An Educator's Perspective

An Educator's Perspective

Share

"Teaching is sharing brilliant ideas, positive thoughts, inspirations and good experiences."

Photos from Hillcrest Periwinkle School- SUCAT MAIN's post 21/05/2026

FREE SUMMER CLASSES!!!
Open For 4-8 years old
* Play Schoolers
* Nursery & Kinder

HURRY AND ENROLL NOW!!!
Until May 30, 2026

PLS CALL OR MESSAGE : 0915-973-4965 / 0917-842-1327

Or Visit Hillcrest Periwinkle School- SUCAT MAIN
#53 Cecilia Curve Drive, Don Jose Green Court Subd., San Dionisio, Parañaque City

OFFICE HOURS : 9AM - 4PM
(MONDAY - FRIDAY)

Photos from Hillcrest Periwinkle School- SUCAT MAIN's post 06/05/2026

FREE SUMMER CLASSES!!!
Open For
* Play Schoolers
* Nursery & Kinder
*Grade 1 - Grade 10

EARLY BIRD PROMO ! ! !

HURRY AND ENROLL NOW!!!
PROMO ENDS ON April 30, 2026

PLS CALL OR MESSAGE : 0915-973-4965 / 0917-842-1327

OFFICE HOURS : 9AM - 4PM
(MONDAY - FRIDAY)

13/01/2026

Noong 1992, muling binuksan sa Korte Suprema ang kaso ng magkapatid na Bonifacio, halos isang siglo matapos silang hatulan at ipapatay. Sa masusing pagsusuri ni Supreme Court Justice Abraham F. Sarmiento sa mga umiiral na tala at ebidensiya, napatunayan na ang paglilitis sa kanila ay hindi dumaan sa wastong proseso at walang sapat na batayan upang idiin sila sa mga paratang na pagtataksil at sedisyon.

Pinatunayan ng Korte Suprema na ang kampo ni Emilio Aguinaldo ay nabigong magharap ng matibay at lehitimong ebidensiya laban kina Andres at Procopio Bonifacio. Dahil dito, noong 1992, pormal na pinawalang-sala ng Korte Suprema ang magkapatid. Binaligtad ni Justice Sarmiento ang hatol na guilty at idineklara na walang krimeng naganap laban sa pamahalaan. Mula sa opisyal na desisyon ng Korte Suprema (sa wikang Ingles), sinabi ni Justice Sarmiento:

“As to the trial of Andres and Procopio Bonifacio, that the trial was null and void, the Council of War having deprived both accused of due process.”

“As to the evidence against the accused, that although the verdict of the War Council was based on no competent evidence, it is nonetheless a historical fact that Andres Bonifacio had sought to set up a rival government in defiance of the Tejeros Government “Declaring the accused innocent of the crimes for which they were tried.”

Ang pasyang ito ay malinaw na patunay na kahit makalipas ang halos isang daang taon, maaari pa ring makamit ang hustisya, isang hustisyang ipinagkait ng mga taong sakim sa kapangyarihan at posisyon sa panahon ng Rebolusyon. Hindi maikakaila na si Andres Bonifacio ay itinuring na isang political threat, dahilan upang siya ay patahimikin sa marahas na paraan.

Si Andres Bonifacio ay 33 taong gulang lamang nang siya’y paslangin, habang ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio ay 23 taong gulang pa lamang. Sa kagubatan ng Maragondon, Cavite, walang habas na pinatay ang magkapatid, isang madilim na pahina sa kasaysayan ng bansa.

Hinangaan ng marami ang makasaysayang desisyon ni Justice Sarmiento sapagkat sa wakas, nalinis ang pangalan nina Andres at Procopio Bonifacio. Sa pamamagitan nito, muling itinuwid ng kasaysayan ang isang matagal na kawalang-hustisyang bumalot sa isa sa pinakadakilang bayani ng sambayanang Pilipino.

30/12/2025

Huling Paalam
(”Mi Ultimo Adios”)
ni Dr. José Rizal

sa salin ni G*t Andres Bonifacio 🇵🇭

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na p**a kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

26/12/2025

Jesus is the reason of the holidays' celebrations. Let peace, love & spiritual happiness be with everyone always. 🙏

08/05/2025

Bumoto ayon sa iyong konsensya:
Apat na klase ng konsensya ito ay ang:

*Tamang Konsensya
-ang iyong mga hakbangin ay naayon sa kaloob ng diyos at makabubuti sa iyong sarili at sa iyong kapwa

*Maling Konsensya
-tumutukoy sa mga maling pagpapasya na iyong nagawa o gagawin palang. Ang iyong mga desisyon ay hindi nakabubuti sa lahat.

*Tiyak na Konsensya
-mayroon kang mga basehan kung tama ba o mali ang iyong gagawin

*Di tiyak na Konsensya
-tumutukoy sa mga pagpapasyang di tiyak nangangahulugan na ikaw ay may pag aalinlangan sa mga gagawin mo o ikikilos dahil wala kang basehan

Source: https://philnews.ph/2020/12/16/ano-ang-konsensya-kahulugan-at-halimbawa-nito

07/05/2025

On May 12 (Monday)
"Do not withhold good for those who deserve it, when it is your power to act."
(excerpt from Proverbs 3:27)

Success Principles 18/10/2024

12 Success Principles
by: Dr. Sidney N. Bremer

Success Principles 12 Success Principles by Dr. Sidney N. Bremer.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila
1000