Sangay Bigkasan - Kadipan PNU

Sangay Bigkasan - Kadipan PNU

Share

Ang Sangay Bigkasan ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) sa Pamantasang Normal ng Pilipinas ang sangay na lumilinang sa lahat ng uri ng pagbigkas.

16/06/2026

๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”, ๐—›๐—จ๐—ž๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”!!

Ang Sangay Bigkasan ay kaisa sa naniniwala na ang mga manggagawa ay isa sa nangunguna at dapat namumuno sa atin. Umulan man o umaraw, patuloy na kumakayod ang manggagawang Pilipino hindi para lamang sa kanilang sarili at pamilya, kundi para din sa masa. Kaya naman kahit tapos na ang araw ng paggawa, araw-araw na dapat kilalanin ang kanilang lakas at sakripisyo, at makiisa sa kanilang panawagan, mula sa pagtaas ng sahod, pagtigil sa kontrakwalisasyon, at nakabubuhay na mga benepisyo.

Kaya naman, hatid ng Sangay Bigkasan ang isang kwentong maglalapit sa ating puso sa buhay ng manggagawa, at mag-iiwan sa atin ng aral.

Sabay-sabay nating abangan ang samang-samang dedikasyon ng miyembro ng sangay na nagsilbing instrumento upang bigyang boses ang ating manggagawa at maipaabot ito sa madla.

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—›๐—”๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—ก๐—œ๐—ก๐—”::
Reymundo Mamanao
Pixie Palomar
Amon Luberia

๐—•๐—œ๐—ก๐—œ๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—”::
DJ: Jerold Dalida
TATAY MARIO: Jerald Magpoot
NANAY ANNA: Cathlyn Paghiligan
ELLA: Janelle Isiang
MANGGAGAWA KIKO: Vince Magon
FOREMAN: Lance Miranda
PRINCIPAL: Alexa Mupas
TINDERA: Ayessha Ricablanca

๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—œ๐—ก๐—”:
Ivan Samonteza
Precious April Antonio

๐‹๐š๐ ๐ข'๐ญ ๐ฅ๐š๐ ๐ข, ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ, ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ.

โœŠ๐Ÿ”ป

โ€Ž๐ƒ๐ˆ๐’๐‚๐‹๐€๐ˆ๐Œ๐„๐‘: We hereby declare that we do not own the rights to the music or song used in this content. All rights belong to the rightful owners. No copyright infringement intended.

12/06/2026

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong araw, hindi lamang natin ginugunita ang paglaya ng ating bayan mula sa pananakop. Ginugunita rin natin ang patuloy na laban para sa tunay na kalayaan. Kalayaang magsalita nang walang takot, mamuhay nang may dignidad, at mangarap nang hindi hinahadlangan ng kahirapan, katiwalian, at kawalang-katarungan.

Ngayong araw, kasama ang ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป sa pag-alala ng patuloy na pagtindig ng mga Pilipino laban sa patuloy na korapsyon, panlilinlang, kahirapan, at iba pang mga isyung panlipunan.

Mahigit isang siglo na ang lumipas mula nang iwagayway ang ating watawat bilang sagisag ng kasarinlan, ngunit nananatiling buhay ang diwa ng kalayaan sa bawat mamamayang handang manindigan para sa katotohanan at kapakanan ng bayan. Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang ipinagdiriwang, ito ay patuloy na ipinagtatanggol.

๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด. ๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ!

๐‘†๐‘ข๐‘š๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ก. ๐ต๐‘ข๐‘š๐‘–๐‘”๐‘˜๐‘Ž๐‘ . ๐‘€๐‘Ž๐‘”๐‘š๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ก

Inilathala ni โœ๐Ÿผ: John Patrick Lacson
Sa pag-aanyo ni ๐Ÿ–ผ: Precious April Antonio

Photos from Sangay Bigkasan - Kadipan PNU's post 12/06/2026

๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ, ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ! โœŠ๐Ÿผ

Nakikiisa ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan, kabilang ang Pamantasang Normal ng Pilipinas, sa mga pagkilos sa lansangan kasabay ng pagdiriwang ng ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-12 ng ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ upang ipanawagan ang patuloy na pagtatanggol sa kalayaan at demokrasya.

Mula sa lansangan, ipinahayag ng mga mag-aaral kasama ng iba't ibang sektor ang kanilang pagtindig sa mga isyung panlipunan at pambansa, na binibigyang-diin na ang diwa ng kalayaan ay hindi lamang ginugunita kundi aktibong ipinaglalaban at pinangangalagaan. โœจ

๐‘บ๐’–๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’•. ๐‘ฉ๐’–๐’Ž๐’Š๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’”. ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’•.

Photos from Sangay Bigkasan - Kadipan PNU's post 05/06/2026

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™œ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ง๐™ช๐™–๐™ฃ๐™œ 2026 - 2027 โœจ

Noong isang araw, ika-3 ng Hunyo, ginanap ang eleksyon ng sangay Bigkasan ng KADIPAN kung saan nagpakitang gilas ang mga tumatakbo sa pagsagot ng mga tanong na inihain ng nagdaang pamunuan. Kaya't narito ang opisyal na tala ng mga nanalong medyor na magsisilbi sa sangay sa bagong taong panuruan.

Gayunpaman, magkakaroon ng isang espesyal na eleksyon para sa mga bakanteng posisyon.

Pagpupugay sa bagong pamunuan! At syempre, pagpupugay din sa masikhay na nagdaang pamunuan ng sangay! โœŠ๐Ÿผ

๐“ข๐“พ๐“ถ๐“พ๐“ต๐“ช๐“ฝ. ๐“‘๐“พ๐“ถ๐“ฒ๐“ฐ๐“ด๐“ช๐“ผ. ๐“œ๐“ช๐“ฐ๐“ถ๐“พ๐“ต๐“ช๐“ฝ.

Inilathala ni ๐Ÿ–‹: Oliver Dela Cruz
Sa pag-aanyo ni ๐Ÿ–ผ: Irene Mariano

20/05/2026

๐‘ฐ๐’‡ ๐‘ฐ ๐’˜๐’†๐’“๐’† ๐’š๐’๐’–, ๐‘ฐ'๐’… ๐’„๐’‰๐’๐’”๐’† ๐’Ž๐’†... ๐Ÿ‘€

Yes, pinipili ka namin sa araw na ito ๐™…๐™–๐™ฃ๐™š๐™ก๐™ก๐™š, para batiin ng isang ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ! ๐Ÿฅณ

Patuloy kang maging liwanag sa iyong mga kaibigan at kasama sa sangay. Hangad namin ang iyong maayos na kalusugan at masustansyang paglayag sa rurok ng kaligayahan! ๐Ÿซถ๐Ÿผ

Muli, mula sa ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ž๐™œ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ, ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ! โœจ

06/05/2026

๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ - ๐—ฃ๐—ก๐—จ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—บ

Mariing tinututulan ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) ang panukalang pagtapyas sa mga kurso sa ilalim ng General Education (GE) naglalayong baklasin ang 36 units tungo sa 18 units o katumbas na lamang ng anim na kurso sa kolehiyo. Kaugnay din nito ang polisiya ng Commision on Higher Education (CHED) na CMO blg. 20 noong 2013 na nagpaliit din sa espasyo ng GE at nagtanggal sa Filipino at Panitikan bilang mandatoryong kurso. Litaw sa panukalang ito ang sapilitang pagpapanipis ng estado sa papel ng wikang Filipino at mga asignatura sa ilalim ng Humanidades at Agham Panlipunan na humuhubog sa pambansang pagkakakilanlan at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral at hahamon sa mga katiwalian na nangyayari sa lipunan.

Ngayong laganap na ang fake news, korapsyon, at kawalan ng pananagutan, ang pagbabawas sa mga kursong humuhubog sa historical imagination at civic consciousness ng mga mag-aaral ay isang krimen na pagkukulang sa tungkulin ng estado. Ang layuning gawing "industry-responsive" ang kolehiyo ay pag-amin na nais gawing pabrika ng mga manggagawa ang pamantasan sa halip na lunsaran ng malayang kaisipan. Ang pagbabasa sa GE bilang "duplication" o "excess units" ay isang insulto sa talino ng bawat Pilipino. Higit pa rito, kinikilala ng kapisanan na ang panukalang ito hindi lamang administratibong desisyon ng CHED, kundi isang sistematikong pag-atake na pinamumunuan ng mga puwersang pampulitika sa ilalim ng EDCOM II.

Mariing tinututulan ng KADIPAN ang framing ng EDCOM II na naglalarawan sa ating edukasyon bilang โ€œGE-heavy, internship-light.โ€ Ang ganitong lengguwahe ay hindi neutral; ito ay isang mapanganib na ideolohiya na itinuturing ang sining, kasaysayan, at pilosopiya bilang mga sagabal sa halip na pundasyon ng pagkatao. Kayaโ€™t naniniwala ang kapisanan na ang pagtapyas sa mga kursong GE ay nakaugat din sa malalim na usapin sa wikang pinapaboran ng estado at pinapayagang maging daluyan ng pag-iisip ng mga mag-aaral. Kakambal din nito ang hangganan ng pinapayagan ng pamahalaan kung saan lamang iiral ang kamalayan ng mga Pilipino sa edukasyon. Lantad ang layunin ng estado na gawing mangmang ang mga Pilipino upang manatili ang mga burukrata-kapitalista sa gobyerno.

Hindi ito hiwalay sa mas mahabang kasaysayan ng pandudusta sa wika dahil sa mga polisiyang ipinatupad. Bukod sa CMO blg. 20, kaugnay rin dito ang pagbura sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na hakbang sa paglayo ng sistema sa ugat ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika bilang pundasyon ng pagkatuto. Ang pagbawas ng mga kursong GE ay nagpapatuloy sa parehong lohika; unti-unting binabawasan ang mga espasyo kung saan ang mga asignatura sa ilalim ng Humanidades at Agham Panlipunan na siyang konektado rin sa wikaโ€”ang Filipino at iba pang katutubong wikaโ€”ay ginagamit hindi lamang sa komunikasyon, kundi sa pagbuo ng kaalaman at kritikal na pag-iisip.

Sa ilalim ng kasalukuyang borador ng kurikulum ng GE, ito ay binubuo ng 15 units para sa core at mandated courses, habang 3 units naman para sa Institutional GE; ang Professional Communication, Global Trends and Emerging Technologies, Data, Evidence and Ethics in a Knowledge Society, Rizal and Philippine Studies, at Labor Education. Nauna pang magpanukala ng hindi maka-Pilipinong polisiya kaysa dagdagan ang pondo sa edukasyonโ€”sa mga pamantasan na umaaray dahil sa limitadong espasyo at kagamitang pagkatuto. Dagdag din dito ang matagal ng panawagan ng mga g**o sa nakabubuhay na sahod. Sa pagbabawas ng kursong GE, kasabay rin nito ang banta sa kawalan ng trabaho ng mga g**o dahil mababawasan din ang ituturo.

Tinatabunan ng panukalang ito, ang mga problemang dapat na solusyonan at ang mga asignaturang lumilinang sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang etika ay hindi inaalis sa larangan, na ngayon ay isinisingit na lamang sa mga kursong nakasentro sa datos at sistema. Samantala, ang pag-unawa sa lipunan ay nalililimitahan sa mga abstraktong paksa gaya ng โ€œglobal trends,โ€ na hindi nakaugat sa lokalisadong karanasan ng mag-aaral. Pabor at pokus lamang ng pagkatutong isinusulong nila ang mga teknikal na kasanayang gagawing makinarya ang mga Pilipino na ang tanging layon ay hubugin ng mga mamamayan na maglilingkod sa dayuhan at hindi sa sariling bayan.

Mula rito, makikita ang litaw na pagkiling sa neoliberal na edukasyon ng sistema kung saan ang halaga ng pagkatuto ay sinusukat sa kakayahan nitong tugunan ang pangangailan ng merkado. Sa ganitong porma, ang mga kursong nakatuon sa pag-aaral ng sariling wika at Humanidades at Agham Panlipunan tulad ng Pilosopiya, Etika, Sining, at iba pang mga kursong GE ay itinuturing na sagabal sa pagsandig sa kolonyal na edukasyonโ€”ginagawang makinarya ang pagkatuto upang magluwal ng mga Pilipino na magsisilbi sa ibang bayan.

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐—˜ ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜€ ๐—พ๐˜‚๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—š๐—˜ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป. ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Hamon sa mga g**o at mga mag-aaral na Pilipino na tasahin at bakahin ang mga polisiyang ipinatutupad ng estado nang walang tiyak na layunin sa pagpapaunlad ng sariling atin. Patuloy na pagyamanin ang sariling wika, kultura, at identidad na magpapatibay sa lipunan natin upang bumalikwas sa nakagapos na sistemang ang dayuhang bayan ang nakikinabang.

PARA SA DIWA, PANITIK, AT KARAPATAN NG BAWAT MAG-AARAL AT G**O! IPAGLABAN ANG SIYENTIPIKO AT MAKA-MASANG EDUKASYON!

Photos from Sangay Bigkasan - Kadipan PNU's post 02/05/2026

"๐‘ผ๐’“๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚, ๐’‰๐’–๐’Œ๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚!" โœŠ๐Ÿผ

Sa paggunita kahapon ng Araw ng mga Manggagawa, saksi at kaisa sa pagsigaw ang ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป sa isinigawang pagkilos ng multisektoral na grupo, upang iparating ang panawagan para sa nakabubuhay na sahod, pagkundena sa gyerang agresyon ng US-Israel sa West Asia, pagtanggal sa value-added at excise tax, korapsyon, at karahasan sa ilalim ng pamununo ni Marcos Jr.

๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ขโ€”
๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข.
๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด,
๐˜•๐˜ข ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด.

๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช,
๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช.
๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ,
๐˜ˆ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช.

Sa gitna ng patuloy na hamon sa kabuhayan, sahod, at karapatan, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng uring manggagawa sa pag-usad ng lipunan. Hindi lamang ito araw ng pag-alala, kundi araw ng pagkilos para sa makatarungang pasahod, disenteng trabaho, at makataong kondisyon sa paggawa. โœจ

Mga litratong kuha ni ๐Ÿ“ท: Angel Barrameda at TTP
Inilathala nina โœ๐Ÿผ: Amon Jotham Luberia at Oliver Dela Cruz

29/04/2026

๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’•, ๐’ƒ๐’–๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’”๐’‚๐’Œ ๐’”๐’‚ ๐’๐’–๐’‘๐’‚, ๐’๐’‚๐’‘๐’‚๐’…๐’‘๐’‚๐’… ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’Š๐’๐’‚.... ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ?!? ๐Ÿ‘€

Ngayong araw masaya naming ginugunita ang araw ng pag-iral ng aming tagabalita na tila isa sa mga Charlie's Angels, walang iba kundi ang napakasipag na si Oliver.

Masaya kami maging bahagi ng iyong pagsibol sa loob ng ating sangay. Nawa'y patuloy ang iyong paglipad tungo sa mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sa'yo.

๐‘ด๐’–๐’๐’Š, ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’š ๐‘ฉ๐’Š๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’, ๐’Ž๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐‘ถ๐’๐’Š๐’—๐’†๐’“ ๐‘ซ๐’†๐’๐’‚ ๐‘ช๐’“๐’–๐’›!!

18/04/2026

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐‘ท๐’“๐’†๐’„๐’Š๐’๐’–๐’” ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰

Maligayang pagbati! ๐ŸŽ‚โœจ Ang araw na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng iyong kapanganakan, kundi pagkilala rin sa patuloy mong pagyabong bilang isang kahanga-hangang taoโ€”punรด ng saya, lakas, at inspirasyon.
Sa iyong espesyal na araw, dalangin namin ang walang kapantay na kaligayahan, tagumpay na walang hanggan, at mga pangarap na patuloy mong maaabot. Nawaโ€™y manatili kang liwanag sa mga taong nakapaligid saโ€™yo at patuloy na magbigay ng good vibes saan ka man magpunta. ๐Ÿ’–
Padayon, at manatiling tunay sa sarili! Buong puso kang binabati ng mga taong nagmamahal saโ€™yo. Enjoy your day at sulitin ang bawat sandaliโ€”dahil deserve mo ang lahat ng saya sa mundong ito! ๐ŸŽˆ๐ŸŽŠ๐Ÿ”ฅ

10/04/2026

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐‘ฑ๐’†๐’“๐’‚๐’๐’… ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’๐’๐’•! ๐ŸŽ‰

Sa araw na ito, nais kang batiin ng Bigkasan sa isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa pagiging isang aktibong miyembro ng sangay at inspirasyon sa maraming tao. Isa kang taong may kakaibang dedikasyon at sipag.

Nawaโ€™y ang bagong taon ng iyong buhay ay mapuno ng mas marami pang pagkakataon, tagumpay, at masasayang alaala. Huwag mong kalimutang magpahinga rin at i-enjoy ang bawat sandali, dahil deserve mo ang lahat ng magagandang bagay na darating saโ€™yo.

Muli, maligayang kaarawan saโ€™yo, Jerald! Nandito lang kami palagi na sumusuporta at naniniwala saโ€™yo. ๐ŸŽ‚

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Taft Avenue
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm