UST Sinagtala

UST Sinagtala

Share

The Official Theatre and Performing Arts Pioneer Organization of the UST Senior High School. � [email protected]

Photos from UST Sinagtala's post 09/06/2026

Handa ka na ba? Magsisimula na ang bagong X-sena! 👀✨

Taglay ang natatanging lakas at sinag na magbibigay-hugis sa susunod na kabanata ng Sinagtala, buong galak naming ipinapakilala ang mga bagong opisyal ng UST Sinagtala para sa Season 10! 🎭

Kasama ang mga bagong halal na opisyal, sabay-sabay nating bubuksan ang panibagong yugto ng Sinagtala, isang entabladong puno ng paglilingkod, pamumuno, at paglikha para sa Diyos, bayan, at sining. 📜





Kapsyon ni Jannina Malimban
Obra ni Daniella Manalo

Photos from UST Sinagtala's post 21/05/2026

Sa bawat eksena ng “Mga Bubog sa Ilalim ng Bubong,” nabuo ang mga alaala, damdamin, at kwentong sabay-sabay nating isinabuhay at iningatan. 🫂

Maraming salamat sa lahat ng nanood at sumuporta, ang bawat palakpak at presensya ninyo ang naging lakas ng aming pagtatanghal. ⭐️

At higit sa lahat, salamat sa mga aktor at sa mga taong nasa likod ng bawat ilaw, galaw, at eksena, kayo ang mga pusong bumuo sa kwentong ito! 🎭






Kapsyon ni Sophia Bugarin
Kuha nina Colleen Sto Domingo at Sophia Bugarin

Photos from UST Sinagtala's post 17/05/2026

Sa pagsinag ng liwanag, muling mabubuhay ang kuwento ng sining. 🌅

Mula sa dilim ay unti-unting mabubuksan ang mga kuwentong matagal nang itinago at mga damdaming naghahanap ng liwanag. 🌞

Makibahagi kasama ang UST Sinagtala sa pagtatanghal ng “Mga Bubog sa Ilalim ng Bubong” bilang bahagi ng ating huling pagdiriwang. ⭐️

📍 Room 1006
📅 May 18, 2026
🕤 Show 1: 9:30 AM – 11:00 AM
🕝 Show 2: 2:30 PM – 4:00 PM

📝 Mag pre-register sa link na ito:
https://forms.gle/D8pGLNcUkdcnK6iU6

Malugod namin kayong inaanyayahan silipin ang mga kuwentong mabubuhay sa entablado at maging bahagi ng aming Open House! 🏠






Kapsyon ni Kat Del Rosario
Obra nina Daniella Manalo at Cyrio Reyes

Photos from UST Sinagtala's post 03/05/2026

May mga katotohanang pilit pinapatahimik, ngunit may mga boses na patuloy na lalaban upang ito’y marinig. ✊

Ngayong Press Freedom Day, magsilbi sanang paalala na ang kalayaan sa pamamahayag ay kalayaan din ng bawat mamamayang malaman ang katotohanan. 📰

Ang “Naratibo ng Isang Estudyanteng Mamamahayag” ay kuwento ng laban, katotohanan, at boses na hindi kailanman dapat ikadena. 🗣️

“Naratibo ng Isang Estudyanteng Mamamahayag”
Isinulat nina Kassandra Elpedes, Charlotte Naga, at Safinah Regacho
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra nina Colleen Sto Domingo at Cyrio Reyes





Photos from UST Sinagtala's post 02/05/2026

Ang lakas ng isang bansa ay hindi lamang makikita sa gusali o lansangan kundi sa mga taong araw-araw na kumakayod upang maitayo ito. 🌾

Ngayong Labor Day, ating kinikilala ang pawis, tiyaga, at sakripisyo ng bawat manggagawa na walang sawang bumubuo sa ating lipunan. 🏗️

Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na bumabangon para sa bayan! 🇵🇭

Isinulat ni Queenzlie Reyes
Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra ni Colleen Sto Domingo





Photos from UST Sinagtala's post 01/05/2026

Sa bawat pag-ihip ng hangin, parang may bulong na gustong marinig, mga alaala na kahit hindi sabihin ay ramdam sa bawat galaw at bawat tingin. 🌫️

Ngunit darating ang araw na ang bigat ay hindi na lamang pasan, kundi magiging lakas, dahil ang bawat kwento ay may puwang na marinig at unti-unting maghilom. ❤️‍🩹

“Sampayan”
Isinulat nina Samantha Almazan at Mishka Lazo

Kapsyon ni Sophia Bugarin
Obra ni Colleen Sto Domingo







PAALALA: Ang sumusunod na teksto ay naglalaman ng sensitibong paksa na maaaring makaapekto sa ilang mambabasa.

Ang mababasa ay isang piksyunal na kuwento lamang ngunit maaaring nararanasan ng sinuman sa tunay na buhay.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Blessed Pier Giorgio Frassati Bldg
Manila
1015