PUP Open University System Student Council

PUP Open University System Student Council

Share

The PUP OUS SC serves as the highest student-government and the prime representative of the students in PUP Open University System.

21/06/2026

THE TASSEL IS WORTH THE HASSLE ๐ŸŽ“โœจ

After years of hard work, your graduation memories deserve to be captured beautifully. ๐Ÿ“ธ

Something exciting is coming soon to help you preserve every milestone and every smile. ๐ŸŽ‰

Stay tuned! ๐Ÿ‘€

Photos from PUP Open University System Student Council's post 20/06/2026

CommOUnity Cares | Donation Drive for IskOUlars

We humbly ask for prayers and support for our fellow IskOUlar, Emily Ramirez from BSBAHRMOUMN 2-1, whose family is currently grieving the heartbreaking loss of her 10-year-old child.

In this difficult time, we are reaching out to the community for any form of assistance that may help ease the burden on the family as they navigate through this profound loss. Any amount, no matter how small, will be greatly appreciated and will serve as a source of support during this challenging period.

Let us continue to show compassion and solidarity by extending our prayers, condolences, and support to our fellow IskOUlar and her family.

On behalf of Emily Ramirez and Family.

Photos from PUP Open University System Student Council's post 20/06/2026

CommOUnity Cares | Donation Drive for IskOUlars

We humbly ask for prayers and support for our fellow IskOUlar, Dianna Rose Belocora from BSENTOUMN 1-5, whose family was recently affected by a devastating fire incident in Bicutan.

The fire caused significant damage to their home and belongings, leaving the family in need of assistance as they begin the process of recovery and rebuilding. In this difficult time, we are reaching out to the community for any form of support that may help ease their burden and provide for their immediate needs.

Let us continue to show compassion and solidarity by extending our prayers and support to our fellow IskOUlar and her family.

Photos from ANAK PUP's post 14/06/2026

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG ANAK PUP 26TH CONGRESS!

Kilalanin ang mga Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsilbing matatag na tinig at kinatawan ng mga Iskolar ng Bayan mula sa kani-kanilang mga kolehiyo at kampus!

Sa gitna ng samuโ€™t saring hamon, kanilang pinatunayan na ang pamumuno ay hindi lamang tungkulin kundi isa rin itong paninindigan. Sa kanilang pangunguna, isinulong ang demokratikong karapatan, kapakanan, at mga panawagan ng mga estudyante sa loob at labas ng pamantasan.

Hamon sa panibagong yugto ng ANAK PUP Congress na igpawan ang lahat ng kontradiksyon, sumandig sa lakas ng mga Iskolar ng Bayan, at patuloy na makibaka, magpunyagi, at magtagumpay!


14/06/2026

ANIMNAPUโ€™T ISANG (61) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA !

Sa ganap na ika-12:30 nang tanghali ngayong ika-14 ng Hunyo, umabot na sa animnapuโ€™t isa (61) ang kabuuang bilang ng mga nominasyong natanggap para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Pagpugayan ang aktibong pakikilahok ng mga Iskolar ng Bayan sa proseso ng nominasyon!

Mahalagang malinaw sa lahat na ang bilang ng nominasyon ay hindi katumbas ng bilang ng nominadoโ€”may mga pangulo ng konseho ng mag-aaral na nakatanggap ng higit sa isang nominasyon mula sa ibaโ€™t ibang Iskolar ng Bayan.

Nananatiling bukas ang nominasyon mamaya, hanggang ika-11:59 nang gabi.


14/06/2026

LIMAMPUNG (50) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA !

Sa ganap na ika-12:00 nang madaling araw ngayong ika-14 ng Hunyo, umabot na sa limampu (50) ang kabuuang bilang ng mga nominasyong natanggap para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Pagpugayan natin ang mga Iskolar ng Bayan na aktibong nakilahok sa proseso ng nominasyon. Sa kasalukuyan, nalampasan na ng ang dalawampu't walong (28) nominasyong naitala noong .

Mahalagang tandaan na ang bilang ng nominasyon ay hindi katumbas ng bilang ng mga nominado. May ilang pangulo ng konseho ng mag-aaral na nakatanggap ng higit sa isang nominasyon mula sa iba't ibang Iskolar ng Bayan sa buong PUP.

Mananatiling bukas ang nominasyon hanggang 11:59 mamayang gabi.

Patuloy nating paramihin ang mga nominasyon at palawakin ang pakikilahok ng mga estudyante sa paghahanap ng ating susunod na rehente!


12/06/2026

Isang Makasaysayan at Palabang Araw ng Kalayaan! โœŠ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Noong Hunyo 12, 1898, buong tapang na iwinagayway sa Kawit, Cavite ang ating watawat โ€” hudyat ng pagwawakas ng higit tatlong daang taong kolonyalismo.

Ngunit ang tunay na kalayan ay hindi nagtatapos sa pagwawagayway ng bandila. Sa harap ng modernong kahirapan, banta sa ating soberanya, at panlipunang kawalan ng katarungan, ang diwa ng 1898 ay nananatiling isang hamon. Hindi tayo ganap na malaya hangga't may mga Pilipinong nakagapos sa pananamantala.

Ngayong Araw ng Kalayaan, itaas natin ang ating watawat kasabay ng pagtaas ng ating kamalayan. Gunitain ang kasaysayan, tindigan ang kasalukuyan.






๐Ÿ–ผ๏ธ: Joy Lee and Kim Azrael
โœ๏ธ: Wilona Lickiayo

11/06/2026

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐——๐—ฎ๐˜†: ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ?

Mula sa ating kasaysayan ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyan, nananatiling hamon ang korapsyon, kawalan ng hustisya, at mga patakarang nakatali sa dayuhang impluwensya na patuloy na humuhubog sa kalagayan ng bansa.

Hindi sapat ang paggunita sa kasaysayan kung hindi natin kikilalanin kung paano patuloy na humuhubog ang ating kolonyal na nakaraan sa mga krisis na kinahaharap natin ngayon.

Ang kalayaan ay hindi natatamo sa seremonya at pagwawagayway ng bandila. Hangga't nananatiling kontrolado ng iilan ang kapangyarihan at patuloy na nakatali ang bansa sa dayuhang interes โ€” hindi pa ganap na realidad ang tunay na kalayaan.

Ngayong Hunyo 12, huwag lamang magdiwangโ€” makilahok at makibaka. Sama-sama nating igiit ang tunay na nakabubuhay na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

๐Ÿ“ Kalaw Cor., Taft
๐Ÿ“† Hunyo 12

SUMALI SA COORDINATING GC: https://m.me/j/AbYhhX998E5Dct6e/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c






๐Ÿ–ผ๏ธ: Joy Lee and Kim Azrael
โœ๏ธ: Wilona Lickiayo

Photos from PUP Open University System Student Council's post 10/06/2026

ICYMI | The PUP Open University System Student Council joins the PUP Pride Mobilization led by BAHAGHARI PUP in reaffirming that Pride is, and has always been, a protest.

Kasama ang malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan, nakiisa ang PUP OUS Student Council sa panawagang Pride is Protest. We stand with the LGBTQIA+ community in advancing equality, defending human rights, and building a society where every individual can live, learn, and thrive free from discrimination and exclusion.

We recognize that the fight for LGBTQIA+ rights is inseparable from the fight for accessible and quality education, democratic student spaces, and social justice. Beyond celebration, Pride remains a platform to amplify calls for equality, dignity, and genuine inclusion, while continuously challenging discrimination, violence, and systemic barriers that marginalize LGBTQIA+ Filipinos.

Kasabay nito, patuloy nating isinusulong ang dagdag na pondo para sa edukasyon, ang pagpapatibay at pagpapasa ng SOGIE Equality Bill, ang pagpapaigting ng gender-responsive and inclusive policies within academic institutions, at pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan sa mga usaping may direktang epekto sa ating mga komunidad.

Makibeki, Huwag Mashokot!
Pride is Protest. Pride is Solidarity. Pride is Action.






09/06/2026

PAHAYAG NG SUPORTA NG PUP OPEN UNIVERSITY SYSTEM STUDENT COUNCIL SA LABAN NG MGA TEKNOLOHISTA NG BAYAN

Mariing ipinahahayag ng Polytechnic University of the Philippines Open University System Student Council ang buong-pusong pakikiisa sa mga mag-aaral ng College of Computer and Information Sciences (CCIS) at buong Teknolohista ng Bayan sa kanilang gagawing walkout protest bukas, Hunyo 10, 2026.

Karapatan ng bawat mag-aaral ang isang edukasyong makatarungan, makatao, at inklusibo. Ang kasalukuyang sistema ng hands-on departmental examinations sa CCISโ€”na pinuwersa sa kabila ng kakulangan sa mga pasilidad, kawalan ng sapat na konsultasyon, at hindi makatwirang paniningil ng examination feesโ€”ay malinaw na pahirap at anti-estudyante. Hindi nasusukat ng isang biglaang pagsusulit ang tunay na kakayahan ng mag-aaral, lalo na kung ang mismong pamantasan ay bigong magbigay ng sapat na suporta at kagamitan.

Walang puwang ang sistemang mapaniil sa loob ng ating pamantasan. Ang laban ng mga teknolohista ng bayan ay laban ng bawat Iskolar ng Bayan!

KONDUKTA

June 10, 2026
11:30 AM โ€“ Mass Up at 5/F South Wing Bridge
12:10 PM โ€“ Program Proper

TEKNOLOHISTA NG BAYAN!
WALKOUT LABAN SA HINDI MAKATARUNGAN!
HANDS-ON EXAMS!

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


4/7 Ninoy Aquino Library And Learning Resources Center
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm