Guillermo S. Sanchez Memorial Elementary School

Guillermo S. Sanchez Memorial Elementary School

Share

Guillermo S. Sanchez Memorial ES (formerly Tinajeros I) is a public elementary school located in Barangay Tinajeros, Malabon City

14/06/2026

“Halina at buksan na natin ang pintuan tungo sa mas malalim na pagkatuto… hakbang-hakbang, gabay sa paghubog ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral.”

12/06/2026

🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan!

Ipagdiwang natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani at patuloy na isabuhay ang pagmamahal sa bayan sa ating mga salita at gawa.

Mabuhay ang Pilipinas!

09/06/2026

📢 PARENTS' ADVISORY

Guillermo S. Sanchez Memorial Elementary School warmly invites all parents and guardians to attend the School Orientation and SPTA Election.

This activity will provide important information regarding the school's programs, policies, and plans for the new school year. It will also serve as an opportunity to elect the new set of School Parents-Teachers Association (SPTA) officers and strengthen the partnership between the school and families in supporting every learner's success.

Your attendance and active participation are highly encouraged.

Together, let us work hand in hand for a productive and successful school year.

Thank you, and we look forward to seeing you!

07/06/2026

Handa na bang matuto, mangarap, at magtagumpay?
Balik-eskwela na! 📖✨

04/06/2026

🎉📚 Isang makabuluhang yugto ang matagumpay nating natapos!

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, volunteers, at mga katuwang sa komunidad na naglaan ng oras, lakas, at suporta para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela, Tara Basa, Tara Aral Summer Program.

Nawa’y maging daan ang Reading Nook upang higit pang mahubog ang kultura ng pagbabasa at pagkatuto sa ating paaralan.
📖 "Bawat pahina ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan."

Ang ating pagtutulungan at malasakit ay naging daan upang maihanda ang ating paaralan at mapalawak ang kaalaman ng ating mga mag-aaral ngayong tag-init. Patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan at pagmamahal sa edukasyon.

Maraming salamat at mabuhay ang lahat ng naging bahagi ng programang ito! 💙💛




03/06/2026

“Ikatlong araw ng Brigada Eskwela—patuloy ang bayanihan, patuloy ang malasakit.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na kabahagi upang maging handa ang ating paaralan para sa bagong taon ng pagkatuto! 💙📚"

03/06/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng GSSMES sa ating butihing Vice Mayor Edward Nolasco sa ipinagkaloob na mga kagamitan para sa Brigada Eskwela.

Ang inyong kabutihang-loob at walang sawang suporta sa edukasyon ay malaking tulong upang maging mas maayos, ligtas, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Ang inyong malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad ng paaralan ay tunay na kahanga-hanga. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod sa ating bayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa ng GSSMES. Mabuhay po kayo!

02/06/2026

Day 1 & 2 ng Brigada Eskwela: Magkaisa, Magtulungan, at Magbayanihan para sa handang-handang pagbubukas ng klase! 🏫❤️



Photos from Guillermo S. Sanchez Memorial Elementary School's post 01/06/2026

🎉📚 Matagumpay na isinagawa ang Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 na dinaluhan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling naipakita ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral. Nawa’y magpatuloy ang sama-samang pagtutulungan tungo sa mas matagumpay na taong panuruan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026!




31/05/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Good day, Guillermo learners!

To help everyone prepare for the opening of classes, the official section assignments will be displayed on the school bulletin board beginning Monday, June 1, 2026.

Please be reminded of the following:

• Kindly check your assigned section at the designated posting area.
• Taking photos of the posted class lists is not permitted.
• Sharing, reposting, or uploading any part of the section lists on Facebook or other social media platforms is strictly discouraged.

We encourage everyone to follow these guidelines to maintain privacy and proper school protocol.

Thank you for your cooperation!

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Sisa Extension, La Trinidad Village, Tinajeros
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm