07/06/2026
ππ Maligayang Pagbabalik sa Paaralan, mga Magulang at Mag-aaral ng Lapulapu Elementary School! ππ
Ngayong araw ay opisyal nating sinisimulan ang unang araw ng pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026β2027. Malugod naming tinatanggap ang lahat ng ating mga mag-aaral at mga magulang sa panibagong yugto ng pagkatuto, pagtutulungan, at tagumpay.
Nawaβy maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang bawat araw ng ating mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Ang inyong pakikiisa at suporta ay mahalagang bahagi sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
Sama-sama nating simulan ang panibagong taong panuruan na may sigla, pag-asa, at determinasyong matuto!
Maligayang Balik-Eskwela, mga Batang Lapulapu! π©·π©·
Tara na at sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap!
πβοΈπ«
06/06/2026
π’ PAALALA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL NG LAPULAPU ELEMENTARY SCHOOL π’
Malugod naming ipinababatid na ang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026β2027 ay gaganapin sa Hunyo 8, 2026 (Lunes).
π Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na pumasok nang maaga upang maiwasan ang pagkaantala at maging maayos ang pagsisimula ng klase.
π Ihanda na ang inyong mga gamit sa pag-aaral at sama-sama nating simulan ang panibagong taon ng pagkatuto!
Maligayang Balik-Eskwela, mga Batang Lapulapu! π©·π©·
05/05/2026
ANNOUNCEMENT | SUMMER REMEDIATION PROGRAM 2026
batay DepEd Order No. 010, s. 2026, na nagtatatag ng 2026 Summer Remediation Program (SRP) mula Mayo 6 hanggang Hunyo 2, 2026, ang paaralang LAPULAPU ay magsasagawa ng:
SRP 2026 (ARAL Reading at Math)
Mayo 6 β Hunyo 2, 2026
Layunin nito ay upang tulungan silang mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at matematika upang maihanda sila sa susunod na baitang
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa paaralan o sa gurong tagapayo ng inyong anak ng nakaraan school year.
Maraming Salamat po sa inyong pagtugon!
Mabuhay Batang Lapulapu
DepEd - Schools Division Office of Manila
DepEd National Capital Region DepEd Philippines