Tanghalang Tugatog

Tanghalang Tugatog

Share

Tanghalang Tugatog (TATU) is the resident theater organization of Tugatog National High School, Malabon City. It was established in the year 2000.

17/06/2026

To the Founder of Tanghalang Tugatog, Happy Birthday in heaven, Sir Ronnie Tumampil! ๐Ÿ™๐Ÿ˜‡

๐‘พ๐’‰๐’Š๐’๐’† ๐’š๐’๐’– ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’๐’๐’• ๐’‰๐’†๐’“๐’† ๐’•๐’ ๐’„๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’•๐’† ๐’š๐’๐’–๐’“ ๐’ƒ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐’–๐’”, ๐’š๐’๐’–'๐’“๐’† ๐’”๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ ๐’๐’‡ ๐’๐’–๐’“ ๐’•๐’‰๐’๐’–๐’ˆ๐’‰๐’•๐’”. ๐‘พ๐’Š๐’”๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’š๐’๐’– ๐’‚ ๐’‰๐’‚๐’‘๐’‘๐’š ๐’ƒ๐’Š๐’“๐’•๐’‰๐’…๐’‚๐’š ๐’Š๐’ ๐’‰๐’†๐’‚๐’—๐’†๐’, ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘น๐’๐’๐’๐’Š๐’† ๐‘ป๐’–๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‘๐’Š๐’! ๐Ÿ™๐Ÿฅณ

05/06/2026

๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘น๐‘ฌ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ถ๐‘ณ ๐‘บ๐‘ผ๐‘ท๐‘ท๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฌ๐‘บ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ป๐‘ฌ๐‘จ๐‘ป๐‘น๐‘ถ! ๐Ÿซถ

Taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Mr. Jaison Yang ng Fly and Share Project sa kanyang patuloy na kabutihang-loob at walang sawang suporta sa Tanghalang Tugatog. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon tuwing Brigada Eskwela, pinagkakalooban niya ang aming paaralan ng mga school supplies na malaking tulong sa paghahanda para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Muli, maraming salamat po, Mr. Jaison Yang at Fly and Share Project! Salamat din po sa pakikipag-ugnayan ni Ma'am Edna Yang para sa proyektong ito. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain at maging daan ng pag-asa at kabutihan sa marami. ๐Ÿ’™๐Ÿ“šโœ๏ธ

05/06/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ข๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—˜๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข ๐Ÿซถ

Taos-pusong pasasalamat kay Sir Jann Rencille Quinto, Master Teacher ng Values Education, sa kanyang napakagandang handog na sapatos para sa mga miyembro ng Tanghalang Tugatog, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Brigada Eskwela.

Ang inyong kabutihan at patuloy na suporta sa aming teatro at sa lahat ng mga gawaing aming isinasagawa ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa bawat miyembro ng aming samahan. Higit pa sa isang regalo, ito ay simbolo ng inyong malasakit, paniniwala, at pagmamahal sa sining at sa kabataang patuloy na nangangarap at nagsisikap.

Maligayang kaarawan po, Sir Jann! Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng masaganang kalusugan, kaligayahan, at tagumpay. Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa Tanghalang Tugatog. ๐Ÿ’™๐ŸŽญ

Photos from Tanghalang Tugatog's post 05/06/2026

๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ‘ โœจ๐ŸŽญ

Sa diwa ng bayanihan at pakikiisa, matagumpay na nakilahok ang Tanghalang Tugatog sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela sa pamamagitan ng paglilinis ng aming storage room at pag-aayos ng mga costume at props na ginagamit sa iba't ibang pagtatanghal.

Sa pangunguna ng mga officers ng Tanghalang Tugatog at ng aming adviser na si Sir Carnel, nagkaisa ang bawat officers upang mapanatiling maayos, malinis, at handa ang aming mga kagamitan para sa mga susunod na programa at pagtatanghal.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas. Ang bawat munting ambag ay malaking hakbang tungo sa mas maayos at mas produktibong samahan. Sama-sama para sa mas maayos na Tanghalang Tugatog!

Photos from Tanghalang Tugatog's post 05/06/2026

๐‘ฉ๐’“๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’…๐’‚ ๐‘ฌ๐’”๐’Œ๐’˜๐’†๐’๐’‚ ๐‘ซ๐’‚๐’š 2: ๐‘ป๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฉ๐‘ถ, ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ซ๐‘จ! ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿ’™

Buong pusong nakilahok ang Tanghalang Tugatog sa programang "Takbo Arangkada: Tulong Para sa mga Atleta" na inorganisa ni Ma'am Greycey Mondragon at ng Sports Club.

Bilang bahagi ng programa, ang aming grupo, partikular ang mga alumni ng Tanghalang Tugatog ay nagbigay ng enerhiya at sigla sa pamamagitan ng pangunguna sa warm-up at cool down activities upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng mga kalahok.

Maraming salamat sa pagkakataong makiisa sa isang makabuluhang gawain na nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at suporta para sa ating mga atleta. Patuloy nating pagyamanin ang diwa ng bayanihan at serbisyo para sa komunidad!

Photos from Tanghalang Tugatog's post 04/06/2026

๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ: ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Buong pusong nakilahok ang Tanghalang Tugatog sa parada bilang pakikiisa sa paghahanda para sa panibagong taon ng pagkatuto. Nagtanghal ng makabuluhang sayaw para sa doxology at isang masiglang intermission number upang maghatid ng inspirasyon at kasiyahan sa lahat ng dumalo.

Maraming salamat sa mga miyembro na dumalo sa opening program at lumahok sa parada. Pagbati sa mga miyembro na nagtanghal para sa doxology at intermission number. Salamat sa mga alumni na nagturo, Willard, Ash, Adam, Erika, Carl, Micky, Raniel, Catherine at Andrei. Salamat kay Sir Carnel para sa kanyang paggabay at kay Sir Jeff Carlos para sa pagkakataong maging bahagi ng programa.

Maraming salamat sa mga mag-aaral, g**o, magulang, at mga katuwang sa komunidad na naging bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng Brigada Eskwela. Patuloy nating ipakita ang bayanihan at pagkakaisa para sa mas maayos, ligtas, at handang paaralan.

๐Ÿ’™๐Ÿ’› Sama-sama para sa edukasyon!


27/03/2026

๐ŸŽญ ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐“๐ก๐ž๐š๐ญ๐ซ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ! ๐ŸŽญ

Sa bawat entablado na tinatayuan, hindi lang kuwento ang nabubuo, nahubog rin ang kumpiyansa, pagkakaisa, at pag-unawa sa isaโ€™t isa. Sa paaralan, ang teatro ay nagsisilbing tahanan ng pagkamalikhain kung saan natututo ang mga mag-aaral na magsalita, makinig, makiramay, at magpahayag ng damdamin at ideya. Dito nahuhubog ang disiplina, pagtutulungan, at tapang na humarap sa hamon, mga aral na dala nila hanggang sa tunay na buhay. Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang sining na patuloy na nagbibigay-buhay sa mga kuwento at inspirasyon sa bawat entablado.

Ipinagdiriwang ang ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐“๐ก๐ž๐š๐ญ๐ซ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ tuwing 27 ng Marso sa inisyatiba ng International Theatre Institute ng UNESCO.

๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค!๐ŸŽญ

Awit at Laro: Show 2026 26/03/2026

Ating balikan ang mga alaala, kaganapan, at kwentong nabuo noong March 7, 2026 sa Epifanio Elementary School. ๐ŸŽญIsang gabing puno ng saya at aral ang hatid ng palabas na โ€œAwit at Laroโ€, na buong pusong inihandog ng Tanghalang Tugatog at Medalya Theater Guild.

Sa video na ito, muling sariwain ang bawat sandaling nagpapatunay na kapag nagsama-sama ang passion at tiwala, nagiging posible ang mga bagay na datiโ€™y pangarap lamang. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng gabing iyon. Ito ang patunay na ang sining ay buhay at patuloy na magbibigay inspirasyon. โœจ

Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the music in this video. All music content belongs to their rightful owners.

Awit at Laro: Show 2026 Ang show na ito ay ginanap noong March 7, 2026 sa Epifanio Elementary School. Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the music in this...

Photos from Tanghalang Tugatog's post 22/03/2026

๐™€๐™ฃ๐™™ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™”๐™š๐™–๐™ง ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐ŸŽ‰๐ŸŒŠ

Isang school year na nagpamulat sa amin kung gaano kalakas ang isang pangarap kapag pinagsama-sama. ๐ŸŽญโœจ

Hindi naging madali ang lahat, may pagod, may doubt, may moments na gusto mo nang sumuko. Pero sa bawat hamon na hinarap namin, natutunan naming tumayo ng magkasama, mas matatag at mas buo bilang isang grupo. Every rehearsal, every mistake, every small win, lahat โ€˜yan naging hakbang papunta sa mas malaking tagumpay. At ngayon, habang sabay-sabay kaming tumatawa, nag-eenjoy, at nagsasalo sa pagkain, dala namin ang mga aral at alaala na hindi matutumbasan. Deserve natin โ€˜to, mag-celebrate together after everything weโ€™ve been through. ๐Ÿ’™ Hindi lang sa tagumpay, kundi sa bawat laban na hindi natin sinukuan. Hindi lang namin naabot ang mga pangarap, natutunan din naming mahalin ang proseso.

Sa dulo ng lahat, hindi lang kami performersโ€ฆ we became stronger individuals, and a family that will always choose to rise together! Padayon. ๐ŸŒŠ๐Ÿ”ฅ

Photos from Tanghalang Tugatog's post 14/03/2026

Sa bawat hakbang ng ensayo, kahit paunti-unti, unti-unti ring nahuhubog ang karunungan. Ang tiyaga ngayon ang magiging ganda ng galaw bukas. Tuloy lang sa sayaw, tuloy lang sa pangarap. ๐Ÿ•บ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ”ฅ

Want your school to be the top-listed School/college in Malabon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Dr. Lazcano Street
Malabon