23/06/2026
Letran Filipiniana Dance Company
The official premier folk dance group of Colegio de San Juan de Letran.
23/06/2026
18/06/2026
Maligayang Kaarawan, Jemrey! 🎉
Mula sa buong LFDC family, maraming salamat sa iyong dedikasyon, malasakit at pagiging isa sa mga taong nagbibigay ng saya at dedikasyon sa ating samahan. Sa bawat memories namin kasama ka, ramdam namin ang tunay na pagpapahalaga mo para sa LFDC. Nawa’y mapuno ng saya, tagumpay at pagmamahal ang iyong espesyal na araw.
12/06/2026
Sa araw na ito, ginugunita natin ang ika-128 anibersaryo ng pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.✨
Noong Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit ipinapaalala rin ng kasaysayan na ang kalayaan ay hindi agad naibigay o tuluyang nakamit sa araw na iyon. Kinailangan pa itong ipaglaban, pangalagaan, at patunayan sa paglipas ng panahon.📜
Hanggang ngayon, nananatiling mahalaga ang aral na ito dahil ang pagiging malaya ay hindi lamang tungkol sa nakaraan—ito rin ay tungkol sa pagpili ng katotohanan, pagiging mapanuri, at pagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Bilang mga mananayaw ng Letran Filipiniana Dance Company, patuloy naming isinasabuhay ang diwang ito sa pamamagitan ng pagpapayabong ng kulturang Pilipino. Sa bawat pagtatanghal, patuloy nating ipinapaalala na ang kalayaan at kultura ay mga pamanang dapat isalin sa susunod na salinlahi.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
151 Muralla Street
Manila