

πŸ”„ Para sa Transferrees at ALS:
β€’ Latest SF9 / Report Card
β€’ Photocopy ng PSA Birth Certificate
β€’ Proof of Residence ng magulang

πŸ“£ Paalala:
β€’ Ang mga nagkaroon na ng Early Registration para sa Kindergarten at Grade 1 ay kinakailangan pa ring magpunta sa paaralan upang i-confirm ang enrolment.
β€’ Mahigpit pong ipinatutupad ang dress code ng paaralan. Inaanyayahan ang lahat na magsuot ng maayos at disenteng kasuotan sa pagpunta sa paaralan.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa para sa maayos na pagbubukas ng panuruang taon! πŸ’™

04/05/2026

Here are the results of the SSES application for SY 2026–2027.

For updates on the parents’ orientation and student enrollment, please stay tuned to our FB page for announcements.

Congratulations, and welcome to Palanan Elementary School’s SSES Program!

Photos from Palanan Elementary School Community's post 19/04/2026

🌟 PROUD PALANAN! 🌟
We proudly celebrate Rai Lee and Sir B**g for going this far and for representing Palanan ES with passion, dedication, and heart. This journey reminds us that true success is not measured by titles alone, but by the courage to take part, the strength to persevere, and the character shown throughout the journey.

As shared before the competition:οΏ½β€œThe best thing is not to win but to take part. It is not to have conquered but to have fought a good fight. It is not about winning or losing, but about how you played the game.”

Rai Lee, you will always be our winnerβ€”for your determination, humility, and commitment to growth. Sir B**g, thank you for your tireless guidance, passion, and belief that every experience is a lesson worth treasuring. This journey itself is a valuable and winning experience.

We also extend our heartfelt gratitude to SDO Makati, the LGU and Council, Barangay Palanan and Council for their moral and financial support, our stakeholders, and the entire Palanan ES community for the unwavering encouragement, trust, and support. This achievement is truly a shared victory.
We are proud of you. We move forward together. πŸ’™πŸ’›

’retheoneοΏ½ οΏ½

23/03/2026

πŸ“’ PAALALA MULA SA PALANAN ELEMENTARY SCHOOL πŸ“’

Ipinapaabot po namin na ang Palanan Elementary School ay mahigpit na nagpapatupad ng No Collection Policy alinsunod sa DepEd Order No. 19, s. 2008.

❌ Walang koleksyon na magaganap para sa mga end-of-school-year rites tulad ng Graduation Day at Recognition Day.
❌ Ang sino mang nangongolekta ng pera para dito ay hindi konektado sa paaralan at hindi awtorisado ng DepEd.

Ang paaralan ay gumagamit ng tamang pondo mula sa MOOE para sa anumang gastusin na legal at awtorisado.

πŸ“Œ Hinihikayat namin ang lahat ng magulang at mag-aaral na maging mapanuri at agad ipaalam sa administrasyon kung may nakitang hindi awtorisadong koleksyon.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! πŸ™

Want your school to be the top-listed School/college in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Arellano Avenue Palanan
Makati
1235

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm