11/06/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ง๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ โ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ผ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐
๐ซ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐ค ๐๐๐ซ๐๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐ง๐ฌ ๐ข๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ก ๐๐ข๐ฏ๐๐ซ
Noong ika-10 ng Hunyo taong 1190, sa kasagsagan ng Ikatlong Krusada (Third Crusade), nalunod si Emperador Frederick I Barbarossa (naghari mula 1155โ1190) ng Banal na Imperyong Romano sa Ilog Saleph habang pinamumunuan niya ang kaniyang hukbo patungong Jerusalem. Bilang kasapi ng Hohenstaufen, nakilala siya sa bansag na *Barbarossa* o โPulang Balbas.โ
Bago siya lumahok sa Ikatlong Krusada noong 1189, kinilala si Barbarossa bilang isa sa pinakamakapangyarihang pinuno sa Europa. Bukod sa pagiging Emperador ng Banal na Imperyong Romano, nagsilbi rin siyang Hari ng Italya, Hari ng Alemanya (na noon ay nangangahulugan ding Hari ng mga Romano), at Hari ng Burgundy. Pinamunuan niya ang ilan sa mga kahariang ito mula 1152 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1190, o halos apatnapung taon.
Noong 1189, mahigit isang dekada matapos ang kaniyang hindi matagumpay na kampanya sa Italya, nakipagsanib-puwersa siya sa dalawa sa pinakatanyag na pinuno ng kaniyang panahon: si Philip Augustus ng Pransiya at si Richard the Lionheart ng Inglatera. Layunin ng tatlong monarko na pamunuan ang Ikatlong Krusada upang mabawi ang Jerusalem mula sa mga Muslim na pinamumunuan ni Saladin, na muling sumakop sa lungsod mula sa mga Kristiyano noong 1187.
Sa kasamaang-palad, bago pa man makarating si Frederick sa Banal na Lupain, nalunod siya sa isang ilog sa lugar na ngayon ay bahagi ng Turkiye. Ang kaniyang pagkamatay ay naging isang matinding dagok sa mga Crusader. Dahil nawalan ng pinuno, nagkaroon ng takot at kaguluhan sa hanay ng mga Aleman na sundalo sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Marami ang tumakas sa hukbo, at may ilan pang nagpakamatay dahil sa kawalan ng direksiyon at pag-asa.
Higit pa rito, dahil magkaribal sina Philip at Richard, nawala rin ang isang mahalagang tagapamagitan na maaaring nakapag-ayos ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan. Bilang resulta, ang nalalabing bahagi ng Ikatlong Krusada ay halos napasailalim sa pamumuno ni Richard. Bagamaโt nakapagtamo siya ng ilang tagumpay, nabigo pa rin ang pangunahing layunin ng krusadaโang muling mapasakamay ng mga Kristiyano ang Jerusalem.
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama
โ๏ธ: Alvin Barios
05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ช
๐๐๐๐ ๐ ๐ข ๐๐? ๐ค
Noong ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ฑ, ๐ญ๐ต๐ฒ๐ณ , nagsimula ang tinaguriang ๐ฆ๐ถ๐
-๐๐ฎ๐ ๐ช๐ฎ๐ฟ ๐ผ ๐๐ป๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ด๐บ๐ฎ๐ฎ๐ป sa pagitan ng Israel at ilang bansang Arab tulad ng Egypt, Jordan, at Syria. Isa ito sa pinakamabilis ngunit pinakamabigat na digmaan sa kasaysayan ng Middle East dahil sa loob lamang ng anim na araw, tuluyang nabago ang politika, hangganan, at relasyon ng mga bansa sa rehiyon.
Nagsimula ang digmaan matapos magsagawa ang Israel ng preemptive strike laban sa mga paliparang militar ng Egypt. Dahil dito, agad na humina ang kakayahan ng mga bansang Arab na lumaban sa himpapawid, dahilan upang mabilis na umabante ang hukbo ng Israel sa ibaโt ibang lugar. Sa pagtatapos ng digmaan, nasakop ng Israel ang Sinai Peninsula, Gaza Strip, West Bank, East Jerusalem, at Golan Heights.
Hindi lamang ito simpleng labanan tungkol sa teritoryo. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng milyun-milyong tao, lalo na sa mga Palestino na muling napilitang lumikas at mawalan ng tahanan. Mas lalong tumindi ang tensyon sa pagitan ng Israel at mga bansang Arab, habang lumakas naman ang panawagan ng mga Palestino para sa sariling pagkakakilanlan at kalayaan.
Nagwakas ang digmaan sa pamamagitan ng ceasefire na suportado ng United Nations at kalaunan ay nabuo ang UN Resolution 242 na nananawagan ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring isyung hindi tuluyang nareresolba tungkol sa lupa, soberanya, at karapatan ng mga mamamayan.
Ang Six-Day War na ito ay nananatiling isa sa pinakamahalagang kabanata sa kasaysayan ng Middle East dahil ang epekto nito ay patuloy pa ring nakikita sa kasalukuyang relasyon ng Israel, Palestine, at mga bansang Arab.
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama
โ๏ธ: Ryza Jezel Dio
04/06/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ง๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ โ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ผ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐จ๐ชน๐ช
Noong ika-3 ng Hunyo, sa bayan ng Humen sa Tsina, isang lugar na minsang naging sentro ng paglaban sa mapanirang kalakalan ng opyo, nagsimula ang mga pangyayaring nagbukas ng bagong kabanata sa kasaysayan ng bansa. Ang Humen ay hindi lamang isang simpleng bayan kundi isang simbolo ng pagtatanggol ng Tsina sa kaniyang soberanya at kapakanan laban sa lumalawak na impluwensiya ng mga dayuhang kapangyarihan. Noong panahon ng Unang Digmaang Opyo, naging malinaw ang tensyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang Kanluranin na naghahangad ng mas malawak na akses sa kalakalan. Ang tunggaliang ito ay hindi lamang usapin ng ekonomiya kundi usapin din ng kapangyarihan, impluwensiya, at pagkontrol sa direksiyon ng pandaigdigang kalakalan. Ang mga pangyayaring naganap sa Humen ay nagsilbing paalala kung paano maaaring baguhin ng mga desisyong pampolitika at pangekonomiya ang kapalaran ng isang bansa at ng mga mamamayan nito (CalendarZ, n.d.). ๐ณโโ๏ธ๐งจ
Makalipas lamang ang ilang taon, nilagdaan ng Estados Unidos at Tsina ang Treaty of Wangxia noong 1844, ang kauna unahang pormal na treaty sa pagitan ng dalawang bansa. Sa unang tingin, maituturing itong isang hakbang tungo sa mas malapit na pakikipag ugnayan at kooperasyon. Binuksan nito ang ilang daungan ng Tsina para sa mga mangangalakal na Amerikano at nagbigay ng mga karapatan sa mga mamamayang Amerikano na naninirahan o nakikipagnegosyo sa bansa. Gayunpaman, bahagi rin ito ng serye ng mga kasunduang nagbigay ng higit na kapakinabangan sa mga dayuhang bansa kaysa sa Tsina, dahilan upang maituring itong kabilang sa mga hindi pantay na kasunduan ng panahong iyon Ang Treaty of Wangxia ay naging mahalagang hakbang sa paglawak ng impluwensiya ng Estados Unidos sa Asya at naglatag ng pundasyon para sa mga susunod na diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. Ipinakita nito kung paano ginagamit ang diplomasya bilang kasangkapan hindi lamang para sa pagkakaunawaan kundi maging para sa pagpapalawak ng pambansang interes. Sa kabilang banda, naging bahagi rin ito ng mas malawak na karanasan ng Tsina sa pagharap sa mga dayuhang kapangyarihan sa ika 19 na siglo (Office of the Historian, n.d.). ๐๐ฃ
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kefu Reign Dacutanan
โ๏ธ: Asher Baroja
01/06/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐ผ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ฃ, ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ปโจ๐
Ang Pride Month ay isang makabuluhang pagdiriwang na nagbibigay-diin sa importansya ng pagkakapantay-pantay, pagtanggap, at pagrespeto sa karapatang pantao ng bawat bahagi ng makulay na komunidad ng LGBTQIA+.๐ Tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo, ipinapaalala nito ang makasaysayan at makulay nitong pakikibaka laban sa diskriminasyon, pang-aapi, at kung paano ang kanilang tapang ay nagbukas ng mas malawak na espasyo para sa kalayaan at pakilala. โ
Sumiklab ang Pride Month bilang paggunita sa Stonewall Uprising noong Hunyo 1969 sa New York City, kung saan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ay matapang na nakikibaka laban sa malalang diskriminasyon at pang-aabuso. Hindi malilimutan ng bawat bahagi ng komunidad ang makasaysayang kaganapan na ito dahil nagbigay-daan ito noong Hunyo 1970, para sa isang malawak at organisadong kilusan upang isagawa ang kauna-unahang Pride March bilang pag-aalala sa nasabing pag-aalsa. ๐๏ธ
Higit pa sa makulay na parada at masayang selebrasyon ang paggunita natin sa Pride Month, dahil ito ang nagsisilbing marka ng bawat isa na ang karapatang pantao ay para sa lahat. Ang magmahal, maging totoo sa sarili, at mamuhay nang walang walang takot mula sa lipunang ating ginagalawan ay siyang dapat natatamasa natin.
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ฃ! ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ! ๐๐๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐ ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ!โ ๐
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Lauren Abella
โ๏ธ: Arnela Mallari
30/05/2026
Ang Maestro ng Liwanag: Pag-alala kay Fernando Amorsolo โจ
Alam niyo ba na si Fernando Amorsolo ang kauna-unahang ginawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining? Mula 1892, ang kanyang pinsel ay nagsilbing saksi sa makulay na kasaysayan ng Pilipinasโmula sa ginto ng mga bukirin hanggang sa katatagan ng ating lahi matapos ang digmaan.
Higit sa sining, iniwan niya sa atin ang kakayahang makita ang liwanag at ganda sa gitna ng kapayakan. Ang kanyang mga obra ay hindi lamang nakasabit sa mga museo; ito ay nananatiling buhay sa ating pagkakakilanlan. ๐๏ธ
Kaya ang kaniyang ambag sa larangan ng sining ay talagang hindi malilimutan ng bawat estudyante at ng mga g**o na nagbibigay buhay sa mga iniwan niyang sining para sa bansa at sa mga Pilipino. Muli, Maligayang Ika-133rd na Kaarawan, Fernando Amorsolo๐ฅณ
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Rainiel Manansala
โ๏ธ: Arnela Mallari
28/05/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ง๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ โ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ผ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ
๐๐๐๐๐ง๐๐ญ๐ ๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ซ๐ฆ๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ค๐ ๐ค๐๐ฒ ๐๐ฅ๐ข๐ณ๐๐๐๐ญ๐ก ๐ ๐ข๐ฅ
Ang pagkatalo ng Spanish Armada noong 1588 ay itinuturing na isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Europa sapagkat hindi lamang nito napigilan ang planong pananakop ng Spain sa England, kundi nagbunga rin ito ng malawakang pagbabago sa balanse ng kapangyarihang pampolitika, panrelihiyon, at pandagat sa rehiyon. Sa ilalim ng pamumuno ni Philip II, inihanda ng Espanya ang isang napakalaking hukbong pandagat na binubuo ng humigit kumulang 130 sasakyang pandigma, na naglayong ihatid ang hukbo ni Alexander Farnese mula sa Flanders patungong Inglatera upang pabagsakin ang paghahari ni Elizabeth I, wakasan ang lumalakas na Protestantismo sa bansa, at pigilan ang patuloy na panghihimasok ng mga Ingles at Olandes sa mga interes ng Espanya sa Europa at sa mga kolonya nito sa Amerika. Gayunpaman, sa kabila ng lawak ng paghahanda at ng reputasyon ng Espanya bilang pangunahing kapangyarihang pandagat noong panahong iyon, hinarap ng Armada ang sunod sunod na suliraning estratehiko at operasyonal. Ang paghirang kay Alonso Pรฉrez de Guzmรกn bilang komandante, sa kabila ng kaniyang kakulangan sa karanasang pandagat, ay nagbunga ng kahinaang pamumuno sa isang ekspedisyong nangangailangan ng mabilis at mahusay na pagpapasya sa gitna ng digmaan.
Samantala, mahusay namang naorganisa ng Inglatera ang depensa nito sa pamumuno ni Charles Howard, katuwang si Francis Drake bilang Bise Admiral, kung saan pinakinabangan ng hukbong Ingles ang mas magagaan, mas mabilis, at higit na madaling imaniobrang mga barko upang paulit ulit na salakayin ang mas mabibigat na sasakyang Espanyol habang naglalayag ang mga ito sa English Channel. Ang kritikal na yugto ng labanan ay naganap noong gabi ng ika-28 ng Hulyo, 1588, nang magpadala ang mga Ingles ng walong fireships sa daungang kinalalagyan ng Armada sa Calais, isang taktikang nagdulot ng matinding kaguluhan sa hanay ng mga Espanyol at sumira sa kanilang organisadong pormasyon. Sinundan ito ng Battle of Gravelines noong ika-29 ng Hulyo, 1588, kung saan lalong napinsala ang Armada at napilitang umatras pahilaga. Sa huli, ang kombinasyon ng mahusay na estratehiya ng Inglatera, suporta ng mga kaalyadong Olandes, mga pagkukulang sa koordinasyon ng Espanya, at malalakas na bagyong sumalubong sa kanilang paglalayag pabalik sa Iberia sa paligid ng Scotland at Ireland ang tuluyang nagwasak sa malaking bahagi ng hukbong pandagat ng Espanya, kung saan mahigit isang katlo ng kanilang mga barko ang hindi na nakabalik.
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama
โ๏ธ: Asher Jade Baroja
27/05/2026
๐๐ถ๐ฑ ๐ฎ๐น-๐๐ฑ๐ต๐ฎ: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ง๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ
Sa bawat pagdiriwang ng Eid al-Adha, muling binibigyang-halaga ang diwa ng sakripisyo, pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa kapwaโmga pagpapahalagang hindi lamang mahalaga sa pananampalatayang Islam kundi maging sa paghubog ng isang makatao at makabuluhang lipunan.
Bilang paggunita sa dakilang handog ng pananampalataya ni Propeta Ibrahim, ang Eid al-Adha ay nagsisilbing paalala na ang tunay na paglilingkod ay nasusukat hindi lamang sa ating mga salita kundi sa kahandaang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Sa panahon ng patuloy na hamon sa lipunan, mahalagang pairalin ang diwa ng pagkakaisa at pag-unawa sa gitna ng ating pagkakaiba-iba bilang mamamayan.
Kaisa ng pagdiriwang na ito, ang PUP Social Studies Guild ay nakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdaraos ng isang makabuluhang Eid al-Adha. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa upang higit pang paigtingin ang paggalang sa kultura, pananampalataya, at karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Bilang mga mag-aaral ng Araling Panlipunan at mga magiging tagapagmulat ng lipunan, tungkulin nating itaguyod ang inklusibo, mapayapa, at makatarungang komunidad kung saan ang pagkakaiba ay hindi nagiging hadlang kundi tulay tungo sa mas malalim na pagkakaisa. Eid Mubarak!
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama
โ๏ธ: Kurt Morales
26/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Ngayong araw, sama-sama nating gunitain kasama ang ating mga kaibigang Muslim ang diwa ng pagkakapatiran at pagtulong sa kapwa. Isang paalala rin ito na ang pananampalataya ay nagsisilbing gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinagdiriwang ang Eid al-Adha bilang paalala ng pananampalataya, pagsunod, at malasakit sa bawat isa. โจ
Bigyang-pagpapahalaga at paggalang ang araw na puno ng pagbabahagi, pasasalamat, at pagninilay sa tunay na kahulugan ng sakripisyo at pagkakaisa. Nawaโy magsilbing inspirasyon ito upang higit pang mapalalim ang ating pag-unawa at pakikipagkapwa. Eid Mubarak sa ating lahat! ๐ค
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Kyla Mariz De Rama
โ๏ธ: Stacey Kimberly Adriano
26/05/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ง๐๐ก, ๐๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ผ๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ โ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ผ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ
๐๐๐๐๐ง๐๐ญ๐ ๐๐: ๐๐ข๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ โ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐
Sa loob ng halos tatlong daang (300) taon ng pamumuno ng dinastiyang Romanov, magwawakas ito sa ilalim ni Tsar Nicholas II, na kilala rin bilang Nikolay Aleksandrovich. Nagsisimula ang kanyang pamumuno sa Rusya noong 1894, ngunit sa paglipas ng panahon ay humihina ang tiwala ng mamamayan dahil sa mga suliraning pampulitika, kahirapan, at pagkatalo ng bansa sa Japan sa Digmaang RussoโJapanese War.
Noong 1917, sa gitna ng nag-aalab na Rebolusyong Ruso, nagbibitiw siya sa trono, na nagtatapos sa mahigit tatlong siglong pamumuno ng Romanov. Pagkaraan nito, dinadakip at pinapatay siya at ang kanyang pamilya ng mga Bolshevik noong 1918, na nagbubukas sa bagong yugto ng Sobyet Rusya.
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ: Poga Tenorio Reyes
โ๏ธ: Angelo A. Albao
26/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐, ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก!
โ๐
Isang mainit na pagbati at pagsalubong sa mga bagong iskolar ng bayan! Ang inyong paggiting at husay ang nagdala sa inyo rito sa lunduyan ng karunungan at pag-asa.๐ฅ
Ang pagiging Iskolar ng Bayan ay hindi lamang isang titulo ng karangalan, kundi isang habambuhay na panataโpanata na gamitin ang talino, talento, at kakayahan para sa paglilingkod sa sambayanan.๐
Kaisa ninyo kami sa pagsisimula ng inyong makasaysayang kwento. Ika nga, Mula Saโyo, Para sa Bayan! Welcome home, FreSShies!๐ซ
๐บ๐ผ๐ด๐ผ๐บ๐ผ๐ณ๐ถ๐ต๐ฎ, ๐บ๐ผ๐ด๐ฐ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ๐ณ, ๐จ๐น๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ต๐ณ๐ฐ๐ท๐ผ๐ต๐จ๐ต!
๐ผ๏ธ&โ๏ธ: John William Bernal