Rookie Trader

Rookie Trader

Share

โ€œStop losses, bad calls, confessions and the lessons they bring.โ€ "Warning: Rookie trader at work.

Expect bad calls, good lessons, and the occasional market heartbreak."

22/05/2026

Hi Ka-Rookie!

Hindi ko alam paano mag-explain why I didn't update my blog here. Na-busy in real life problems, family, self and those in-betweens. But I am still trading live and Demo accounts. Nope, I am not quitting in my trading journey.

Right now, I've been focusing a lot of my energy sa family, work, trading and health ko. Aaminin ko, super stressful ang mga past months dahil na rin sa mga responsibilities and obligations. Meanwhile, kahit ganun ang nangyayari, hindi ko naman pinapabayaan mag-suffer yung pag-aaral ko as a rookie trader.

Right now, I want to post something I learned from my community. Inaapply ko yung turo sakin ni mentor and syempre adjust-adjust na din kung paano mas magiging effective based on what I see in my TA and in my past data.

As you can see in the chart, I took the trade in my buy zone right after makakita ako ng engulfing candle. Then isa din sa confluences na nakita ko is yung iFVG (bearish fvg turned bullish) that's why i called the shots.

EP = 4504
SL = 4498
TP = 4517

Marami pa akong dapat matutunan and una na dun eh yung pagiging patient and pagiging disiplinado na makasunod palagi sa plano.

Yun lang mga ka-Rookie. I hope hindi ka din gumi-give up sa pagiging trader mo. Kaya mo yan. Kaya natin yan! :)

08/03/2026

Hello mga Ka-Rookie like me!!

Tagal ko di nakapag-update dito sa mini-blog ko about my trading journey. Lately kasi I've been contemplating about my life. Yung tipong nagkasabay-sabay lahat ng dapat "unahin" kaya di ko tuloy alam kung ano yung need ko pagtuunan nang pansin.

Short story lang... I am working as a publisher, lead gen and working din to get backlinks (seo). Then ayun nga, lahat ng need ayusin sa work para ma-automate ko na at yun kasi ang need namin gawin sa work, so yun ang pinaglaanan ko ng most time pero di ko naman pinapabayaan ang mag-trading pa rin, DEMO mode lang kasi ayoko nadi-distract kapag nagti-trade ako tapos kasabay yung work, ang tendency nakakataranta ๐Ÿ˜† so to make the story short, mas pinaglaanan ko ng focus muna yung paggawa ko ng sarili kong AI Agent para mas mapabilis yung work processes ko.

Pero last days nitong week, I was studying yung scalp strategy na nakita ko sa YT kaso on my end today, parang naging super long scalp nangyari ๐Ÿ˜…... Sinusubukan ko sya kagabi and till now, and okay naman yung back testing and maganda na din naman yung process niya.. Need ko lang kumbinsihin sarili ko na mag-live trade tomorrow para tignan if ano magiging "actual feeling" kapag may kasama nang risk or "real money"... Till now, tine-test ko pa rin pero sa BTCUSD pair kasi yun lang available ng weekend trading e. Tomorrow try ko to sa Gold and update ko na din experience ko.
TP HIT ko na yung setup ko kanina. Inabot din nang halos 4 hours bago na-TP. Pero all in all, okay naman yung kinakalabasan.

O sya, dito na muna. Update update na lang kapag umokey sa time. See you at the top, Rookies! :)

23/02/2026

TP HIT @ 5205.52

Posting it here para di ko makalimutan na okay yung TA ko this day mga ka-Rookie. Keep making yourself better. Walang susuko para maging disciplined trader.

18/02/2026

Hi ka-Rookie,

Here's my setup kanina sa price movement ni Gold. Glad I was able to have a good setup para ma-capture yung galaw niya. Alam niyo naman movement ngayon so slow and laging chop out. Anyway, gusto ko i-post dito para lang mapalakas ulit yung loob ko. Last week lagi kasi akong SL and hindi ako nakakapag-update dahil nabusy at nawala yung confidence.

Meron pala talagang winning streak and losing streak noh? Haaay... pero at least kapag na-SL hindi na ako nabbwisit. I learned to accept that losing is part of life in general. So in trading, ganun din. Hindi laging panalo. And from that realization, mas magaan na yung pag entry and pag-trade.

Hindi ako titigil maging isang student sa trading. Kasi alam ko darating ang araw magiging worth it din lahat ng mga SL's na yan. :)

13/02/2026

Hi Ka-Rookie!

I wasn't able to make a post here. Alam niyo naman, medyo busy. However, I am still trading. Wala yata ako nasi-share significantly today para sa trading journey ko.

Last week, ang alat ng trading para sa akin siguro dahil na din activated pagiging FOMO ko. :( Ewan ko ba sa saril ko bakit hindi ko maalis sa sistema ko yung ganitong bad habit kaya imbis na panalo na, natatalo pa.

I hope mga ka-Rookie, kahit na naiisipan natin na parang walang nangyayari sa trading natin, huwag niyo pa rin tigilan sumubok ng sumubok and what I mean by that is yung sumusubok ka with proper TA, proper risk management pa rin. Yun lang naman ang magpapanalo sa trades na sinimulan mo e. huwag niyo ko gayahin, laging napapa-FOMO. Sisimulan ko ulit sa sarili kung bakit nagiging ganito na naman habit ko.

O sya ka-Rookie, update update na lang ulit. Be always 1 percent better than before. Ciao! ;)

05/02/2026

Hi ka-Rookie!

share ko lang, na-SL ako kanina.. Ang liit pa naman ng fund ng account ko, at oo, nag-live trading na namana ako para mabawasan tong pagiging ewan ko.. (diba nga, learning is by doing) Grabe galawan ng price ni Gold ngayon pang malakihang account e. Kung maliit account mo and wala ka proper risk management, sunog na sunog ka. huhuhuh...

Anyway, move on na ko sa SL ko. Hindi na ganun ka-sakit pero medyo asar talo lang ako kasi na-liquidity grab yung setup ko kanina. haarharr...

Musta naman kayo ka-rookie? I hope you're doing well.

O sya, hanggang dito na lang muna, tutulog pa ko. ;)

03/02/2026

Good Eve, ka-Rookie!

I wanted to share here kung ano napulot ko na knowledge sa meeting kanina with Coach. Sabi niya and nag-resonate sa akin din na hindi dapat pinagtatawanan lang ang SL hit o yung na stop loss kasi mali setup, tapos ginagawan pa nang meme para matawa ang sarili or yung iba. Dapat kapag na-SL, kapag natawa ka sa kamalian mo dapat tanungin mo din bakit na-SL... yun ang tamang ugali if you want to become a disciplined trader. diba?? Oo nga noh, mas okay na tinatanong natin yung sarili natin kung bakit tayo na-stop loss (and for the longest time, okay lang at okay na okay ma-SL para protektado pa rin ang capital). Bakit hindi gumana yung TA.

Tapos yung isa pang bumabagabag sa loob ko is yung natatakot akong mag-trade kahit na nagpo-profit naman na yung trading account ko. Sabi ni coach nasa "BREAKTHOUGH ERA" na daw ako. Meaning to say, hindi ako sanay na laging profit kasi yung past ko is expected ko na lagi lang BE or SL. So ayun, nasagot na yung agam-agam ko sa sarili (agam agam?? hahaha sorry lalim ng tagalog) na okay lang pala makaramdam nang ganito, part pala ito ng "becoming a trader" ko. hehe la lang.. natauhan ako dun.

Nag-share lang ako guys para pag nabasa niyo ito at nandito na din kayo sa ganitong dilemma eh hindi kayo mawalan ng tiwala sa sarili or hindi kayo tumigil sa pagiging trader.

Salamat at Good Eve and Good night ka-Rookie! :)

29/01/2026

๐—œ๐—ณ, ๐˜๐—ผ ๐˜†๐—ผ๐˜‚, โ€œ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ดโ€ ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐˜†, ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ.

Because real trading is repetitive, slow, and uneventful.

If you need excitement, constant action, or adrenaline, youโ€™ll force trades that arenโ€™t there. Thatโ€™s when boredom turns into impatience, impatience turns into overtrading, and overtrading turns into blown accounts.

Profitable traders spend most of their time waiting. Waiting for price to reach levels. Waiting for confirmation. Waiting for nothing to happen. The money is made in the waiting, not in the clicking.

The moment you try to make trading โ€œfun,โ€ the market punishes you. Hard.

Boring means:

You followed your plan
You didnโ€™t overtrade
You didnโ€™t chase candles
You protected capital

Excitement is for casinos.
Trading rewards discipline, not dopamine.

If boredom makes you uncomfortable, the market will happily take advantage of that.

-ROOKIE TRADER

29/01/2026

Current setup for the price movement of gold.

EP = 5481.00
SL = 5436.00
TP = 5582.04

I'll update this one ka-Rookie once ma-trigger niya ang SL or ma hit ang TP.

DISCLAIMER: This is for educational purposes only. Please trade safely and ensure you have proper risk management in place.

28/01/2026

TP HIT @5295.00

Share ko lang ka-Rookie. I switched ulit from live trading to Demo kasi I felt like I'm not being a trader but a die-hard gambler. :(

Iba epekto sa akin kapag nawiwili ako sa trading. Is it just me? or may naka-experience na rin ng ganito sa mga traders. I know sobrang layo ko pa na maging disciplined trader kaya ngayon pa lang ine-evaluate ko na yung naging trading habit ko. I was able to make profits this January. Ang bilis-bilis lang as in.. kaya siguro naging ganito mindset ko. Haaay.. Ang hirap pala talaga lalo na kapag alam mo sa sarili mo na kayang-kaya mo mag-setup ng magagandang trades kaya ang ending nagiging greedy (ganito ako the past weeks.. as in!!!)

Kaya ang ginawa ko, I withdraw my funds at nilagay ko ulit sa savings account ko then nag-Demo account ulit para hindi ako ma-tempt mag-trade ng wala sa wisyo. Natatakot ako sa sarili ko, sana madisplina ko yung sarili ko.

To more discipline trades mga ka-Rookie.

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila
1015