12/06/2026
๐พ๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐
โ
โNgayong araw, ating ginugunita ang Ika-128 Anibersaryo ng Opisyal at Pambansang Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Isang makasaysayang tagumpay na sumisimbolo sa katapangan, pagkakaisa, at walang humpay na pakikibaka ng mga Pilipinong tumindig para sa ating bayan.
โ
โKaugnay ng temang โ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง. ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง. ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง.โ, nawaโy magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na ang kalayaang ating tinatamasa ngayon ay bunga ng mga sakripisyo ng nakaraan. Dahil dito, tungkulin nating pahalagahan ang ating kasaysayan at gamitin ang mga aral nito sa paghubog ng isang mas maayos at makatarungang kinabukasan.
โ
โHuwag hayaang manatili lamang sa mga pahina ng kasaysayan ang diwa ng kalayaan. Isabuhay natin ito sa ating mga paninindigan at pagmamalasakit sa bayan.
โ
โSapagkat ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi nagtatapos sa paggunita sa nakaraan, kundi nagpapatuloy sa bawat pagkilos na humuhubog sa ating kinabukasan.
11/06/2026
๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ข๐ง๐ข, ๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฌ๐จ๐๐ง๐ข
Mula sa masusing pagsusuri at mainam na pagkilatis, dumating na ang araw na masisinagan ang bagong yugto na magpapakilala sa mga susunod na magtataguyod ng adhikain ng kapisanan at magpapatuloy ng mga nasimulan.
Bilang pagkilala sa kahusayan ng mga tumanggap ng hamon sa halalan, patunay ang bawat FL sa pamamagitan ng kanilang pagboto ang mga karapatdapat na mamuno at maging sandigan ng mga ka-FL.
Sikapin natin na maging gabay ang bawat isa upang maging saksi sa progresibong pagsulong ng organisasyon.
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa para maisakatuparan ang hangarin ng DAMLAY tungo sa pag-unlad ng samahan!
โ๐๐ข ๐๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐บโ
11/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐ก๐ฎ๐ง ๐๐๐ซ๐๐๐ง๐จ!
Sa araw na ito, nais naming ipagdiwang hindi lamang ang iyong kaarawan kundi pati ang iyong walang sawang dedikasyon at paglilingkod sa DAMLAY. Lagi kang handang magbahagi ng iyong talento, tumulong sa oras ng pangangailangan, at umalalay sa bawat gawain ng samahan nang may sipag at tiyaga. Tunay na kahanga-hanga ang iyong pagiging maaasahan at ang puso mong laging handang maglingkod para sa kapakanan ng lahat.
Kaya naman sa espesyal na araw na ito, hangad naming mapuno ka rin ng pagmamahal, saya, at pag-aarugang palagi mong ibinibigay sa iba. Nawaโy patuloy kang pagpalain, gabayan, at maging matagumpay sa bawat landas na iyong tatahakin.
Muli, maligayang kaarawan sa ating Kalihim โ G. Jhun Zarceno!
09/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Unang Bugso ng Botohan
May natitira pang oras para maipahayag ang inyong tinig at maging bahagi ng pagpili ng mga lider na magsisilbi sa ating kapisanan sa susunod na termino. Para sa mga hindi pa nakakaboto, bukas pa rin ang pagkakataon upang gampanan ang inyong responsibilidad bilang kasapi ng komunidad.
Huwag hayaang masayang ang pagkakataong ito. Ang bawat boto ay may halaga at maaaring maging daan sa mga pagbabagong nais nating makita para sa DAMLAY PUPโSta. Mesa.
Hanggang bukas, 11:59 ng gabi na lamang ang botohan. Kaya naman, suriin nang mabuti ang mga kandidato, pakinggan ang kanilang mga plataporma, at iboto ang mga pinaniniwalaan ninyong tunay na karapat-dapat mamuno at maglingkod.
Bumoto. Makilahok. Magpasiya. Para sa DAMLAY, para sa mga ka-FL, at para sa kinabukasan ng ating kapisanan.
โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ.โ
08/06/2026
๐ฆ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ถ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐บ๐ฎ, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ
Dumating na tayo sa panahong kinakailangan nating pumili ng mga lider na magsisilbing boses, lakas, at katuwang ng bawat mag-aaral. Maaaring mabigat ang responsibilidad na ito, ngunit hindi ito magiging mahirap kung pagbabatayan natin ang kakayahan, integridad, dedikasyon, at tunay na hangarin ng bawat kandidato na maglingkod sa kapisanan.
Sa pagbubukas ng botohan, nawaโy maging mapanuri at responsable tayo sa ating pagpili. Higit sa mga pangako at magagandang salita, suriin natin ang kanilang mga plano, prinsipyo, at kahandaang tumugon sa pangangailangan ng ating komunidad. Ang bawat boto ay may kakayahang humubog sa direksiyon ng ating organisasyon at sa kinabukasan ng mga programang magbibigay-serbisyo sa mga mag-aaral.
Dumating na tayo sa pagkakataong kailangan nating pumili, ngunit ito ay hindi magiging mahirap kung alam nating iboboto natin ang mga karapat-dapat na mamuno at maglingkod bilang mga opisyal para sa susunod na termino ng DAMLAY PUPโSta. Mesa. Gamitin natin ang ating karapatan nang may pananagutan, sapagkat sa ating mga kamay nakasalalay ang pagpapatuloy ng isang kapisanang may malasakit, pagkakaisa, at makabuluhang paglilingkod para sa lahat ng ka-FL.
โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ.โ
08/06/2026
๐ง๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐๐ถ๐!
Opisyal nang nagtapos ang panahon ng kampanya ng mga kandidato para sa susunod na termino ng DAMLAY. Sa mga nagdaang araw, naipahayag ng bawat kandidato ang kanilang mga adhikain, plataporma, at mga paninindigan para sa kapakanan ng kapisanan at ng mga mag-aaral ng BSEDFL. Naging daan ang kampanya upang mas makilala ng mga botante ang mga nagnanais mamuno at maglingkod sa susunod na akademikong taon.
Habang papalapit ang araw ng halalan, nawaโy magsilbing gabay ang mga naging talakayan, presentasyon, at pangako ng mga kandidato sa matalinong pagpili ng mga lider na tunay na magtataguyod ng interes at kapakanan ng bawat ka-FL. Ang pagtatapos ng kampanya ay hindi lamang hudyat ng pagtatapos ng pangangampanya, kundi simula rin ng responsableng pagdedesisyon ng bawat botante para sa kinabukasan ng DAMLAY.
โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ.โ
07/06/2026
๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ฃ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ง ๐๐๐๐๐ก๐, ๐๐๐๐๐ฆ-๐๐ข๐ข๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐จ๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ก๐!
Muli nating tingnan ang mga naging kaganapan sa Live Kampanya ng DAMLAY Eleksyon 2026 na nagpakita ng galing at kahandaan ng bawat kandidato. Kanilang ipinamalas ang mga natatanging husay sa pagsagot ng mga katanungan na sumisimbolo sa kanilang kahandaan upang tahakin ang panibagong yugto ng samahan.
Instrumento ito upang mapalalim ang pagkilatis at pagsusuri ng ating mga ka-FL kung sino ang karapat-dapat na iboto at ihalal nang sa gayon ay magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagbuo ng isang maayos na kolaborasyon at magsimula ng progresibong paglalakbay ang DAMLAY.
Panatilihin natin ang nagniningas na determinasyon upang itaguyod ang adhikain ng DAMLAY at patuloy na isapuso ang mga aral na siyang magiging gabay sa pagtahak ng lalakaran ng kapisanan.
Muli, pagbati at pagpupugay sa tapang at lakas ng loob na tanggapin ang hamon taglay ang diwa ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng organisasyon.
โ๐๐ข ๐๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐บโ
07/06/2026
๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ข!
Bilang bahagi ng kampanya na binubuo ng mga Tagapayo, Komelek, Kandidato, at mga ka-DAMLAY, ating tingnan ang mga handang tumindig at makipagsapalaran sa hamon ng DAMLAY Eleksyon 2026. Ito ay pagbibigay-kilala sa mga magiging bahagi ng bagong termino upang maging gabay sa pagpili ng mga ihahalala at pagbuo ng progresibong kinabukasan ng kapisanan.
Kaya naman, malugod naming ipinakikilala ang mga dumalo at tumanggap ng hamon sa DAMLAY Eleksyon 2026 live Kampanya! Buksan ang isipan, kilatisin nang komprehensibo ang bawat kandidato, at makialam sa mga usaping panlipunan.
โ๐๐ข ๐๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐บโ
07/06/2026
NGAYON | Live Kampanya 2026
Kasalukuyang ginaganap ng DAMLAY PUP Sta. Mesa ang Live Kampanya 2026 na pinagbuklod ng iisang layunin; ang kampanyang naging tanghalan ng pagmamahal sa wika, panitikan, kultura, at bayan. Hindi lamang ito pagpapakita ng talento kundi isang makapangyarihang pagpapahayag ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Bawat salitang binigkas ay nagpasigla sa kamalayang pambansa, at bawat galaw ay sumasalamin sa walang humpay na pakikibaka para sa pagpapanatili at pagpapayabong ng ating kultura at kasaysayan.
"Sa pagsikdo ng damdamin, kikibo ang malay"
06/06/2026
๐ฆ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐-๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐๐!
Walang kukurap at walang aatras, dahil magaganap na ang hinihintay na matinding pagkilatis sa mga tumanggap ng hamon. Kilalanin ang mga tumatakbo sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga plataporma, at pag-usisa sa kanilang paninindigan at adhikaing para sa ikabubuti ng kapisanan. Huwag itong palampasin dahil kasama kayo sa proseso ng pagpili kung sino nga ba ang karapat-dapat sa posisyon.
Kaya ngayong ika-7 ng Hunyo, sa ganap na alas-dos ng hapon, lubos naming inaanyayahan ang bawat ka-FL na tunghayan ang sagupaan ng talino sa pagsagot sa ilang isyu at paninindigan ng mga kandidatong iluluklok. Sa pamamagitan ng Zoom aplikasyon, tayo ay dumalo at makiisa sa kampanyang ito!
โ๐๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ฌ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ.โ